Elisana Crawford POV
Nakatayo ngayon ako sa harap ni Chinny na ngayon ay nakaawang ang bibig habang nakatingin sa kaibigan niyang unti-unting naglalaho sa kawalan.
Nagpalabas ako ng mga kuryente sa akin kamay para makuha ang atensyon niya.
"Paano ba 'yan? Tapos na si Persephone. Dapat narin kitang tapusin"-saad ko habang tinititigan siya.
Mabilis siyang tumakbo papalayo para maghanda. Tumingin siya sa akin at mabilis na tumakbo papalapit sa akin at saka sumugod gamit ang chain niya.
Umiwas-iwas naman ako para 'di ako matamaan nun. Pansin ko rin ang panginginig ng mga paa niya at pagdaos-dos ng mga pawis sa noo niya.
Nag bend ako dahil sa papabulusok na chain sa aking mukha. Nakatingin ako sa chain niya ngayon na hangin ang natamaan niya.
I'm going to end this shit! Ang taong nagligtas sa akin, nagmahal sa akin kahit 'di ko siya nagawang mahalin patuloy pa rin niya akong minahal at iniligtas. Wala na ang taong 'yon. Wala na ang taga pagligtas ko. Wala na ang taong nagmamahal sa akin kahit palagi ko siyang nasasaktan. Aiken..... This is for you... Thank you sa lahat ng mga ginawa mo. Salamat.
Inipon ko lahat ng mga kapangyarihan ko sa magkabilang kamay habang naka bend ako at unti-unting dinikit sa chain ni Chinny kaya ang kuryente ay dumaloy sa kanyang chain hanggang sa napunta sa katawan niya.
"Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh"
-sigaw niya hanggang sa naging abo na ito dahil sa pinakawalan ko na kapangyarihan.
Napahiga ako habang nakatingin sa kapangyarihan ni Persephone na naglalaho na hanggang sa nakita ko na ang ganda ng kalangitan at ramdam ko narin ang kakaibang simoy ng hangin.
Napa iyak nalang ako bigla at nilagay ang kamay ko sa mga mata ko at nagsimulang umiyak.
Aiken! I will miss you! I'm sorry for not loving you back! I'm so sorry! I'm sorry.. I'm sorry...
Naramdaman ko ang simoy ng hangin habang nakahiga ako at takip takip ang mga mata ko na kanina pa lumuluha.
Napatingin ako kay Persephone dahil napasinghap siya kaya dali dali akong tumayo baka may kalaban ulit ngunit nakita ko si Persephone na umiiyak habang pinagmamasdan ang puting paru-paro na umiikot sa uluhan niya.
At lumipat sa akin at sa uluhan ko naman siya umikot-ikot. Napaluha na lang ako habang pinagmamasdan yun.
"I'm sorry, 'di kita nagawang protektahan gaya ng mga ginawa mo sa akin. Sorry hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo sa akin"- mahinang bulong ko habang nakatingin sa paru-paro.
Dumapo ang paru-paro sa ulo ko at ilang minuto lang ay umalis na ito at 'di ko na nakita pa.
"Kahit wala na siya, ikaw pa rin ang pinili niya"-saad ni Persephone na lumabas sa tabi ko, lumabas siya sa anino ko.
"I'm sorry"-naiiyak na saad ko. I know, nasa akin lahat ng atensyon ni Aiken dati pa. Alam naman ni Aiken na 'di ko siya mahal. Pinush ko pa siya kay Persephone pero ako pa rin yung pinili niya pero hindi siya ang pinili ng puso ko.
"Joke, tayo na. Naghihintay na sila"-saad niya at tinulungan akong bumangon sa pagkakaupo ko.
Napangiti ako at saka siya niyakap.
"Thank you kasi 'di ka galit sa akin."-saad ko at humigpit ang yakap sa kanya. Niyakap naman niya ako pabalik.
"We are friends"-saad niya na ikinangiti ko...
I'm so proud na kaibigan ko siya.
"Hey!!! Baka gusto niyong hanapin pa ang iba"-tawag pansin ni Adrianna sa di kalayuan. Nandito pala siya.
Nakangiti kaming bumitaw ni Persephone at masayang lumapit kay Adrianna na na ngayon ay nakangisi ngunit naging sweet din agad smile niya.
"As I expected, I'm so proud for the both of you. Tayo na, alam kong nagwawala na si Tenleigh dahil sa nangyari sa kanyang kamay."-saad ni Adrianna kaya dali dali kaming naglakad papunta sa clinic.
