Do Stars Fall? (Sequel #1)

By Maria_CarCat

4.2M 124K 32.5K

This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star... More

Do stars fall?
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 18

79.4K 2.7K 503
By Maria_CarCat

Paalam






Matagal ako bago nakabawi. Nagpatuloy ang pagbabangayan nila. Napangiwi ako ng mas lalong kumirot ang bandang sintido ko. Medyo nanlabo pa ang aking paningin ng imulat ko ang aking mga mata.

"Sandra, hayaan mo na. Medyo nahihilo ako. Lumipat na lang tayo" suway ko sa kanya. Hinawakan ko pa ang kamay niyang nasa itaas ng lamesa para ipahatid na seryoso ako. Tama na ito.

Napanguso siya at napabuntong hininga. Nauna siyang tumayo kaya naman sumunod na ako. Hindi ako nangahas na tumingin sa gawi ni Frank. Wala din namang rason para tingnan ko pa sila.

"Tara na..." masungit na yaya niya kay Cedrick na hanggang ngayon ay nakatayo at hindi pa din gumagalaw hangga't wala iuutos si Sandra sa kanya.

"I'll go with you" Si Ram. Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kanila. Kung hindi ako pumikit kanina ay baka tuluyang umikot ang aking paningin.

Sumama ang tingin ni Sandra kay Ram. Pero sa huli ay may iba nanaman siyang naisip.

"Ano Stella, Nahihilo ka? Naku Ram, alalayan mo" malakas na sabi nito na halatang ipinaparinig sa mga nasa kabilang lamesa.

"Nahihilo ka, Stella?" nagaalalang lapit ni Ram sa akin. Hinawakan pa niya ako sa siko para alalayan.

Marahan akong umiling. "Hindi, ayos lang ako" pagtanggi ko sa kanya.

Sabay sabay kaming naglakad palabas ng restaurant na iyon. Tama lang na ako na ang umiwas sa kanya. Kagaya ng sinabi niya sa akin ng huli naming paguusap, ayaw niya na akong makita. I'll doing him a favor by ignoring him. Ako na ang iiwas.

"Girls can stay" paguulit ni Sergio.

Nilingon sila ni Sandra. "Tse, mga gago!" sigaw niya sa dalawa. Bago ko pa man siya masuway ay tumaas na ang kilay ko ng makita ko kung paano siya hinawakan ni Cedrick sa braso.

"Tama na iyan" matigas na suway niya kay Sandra.

Sinamaan siya ng tingin ni Sandra at pagkatapos ay inirapan. "Halika na nga, Stella" yaya niya sa akin at kaagad akong hinawakan sa kamay para hilahin paalis duon.

Nanatiling nakasunod sina Ram at Cedrick sa amin. Hindi ko din alam kung saan kamk papunta, basta ay naglakad lang ng naglakad si Sandra hanggang sa hindi niya na nakayanan at nagpapapadyak sa aming harapan.

"Nakakainis!" pagmamaktol nito.

Nakatingin lang siyang tatlo. Alam ko na kung bakit siya nagkakaganyan. Mukhang hindi pa din ito nakakapagmove on kay Sergio. Eh bakit kanina parang may something siya kay Cedrick. Ang gulo din ng babaeng ito, mas lalo akong nahihilo.

Nang kumalma si Sandra ay nagyaya na lang siyang umuwi kesa kumain kami sa labas. Bumagsak ang balikat ni Ram dahil dito.

"Gusto pa sana kitang kamustahin" sabi ni Ram sa akin.

Kasama namin siyang naglakad patungo sa parking space ng mall. Kahit papaano ay natuwa ako ng malaman kong nagkatuluyan sila ni Eunice at may dalawang anak na ngayon. Kaya din pala niyang maging matapang, kaya din pala niyang ilaban kung ano ang gusto niya.

"Ay sana all" sabi ni Sandra pagkadating namin sa condo niya.

Napangiti na lamang ako pero umirap siya na akala mo ay siya ang naging ex ni Ram at dating bestfriend ni Eunice. Wala na sa akin iyon, matagal ng tapos.

"Para siguro talaga sila sa isa't isa. Medyo magulo lang ang simula...pero sila" sabi ko dito.

Mas lalong umikot ang kanyang mga mata dahil sa aking sinabi. "Papagawan na kita ng rebulto, Stella. Wag masyadong mabait, baka maaga kang kailanganin sa langit" pangaasar niya sa akin kaya naman inirapan ko na lamang siya.

Pagod akong umupo sa sofa ng lumapit si Sandra sa mini bar ng kanyang condo. Iinom nanaman ang babaeng ito. Palibhasa ay alam niyang nasa tabi niya palagi si Cedrick.

