"Felicity, let's go?" he was standing beside the door, ayaw niya daw umupo at doon na lang daw niya ako hihintayin.
"Ayaw mo ba munang umupo dito, Khairro?" Tanong ni Mama. "Baka mainip at mapagod ka kakatayo diyan. Mabagal pa naman mag-ayos itong si Charity."
Yes, it's Khairro known as Keiji in fake world.
Binigyan ko siya ng chance. Kung siya nga lumalaban, hindi ba dapat ako din? Lahat naman ng gusto ay may paraan.
I know he deserves a second chance. Halata naman na pursigido siyang gawin ang lahat para maging okay lang ako, maging okay kami. Ayaw kong magsisi at magmukhang masama sa kanya.
"Okay lang po, Tita Charlotte." He smiled a little bit. "Hindi po ba kayo sasama sa amin?"
"Okay lang, magkanya-kanya na lang muna tayo." sambit ni Mama habang nag-aayos din. "Maghiwalay muna ang adults and teenagers para naman hindi kami magmukhang matanda dahil kasama namin kayo."
"Ang arte mo, Ma." Isinuot ko na ang white heels ko nang magreak sa sinabi ni Mama. "Matanda ka naman na talaga, dalawa na po ang anak niyo." Paalala ko.
"Hayaan mo na si Mama." natatawang sabi ni Kuya. "Ganyan ata talaga pag-iniwan ni Papa."
"Manahimik ka diyan, Caleb!" saway ni Mama. "Baka gusto mong masampal."
"Okay! Okay!" Kuya acting like he really zipped his mouth.
"Tara na." Aya ko kay Khairro at tumayo para lumapit na sa kanya. "Ma, mauuna na po kami. Magkita-kita na lang po tayo mamayang dinner."
"Text mo kami, Ma." Pahabol ni Kuya bago kami lumabas.
Kuya already knew since then that Keiji is courting me. Si Mama naman kagabi lang nalaman noong nagbati at nagkaayos na kami. At kagabi ko lang din nakita ng personal ang mga magulang ni Keiji.
At first, I was nervous. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang makita sila. Kung titingnan kasi si Tita Daniela ay nakakatakot pero kapag kinausap ka ay mabait naman. Ang daddy naman ni Keiji ay mabait din, para lang siyang daddy ni Yeol. At yung Khaorie? Babaeng kapatid pala ni Khairro iyon, hindi man lang naikwento ni Lee sa akin ng maayos.
I was relieved that everything is okay now. Gusto ko lang na magsaya kaming dalawa at wala nang isiping problema.
We also deserve to spend time together. Sa mga nakaraang buwan at araw na nagdaan, masasabi kong talagang sinubukan kami ng tadhana. At doon, doon niya pinatatag ang loob naming dalawa ni Keiji.
"Hoy! Huwag niyong sabihing photographer niyo na naman ako?" Lee complained, kahapon kasi siya ang inutusan naming kumuha ng litrato. Hindi naman siya umangal, napaka-ano talaga nito.
"Sino pa ba?" Tanong ko, tumingin siya kay Kuya.
"Ahhh... Zailah at Khaorie, ano gusto niyo? Libre ko na kayo, tara?" Tanong ni Kuya sa dalawang bata, para umiwas siguro. Tumango lang naman yung dalawa para umalis na sila ni Kuya.
"Hoy, Caleb!" Tawag ni Lee pero hindi lumingon si Kuya.
"No choice ka na." sambit ni Keiji sa kanya, kaya naman natawa ako. "Third wheel ka ulit sa amin."
Nakabusangot lang siya sa buong araw na kasama namin siya. Puro lang naman kami ikot. Naisipan din naming pumunta ng mall sandali dahil wala na kaming mapag-ikutan sa beach.
Binilhan ako ni Keiji ng isang necklace na ang pendant ay butterfly. Ayaw ko pa nga sana dahil gastos lang iyon. Ang sabi niya ay isa na din daw iyon sa pang peace offering niya pero ngayon niya lang naibili.
"Paano naman yung body guard niyo? Wala man lang suweldo o regalo na makukuha mula sa inyo?" reklamo ng nasa likod namin.
"Oo na, bibilhan na kita." Keiji said. Napangiti naman yung isa. "Ano ba gusto mo?"
"Sapatos!" may palakpak pang kasama nang sabihin niya iyon.