"Sinong hinahanap mo Adrianna?"-tanong ni Persephone habang naglalakad kami. Napatingin ako kay Adrianna na parang may hinahanap.
"Si Prim 'di ko siya mahanap"-saad niya na ikinapagtaka ko.
"Di ba palagi kayong magkasama nun? Nasa uluhan mo pa mga minsan eh"-takang saad ko habang tinitignan ang daanan.
"Lumalayas naman 'yon kasama si Inna"-saad niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Sinong Inna?"-tanong ko kaya napatingin siya sa akin. At saka tumawa.
"Di ba may chibby doll ako na kamukha ko? Siya si Inna. Pinangalanan ko lang"-saad niya kaya 'di na ako nagtanong pa.
***
"Elisana! Persephone!"-sigaw ni Kegan at saka kami niyakap na dalawa ni Persephone.
Ngumiti naman kaming dalawa ni Persephone ngunit may lungkot pa ring nadarama dahil sa pagkawala ng isa sa mga kaibigan namin. Kailangan rin naming sabihin sa Queen and King of Air ang nangyari sa kanilang anak.
Wala na ang Prince of Air. Wala na ang taong nagmamahal at pomoprotekta sa akin. Wala na....
Nakita ko si Elliott dali-daling lumabas at hinatak si Adrianna papalayo sa amin.
Napatingin ako sa kama, mahimbing pa ring natutulog si Tenleigh habang hawak ni Accuis ang kamay nito.
Napatingin na lang ako sa malayo at saka umupo na sa tabi.
Lalo akong mapangiti ng mapakla.
Wala talaga akong pag-asa sa kanya, kahit anong gawin ko.
Nakatulala lang ako hanggang sa may maramdaman akong malamig na bagay sa aking pisngi, kaya napatingin ako. Isang bottle ng sweet water na galing sa isang puno na candies ang mga bunga.
"Thanks Kegan"-saad ko na ikinangiti niya sa akin at saka siya umupo sa tabi ko.
Hinawakan niya ang ulo ko at iginaya sa kanyang balikat.
"Alam kong pagod ka na, you can rest..."-saad niya kaya napangiti ako at saka kiniskis ang pisngi ko sa balikat niya saka nagsimulang mag relax.
"Thank you kasi buhay ka pa. And you did a great job. Treat mo ako next time ok? Tulog ka na"-nakangiting saad ni Kegan kaya nakangiti akong pumikit.
Bago ako makatulog, may naramdaman akong malambot na bagay bago ako nahulog sa kadiliman.
Adrianna Rose Campbell POV
Hatak hatak ako ngayon ni Elliott, nagtataka ako kasi patungo kami sa garden. Ano kaya ang gagawin namin don?
"Hey, Saan tayo pupunta?"-tanong ko sa kanya. Naglalakad lang siya at di ako pinansin. Sumama na lang ako sa kanya.
Nang makarating kami sa garden ay bigla niya akong niyakap. Nanlaki ang mata ko habang nakayakap pa rin siya sa akin ng mahigpit.
"Nag-alala ako sayo alam mo ba 'yon?! Nakita kitang kalaban ang Necromancer. Gusto kitang tulungan. Gusto kitang puntahan pero naalala ko ang sinabi mo. Kailangan ako ng iba pa lalo na kapag may mga kalaban pa lalo't nasa ganoon kalagayan si Tenleigh. Wala akong nagawa kundi ang titigan ka sa malayo habang napuno ng pag-aalala ang puso at isipan ko. Ayaw kong mawala ka. Ayaw kong mawala ka sa paningin ko. Ayaw ko. Ayaw kong maglaho ka gaya ni Aiken. Ayaw kong mawalan ulit"-naramdaman ko na lang na basa na ang balikat ko kaya mas lalo akong nagulat.
Umiiyak siya. Ang ice prince umiiyak dahil sa akin. Umiiyak siya dahil sa pagkawala ni Aiken.
Hindi ko alam, kaya kaya pala hinatak niya ako para masabi ang mga bagay na nagpapabigat sa kanyang kalooban. Nasasaktan siya..
Niyakap ko siya ng mahigpit saka nagsalita na.
"Don't worry, I promise you 'di ako mawawala. Sana ganoon din ang ipangako mo. Mabuhay ka! Walang mawawala ulit. Wala na"
✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴
Ayos lang ba?
Yieeeh ahahhaha...
Sana ayos lang kayo.
Keep safe and stay healthy!!