"Wine?" tanong niya sa akin na kaagad kong inilingan.

Inilabas ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Nakita ko ang ilang missed call duon at message mula kay Mommy. Hinahanap nila ako at kailan kong tumawag kaagad dahil may importante silang sasabihin.

Tumayo ako at lumapit sa may bintana ng idial ko ang number ni Mommy. Matapos ang ilang ring ay sinagot din niya iyon. Emosyonal kaagad siya ng marinig ang aking boses.

"Kamusta na ang kapatid mo?" bungad niya sa akin.

Parang may kung anong bumara sa aking lalamunan, mapait na lang akong napapikit habang nakatanaw sa unti unting pagkagat ng dilim sa liwanag. Isa isa na ding bumubukas ang mga ilaw sa naglalakihang building at kita ko nag dami ng sasakyan sa ibaba.

"Maayos na po si Sera, Mommy" sagot ko sa kanya. Narinig ko kung paano siya nakahinga ng maluwag dahil sa aking sinabi sa kanya.

"Ikaw anak?" tanong niya sa akin. Atleast, kinamusta din ako.

Nanatili ang titig ko sa labas ng bintana. Hindi po ayos Mommy, nagpalipat lipat ako ng bahay matapos akong palayasin ni Frank. Mabuti na lang at maluwag akong tinanggap nina Alfred at Sandra, kinupkop nila ako. Paano na lang kaya ako kung wala silang dalawa? Saan ako pupulutin.

"Kausapin mo ang kapatid mo. Baka may maitulong tayo sa kanya kung hinahanap niya ang tunay niyang pamilya" sabi ni Mommy sa akin, napatango.

Pero hindi na natuloy pa ni Mommy ang sasabihin niya ng kaagad na hiningi ni Daddy ang cellphone mula sa kanya. Bayolente akong napalunok, humigpit ang hawak ko sa aking cellphone.

"Nasaan ka, Stella?" matigas na tanong ni Daddy sa akin.

"Nakikitira sa kaibigan, Daddy" halos pumiyok ako ng isagot ko iyon. Gusto kong maiyak, gusto kong malaman niyang ito ang kalagayan ko dahil itinakwil niya din ako sa bahay namin. Pinalayas ng piliin ko si Frank na pinalayas din naman ako.

Walang may gusto sa akin dito. Minsan, naiisip kong lumayo na lang. Pero paano si Mommy? Hindi kayang iwanan siya. Kung lalayo man ako, isasama ko si Mommy.

"Ito ang gagawin mo, para magkasilbi ka. Makinig kang mabuti..." paguumpisa niya. Nasaktan ako sa narinig ngunit hindi naman na bago iyon sa akin.

Napaawang ang labi ko ng malaman ko nag gustong iutos ni Daddy sa akin. Pababalikin niya ako sa Guam para tumulong sa mga relatives namin sa pagaayos ng ibinibentang property. Umaasa pa din si Daddy na makukuha niya pabalik ang Pharmaceutical manufacturing namin kay Sera kung babayaran niya ito. Siya na lang ang umaasa duon.

"Umuwi ka dito ng makapagusap tayo ng mas maayos" galit pang sabi niya matapos niyang ibaba ang tawag.

Bumagsak ang aking magkabilang balikat. Ayoko na sanang bumalik duon pero ayos na din siguro. Kailangan ko ding lumayo.

"Gaano naman katagal?" malungkot na tanong ni Sandra sa akin.

Nawala siya sa mood na magpunta sa bar ng sabihin ko sa kanya ang aking pagalis. Nagiwan na din ako ng message kay Sera, gusto ni Mommy na makausap ko siya bago man lang ako bumalik ng Guam.

"Hindi ko alam eh, depende sa aayusing property" sagot ko sa kanya kaya naman humaba ang kanyang nguso.

"Nagready na ako para sa city life na kasama ka eh, nangiiwan ka naman sa ere eh" masungit na sabi niya sa akin.

Nginisian ko siya. Nagulat ako ng parang bata itong lumapit sa akin at yumakap. "We're sister, Stella. You will always have me" paninigurado niya sa akin.

Ginantihan ko ang yakap sa kanya. Mabuti at nandito si Sandra. Hindi ko nararamdamang magisa ako. Pero paano pag balik ko sa Guam? Ako lang ang nanduon.

"Kailan ang alis mo?" tanong niya sa akin.

"Depende sa ticket na kukuhanin nina Daddy" sagot ko sa kanya. Imbes na magsalita ay muli niya lang akong niyakap.

