A/N : If you don't like Girl×Girl.. don't read this. Read other stories ok?
NICK'S POV
Last day na ngayon ng school pero natutulala parin ako habang nag lilinis at nag ma mop sa room.
(FLASHBACK )
"Kunin mo na yan, gamutin mo sugat sa kamay mo. ", sabi nya saakin.
"Baby! Halika na nahihilo na ako. ", sambit ng kasama nya.
Baby?..
Tinanguan nya at umalis na.
"Magjowa sila? Argh never mind, pero familiar sya.. ", usal ko habang ginagamot ang nasugat kong kamao na tumama kanina sa ngipin ng isa sa mga nakaaway ko.
Her voice..
Her height..
Very Familiar..
"Hoy! Gage ka! Napaaway ka pa oh, sabi mo kanina uuwi kana?! ", binatukan ako ni Shaira pagdating ko sa dorm at nang makita ang sugat sa kamay ko, pinisil nya yun. Napasigaw nalang ako dahil ansakit.
(END OF FLASHBACK )
"Oii, kanina kapa naka tayo jan Nick ah? Ok ka lang ba? ", tanong ng classmate ko.
"Ahh, oo naman. May naalala lang. ", tinanguan nya ako at pinagpatuloy na ang pag lilinis. Halfday nalang kami ngayon kasi mag lilinis lang naman kami, makukuha na rin mamaya ang mga results ng exam.
Sana makapasa ako.
Napatingin ulit ako sa kamay ko na may Band Aid. Diko manlang natanong pangalan nung babaeng yun kahapon, she also wear black shirt and black jeans. I think she also like black just like me.
Pagkatapos naming maglinis ay naupo muna kami sa loob ng room at hinintay ang results ng exam. Napadasal nalang ako habang naghihintay, ganun din ang ilang mga classmates ko.
"Ok class, nandito na ang mga results. Ibabalik ko nalang ang mga test papers nyo. ", nilapag ni Sir ang mga test papers sa table nya at nag assign sya ng mga mag didistribute non.
Ilan kaya nakuha ko?..
Maya maya ay may lumapit na sakin at binigay na ang test paper ko. Sa awa ng
Diyos nakapasa rin ako. This is my 4th year of college in Architecture, next year na ang last year ko.
"Ok, so na distribute na ang nga papers nyo. Makinig kayo sakin, the Principal declares na i move ang Christmas Party para maagang tayong maka Christmas break. The party will be on Monday, today is Friday so you have 2 days to prepare for the party. Pwede na kayo
mag decorate dito sa room ngayon or bukas nalang. So yun lang masasabi ko, goodbye class. ", pamamaalam ni Sir.
"Bye sir! ", ilan sa mga classroom officers ay naiwan at nag decorate, isa nako doon.
Bat paba kase ako yung presdent?! Next year ayoko na maging president.
Pagkatapos namin mag decorate ay saktong ala una na kaya naman nagsi uwian na kami. Pagtingin ko sa room nila Shaira ay naka sara na ang pinto nila kaya naman baka naka uwi na yun sa Dorm.
Tahimik akong nag lalakad sa hallway papalabas ng University kaso nakita ko yung babaeng tumulong sakin.
Baka dito rin nag aaral.
Nilapitan ko sya at saka ko lang napagtanto na kasama pala nya si Shine.
Dalawang magagandang babae na ang nasa harap kooo ahhhh!
Homhayghad, Angels..!
"Uhmm.. Nick, ito pala si Heira, bestfriend ko and classmate ko rin. Heira ito si Nick, yung nakalaban ko sa Chess Tournament and my friend. ", pagpapakilala nya.
My 'FRIEND' ? huhu awts..
"Hi. ", sambit ni Heira.
Bat antangkad tangkad neto? Napaka familiar talaga nya. Saan ko na ba ulit to nakita..
"Hello, thank you for helping me yesterday. ", pagpapasalamat ko at ngumiti, nginitian nya rin ako pabalik.
Such an angelic smile..
Ano to? Mga Guardian Angel ko?
"Sige Heira, Shine, una na ako ah? bye, ingat kayo. ", ani ko at umalis na.
Heira..
Matangkad..
Yung boses..
Wait.. SYA YUNG NASA PANAGINIP KO!! Pero.. spanish? Spanish ba yung si Heira? Argh nevermind.