Kahit kailan mukhang timang 'tong si Yeol. Iba talaga kapag masayahin, magugulat ka talaga kapag malungkot sila. Akalain mo sa saya niyang yan may lungkot din siyang nararamdaman. Hindi niya lang ipinapakita sa amin dahil ayaw niya din siguro mag-alala at manibago kami sa kanya.
"Napaka-demanding mong hayop ka." kinutusan siya ni Keiji. "Jowa ba kita ha? Sapatos pa talaga?"
"Edi 'wag, putang ina nito." hindi ko alam kung nagbibiro na naman ba sila o seryoso para magmurahan sa harap ng maraming tao. "Ang yaman-yaman mo tapos ang kuripot lang, nay!"
"Oo na, gigil na gigil ka na diyan."
Hinila na ako ni Keiji para maglakad kaya naman sumunod siya sa amin. Pumunta kami sa department store para makapili na ng gustong sapatos si Lee.
Ngayon kami ang nagmumukhang alalay niya dahil sinusundan namin siya sa paghahanap. Noong una ay okay lang sa amin. Habang tumatagal ay hindi pa rin siya nakakahanap kaya nainip na kami. Buong shoes section sa department store napuntahan na namin kaso wala pa rin siyang napili. Lumabas kami at naghanap pa sa mismong store.
"Hoy, gago." tawag sa kanya ni Keiji. "Pinaparusahan mo ba kami? Kanina ka pa naghahanap pero hanggang ngayon 'di ka pa rin nakakapili."
"Oo nga." dagdag ko.
Medyo gutom na din ako dahil inabot na kami ng alas tres ng hapon kakaikot at hindi pa kami nagla-lunch.
"Oo." may hawak pa siyang sapatos na akala mo iyon na ang napili niya. "Hindi ko bet, hanap pa tayo. Tara na mga assistant ko."
"Tang ina naman, Zarel Lee!" Inis na sabi ni Keiji. "Magseryoso ka nga."
"Sineryoso ko naman pero iniwan pa rin ako." Pagdadrama niya. "Nasaan ang hustisya?"
"Shut the fuck up, kunin mo na 'yang sapatos at dalhin sa counter." Keiji pushed him to start walking. "Ayan na yung last na sapatos, iniinis mo na'ko."
"Ang epal mo talagang inutil ka. Nagdadrama pa nga yung tao eh."
"Alam mo kung bakit ka hindi sineryoso?"
Nagtaka ako at kahit si Lee.
Ano din kayang kalokohan ang naisip nitong isa? Baka naman tuluyan silang mag-away nito.
"Ginagawa mo kasing biro ang lahat." pang- didiretso niya. "Hindi kasi halatang seryoso ka."
"Oo na, ito na nga. Pinapasaya ko lang naman kayo." He walked into the cashier and Keiji gave him a credit card to pay for it.
Hinintay lang namin siya sa gilid at pinagmamasdaman magbayad. Medyo natagalan dahil nasira daw ang swiper ng credit card.
Alam kong nasaktan si Yeol sa sinabi ni Keiji kanina. Totoong ginagawa niya iyon para mapasaya kami at nakikita ko iyon sa kanya. Pero hindi naman dapat iyon ang dahilan para iwan siya ni Baekcon. Dahil kung gusto talaga siya ni Baekcon mararamdaman ni Baekcon na seryoso nga si Yeol.
"Mukhang nasaktan si Zarel sa sinabi mo." sambit ko kay Keiji kaya napalingon siya sa akin. "Hindi mo na lang dapat sinabi sa kanya."
"Sa tingin ko nga din, pero kung lagi siyang ganyan walang mangyayari." he explained. "Maybe Baekcon didn't like him because of his attitude like that."
"Pero ginagawa niya 'yon para mapasaya yung mga taong nasa paligid niya." I explained too."Khai, deserve din ng mga taong ganyan na pasayahin sila dahil pinapasaya nila tayo. Oo, mukhang kalokohan lang lahat ng ginagawa nila pero iyon ay dahil nagbibigay saya sila."
"But..."
Hinintay ko ang susunod na sasabihin niya pero nakatingin lang siya sa akin.
"Sadyang pinaasa lang siya ni Baekcon. Dapat noong una pa lang ay hindi niya na in-approach si Yeol." dagdag ko. "Ayaw ko sanang may kampihan sa isa sa kanila...pero hindi naman sinabi ni Baekcon ang buong dahilan niya. And I think dapat nga na hindi niya na lang inentertain o inapproach si Yeol."