Habang nagtratrabaho si Sandra kinaumagahan ay abala naman ako sa pagaayos ng aking mga gamit. Iyon na lang din siguro ang dadalhin ko sa Guam, ang mga hindi ay ibabalik ko sa amin sa Bulacan.

Mabigat ang pagalis ko ngayon kesa nuon. Nuon kasi ay buong pamilya kaming pupunta duon, hindi ako takot dahil kasama ko sila. Ngayon, kailangan kong harapin ang kinakatakutan ko, ang magisa.

Nakaluhod ako sa sahig ng living room ni Sandra habang nakakalat sa aking harapan ang dalawang maleta na inaayos ko. Ramdam ko ang pagtingin ni Sandra sa akin paminsan minsan, napapanguso na lamang siya. Ayaw niya akong umalis.

"Magisa ka lang duon, diba ayaw mong magisa?" paalala niya sa akin.

Nanatili ang aking mga mata sa aking mga gamit. "Kailangan kong matutong magisa. Kailangan kong kayanin, sila nga ay kaya ng wala ako. Dapat ay kaya ko din na wala sila" paliwanag ko sa kanya.

"Sino yung sila na yan? Kasama ba diyan si Frank?" masungit na tanong niya sa akin.

Tipid ko na lang siyang nginitian at hindi na sinagot pa. Ito din naman ang gusto ni Frank, ang mawala ako. Ni ayaw nga daw niya akong makita matapos niya akong palayasin sa condo niya. Ito na iyon, aalis na ako ng bansa. Sana ay masayahan siya.

Napatigil ako sa pagaayos ng mapansin ko ang ilang beses na pagkuha ni Sandra sa akin ng litrato.

"Anong ginagawa mo?"

Nagtaas siya ng kilay sa akin at tumutok sa kanyang cellphone. "Ipost ko ito sa instagram, trip kong magdrama ngayon" sagot niya sa akin na ikinatawa ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagaayos ng magpaalam si Sandra sa akin na aalis sandali.

Matapos magayos ay ang mga documento ko naman ang inasikaso ko. Ilang message pa din ang ipinadala ko kay Sera pero hindi niya ako sinagot. Galit pa din siya, at akala niya siguro ay ginagawa ko ito dahil habol ko pa din ang manufacturing.

Ako:

Babalik ako ng Guam. Baka magtagal ako duon. Wala ka bang time, today?

Ilang beses akong napabuntong hininga at umaasa pa ding sagutin niya ang message ko. Napaayos ako ng upo ng maramdaman ko ang pagvibrate ng aking phone, sa wakas ay sumagot na siya.

Sera:

Sige, today. I'll text you where.

Mabilis akong tumayo ay pumasok sa aking kwarto para makapagbihis. May iniwan pa naman akong gamit para may maisuot pa ako pag alais kagaya ng ganito.

"Ano ba yan, umulan pa" sabi ko sa kawalan.

Sayang at hindi pa ako nakasabay kina Sandra at Cedrick sa paglabas kanina, umalis sila para pumunta sa office ng Daddy niya. Sakto ng paglabas ng tower ay nareceive ko ang message kay Sera kung saan kami magkikita.

Nahirapan akong makakuha ng taxi. Lumakas ang buhos ng ulan kaya naman dumami ang pasahero. Medyo nabasa ako dahil sa pagmamadali, late na ako sa usapan namin ni Sera. Baka mamaya ay mainip iyon.

Sandali kong inayos ang aking sarili pagkadating ko sa lugar. Pinunasan ko ang nabasa kong braso, maging ang buhok ko ay medyo nabasa din, napahatching pa ako sa kalagitnaan ng mga iyon. Baka magkasakit ako nito.

"Sorry, I'm late" paumanhin ko kay Sera, kita ko kung paano niya naikuyom ang kanyang kamao. I know, she's not happy to see me.

"Upo ka" tamad na sabi niya sa akin.

Malamig dahil medyo basa ang damit ko, pero mas lumamig dahil sa lamig ng boses ni Sera. Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng umupo ako sa harapan nilang dalawa, pareho kasi silang nakatingin sa akin.

Pumungay ang aking mga mata ng makita ko kung paano niya hinaplos anh buhok ng anak. Kamukha niya ito.

"Your friend, Mommy?" malambing na tanong ni Kianna sa kanya. Iyon ang narinig ko kay Augustine nung dumalaw ako sa hospital.

Nahigit ko ang aking hininga dahil sa itinanong niya. Ramdam kong nagaalangan si Sera na sagutin iyon. Ayos lang kung itatanggi niya ako bilang kapatid niya. Nahihiya nga ako ngayon na harapin sila, sa kabila ng ginawa ko sa kanilang dalawa.

