Taming Alliston

By hannarie_21

814K 43.4K 14.5K

"Change your clothes." Napatingin ako sa suot ko. It's just a knee-length simple dress. Formal naman para sa... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Epilogue
Author's zone

Chapter 38

19.2K 1K 223
By hannarie_21

Alliston

"Ayoko nga."

Tiningnan ako ni Cray na nakahawak sa kamay ko.

"Inimbita naman kita. Bakit ayaw mo papasok? Madami pagkain don."

Tumingin ako ulit sa direksyon ng malawak na lawn ng orphanage ni Grant. Napakaingay ng mga nagtatawanang bata. Tuwang tuwa habang nanonood ng mga magic tricks ng clown habang kumakain. Nagpahanda kasi si Louella para sa late celebration ng birthday ni Cray sa mismong orphanage kasabay ng pagkuha namin dito.

This will be the last time that Cray will be spending a night in here. Isasama na namin sya sa unit na binili ko na kay Railey. Bukod pa sa nagpapagawa na din ng bahay namin si Lou. Siguro tinablan din sa sinabi ko na ang lakas ng loob magyaya ng kasal tapos wala namang bahay. Kaya ayun, kinausap agad sina Grant. Grant asked Alice kung pwede nitong ipagbili kay Louella yung bakanteng lote sa tabi ng bahay nila ni Railey. Alice agreed without thinking that much. As long as hindi daw si Hariette at Candice yung titira sa tabi ng bahay nila.

On the other hand, Louella and I are not yet married. This weekend ay pupunta pa lang kaming tatlo nila Cray at Louella sa Australia para kausapin yung parents ko tungkol sa mga plano ko.

But I am pretty sure that they'll be against me, marrying Louella and legally adopting Cray. But nevertheless, they'll be both a Parker soon. With or without my parent's approval. I'll be just informing them because Lou asked me to.

Although ayaw talaga pumayag ni Pooper na maging Parker. Mas maganda daw talaga yung last name nito. Papayag lang daw itong maging Louella Calvry-Parker kung gagamitin ko din yung last name nya.

Alliston Parker-Calvry. Sounds terrible. Really.

Nung tinanong naman namin si Cray kung anong mas gusto nya, ang sabi nya ay mas gusto nya daw maging Calvry. Mas malapit pa din kasi ito sa Ate L daw nito.

"Halika na. Ang arte mo naman." Sumimangot na talaga si Cray. "Paano tayo mabubusog kung dito lang tayo? Ano, nonood lang natin sila kumain?"

Ako naman ay napangiwi. Itinuro ko pa yung dami ng mga bata doon.

"Ayoko nga. Ang daming tao o!"

Sinilip din iyon ni Cray at saka nameywang sa harap ko. "Malamang pagkain. Madami tao."

"Mamaya na ko pupunta doon pag wala ng tao." Sabi ko na lang para tumigil na ito. Hinahanap na din ng mga mata ko si Louella. Kanina pa sya nawawala talaga. Sinamahan lang nito kanina si Grant at may aayusin daw e. Pero hanggang ngayon di pa din bumabalik.

"Mauubos lang ang tao don pag wala na din pagkain. Bahala ka. Magugutom ka."

Bahagya naman akong natawa ng marinig ko iyon mula dito. That's actually true. Lalo na sa mga bata na napapalapit lang pag may narinig na pagkain.

"It's okay. Di naman ako nagugutom."

"Ako nagugutom na. Gusto ko ng itlog na may tinapay."

"Baka tinapay na may itlog?" Tawang tawang sabi ko. Inayos ko din yung buhok nito na nagulo na naman.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang ayos ayos naman nito kaninang umaga. Tapos ngayon ay mukhang nakipagdigma na naman ito sa ayos nito ngayon. Gulo gulo ang buhok at pawisan na naman. Ganyan ba talaga kadungis ang mga bata? Parang di naman ako ganyan nung bata ako.

"Itlog na may tinapay. Mas madami yung itlog sa tinapay kaya itlog na may tinapay."

Umiling iling pa ito na para bang nabobobohan na naman sakin. Minsan ang sarap din talaga sakalin nitong batang ito.

"Kahit madami pang itlog kesa sa tinapay, yung itlog pa din yung nasa loob. Tinapay pa din yung nasa labas. Kaya tinapay na may itlog yon. Try mo nga ipalaman yung tinapay sa itlog?"

"Paano pag nagawa ko?"

"Paano pag di mo nagawa?"

"Paano nga pag nagawa ko?" giit pa nito.

"Paano nga pag di mo nagawa?" pangungulit ko din.

Mukha namang napipikon na talaga ito. "Pag nagawa ko kailangan mo ko samahan maglaro ng Tennis."

Ngumiti lang ako dito. Masyado talaga itong subsob sa pag-aaral at pagtetraining.

"Ano bang meron sa pagtetennis?" Natatawang sabi ko dito matapos nitong hawakan ng mahigpit yung kamay ko na para bang pinapamainggit pa nito sa ibang bata na ako yung katabi at aampon sa kanya.

"Ikaw?" Sumulyap ito na para bang nagtataka pa sa sinabi ko. "Napanood ko yung interbyu mo noon sa malaking TV."

"Talaga?" Kumunot yung noo ko. Sa dami ng interviews ko, di ko naisip kahit minsan na may mga batang gaya nito na nanonood at interesado sa sasabihin ko. "Anong sinabi ko?"

"Sabi mo, you choose tennis."

Natigilan ako ng maalala ko yung sinabi nito. Those exact lines when the interviewer asked me after almost losing a game that people thought I'll never even get a sweat winning.

The interviewer asked me on why I find it hard to beat the opponent. And I answered it with just simply brushing it off. They'll never understand my fmdrive for winning anyways.

That opponent may be so eager to win. But I am dying to win. And nothing and no one can beat me for that.

They told me that the women's national volleyball team is also eyeing me. If I ever got an offer, they are wondering if would I consider changing career. But I clearly told them that I am choosing tennis.

"Why did you choose tennis, Ate Alli?"

Looking at Cray, I am being reminded of my younger version. An innocent child who only wants to get accepted. A child who seeks self worth and love from other people. Kahit hindi nito kakilala.

"Remember kung anong sinagot ko non?"

Tumango ito ng sunod sunod. I can even see the fire burning in her eyes. A will to survive.

"I choose tennis. And I'll still choose tennis over and over and over again. Without pause, without a doubt, in a heartbeat. I'll keep choosing it. I'll keep dying for it. You know why?"

Mabagal na umiling ito. Natutuwang tinapik ko naman ito sa balikat. No wonder Louella is so fond of this cute little kiddo. So do I.

Cray is a smart lad.

"Tennis is the only thing that I am good at. People accepts and loves me because of it. By merely losing even a single match, my career will drop. No one will even remember my name anymore. No one loves a loser, Cray."

"Pero sabi ni Ate L, sa laro laging may nananalo at natatalo. Pwede naman matalo minsan."

"Pero sa totoong laro, pag talo ka, malalaos ka. Kaya dapat galingan mo. A second best can only get kung anong inayawan ng first placer. Ranking in everything means life sometimes."

Tila natakot naman ito pagkarinig sa sinabi ko. "Kaya ayaw mo matalo?"

Tumango ako ng sunod-sunod. "Pag natalo ako, lahat ng meron ako, mawawala na lang na parang bula. Kaya din tumigil na ko sa paglalaro. I don't think I can still wait for that time that I'll be facing the fact na laos na ko. I fear to lose. I fear to fear. But I am actually afraid my whole life."

"Di ka naman laos." pangungumbinse pa ni Cray na para bang inaalo ako. "Sabi ni Ate L dati nung pinapanood namin laban mo sa malaking TV, kilala ka daw nya. Kahit matalo ka pa daw, masyado ka daw mayabang kaya di ka iiyak. Dapat daw pag natalo, bangon lang agad. Tas sabihin di mo lang masyado ginalingan kasi kawawa naman kalaban mo."

"Bakit daw?"

"Kasi pangit daw kalaban mo. Kaya kelangan talaga manalo. Ikaw daw kasi maganda kaya kahit di ka manalo, panalo ka pa din sa kanya. Bibilhin ka daw namin. "

Napatawa naman ako ng mahina doon. That bitch really knows how to insult and compliment me at the same time. She's really my kind of lovable weirdo.

"Halika na nga." hinatak ko ito papunta kina Kayleigh na busy sa pag-aasikaso sa mga bata na dikit na dikit dito. Siguro nagagandahan sa kanya kasi mukha syang barbie doll na nagsasalita at gumagalaw.

Si Vanilla nga ay tuwang tuwa din sa mga bata habang inaagawan nila ni Terry ng mga hotdogs na may marshmallows. Ayun, pingot na naman silang dalawa sa tenga ni Sammie.

While, Railey and Alice are letting their kid to play with other kids too. Tutal nakakalakad na naman na din si Rainey. Kaso mukhang tanga naman itong nakatingin lang kay Ember na hindi naman ito pinapansin. It actually reminded me of Railey dati na natutulala kay Grant. Rail grew up admiring Grant kasi. Kaya siguro yung anak nito ay ganun din sa anak ni Grant.

"Hey, Alli." Lumapit sakin si Leigh at hinalikan yung magkabilang pisngi ko bago yumuko para halikan din sa noo si Cray. "You two looks good together."

"Ako lang no." Halos magkasabay pa naming sabi ni Cray.

Lalo tuloy napangiti si Leigh. A proud grin formed my lips.

"Cray, gusto mo mapalo ni Ate L? Sinasagot mo na naman ako." pananakot ko pa sa kanya.

Inirapan lang ako nito bago nagtatakbo papunta kina Rainey. Huminto pa ito saglit doon para silipin si Ember. Saka napailing na akala mo matanda.

Kumuha lang ito ng dalawang cups ng juice at saka bumalik sa direksyon ko at inabot sakin yung isa.

"O, invisible drink. Pag ininom mo yan di ka na nila makikita. Makakakuha na tayo ng pagkain."

Umangat yung gilid ng labi ko habang amuse na nakatingin dito. Para kasing gutom na gutom na ito habang nakatingin sa pagkain.

"Fine." Sumusukong sabi ko. "Ano bang gusto mo?"

Nakangiting nagtatakbo ito papunta sa mesa ng pagkain. Ako naman ay walang nagawang napasunod na lang dito.

Si Aria naman at Corinne na syang incharge sa pag-aayos ng food ay inabutan kami ng plates.

"Pwede po tatlo?" Magalang na tanong ni Cray kay Aria. Mukhang nagpapagoodshot kasi alam na nitong kapatid iyon ni Louella.

"Sure, little kiddo." Ngumiti si Aria at inabutan pa ng isang plate si Cray.

Nang makitang nahihirapan ito ay kinuha ko dito yung dalawang plato.

"Bakit ba tatlo? Ang takaw mo naman." Kantyaw ko pa dito.

"Para kay Ate L yung isa. Dapat ipagtabi natin sya. Baka maubusan."

"Mommy L sounds fine, Cray. Ayaw mo ba maging mommy si Ate Louella?" Tanong pa dito ni Aria na tinulungan ito maglagay ng food sa plate.

"Gusto ko si Ate Alli mommy ko." Marahang umiling si Cray dito at saka pasimpleng sinulyapan ako.

"Subukan mo akong tawaging Mommy, sisipain talaga kita." Banta ko pa dito.

"Woy, di naman kita nitatawag na Mommy a. Bakit ka maninipa?" depensa agad nito. "Pangit ka naman. Saka masungit pa."

"Lamang lupa ka naman. Mukha kang dwende."

"At least may utak. Ikaw wala. Weh."

Si Aria naman at Corinne na narinig iyon ay tawang-tawa. Akala yata nakakatuwa na mapagtripan ng batang yagit.

"Pag inadopt nyo naman si Cray, legally, kayo na yung parents nya. So Cray will soon call you that." Aria started filling the plate I am holding. "Wag mo nga masyado binubully yung bata, Alli. Ikaw talaga."

I grinned at them. Cray is biting her lower lip na para bang pinipigilan nito na umiyak.

"Hoy, kutong lupa!" Bahagya kong sinagi yung gilid nito. "Pag umiyak ka mukha kang unggoy."

Tumulo na yung luha nito bago pa nito iyon napigilan. Nanginginig pa yung labi nito na mas lalong diniinan pa nito yung pagkakakagat. Para siguro hindi sya mapangawa.

"Weh. Di naman ak--" Napasinok pa ito na sige sa pasimpleng paghikbi. "D-Di naman ako naiyak."

"E ano lang? Pangit mo tuloy." Nilapag ko sa mesa yung hawak kong plato. Lumuhod pa ko para magpantay yung mukha namin.

Napakaiyakin talaga nito.

"Tinetesting ko lang yung acting ko." Pinunasan nito yung luha nito gamit yung damit nito. "Balak ko mag artista."

Naaaliw na kumuha ako ng tissue at pinahid yung luha nito. Pagkatapos ay kumuha pa ulit para naman sa sipon nito. Napangiwi pa ko ng suminga ito.

Kadiri talaga mag-alaga ng bata. Bakit ba napaka iyakin nila?

"Pangit mo umarte." Kantyaw ko pa dito. "Ayaw mo pa aminin na umiiyak ka lang talaga e. Amin ka na. Wag ka na mahiya. Saka walang kukuha sayo. Ang pangit mo kaya."

Nagulat ako nang umangat yung maliit na kamay nito at saka hinaplos yung pisngi ko. Something inside of me stirred. Yung pakiramdam na parang naiilang. But in a good way.

"Pag ako naging sikat, papayag ka na tawagin kitang Mommy?"

Pinitik ko yung ilong nito na namumula na.

"Basta maging Parker ka muna. Papayag ako."

Nagyuko naman ito ng ulo. "Narinig ko si ate Grant at Ate L. Aayaw naman daw Mama at Papa mo sakin. Kaya di pwede."

Damn. Ayun ba yung pinag-uusapan nila Grant at Louella? Kaya ba biglang nawala ang mga ito?

"Saan mo sila narinig?"

Itinuro nito yung direksyon na papasok sa loob ng orphanage. Kahit di ko nakikita yung loob ay napatingin din ako doon.

"Aayaw ba sila sakin kasi pangit ako?"

"Kinakausap yata ni Ate Lou si Grant para tulungan sya na mapapayag yung parents mo." Sabat ni Aria. Yumuko ito para buhatin sana si Cray kaso mabilis na nagtago sa likod ko si Cray.

Out of instinct naman ay kinabig ko din ito palapit sakin. That seems to appease her.

"Don't touch Cray. She's not comfty."

Nakakaunawang tumango lang si Aria.

"Ate Alli, kukunin nyo pa ba ko dito?"

Mabilis akong tumango. "Syempre naman. Di ako papayag na di ka kasama na uuwi samin mamaya. Sasapakin ko si Grant pag kumontra sya."

"Promise?"

Inangat ko din yung kamay ko na para bang nanunumpa. "Promise."

"Pwede na kitang tawagin na Mommy?"

"Luh, asa ka! Kapal mo."

Unti-unti itong ngumiti. Pati tuloy ako napangiti na lang din. She's as weird as us. She really belongs to us. She's ours.

May kalalagyan talaga si Grant pag di sya pumayag na ibigay samin si Cray.

"Pag kakapal pa mukha ko, pwede na kita tawaging Mommy?"

"Makapal na ba?"

Tumango ito. "Apaka kapal na o. Tingnan mo."

Natatawang tinampal ko yung pisngi nito.

A laugh rolled my throat when she held her face to remain passive.

"Di masaket. O di ba? Apaka kapal?"

Ngiting ngiti na napailing na lang ako.

She's really something.

****

Continue Reading

You'll Also Like

130K 9.2K 36
Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almost perfect - almost. Kung hindi ba naman kasi epal si Eris na...
2M 71.2K 53
Give me at least a glance... so I can wait a little longer.
697K 40.5K 55
Hansen Sisters Series (HSS) 4: North Date started: July 15, 2017 Date completed: March 21, 2022 ** Gail Sebastian, a flight attendant, one of a kind...
1M 32.7K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...