Chapter XXXIII

2K 77 28
                                    


CRISTINA HELEN STEVENS





"Helen."

Si kuya agad ang bumungad sa'kin ng makita niya kong naglalakad papalapit sa pwesto niya ngayon.

Sa totoo lang, hindi ko alam dapat  kong maramdaman sa oras na 'to. Natatakot ako. Natatakot na baka kung ano ng nangyari sa anak ko. Natatakot din ako para kay Stephen na hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang balita sa kanya.

"W-where's my daughter kuya?" Garalgal kong tanong sa kanya.


Kitang-kita ko ang mapupulang mata ni Kuya na tila ba pinipigilan ang sariling mapaiyak.

"Nasa emergency room pa." Mahinang sagot niya pero sapat lang para marinig ko.

Natuon naman ang pansin ko kay  Guinevere na tahimik lang habang nakayuko. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang kamay niyang nababalutan ng dugo.

"Guinevere."

She was hesistant to looked at me but she tried. "Ate H-helen." A tear slowly down in her cheeks. "Si R-river."

Unti-unting bumagsak ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nanginginig din ang kamay ko na isama pang nanlalamig ito. 

"A-anong nangyari?" Kahit panay ang agos ng luha ko, nagawa ko paring itanong ang bagay na 'yan.

Walang sumagot sa kanilang dalawa. Tahimik lang na umiiyak si Kuya habang nakatulala sa kawalan. Nanghihinang napaupo ako sa tabi ni Guinevere. Halos palakas na ng palakas ang hagulgol ko ngayon.

Sobra-sobra ang takot na nararamdaman ko. Sobra-sobra narin ang pag-aalala na nararamdaman ko ngayon para sa dalawang tao nandito sa Hospital na 'to.

"N-nasagasaan siya." Kuya Pollux finally answered my damn question. "No." He shooked his head. "Sinagasaan siya."

Napakunot noo ako. Hindi ko siya naiintindihan. Anong sinasabi niya?

"W-what?"

He inhaled deeply before he met my gaze. "He bumped his car into your daughter." Nahihimigan ko pa ang galit sa tono niya ng sabihin niya yun.

Tila napantig ang tainga ko sa narinig. Hindi rin agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya sa'kin.

Hindi magagawa ni Stephen ang ganung bagay sa anak ko. Alam ko yun. Parang anak narin ang turing niya kay River.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya, pilit pinupunasan ang luhang patuloy na umaagos sa mukha ko pero para itong ilog na walang katapusan sa pag-agos.

"Nandoon kami." Guinevere said all of sudden. "Kausap namin si Raven ng biglang b-binunggo ni Stephen si River."

Doon lang din pumasok sa isip ko si Raven. Hindi ko alam pero mas lalo akong nakaramdam ng hinanakit sa puso ko ng marinig ko ang pangalan niya.

I gulped hard. "Si R-raven? Nasaan siya?"

Akmang sasagutin na nila ko ng mapansin namin ang mga doctor na nagmamadaling pumapasok sa isang kwarto na tila ba nagkaroon sila ng malaking problema.

"Ang fiancé mo." Kuya said. "Siya ang nasa loob ng kwartong 'yun."

Wala kong inaksayang oras at agad akong tumayo at tinahak ang daan papunta sa kwartong yun.

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now