"My sister" sagot ni Sera sa kanya dahilan kung bakit nagangat ako ng tingin sa kanila.

Tipid akong napangiti ng magusap sila sa aking harapan. Narinig ko kung paano humingi si Kianna ng kapatid dito. Kita kong masaya na si Sera sa kanyang pamilya. Tuluyan na nga siyang nakalaya, masaya ako para sa kanya.

Hindi ko naiwasang maging emosyonal ng maisip kong ilang taon ang nawala sa kanilang dalawa dahil sa ginawa ko. Wala talagang kapatawaran ang ginawa ko.

"Anong gusto mong sabihin?" tanong niya sa akin sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nalalaman ko. Si Mommy ang nagsabi sa akin ng ibang detalye, ang iba naman ay galing sa pagkakakilala ko kay Frank.

"Kung gagawin mo ito para mabawi ang manufacturing. Sinasabi ko sayo Stella...hindi ko na ibabalik iyon sa inyo" matigas na sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga ako. Sinasabi ko na nga ba ito ang iisipin niya. "Si Daddy na lang ang umaasa duon. Kami ni Mommy, hindi kami naghahabol sa manuf..." sagot ko na ikinatango niya.

Ipinagpatuloy ko ang kwento ko sa kanya. Sa kung paano siya inampon nina Mommy ay Daddy sa aming dating mga trabahador. Kasabay nuon, ay pumutok din ang malaking balita tungkol sa pagkawala ng pitong taong gulang na bata mula sa isang mayaman at kilalang pamilya.

"Pero ang alam niya, isang malaking pamilya galing sa iloilo..." sabi ko na lang sa kanya.

Pwedeng pwede kong sabihin sa kanya na si Frank ang Kuya niya. Pero mahigpit na ibinilin nito na hindi pwedeng malaman ni Sera dahil pinuprotektahan niya ito. Muli nanaman akong nakaramdam ng inggit kahit alam kong mali.

Bumagsak ang tingin ko sa aking pagkain. Ang totoo, ayokong pumunta sa Guam. Ayokong malayo sa pamilya ko, ayokong malayo sa iilan kong kaibigan. Ayokong magisa.

"Don't worry, Sera. Kahit nasa Guam ako ay tutulong ako" pagpapagaan ko ng loob niya ng makita kong naging emosyonal na siya at napansin na din iyon ni Kianna.

Wag kang magalala Sera. Makikilala mo din ang Kuya mo, sa ngayon pinoprotektahan ka muna niya.

Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko kaya naman sa huli ay nagpaalam na ako sa kanila ni Kianna. Mabigat ang dibdib ko ng naglakad ako palayo sa kanila. Sana ay may kasama din ako, sana ay hindi ako nagiisa.

Dumaan na ako ng department store para sa ilan pang gamit na kulang ko. Panay naman ang ubo ko, nagumpisana ding bumara ang aking ilong dahil sa pagkakaroon ng sipon.

"Bakit hindi ka kasi nagtext? Pwede ka naman naming sunduin" pangaral ni Sandra sa akin ng malaman niyang nagkalagnat ako ng gabing iyon.

"Biglaang lakad kasi" sagot ko sa kanya. Kung magasikaso siya ay parang nanay ko siya.

Mas lalo pa siyang napadaing ng makareceive ako ng message mula kay Daddy. Sa susunod na araw ang flight ko pabalik sa Guam. Sana ay gumaling na ako bukas, ang dami ko pa naman sanang gagawin.

"Magisa ka lang duon at may sakit ka pa. Ipamove mo, hanggang gumaling ka. Ako na ang magbabayad sa ticket" pagaalala ni Sandra.

Marahan akong umiling. Alis ako sa naunang petsa. Ayoko ng tumagal pa dito at baka mas lalong hindi ako makaalis. Sobrang bigat sa dibdib na gusto ko na lang umiyak.

Nang umayos ang pakiramdam ko kinaumagahan ay nagpasya akong dumalaw kina Alfred, Tiya Choleng at kay Noy. Hindi ko alam kung gaano ako katagal duon, mabuti na yung maayos akong nakapagpaalam sa kanila.

Si Sandra naman ay maaga ding nagtrabaho. Gusto kasi niyang nandito sa buong hapon bago ako umalis pabalik ng bulacan. Hapon pa naman ang flight ko bukas kaya duon na ako manggagaling. Kailangan pa naming magusap ni Daddy dahil marami siyang bilin, kailangan kong umuwi mamayang gabi duon.

Sobrang bigat sa dibdib, parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan ng isipin kong huling araw ko dito. Hindi ko man alam kung gaano katagal akong mawawala ay nakakalungkot pa din.