Lahat ng iyon ay pumapasok sa isip ko. Dapat talaga noong una pa lang ay hindi na siya kinausap pa ni Baekcon kung hindi din naman pala niya seseryosohin si Yeol. I don't want to mind their own business, but I'm worried with Yeol as his friend.
"So, nag-aalala ka kay Yeol?" tanong niya sa akin, umiwas siya ng tingin pagkatapos no'n.
"Why? Bawal ba?" I asked. "He's my friend, he's your friend."
"Okay." tipid niyang sabi.
"Nagseselos ka ba?" napatawa ako nang muli siyang umiwas ng tingin.
I hold his hands.
"Huwag kang magseselos, magtiwala ka din sa'kin. Mahal kita, Khairro, kaya huwag kang mangamba na may mangyayaring hindi maganda sa atin." I gave him a smile.
"I love you too. I'm just scared na magkaproblema ulit tayo." I hugged him, para naman mas lalong gumaan ang pakiramdam niya.
"Let's be open to each other. Mas madaling magtiwala kung wala tayong itatago sa isa't isa." I said, the best thing that we should apply to our relationship.
"Yes, lahat sasabihin ko, kaya sana ganoon ka din ha?" Kumalas siya sa yakap para makita ang pagtango ko.
"Dito pa talaga naglandian." As usual si Lee naman ang laging sumisingit sa mga moments namin. "Get a room." he also rolled his eyes.
Aba maldito ang gago.
"Yumakap lang get a room na? Siraulo ka talaga."
Hinayaan ko na lang na nire-wrestling ni Keiji ang ulo ni Yeol habang naglalakad kami. Masaya ako na okay na din sila. Alam ko namang hindi kayang magalit ni Keiji kay Yeol ng matagal. Mas nauna ang friendship nila kaysa sa relasyon naming dalawa ni Keiji.
I know that they value each other. Parang si Cerise at ako lang, mapa-peke o totoong mundo lagi siyang nasa tabi ko. We're lucky that we have each other anytime.
Masaya din ako na lumaki ang circle of friends ko kahit sa internet ko lang sila nakakausap. Magaan ang loob ko sa kanila at may tiwala ako sa kanila. Kaya mahal na mahal ko ang Hakdognism dahil naging parte na din sila ng buhay ko.
Since it's already in the afternoon at hindi pa kami kumakain ng lunch, naisipan ni Yeol na sa isang sikat na coffee house chain na lang kami kumain. Masyado daw kasing mahal ang sapatos na pinabili niya kaya naman ayaw niyang sa restaurant kami kumain. Isa pa daw ay diet siya.
"Wow, naisip mo pang masyado akong gumastos sa sapatos mo tapos mamaya pipiliin mo yung pinakamahal diyan." kinutusan siyang muli ni Keiji.
Kanina pa sila nagkukutusan, ewan ko na lang kung naalog na yung mga utak nila ngayong araw kakaganyan nila.
"Oks na yan, java chip frappuccino sa akin pati yung ano..." nakaturo pa ang daliri sa sintido na para bang nag-iisip talaga. "Uhm...yung s'mores bars na lang."
"Yawa ka! Diet daw pero puro sweets yung pinili." tinadyakan niya ito ng mahina.
"Aray, puta ka! Gusto ko lang naman maging sweet kaya iyon pinili ko." he rolled his eyes before he left us.
"Napaka-demanding talaga ng kupal na 'yon." He looked at Yeol who was walking towards our seats before looking back in front to choose in the menu again. "Anong sa'yo? Pili ka lang ako na bahala."
Nahihiya ako sa totoo lang. Ngayon lang niya ako nilibre at hindi pa ako sanay na ganito siya. Yes, he's courting me, but mas okay lang sana kung hindi na siya gumastos masyado.
"A-ano... glazed doughnut na lang at yung dark mocha frappuccino."
Okay na ako dun, hindi naman din ako malakas kumain. Takaw-tikim lang naman talaga ako.
"Sure ka? Okay lang sa akin kahit anong gusto mo, ibibigay ko naman." He smiled at me, hinihintay na may piliin pa ako.
"No, I'm okay." I smiled too. "Huwag ka nang masyadong gumastos pa."