*Ring* *Ring* *Ring*
"Op? ", sagot ko sa tawag.
"Diretso ka sa mall, andito ako bili tayo damit para sa Christmas Party. ", si Shaira.
"Oh sige hintayin moko jan. Di mo pako hinintay kaninang lunch. ", tumawa lang sya at pinatay na ang tawag.
Pagdating ko sa mall ay natanaw ko kaagad si Shaira, nakaupo sa McDonalds.
"Oi! Kain muna tayo, gutom nako anong oras na oh. ", sambit ko at dumiretso sa counter para mag order.
Pagkatapos naming kumain ay naglibot libot na kami sa mall para bumili ng damit. I choose pants/jeans than skirts.
"Oiii! Uwi na tayo, usto ko na humilata. ", sabi ni Shaira kaya naman umuwi na kami pagkatapos naming mamili ng damit.
"Sige tara na. ", sambit ko dahil gusto ko na rin humilata.
Palapit nanaman ang pasko, miss ko na pamilya ko..
"Hoy Nicholas, diba si Heira yun? Sino yung kasama nya? ", tinuro pa nya.
It's Heira with her.. Girlfriend..?
"Baka GF nya. ", sagot ko at dumiretso na sa parking lot.
"Taena neto, di pako hinintay. ", lakad takbo na sabi ni Shaira.
"Nahihiga nanga ako eh. Pati ikaw diba? So halika na, uwi na. ", sambit ko at pumasok na sa sasakyan ko.
SHAIRA'S POV
"Oi, Nick. Tulog muna ako dito ah? Antok ako takte. ", paalam ko sakanya bago nya paandarin ang sasakyan kaya pumunta ako sa back seat at dun natulog.
"Nick.. sorry.. ", paghingi ko ng paumanhin sakanya.
"No no, shh.. Don't say sorry, ako dapat ang magsorry sayo kase nasaktan kita.. ", pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang panyong dala nya.
"Diko na kayang itago Nick, I love you.. "
"I love you too, sorry Shaira but as a friend.. ", malungkot na tinig nya.
"Ok lang Nick, atleast masaya kana sakanya.. Paalam Nick.. "
"Oi, alagaan mo sya ng mabuti ah?.. ", baling ko sa kasama nyang babae at tumango naman ito at sumagot.
"Oo, mamahalin ko sya at aalagaan, wag kang mag alala. ", sambit neto at naramdaman ko nalang na umagos ang luha ko.
"Bye Nick, I love you.. "
Bigla akong napamulat ng tumigil ang sasakyan.
"What was that?.. "
"Ang alin..? ", tanong ni Nick.
"Ah wala wala. "
"Sakto gising kana, andito na tayo sa Parking Lot oh. ", sabi nya at ipinarking na ang sasakyan saka lumabas.
Gusto ko syang makasama sa pasko..
"Uhm Nick.. ", tawag ko sakanya at napatingin naman sya.
"Pwede sainyo maki pasko? ", nahihiyang sambit ko.
Allaaaaah! Parang namumula na ata pisnge ko!
"Hindi kaba uuwi sainyo? Ihahatid pa naman sana kita eh. ", sambit nya.
"Eh? Ihahatid moko saamin? "
"Yeah, for your own safety, tas makakatipid kana ren.. ", napakamot sya sa batok.
Caring..
"Hmm.. sige nanga, para matahimik kaluluwa mo. ", biro ko at napatawa sya.
Cute..
Bibitbitin ko na sana ang mga damit na binili namin kaso inagaw nya yon.
"Ako na, mukhang antok kapa eh. ", sabi nya at natawa ng unti.
Nice person..
Kung lalaki lang to.. I'm totally inlove with her.. Wait what?!..
"What am i thinking?! ", napasigaw ako.
"Oh? Ayos ka lang? Sinasapian ka naman na ata? ", sabi nya at tinapik ako.
"Ah, ayos lang ako hehe.. ", sambit ko at pinagpatuloy ang paglalakad papasok sa dorm at papunta sa room namin.
Hayyyy! Nakakapagod ang araw na to!
N/A : THANK YOU FOR READINGGG, DON'T FORGET TO VOTE! (sorry natagalan update, busy eh hehe.)
ADVANCE MERRY CHRISTMAS EVERYONE!✨