Chapter XIX

1.8K 94 17
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS






Deja vu...







Yan lang ang tanging natakbo sa isip ko ngayon. Para kaming bumalik sa nakaraan kung saan nagpaalam ako sa kanya.

Ang kaibahan lang, anak na talaga namin ang pinagmamasdan namin ngayon.

Sadyang napaka malas ko nga lang talaga at hindi man lang dininig ng Maykapal ang dalangin ko.

Halos magkakalahating minuto na din ang lumipas at hanggang ngayon, ni kumusta hindi namin maitanong sa isa't isa.

Ganito ba talaga ka-awkward sa feeling? Kapag kasama mo na yung dating minahal mo? Kung oo, super awkward na nito at gusto ko ng umalis sa kinasasadlakan ko ngayon, sa totoo lang. Jusko.

Bigla naman siyang tumikhim dahilan para mas lalo akong kabahan. Ito na. Magsisimula na siya.

Parang awa niyo na, gabayan niyo po ako. Please lang. 

"What's her name?" She finally asked, still looking at our daughter.

I gulped hard and inhaled deeply. "River." Kahit nag-aalangan, nagawa ko parin siyang tingnan. Ibang klase din talaga ang babaeng 'to. Parang hindi man lang nadagdagan ang pagtanda niya. Wala parin siyang kakupas-kupas.  "River Christine." Pagtatapos ko.

She nodded slowly. "She's my daughter." She met my gaze. "Right?"

Mabilis akong napa-iwas ng tingin sa kanya at tinuon na lang ang pansin sa anak kong tahimik na naglalaro ngayon sa swing habang may kain kain na pop corn.

Parang basag kasi si Kuya ee. Talagang binilhan niya pa ng pop corn ang anak ko kanina bago niya kami iwan.

Akala naman ata niya hindi ko mahahalata kung para saan yung pop corn na yun. Humanda talaga siya sa'kin pagka-uwi namin. Nakakainis siya.

"Cristina."

Again, I gulped hard. "N-no." I lied. I fucking lied again.

"Don't fool me." She coldly said to me.

Gulat.. gulat akong napalingon sa kanya. Simula ng magkita kami kanina, isa lang napansin ko.

Ang lamig ng tinging binibigay niya sa'kin. Ang lamig ng pakikitungo niya sa'kin.

Ang lamig lahat sa kanya.

Teka nga, ano naman? Ano namang paki ko? Sa pagkakatanda ko, hindi na naman kami. So, bakit ko pa pinoproblema ang bagay na 'yun? Tss.

"Sinabi sa'kin ni Guinevere na hindi mo pinalaglag ang bata." Dagdag pa niya. "You lied."

My jaw literary dropped. Damn you Guinevere! Kahit kailan talaga, napaka daldal mong babaita ka. Paano ba matatahimik ang mundo ko kung may pinsan akong saksakan ng daldal? Jusko talaga. Ang sarap nilang pag-untugin ni Kuya at ipa-anod sa dagat.

"I repeat Cristina." She paused. "She's my daughter?" She asked again, looking at me intently. "Anak ko ba si River?"

Sunod-sunod ang paglunok na nagawa ko. Pwede bang magsinungaling ulit ako?

Ano ba naman yan!

Hindi paba tapos ang tadhana na paglaruan ako? Nakakainis ah. Akala ko pa naman, after all this years, nakatakas na ko sa tadhana na yan. Hindi pa pala.

"Can you please answer my damn question Cristina?" Tila inis na inis na tanong niya. "And please, stop staring at me. Hindi kana maganda." She added.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu