Fake World

Da Kyutie_Kat

14K 617 178

What if you fell in love with the person you hate the most? What if in a world you don't want to? Felicity Ch... Altro

FAKE WORLD
CHARACTERS
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
SageLeen
JisLy
ClySa
LuRise
TaeJi
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Author's Note

Epilogue

167 10 3
Da Kyutie_Kat

𝐋𝐚𝐬𝐭 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫

Alas sais na ng umaga at naghahanda na ako. Khairro will pick me up here. Napag-uspaan namin na sa old house nila Lolo kami magkasiyahan. Pumayag naman si Mama.

We will celeberate Yeol's next month birthday, my birthday next week, and today is Jisoo's birthday.

Para isahan na daw dahil minsan lang magkita-kita. Yulycis made a plan, alam niya at naming lahat na hindi papayagan si Jisoo kung siya lang ang magpapaalam sa parents niya.

He messaged me last week when we're still in the boracay.

Yulycis Bonavich

Hi, taeyeon. Pwede manligaw?

Taeyeonie

Huh?

Yulycis Bonavich

Joke lang HAHAHA. Nagpaalam ako kay b0ss Keiji na kakausapin kita tapos sabi niya lokohin daw kita

Yulycis Bonavich

Siraulo manliligaw mo noh?

Taeyeonie

nako, nahawa ata kay yeol

Yulycis Bonavich

May favor kasi ako sa inyong hakdognism. Nakwento ni Jisoo na magmimeet up daw kayo?

Taeyeonie

oo, bakit? sabi niya di daw siya papayagan

Yulycis Bonavich

Sabi niya kasi birthday niya daw next week, baka magmeet up daw kayo pero hindi naman daw siya papayagan kaya nalulungkot siya

Taeyeonie

Talaga birthday niya? Hala bat hindi niya sinabi sa gc

Yulycis Bonavich

Ayaw niya kasi ipaalam sa inyo mag-aalala lang daw kayo kasi hindi siya papayagan

Taeyeonie

Mag-aalala talaga kami

Yulycis Bonavich

Sunduin ko na lang siya, tapos text niyo na lang yung address? Aambag na din ako sa plano niyo, saan ba meet up?

Taeyeonie

Uhm, para hindi tayo mapagod siguro sa bahay na lang namin sa Tagaytay, okay na ba sa inyo yon? Alam naman na ni Yeol yon

Taeyeonie

Birthday ko din next next week tas next month si Yeol

Yulycis Bonavich

Oo nga sabi ni gago HAHAHAHA

Yulycis Bonavich

Salamat, taeyeon!

Taeyeonie

Walang anuman basta para kay Jisoo

-


Wala pang ten minutes matapos akong magbihis ay dumating na agad si Keiji. Bumaba siya ng sasakyan para magpaalam kay Mama at Kuya. Niyaya ko din sila Mama na sumama at pasunudin na din ang mga parents ni Yeol at Keiji para magcelebrate din ng kami lang pero 'wag na lang daw dahil kakaboracay lang din naman namin.

He's wearing a black sweater partnered with black shorts and also a nike airforce 1 high shoes. I'm wearing my black sando croptop and black blazer partnered with black shorts and nike airforce 1 low shoes.

Hindi ko aakalain na iyon ang sapatos na susuotin niya at hindi ko alam na may parehas kaming sapatos dahil last year ko pa ito nabili. Hindi rin namin parehas nasuot noong sa broacay. Ang napag-usapan lang namin ay parehas kaming magsusuot ng itim.

We will spend in Tagaytay for three days. First time ko makakasama ang Hakdognism ng ganoon katagal. Halos lahat naman pinayagan, kay Caileen at Jisoo lang kami nahirapan. Sila kasi ang pinakabata sa amin, halos lahat kami ay magkakasing edad na.

Sa shot gun seat ako umupo dahil alam kong doon naman talaga ako pa-uupuin ni Keiji. Nakita ko na yung mga gamit niya sa likod, medyo madami din dahil halos lahat kami nag-ambagan sa mga kakailanganin.

"Saan nga pala si Zarel?" tanong ko. Hindi ko kasi siya napansin, alam kong kay Keiji 'yon sasabay.

"Nasa mall pa, iniwan ko na lang siya do'n. Babalikan naman na natin, may kulang pa daw kasi sa dala niya." sagot niya atsaka ini-start ang makina ng kotse.

Ilang minuto lang ang lumipas nang marating namin ang pinakamalapit na mall sa bahay. Hindi na kami bumaba at sa parking lot na lang hinintay si Yeol.

Pagbalik niya may mga bitbit na siyang paper bag at plastic. Akala mo isang taon sa Tagaytay sa dami ng binili.

"Tagal mong hayop ka." reklamo ni Keiji. "Kung hindi ka pa itetext 'di ka pa ata lalabas ng mall. Dapat binili mo na lang yung buong mall."

"Tanga ka ba? Sabi niyo magkanya-kanya ng ambag." bumuntong hininga siya pagkatapos.

"Oo na, shut up!"

"Tama na yan." awat ko sa kanila. "May susunduin pa ba tayo?" tanong ko, hindi ko kasi alam kung anong plano ng iba papunta doon.

"Si Sage at Caileen lang." sambit ni Keiji. "Sila Lulu na daw ang susundo kay Lisa at Clyde eh."

"Ayy, wow! Andito na pala si Taeyeonie."

Kanina pa ako nandito ngayon lang ako napansin? Siraulo talaga 'tong si Yeol.

"At talagang parehas pang naka-itim. Ano ba pupuntahan natin? Birthday ko, birthday ni Jisoo at Taeyeonie, o baka patay talaga?"

Natawa ako ng bahagya sa tanong niya. May point naman siya do'n. Bakit ba kasi itim na itim yung suot naming dalawa ni Keiji?

Mas puputi kasi kami sa itim, lalo na siya dahil medyo chinito siya.

"Manahimik ka na lang diyan kung ayaw mo masapak." saway ni Keiji.

Mabilis lang naming nasundo si Sage at Cai dahil magkasama na pala sila. Excited na din ang dalawa kaya naman mas lalong umingay sa kotse. Hinayaan ko na lang sila at umidlip ng saglit.

Pagdating namin si Keiji ang gumising sa akin.

"Nandito na tayo, Felicity." hinawakan niya ang braso ko. "Kanina pa sila bumaba, tara na?"

Agad kong binuksan ang pinto ng sasakayan para bumaba na. Binuksan ko din ang front door ng bahay.

Mabuti na lamang na hindi makalat dahil naglinis naman kami noong huli kaming pumunta dito.

"Ang saya namin dito noon." natutuwang sabi ni Yeol at agad na tumakbo sa sofa. "I'm glad na nakabalik ako dito, alam niyo bang may swimming pool sa likod? Nagswimming kami nila Taeyeonie dito." pagmamalaki niya. Akala mo naman kanya yung bahay.

"Hala, baka magselos ulit si Keiji niyan."

Agad naman akong tumingin kay Keiji, umiwas lang siya at inilapag ang mga gamit na galing sa kotse. Nasa kusina kami ngayon para agad na mailagay sa ref ang mga pagkain.

Lumapit ako sa kanya para hawakan ang kamay niya. Ramdam kong nagseselos na naman 'to.

"Kalma, Khairro, kahit ipasok mo na yan sa kwarto si Felicity. Sayong sayo na yan 'no!" Para namang nandidiri pa siya sa pagkakasabi niya no'n.

Pigilan niyo ako at baka masampal ko itong si Yeol.

"Gago ka talaga, Yeol. Kwarto agad?" natatawang tanong ni Sage. "Siguro ganyan ginagawa mo sa mga babae mo ano?"

"Tang ina mo, ako pinakagood boy sa hakdognism."

"Good boy daw pero kakamura lang." si Cai.

"Labas lang ako." paalam ni Keiji bago itanggal ang kamay ko sa kamay niya.

Big OUCH.

"Hala ka, gagi ka Yeol!" natatarantang sigaw ni Cai. "Nagselos nga ata si Keiji."

"Ayan, tanga ka." pang-aasar ni Sage.

"Ba't ako? Alam niya naman na pumunta na kami dito." kalma niyang sabi. "Sundan mo kaya, Felicity. Nagpapabebe na naman 'yon."

Gagawin ko naman talaga 'yon kahit hindi nila ako utusan. Hinintay ko lang din reaksyon nila sa pagwalk out ni Keiji sa harap namin.

Naabutan ko siyang nakaupo sa veranda. Wala naman ginagawa, nakatingin lang sa malayo. Lumapit ako at tinabihan siya. Saglit niya naman akong sinulyapan.

"Bakit ka naman nandito?" I asked. "May problema ba? Nagseselos ka ba ulit kay Yeol?"

Umiling siya. "Hindi ha, may iniisip lang."

"Ano naman?" pagtataka ko.

"Secret." tipid niyang sagot.

"Okay." tumayo na ako agad.

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa siya gumaganito? Nandito nga kami para magsaya pero sinisira niya lang yung mood ko.

Bago pa ako maglakad ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila paharap. I furrowed my brow while looking at him. Nababadtrip na kasi ako.

"Ano?" pagtataray ko.

"I love you." natatawa niyang sambit. "Badtrip ka na agad. Mahal naman kita eh."

"Paanong hindi mababadtrip? Eh parang wala kang gana ngayon. Edi sana 'di na lang natin tinuloy 'to." I raised my voice a little.

"Shhh." he used his hand to cover my mouth for awhile. "Hindi naman sa wala akong gana. May iniisip lang talaga. Atsaka hindi ako nagseselos kay Yeol, promise."


Hindi ako nagsalita at hinayaan siya. Gusto ko din magpabebe ano. Akala niya siya lang marunong mag-ganon?

"Sige na, 'wag ka na magalit." he kissed my forehead. "Tara na sa loob. Dapat masaya ka lang dahil birthday niyong tatlo."

"Hoy mga tanga!" sigaw ni Yeol mula sa pinto.

Napatingin kami ni Yeol at natawa ng bahagya.

"Parang awa niyo na, mamaya na kayo maglandian diyan kasi magluluto pa tayo. Papunta na daw sila Lulu at Yulycis, kaya naman magsi-kilos din kayo, aba." dagdag niya pa habang may hawak na sandok.

Alas nuwebe dumating ang Lurise kasama ang Clysa. Tinatamad daw kasi si Clyde magdrive dahil nahuli daw siya noong nakaraan. Mabuti na lang at hindi kami nahuli dahil nagshort cut kami kung saan wala masyadong traffic enforcer.

"Alam niyo magaling kasi sa direction si Keiji, kaya nga sa tamang babae siya napunta eh." Yeol, he was finishing cooking the kare-kare.

"Well! " Keiji raised his hands to the level of his shoulders, shows that he is bragging. "Swerte ako, sana kayo rin." tumawa siya pagkatapos sabihin iyon.

Napakayabang naman nitong bebeluvs ko. Ehe!

"Sabihan niyo na lang sila Yulycis sa short cut na lang dumaan. Ayos yung daan na itinuro ni Keiji sa amin eh." sambit ni Lulu.

Alas dose na at saktong kakain ng tang halian nang dumating sila Yulycis kasabay ang bonavich brotherhood kasama ang girlfriend ni Alistair na si Alanis. Lalong umingay nang magsama-sama ang mga babae at lalaki.

"Hindi ko inaasahang makakasama ako ngayon. Nagulat ako nang dumating si Yuly sa bahay at nagpakilala pa siya kila mama." nakangiti si Jisoo habang ikinukwento niya sa amin iyon.

Masaya ako dahil masaya siya ngayong araw. For me, this the best gift we gave to Jisoo. Now they are legal with her parents.

"Nagulat sila Mama kung paano kami nagkakilala dahil ang bata ko daw sa edad ni Yuly. Hindi ko naikwento sa kanya ng buo. Hindi niya naman kasi alam yung RPW."

"Oo nga, ganyan din nakwento ko kay Mama. Hindi na rin buo." pag-sang ayon ni Lisa o Jazz.


"Masaya ako para sa inyo!" Cai smiled at us. "Sana all na lang muna ako."

"Bakit kasi hindi na lang kayong dalawa ni Sage? Hindi mo ba siya gusto?" tanong ni Cerise.

"Ewan, pero friends naman kami."

"Diyan naman nag-uumpisa yan. Hayaan na lang natin silang mainlove sa isa't isa." si Jisoo, inaasar niya pa soya Caileen sa mga tingin niya.

"Hi, kung gusto niyo humingi ng advice willing naman akong magbigay." Alanis joined the conversation.

She's pretty, no doubt why Alistair loves her so much.

"Salamat, Alanis. Welcome sa aming magulo pero masayang barkada." I welcomed her. "Hindi ko akalain na makakausap ka namin lalo na sa pesonal."

"Same as you." nakangiti niyang sabi.

Bigla namang umubo si Lisa, Jisoo, at Cai. Nagtaka naman kami ni Cerise.

"Ehem! Ehem, Cerise."  inuubong sambit ni Lisa.

Ahh! Alam ko na kung ba't sila gumaganyan. Noon nga pala gustong magpakilala ni Cerise kay Alistair nung nalaman niyang member ng bonavich si Yeol at Keiji.

Natawa ako sa mga pinaggagawa nila.


"I know why are you doing that, guys. Nakwento na ni Alistair yan noon." She said. Natawa din siya ng bahagya.


"Hala, alam din ni Alistair? Nakakahiya naman sa inyo." umiwas ng tingin si Cerise.


"No, don't be shy, Cerise. It's okay." she laughed a little bit, sinabayan naman namin siya. "I know naman na maraming nagkakagusto kay Ali. And I know that you already have Lulu, right?"

"Oo naman. Mahal na mahal ko si Lu kahit lagi kaming magkaaway."

Pagkatapos ng kwentuhan ay nagtulong-tulong kami sa pag-ayos ng lamesa sa backyard para makakain na. Ang mga lalaki ang nagbuhat ng mga pagkain habang kaming mga babae ang nagplating at nag-ayos ng pwesto.


Hindi na nailuto pa ang mga pagkain na dala ng iba, bukas na lang daw at sa susunod na araw. Mas marami pa atang dalang alak ang bonavich brotherhood kaysa sa pagkain namin. Ayos lang naman dahil minsan lang magsama-sama at alam naman ng mga magulang namin.


Pagkatapos kumain si Sage at Caileen na ang nagvolunteer na maghugas ng mga pinagkainan. Hinayaan lang namin sila para naman magka-moment ang dalawa. Ang mga lalaki ay nagsimula nang magbukas ng mga beer habang kaming mga babae naman ay nagbihis ng muna.



"Anong gusto niyong gawin natin? Magpicture taking or magmovie marathon?" Tanong ni Cerise.



"Pwede namang both." suggest ni Jisoo. Agree naman ang lahat.


Hinintay namin si Cai bago kami bumalik sa backyard para magpicture taking. Ang mga lalaki ay doon din nag-inuman dahil presko ang hangin. Hindi na namin sila niyaya.



After nga namin ay nanuod kami sa guest room ng movie dahil malaki ang tv roon. Mga nasa limang rooms kasi ang mayroon dito. Tuwing pasko at may mga gatherings ang family, dito namin naiisipang magbonding. Kaya naman bago mawala sila lolo naisipan nilang damihan ang kwarto.



"Ang laki naman ng bahay nila Felicity. Sana all mayaman!" Caileen said in amazement.



Halos lahat ng kwarto ay gusto niyang tingnan kaya naman nagtour muna ako hanggang sa marating namin ang guest room.



Una naming pinanuod ang isang romance movie, tamang kilig kilig muna. Sunod naman ay comedy. Halos mamula na ang braso ni Jisoo sa kakapalo ni Lisa, kaya naman tawang tawa kami. Hinuli na namin ang horror dahil alas singko na nang matapos ang dalawang movie na napanuod namin.


"Hoy! Hinahanap ata tayo ng mga lalaki." biglang sigaw ni Lisa.


"Nagulat naman ako, akala ko kung ano na." si Alanis na nakahawak pa sa dibdib.



Naririnig ko nga ang mga yabag ng mga paa nila dahil marami sila. Sa dami ba naman namin dito eh mukha na ata kaming isang buong pamilya. Pero parang ganoon na nga ang tingin ko sa kanila. Hindi na rin iba sa akin ang Bonavich dahil mabait sila at naging parte na din ng buhay namin ni Keiji.



Si Lulu ang unang nagbukas ng pinto at tumabi agad kay Cerise. Lumipat din naman agad silang dalawa sa sahig dahil lahat kaming babae ay nasa kama kanina.


"Shhh!" saway ni Cerise sa kakapasok na mga lalaki. "Nanunuod kami ng horror ang ingay niyo."