Nakakakungkot dahil ako lang ang nalulungkot sa aking pagalis. Wala bang iiyak bukas sa airport pag hinatid ako? Wala bang may gustong magstay ako?

"Magandang umaga po!" bati ko sa kanila pag kadating ko sa karinderya.

"Stella!" tawag ni Tiya Choleng sa akin. Lalapit pa lang sana siya sa akin ng unahan na siya ni Noy.

Natawa ako ng makatanggap siya ng pingot mula dito. Sinabi ko aa kanila ang tungkol sa aking pagalis at kaagad kong hinanap si Alfred. Nabigo ako ng sabihin nilang nasa trabaho ito, wala na akong ibang time na magpaalam sa kanya.

"Chocolate namin ha" pangaasar nila sa akin na kaagad kong tinanguan.

Dala ang bagong lunch box na binili ko para kay Alfred ay nagtungo ako sa security company ni Frank kung saan siya nagtratrabaho. Magpapalam lang naman ako ay ibibigay ang aking regalo. Malaki ang companya ni Frank, hindi naman siguro kami magkikita.

Matapos kong pumirma sa log in list at bigyan ng ID ng guard bilang visitor ay nakapasok na ako, nagpaturo na din ako sa kanya sa kung saan ko makikita si Alfred.

Malaki ang companya ni Frank. Napanguso na lang ako at ipinagsawalang bahala ako. Kaya pala madali lang sa kanyang tapatan ako ng pera, ang kapal ng mukha niyang gawin iyon. Minahal ko siya ng totoo, walang katumbas na pera iyon.

"Stella, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Alfred sa akin.

Kaagad siyang humiwalay sa mga kasama ng makita ako. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong lunchbox. Walang laman iyon, kabibili ko lang bago ako nagpunta dito.

Nagawa ko pa ding ngumiti aa kanya kahit alam kong masakit ang paalam.

"Sinasabi ko ito sayo dahil ayokong maulit yung dati, na umalis ako ng walang paalam at maayos na dahilan. Kaibigan kita kaya naman gusto kong sabihin ito sayo" paliwanag ko.

Halos hindi ko matingnan ng diretso sa mata si Alfred. Kita ko ang gulat, pero mas nangingibabaw ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Sino ang makakasama mo duon?" nagaalalang tanong niya sa akin.

Tipid akong ngumiti. Gusto kong ipakita sa kanya kahit papaano na ayos lang ako.

"Ang mga Tito at Tita ko" sagot ko sa kanya. Napatikhim si Alfred, alam niyang hindi ako close sa mga ito.

"Sana pwede kitang samahan" marahang sabi niya.

Namanhid ang aking buong katawan. Alam naming pareho na impossible iyon. At hindi ko din naman hahayaan dahil baka mapaginitan nanaman siya ni Daddy.

"Magiingat ka duon. Pag sobrang lungkot na, umuwi ka na" pangaral niya sa akin.

Natatawa akong umiiyak. Kahit ngayon nga ay sobrang lungkot na. Paano pa kaya kung nanduon na ako at wala na akong magagawa kundi ang manatili duon.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay Alfred. Hindi ko pwedeng kuhanin ang buong oras ng kanyang lunch break, kailangan pa niyang kumain.

Walang lingon lingon ng naglakad ako palayo kay Alfred. Narinig ko pa ang ilang pagbuntong hininga nito na para bang nahihirapan siyang huminga.

Mabilis ang lakad ko patungo sa may elevator. Walang laman kaya naman kaagad akong pumasok, tumulo ang masasaganang luha sa aking mga mata ay nagsumiksik sa pinakagilid ng elevator. Bago pa man sumara ang pintuan ay may humabol na pasakay.

Nagangat ako ng tingin dito at nagulat ng makita kung sino iyon. Si Frank, at kaming dalawa lang ang nasa loob.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot. Ayokong sabihin na dahil kay Alfred, baka madamay pa ito.

"Hindi ba't sinabi kong..."

"Hindi na ako magpapakita sayo" paninigurado ko. Inunahan ko na siya, mas masakit kasi kung sa kanya ulit manggagalit.

Bumagsak ang mga tingin ko sa sahig. Maa lalong bumuhos ang aking luha. Wala sa plano kong magpaalam sa kanya.

"Hindi na ako magpapakita, hindi mo na ako makikita" paguulit ko. Wag siyang magalala dahil aalis naman na ako bukas.











(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.3K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1.9M 51.7K 43
(COMPLETED) Art Theodore Dela Cuesta is the epitome of perfection for today's generation. Popular with women, the top bachelor in the country, a very...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
1.8M 52.9K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...