Author's Note

3.4K 99 178
                                    


Helloooo!

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbasa ng Bella Amor book 1 hanggang book ni Helen.

Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta, sa pagbabasa, sa pag-vote at comments. Sobrang nagagalak ang puso ko sa tuwing nakikita kong naapektuhan kayo ng mga obra ko.

Gusto ko din humingi ng tawad sa lahat ng nasaktan at umiyak. Hehe. Peace.

At sa lahat ng nagtatanong kung magkakabalikan paba sila, HINDI NA PO. Hindi 'man sila nagkatuluyan, patuloy parin silang naging magkaibigan.

Masaya na ang ating bida sa kung nasaan man sila ngayon. Masaya na sila sa mga naging desisyon nila. Kaya sana, maging masaya na lang din tayo sa kanilang dalawa.




.......

1. Sa kanilang sampung magkakaibigan, si Helen at Dike ang pinakapaborito ko sa lahat.

Pinakapaboritong saktan.

2. Crush ko si Raven. Para sa'kin siya at hindi kay Helen. Whehehe

3. Stephen is my elementary classmate. Natatandaan ko noong grade two ako nag-away kami dahil sa libro lang. Kaya malamang, siya yung ginawa kong kontrabida. Hehe.

4. Idol ko si Sic Santos, kaya pumapatay ako ng character. Hehe.

5. Ilang beses akong napatay ni Guinevere sa ML kaya binawian ko siya dito. Hehehe.

6. Hindi talaga dapat madadawit si Stephen sa pagkawala ni River. Kaya lang hindi ko na alam kung bakit ganun ba ang nagawa ko. Haha.

7. Ikakasal dapat si Stephen at Helen. Pero nagbago ang isip ko.

8. Si Raven ay hindi na magkakaroon ng asawa. Bakit? Simple lang, si Cristina noon, hanggang ngayon.

9.Wag kayong mag-alala, may malalaman pa kayo sa kanilang dalawa, pero sa ibang libro na.

....

Mayroon talagang bagay na kahit anong pilit natin, hindi na pwede maging sa'tin.


Hindi lahat ng prologue, nagtatapos sa epilogue. At hindi lahat ng Once upon a time, magiging happily ever after.

Muli, maraming salamat sa lahat ng suporta na nakuha mula sa inyo.

Mag-iingat ang lahat.

Halina't samahan niyo kong buksan ang pahina ng istorya ni Thalia Payne.

Mahal ko kayoo. ♥️



Note: Pinaalalahanan ko kayo una pa lang...

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now