Mr. & Ms. Gray

By PurpleSwallow

393K 14.5K 1K

"I need a child not a husband." - Grayzyl Simone More

TEASER
PART 1
Chap. 2
Chap. 3
Chap. 4
Chap. 5
Chap. 6
Chap. 7
Chap. 8
Chap. 10
chap. 11
Chap. 12
Chap. 13
Chap. 14
Chap. 15
CHAP. 16
Chap. 17
Chap. 18
Chap. 19
Chap. 20
PAALALA

Chap. 9

7K 629 13
By PurpleSwallow

Chap. 9

Matagumpay na naisalin kay Neneng ang punla. Tuwang tuwa naman na ibinalita ni Grayson kina Oliver ang tungkol dito. Kaya sama sama ang lahat na pumunta sa hospital at bumisita kay Neneng.

"Gray, congratulation! Magiging tatay ka na." Bati ni Oliver.

"Thank you. Kung hindi dahil sa 'yo malamang wala akong aasahan ngayon."

"We're happy for you." Dagdag ni Red.

"Naku, hindi ka talaga pahuhuli sa amin ni Gaston." Sabi naman ng kapatid nitong si Blue.

"Gusto ko na kasing merong ingay ng bata sa loob ng pamamahay ko."

"Pero sana makilala mo ang donor ng egg cells." Singit ni Chai.

"Hindi pwede eh. 'Yon kasi ang nakasulat sa kontrata. Anyway, sooner or later, aalamin ko rin 'yan."

"Oo nga. Mabuti nang makasigurado. Tsaka, mahirap na at baka makaisip pang magdonate ulit sa iba." Sabi ulit ni Chai.

"Dalaga pa kaya 'yon? Dapat malaman mo Gray. Pakasalan mo nalang." Singit ni Oliver.

"Siguro naman pwede mong tanungin kung dalaga o hindi ang donor." - Red

"Paano naman ang mga natitirang embryos?" Tanong ni Blue.

"I signed a contract to keep the embryos for future use. 'Yon ay kung papayag muli si Neneng na pagbigyan ako." Sabay tingin ni Gray kay Neneng.

"Sir, hindi ko na keri." Sagot ni Neneng.

"Okay, maghahanap na lang ulit ako ng ibang surrogate mother."

"Hay naku, Gray ipagdarasal ko na magawan na ng paraan ang mga tulad naming transgender na magbuntis. Ako ang numero uno na tatanggap ng punla mo."

-Oliver

"Asa ka pa!" Sagot ni Red sa pinsan.

Ligid sa kanila nakikinig si Grayzyl sa labas ng pinto. Naisipan n'yang pumunta sa doktor na nakakilala ni Mr. Maru.

"Doc, thank you for helping me." Pasasalamat ni Grayzyl.

"You're welcome Ms. Simone."

"Doc, pwede po ba akong kumuha ng embryos ni Grayson? Tutal ako naman po ang ina ng magiging anak n'ya. Gusto ko po sanang makakuha para sa sarili ko. I want to keep as my own. I have no intention to ruin the contract..I want to have my own child in my custody.."

"Ms. Simone, nauunawaan ko ang gusto mong mangyari. But this is too much."

"Please Doc, haharapin ko si Grayson balang araw. Hindi naman ako hihingi sa kanya ng suporta para sa bata. At kung mag-aasawa man ako, mananatiling SIMONE ang bata. Maaring malalaman ng bata ang tunay n'yang ama. Pero sisiguraduhin kong nasa tamang gulang s'ya..at mauunawaan n'ya ang dahilan."

Nagdadalawang isip ang Doktor.

"Magbabayad ako kahit magkano." Dagdag ni Grayzyl.

Umiling ang doktor. Nakadama si Grayzyl ng paghihinayang. Ngunit...

"Okay. I will help you. But this is a secret."

Napabuntong hininga si Grayzyl.

"Itago ninyo ang embryo sa pangalang ORION."

Pinalabas sa record na ibinigay kay Grayson na 14 lamang ang natitirang embryo na naitago.