"Wah!" pang-gugulat ni Yeol kay Caileen. "It's me and my jowa. Wah!"


"Putangina mo, Yeol!" sigaw ni Caileen. Napatakip kaming lahat sa tenga sa ingay niya.


"Gago ansakit sa tenga." reklamo ni Sage bago tumabi kay Caileen.


"Nakanta lang ako ang O.A ng jowa mo, Sage."


"Gago ka kasi." bulong ni Keiji sa kanya. "Tumahimik ka na."

Medyo amoy ko pa ang beer na nainom nila pero hindi naman mukhang lasing si Keiji, masasabi kong mas mukhang lasing si Yeol.

"Hoy, ba't ang corny ng pinapanuod niyo?" humarang siya sa harap.

"Puta, Clio, tumabi ka diyan lasing ka na!" saway ni Alistair. Agad namang hinila ni Lulu paalis sa harap si Clio.

Tahimik lang akong nanunuod at hindi kinakausap ang katabi ko. Hindi rin naman siya nang gugulo. Tipsy na ata.

"I love you." bulong niya sa tenga ko kaya naman nagulat ako.

Ang lapit kasi gagi! Halos tumayo mga balahibo ko.

"Nakakagulat ka naman." mahina kong sabi.

Katabi kasi namin sila Alanis at sa harap naman namin nakahiga si Yeol habang nakadapa sa tabi niya si Sage at Caileen. Si Clio at Kaiden katabi sa baba ang Lurise. Habang ang Clysa at Jisly ay lumipat din sa sahig sa right side ng kama.

"Walang I love you too?" He asked before placing his chin on my shoulder and placing his hand on my waist.

"Okay, I love you too. Huwag ka nang maingay diyan." I obeyed his command. Ayaw kong magpapilit kasi mag-iingay lang kami.


After that he kissed my cheeks. Hindi na ako nag react pa at nagpatuloy na lang sa panunuod. Sumandal na lang din ako sa head board ng kama. Hinawakan ni Keiji ang kamay ko atsaka isinandal ang ulo sa balikat ko.


Sobrang saya ko dahil yung iniimagine ko noong nanuod kami ni Yeol ay ito na. Masaya din ako dahil kasama ko sila. Na nagkaroon kami ng experience na magsaya as a teen ager hindi lang sa internet pati na rin sa real world.



Kung tatanungin ako kung anong pinakamagandang nangyari sa akin sa RPW, ang isasagot ko lang ay two words, ang hakdognism at ang bonavich.


"Kain na!" Sigaw ni Yeol matapos naming panuorin ang movie. "Mag swimming na rin tayo, aba."

"Tara kain muna." aya ni Lulu, sabay sabay silang lumabas na nagtutulakan sa pinto na akala mo mga bata.


Pinauna ko na sila dahil aayusin ko pa yung kama. Hindi naman sumabay sa kanila si Keiji at hinintay pa ako.


"Taeyeonie..." tawag niya.

"Why?" I glanced at him.

"May ibibigay sana ako sa'yo."


"Ano 'yon? House and lot ba? Hala!" pagbibiro ko.

"Hindi naman, tsaka na 'yon kapag ikakasal na tayo."


Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso siya doon? Pero kinilig ako.


"Eh ano?" pagtataka ko.


Nakita kong may kinuha siya mula sa bulsa niya. Dalawang pulang maliit na box. Umupo muna kaming dalawa bago niya buksan iyon.

Oh my gulay! Magpo-propose na siya? Hindi pa ako ready! Joke, ang O.A ko. Bakit kaya siya magbibigay nito?

"Here." ipinakita niya ang sing sing. "Hindi pa ito yung engagement ring natin ha?" natatawa niyang sabi.

"Sayang naman." sambit ko na lalong ikinatawa niya.


"Ang excited mo naman. Tsaka na 'yon kapag successful na tayo parehas." He smiled. "But for now, promise ring lang muna ang kaya kong ibigay." isinuot niya sa akin iyon.


It's a silver initial ring. Letter K ang isinuot niya sa akin. And I know what it means. Double meaning nga siya para sa akin. It's Keiji for fake world and Khairro for real world.

"Isuot mo din sa akin." ibinigay niya yung isang sing sing para isuot ko sa kanya.

Letter F naman yung kanya, alam kong Felicity ang ibig sabihin no'n. Kung hindi man suntukan na lang kami. Joke.


"Why is it F? Bakit hindi T?" I asked. Confused ako kung bakit mas pinili niya 'yon.

"Sa totoo lang ang hirap mamili kung T or F. Parang true or false sa exams eh." natawa siya. "Kasi mas gusto kong magpromise sa totoong ikaw, yung Felicity sa real world."


Ayaw kong umiyak pero nakakainis kasi itong lalaking nasa harapan ko. Hindi ko na mapigilan ang lumuha dahil sa sobrang kadramahan niya.


Niyakap ko siya at niyakap niya din ako pabalik.


"Thank you so much, I love you." kumalas ako sa yakap namin.

"I love you too." he wiped my tears. "Huwag ka nang umiyak. Tara na kumain na tayo sa baba."

Pagbaba namin ay nakapwesto na sila. Hinintay nila kaming umupo bago kumain ng sabay sabay. Hanggang sa pagkain ay nagkakasiyahan parin kami. Nangunguna sa makukulit si Yeol dahil siya ang nagpapasaya sa lahat. Pagtapos ay nagpatunaw muna kami ng kinain bago nagkanya-kanya magbihis para magswimming.



Nagpicture taking ulit at nagsimula na ang kasiyahan. Syempre hindi mawawala ang beer sa kanila. Kaya paniguradong mas gugulo kami mamaya.


"Mga Bobonavich selfie daw!" aya ni Yeol.

"One... two... Three... Say Hakdognism times Bonavich!" Lisa's command. She's holding a selfie stick to capture us all.

"Hakdognism times bonavich!" sigaw namin.

Lulu & Cerise

Clyde & Lisa

Sage & Caileen

Jisoo & Yulycis

Masaya ako na nakilala ko sila sa pekeng mundo. Swerte ko dahil hindi ako nagkamaling pumili ng kaibigan. Sa hirap at ginhawa sila ang naging kasama ko. As long as I have connection with them, I am also willing to help in their problems.


For this three days, I can say that I'm so very happy. They made my rpw experience memorable before I left. I love them as how I love myself.


I want to focus on my studies and my future career, so I decided to leave RPW this time. Tumatanda na rin ako at isa iyon sa dahilan.

At itong lalaking may hawak ng kamay ko ngayon ay mamahalin ko hangga't nabubuhay ako. Kakayanin namin lahat ng pagsubok basta magkasama kami.

Lahat nang nasabi ko noon ay nakain ko rin ngayon. I didn't expect all of this will happen to me. I didn't expect that I will fall inlove, I fall inlove in fake world. That someone who hated me is also he can love me.

Masasabi kong baka tama nga ang kasabihang 'The more you hate, the more you love.' At si Keiji ang isang halimbawa sa kasabihang iyon. Oo, nakilala niya ako sa isang maling paraan. Nagkakilala kami ng dahil sa ex niya. Nagulo ang buhay ko nang dahil sa kanya. Pero hindi ako dapat sumuko dahil mahal ko siya.


I know this is a fake world, but there are also many hidden truths. Like me, many people are hesitant to enter this world and it is difficult to trust.


It is difficult to find a true friend and true love here, so we should not rush.


From what I have seen and learned, it is really up to us to decide and trust because at any time we do not know what will happen. And if we make the right decision, we will not repent.
We will not regret in everything.


Kaya hangga't kaya kong lumaban, lalaban ako para sa aming dalawa ni Keiji. I will not waste this opportunity for us and hopefully Keiji will do the same. And I pray that God will guide us too.

Thank you for being part of my rpw experience. Until next time, see you!


I am Taeyeonie, is now signing off as a role player.

THE END.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

85.3K 305 13
As the title says
1989 Lover Da herkiwii

Storie d'amore

783 70 22
Sabi nila mahirap ang manligaw pero mas mahirap ang magpa-ligaw lalo na kung strict ang parents mo. Pero iba ang nanay ni Aya. Nananatili itong galit...
14.3K 339 12
continuation of Gangster University
20.6K 1.3K 46
Meet George Santiago is always the badass kick out girl. With her reputation. Normal lang sa kaniya ang magpalipat lipat ng school. Ano kaya ang mang...