"Maliit na bagay pa lang 'to, Felicity. Handa akong gampanan ang pagiging manliligaw ko sayo." he touched my cheek. "Lalo na kapag sinagot mo na ako."
"What's your order, Sir?"
Agad kaming kumilos ni Keiji ng magtanong na ang babae. Umabante siya ng kaunti sa counter at ako naman ang nasa likod niya.
"Uhm... Sorry po, Sir." paghingi ng tawad ng cashier.
Agad namang uminit ang pisngi ko nang sulyapan ako ng babae. Umiwas na lang ako ng tingin, nakakahiya naman. Bakit ba kasi nilalandi ako nitong si Keiji sa public place?
"Uhmm... Keiji, punta na ako kay Zarel." tumango lang siya kaya naman tumuloy na ako sa paglakad.
Naabutan ko si Yeol do'n na binuksan ulit yung kahon ng sapatos niya. Tuwang tuwa dahil nasunod ang gusto ng kumag.
"Oh? Akala ko sabay na kayong uupo ni Khairro dito, pinaupo ka na ba niya?" tanong niya ng mapansin na ako.
"Ha? Ahh...oo! Kasi baka mainip lang daw ako." sambit ko, ayaw ko nang ikwento pa sa kanya panigurado mabibitter na naman 'to.
"Grabe ba't ang bilis mo mag response sa tanong ko? Kalma ka diyan."
Hindi ko na siya sinagot, hindi na rin niya naman tinanong ulit. Inabala niya na lang ang sarili niyang magphone at ganoon din ako. Ilang minuto lang ay dumating na din si Keiji, inabala niya na rin ang sarili niya sa pag-phone habang hinihintay namin ang order.
Sinabihan ko si Yeol at Keiji na huwag munang sabihin sa Hakdognism na okay na ang lahat. I want to surprise them, they are part of this situation. Kung hindi din sila tumulong at nagbigay ng mga advice ay hindi mangyayari ito.
Nag-scroll lang ako pero hindi muna ako nag seen sa gc namin. Hahayaan ko muna silang mag-isip kung ano na talaga ang nangyayari ngayon.
Nang dumating na ang order, sinimulan na naming kumain. Napag-uspaan namin kung paano kami napadpad sa RPW.
"Ako talaga nag-influence kay Khairro." Yeol, he sipped his java chip frappuccino first before continuing the story. "Gumawa ako ng account para lokohin yung kaibigan naming isa hanggang sa narating ko yung RPW."
Hinayaan ko na lang siyang magkwento kaya nakinig na lang ako. Ganoon din si Keiji, alam niya naman na siguro yung kinukwento ni Yeol.
Naalala ko noong unang araw na ibinanggit ni Selene sa akin yung role play world, ayaw na ayaw ko talaga. Pero dahil sa pangungulit niya ay napapayag naman ako.
Agad din kaming bumalik sa hotel pagkatapos. Hindi naman kami inabutan ng gabi kaya nagpasya kaming magpicture muna sa dagat. Alam ko din naman na wala pa sila Mama sa hotel room namin.
Taeyeonie is with Keiji Bonavich
5 minutes ago.
Hi, katabi kita habang wala kang alam na ipopost ko 'to. But, I just want to say thank you for not giving up on us. I know that you also struggled, not just me. This time, I want to show them that I am also fighting for you. Wala na akong pake kung husgahan nila ako, basta alam mo/niyo ng mga taong nagmamahal sa akin ang totoong ako. Iloveyou! <3
And yes, my life was ruined when I heard that my op's picture has spread here. Halos lahat tayo noon ay ayaw na ipakalat ang op natin. But today's generation? Ang dami ng lumalabag sa golden rules ng RPW. I hope that we still follow the most important rules here because it is also for us. I posted this to show as inspiration, na kahit anong mangyari kaya nating lumaban sa lahat ng naninira sa atin. I do not intend to show off, it's okay kung hindi ka sang-ayon sa ginawa ko. Kung marami mang hindi sang-ayon, I am willing to delete this immediately. Since everyone posting their OP, I think okay lang naman 'to?
Cerise Kang, Lulu, Alistair Bonvich and 2.2K others like this post.
view other comments
Taeyeonie: we're officially okay, but not officially in a relationship 😝 Keiji Bonavich is it okay, b0ss?
Keiji Bonavich: nagulat ako na may paganito ka, di ka man lang nagsabi aba HAHAHA
Cerise Kang: for realll! ? TaeJi na talaga? Bat hindi ka nagkekwento, bessywap T _ T
Alistair Bonavich: HALA GAGO, KASALAAAAN NA!
Clyde: Congrats, ninong ako pag official na ha? HAHAHAHAH
Miyaaah: Omyyy! My fave couple, congrats TaeJi. This is it! I support both of you 😍
ChinnaKoreaJapan: Congrats rapunzel may prince charming ka na😍 chika chika na lang next time ha?
Baekyeon: TK watermark for Taeyeonie & Keiji? 😯💖
Seulgixx: omg, taeji! It's okay Taeyeonie, deserve niyong mahalin ng lahat.
Yeolyeol: mahal din kita
Keiji Bonavich: gago ka talaga
"Malandi." sabay naming sabi ni Keiji kay Yeol at tumawa.
"Gago!" response niya, umirap pa nga.
Masaya at nakakataba ng puso na makita ang lahat ng sumusuporta sa amin. At isa sila sa dahilan kung bakit mas nagaganahan akong labanan ang problema.
Groupchat
Mga landots
ChinnaKoreaJapan
I'm happy for you, rapunzel! Deserve mo yan 😘
Tatcha Amatayakul
Trueeee, masaya kami para sayo
Feiliz
Mahal ka namin ha? Basta andito lang kami para sayo, kahit hindi tayo palaging nag-uusap :))
Taeyeonie
Thank you so much guys!! Mahalaga din kayo sa akin
Feiliz
You're welcome, as always
Tatcha Amatayakul
Loveyouuu, taeyeonie!
ChinnaKoreaJapan
You're welcome, rapunzel. Sige na abalahin mo na ang hakdognism, panigurado natutuwa din sila. Basta dito lang kami ha?
Taeyeonie
I don't know what to say, but thankyou! 💋
Groupchat
HakDogNisM
Lulu
I'm happy for the both of you, ituloy niyo lang yan. Andito lang kami palagi. @Taeyeonie @Keiji
Jisoo
Waaaah, sobrang saya ko eyeeeon.
Jisoo
Masaya ako para sa inyooo
Caileen
Gooo lang taeji, support kami sa inyo. Andito lang lagi ang hakdognism
Lisa
Kami bahala sa haters, pag uuntugin namin sila HAHAHAHA
Sage
Wala na yan, tumba na yan sila HAHAHA
Cerise
Sooo happy for youuu, felicityyy!! 😭❤️
Jisoo
Kailan yung mga pics niyo? Ang cuteee kasi, sana ol na lang ako. Kasi apat palang yung amin ni yulycis HAHAHAHA.
Jisoo
Kayo pwede pang dumami HAHAHAH
Keiji
Kahapon at kanina lang
Cerise
Teka, so hindi nagsuntukan yung dalawa?
Yeolyeol
Hindi HAHAHAHAHA
Keiji
Hindi, it's a prank hahaha
Sage
Gago ang mga pota, pinag-alala niyo pa kami
Lulu
Gago? Siraulo kayo
Keiji
hahahahaha
Taeyeonie
Siraulo nga yang mga yan
Taeyeonie
Thank you talaga sa inyooo!
Taeyeonie
Kung wala kayo hindi rin ako makakapag-isip ng mabuti, kaya salamat talaga
Yeolyeol
Ganon talaga, tulong tulong dapat. Tsaka ako ang may pinakamalaking ambag dito ha?
Lisa
Wow pano mo naman nasabi? Eh puro kalokohan nga ginagawa mo eh
Sage
Utusan ata ng TaeJi yan HAHAHAHA
Lulu
Feeling ko din pre
Yeolyeol
Di kayo nagkakamali mga pare, ginagawa ba naman akong photographer at alalay. Baka sa ilang taong pagsasama nila ako yung magiging kasambahay, pota.
Yeolyeol
Oo, hiniling kong maglibang dahil broken ako. Pero hindi ko hiniling maging third wheel tapos alalay pa.
Caileen
Wawa HAHAHAHAHA
Keiji
Mukha ka kasing yaya tanga HAHAHA
Yeolyeol
Bobo, inutil, mangmang. babae yung yaya
Yeolyeol
Yoyo dapat tanga.
Keiji
Yoyo amp, sira na talaga ulo mo. Damay na damay yung utak eh.
Sage
Tanginamo mo, yeol HAHAHAHA kahit kailan ka talaga
Jisoo
Gagi HAHAHAHA yoyo
Taeyeonie
Dalhin niyo na sa mental yan si Yeol para naman magamot na siya 😐
Yeolyeol
Epal tong magjowang to kala mo di nag away
Yeolyeol
Sampalin ko kayo eh
Keiji
Tanginamo ka, lapit ka dito bugbog ka sakin.
Keiji
Tumakbo amp
Lisa
HAHAHAHAHAHA TAKOT SI YEOL
Jisoo
Miss ko na kayoooo, sana mag meet up ulit
Taeyeonie
Gusto niyo ba? Balak ko din iplano yan kasi aalis na ako sa rpw.
Jisoo
Kaso baka di ako payagan :((
Lisa
Weeeh? Legit taeyeon? Why??
Keiji
Bakit hindi ko alam yan?
Taeyeonie
Makakausap niyo pa naman ako pero sa real account ko na. Lilipat lang naman ako ng account. Ayoko na magstay dito, tinamad na din ako.
Cerise
Dahil ba kila yoona?
Taeyeonie
Nope, napagdesisyunan ko talagang aalis ng rpw balang araw kapag tinamad na ako. Hindi naman na ako gumagawa ng works ko dito.
Caileen
Agree ako kay eyeon, gusto ko din kasi tinatamad na ko dito. Tsaka marami na rin magka-college, nagiging gurang na tayo HAHAHAHA
Lisa
Basta ako dito na lang muna, pero su4th ko kayo!!
Sage
Jeje ni lisa amp HAHAHAH, peaceyow
Lisa
Tanga, design ko yan sa pagtype HAHAHAHA
Jisoo
Same kay bal, pero support ko din kayo!!
Cerise
So ano plano sa meet up?
Lulu
G ako palagi, kayo ba?
Yeolyeol
Ako din G, may driver naman ako eh si @Keiji HAHAHAHA
Caileen
Iba ka tol!
Keiji
Mukha mo, yeol!
Keiji
G daw kaming tatlo nila Taeyeonie. kayo? Pagbalik daw namin ng manila pwede din daw
Jisoo
Di naman ako papayagan, sayang. Kayo na lang siguro :((
Lisa
Awts, resched nlng namin para sayo, bal?
Jisoo
Weh? Iloveyouu all!! 💋
Lisa
We love you too, bal! Iloveyou all! ❤️
Caileen
Mahal ko kayoooo! Walang iwanan!
Cerise
Sending hugs sa inyo!!
Lulu
Sarap naman ng yakap mo bhiE
Cerise
Isa pa ba? HAHAHAHA
Yeolyeol
Dito pa talaga naglandian aba
Caileen
Sa tingin ko ayan yung magiging line mo habang buhay, yeol 😂
Lulu
Sigurado
Sage
Mahalin natin ang isa't isa! Magmahalan tayo!
Yeolyeol
Ang cheesy niyo, pero pota mahal ko din kayo!
Keiji
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO SI TAEYEEEONIE!!
Lisa
Ayownn
Jisoo
Uwian na may nanalo na
Caileen
Single be like: *walk out*
Sage
Sage left the group.
Cerise
Ay lumalaban sa amin ang TaeJi HAHAHAH
Lulu
Oo nga, bhiE. Dapat ba tayong matakot? 😂
Taeyeonie
HAHAHAHA wag niyo na pansinin yang sinasabi ni Keiji
Keiji
Mahal ko din kayo, guys. Kalma lang, pero mas mahal ko talaga si eyeon ko 😚
Yeolyeol
cringe ampota, landian personal pati ba naman sa messenger. Ugh! Kairita.
Sage
Gago HAHAHAHA
Taeyeonie
Mahal din kita
Lisa
Waaaaaah eto na talaga
Jisoo
Yowwwn taeji is real!!!!
Lulu
Papaletchon lang ako teka ha? Antayin niyo, wag kayong magmadali baka masunog ko.
Cerise
Iba tong si charity, malaks din 👏👏
Caileen
Witwiw
Taeyeonie
Este mahal ko kayo kaya magsikain na kayo ng hapunan, see you soon guys!! ☺️❤️
Seen by everyone.