-------------------------------------------------------------------

Samantala, galit na galit parin si Graydelle sa mga nangyayari. Gusto n'yang isumbong si Grayzyl sa ama nila,,ngunit..

" No, makikipagtagisan ako kay Grayzyl. Talagang sinusubukan ako ng bruhildang 'yon. Kung noon, kaya n'yang paikutin ang ulo ng mga matatanda para makuha n'ya ang mana..Pwes, ngayon hindi na pwede ito..ISA PARIN AKONG SIMONE..ito ang tanging mamanahin ko sa matatanda..hindi ko ito pakakawalan akin ang kayamanan. PIPIGILAN KO S'YA SA LAHAT NG KANYANG BINABALAK. AYAW KONG MAHATI ANG PERA. KAHIT SA HULING BARYA..AKIN PARIN!"

Lalong umiigting ang galit ni Graydelle lalo na't naaalala n'ya na si Grayzyl ang naging donor ni Grayson.

"Pati ba naman kay Grayson umepal pa ang bruhang 'yon! Pwes, hindi s'ya magtatagumpay."

Napapaisip ng husto si Graydelle.

Lumipas ang isang buwan...

"Congratulation! lumalabas na po sa pregnancy test na buntis na po ang surrogate mother." Balita ng doktor kay Gray.

Maging si Neneng ay natuwa ng lubusan. Napayakap sila ni Grayson. Habang masayang nag-uusap sina Grayson at ang doktor. Lihim na tumawag si Neneng kay Grayzyl.

"Besty! Nanay ka na..Oo, isang buwan na akong nagdadalang tao. Syempre, mag-iingat ako. Anak n'yo kaya ito ni Grayson. Excited na ako na makita ito. Sino kaya ang kamukha? Kinikilig ako ng husto dito. Hindi ko mapigilan ang mapatili."

(Loka loka, calm down. Baka mamaya makalimutan mong buntis ka..at mapalundag ka sa tuwa. Pero THANK YOU, napapaiyak ako dito. I'm so happy. )

"Yzyl, may naisip na ako na paraan kung paano ka makakapasok sa bahay ni Grayson. Syempre, mag-iinarte ako. O di ba? Ibibigay n'ya ang request ko. Kaya humanda ka na lang sa sunod mong hakbang. Yikes! Excited na ako..titira kayo sa iisang bahay. Nakakaloka!"

(Shhhhh..tumigil ka. Baka may makarinig sa 'yo. )

"Oo na. Mag-iingat ako. Ikaw rin, mag-iingat ka. Alam mo naman 'yong kapatid mo sa labas..UGALING AHAS..baka ano pang maisipan sa 'yo."

( Nag-iingat nga ako. Kaya hindi ako gaano lumalabas. )

"Good. Sige, babalitaan na lang kita."

Agad pinutol ni Neneng ang tawag.

Samantala sa bahay ni Grayzyl...

"Yeheyyyy! Nancy, successful na...buntis na si Neneng sa anak ko!" Napalundag ng husto si Grayzyl at sabay napayakap sa katulong.

"Naku Maam, nanay na kayo." Napapaluha si Nancy. Dahil nakikita din nito ang namumuong luha sa mga mata ni Grayzyl.

"Nancy, hindi dapat ako lalayo sa tabi ni Neneng. Kailangan n'ya ako. Ano man ang naisip na paraan ni Neneng upang makapasok ako sa bahay ni Grayson. Ikaw na muna ang bahala dito. Alam mo na ang gagawin mo. "

"Yes, Maam."

----------------------------------------------------------

Sa isang Photo Shoot...

" Hoy! Ayusin mo ang make –up ni Graydelle..dagdagan mo ng kunting kulay ang labi n'ya. Pati 'yong buhok ayusin n'yo ng maigi. Remember para sa isang Men's Magazine ito. Kailangan Sexy and Hot ang dating n'ya." Utos ng Photographer.

Habang si Graydelle naman ay prenteng prente lamang na naghihintay sa kanyang make-up artist na ayusan s'ya.

"Maam, may tawag po kayo galing sa *******Fertility Clinic."

Inabot kay Graydelle ang cell phone at..

( Maam, kaaalis lang po ni Grayson Caspian at ng surrogate mother n'ya..Balita ko po, positibong buntis na po ang surrogate mother. )

"Salamat sa impormasyon mo. Ngayon bantayan mo ng maigi si Grayzyl. Sundan mo ang bawat kilos n'ya."

(Opo, Maam. )

--------------------------------------------

Dahil sa pagbubuntis ni Neneng, pinagbawalan na s'ya ni Grayson na magtrabaho. Mistulang naging Prinsesa si Neneng sa loob ng bahay. Alagang alaga s'ya ni Grayson. Hanggang...

"Sir, pwede po ba akong magrequest?"

"Ano? H'wag kang mahiya. Sabihin mo sa akin."

"Eh, Sir gusto ko po sanang may kasama ako dito..'Yong taong gusto kong makausap sa araw araw.."

"Nandito naman kami. Gusto mo bang ipadala dito si Jhong?"

"Ah..eh..hindi po. Kailangan ko po ng makasama na isang mag-aaliw sa akin. 'Yong taong matagal na akong kilala."

"Gusto mong nandito sa bahay?"

Tumango si Neneng..

"Sino? Kamag-anak mo?"

"Opo...PINSAN KO PO." Pagsisinungaling ni Neneng.

"Anong pangalan?"

"Yzyl po."

"Okay, tell her to come here and stay with you. Walang problema sa akin." Agad na sagot ni Grayson. Nakita naman ng binata na tila umapaw sa tuwa ng katulong.

Sa sobrang tuwa ni Neneng...

KRINGGGGGG KRINGGGGG...

"Halu."

(Besty, mag-impake ka na..pwede ka nang pumunta dito at bantayan ang byuti ko. Ha ha ha ha ha.. )

"Napapayag mo si Grayson na magkaroon ng kasama d'yan?"

"(yup. )

"Wow, ang galing mong umarte."

(Kaya kung ako sa 'yo..gamitin mo na ang talent mo. )

"Oo na. Binabalak ko ngang gumawa ng PROSTHETIC TEETH. Sisiguraduhin kong hindi ako makikilala ni Grayson. Ha ha ha ha..Excited na ako!"

( Gaga! ang sabihin mo dapat walang nakakaalam na pupunta ka dito. 'Yong mga alipores ng kapatid mo..dapat 'yon ang iwasan mong mahuli ka nila. )

"Alam ko naman 'yon eh. Ako pa, kilala ko ang kaliskis ni Graydelle. Tahimik s'ya ngunit mapanganib. "

( O sige, hihintayin kita dito. )

"okay".

Narinig ni Nancy ang lahat.

"Naku, Maam delikado ang gagawin ninyong pagpunta doon."

"Walang alam si Grayson. Isipin mo na lang na nagbabakasyon ako. Tatawag ako ng madalas sa iyo."

"Sige po, kayong bahala."

Tinungo ni Grayzyl ang isang silid sa loob ng kanyang pamamahay. Doon makikita ang mga nakahilerang mga wigs, big contact lenses, mga prosthetic teeth, eyes glasses at iba't ibang pang-disguise. Halos lahat ay ginagamit n'ya noong tumatakas s'ya sa mga tauhan ng kanyang ama.

"Hello, Stuff..lalabas na naman kayo sa silid na 'to. But this time; I'm gonna use you for a reason. I hope my plan will work."

-----------------------------------------------------------------------

 AN : ABANGAN ANG  SUNOD NA MANGYAYARI.. DON'T FORGET YOUR VOTES! THANKS.

TEASER :

"Neng, pwede h'wag kang lumapit sa kanya? Baka kasi..mapaglihian mo s'ya."

" Ako ang EGG CELL DONOR MO." - ( ? )

Continue Reading

You'll Also Like

152K 5.8K 87
Your typical CEO - Cinderella romance. Aera is just an ordinary college girl juggling work and studies in a foreign country. But she got the biggest...
182K 10K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.1M 61.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
139K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?