"I'm sorry. I didn't mean to hurt your brother. It's just that I don't feel the love anymore. We're not meant to be. And I hope hindi mo ipagsabi sa iba kung ano yung nakita mo."
"If hindi mo na talaga mahal si kuya. Sana sinabi mo sa kanya ng maaga. Di yung niloloko mo siya sa likod niya--"
"I don't want to talk about it. Just get over it and act like you didn't see anything nalang. Then we're done." Bagot niyang saad.
Nandito kami ngayon sa likod ng paaralan. Kaming dalawa lang ang nandito.
"Why are like this? Hindi ka naman ganito noon. Zeira I trusted you. I trusted you kasi you're my friend. But then you just broke my trust. Bakit ka nagbago? Is it because of fame? Nasisilaw ka na ba sa kasikatan kaya nagka ganyan ka?"
"People changed Daisy and I'm one of them--"
"--and can you just shut up. Di naman yun big deal eh. Ikaw lang naman tong nagpapalaki sa gulo. All I want you to do is shut up and don't tell anyone kung ano yung nakita mo. And to clarify it to you. I still want to be with your brother kasi ng dahil sa kanya unti unti na akong nakikilala dito sa school."
It hurts to hear your friend say that. It hurts to see her changed. Okay lang naman siya noon. Pero bakit biglaan to? Or baka matagal na siyang nagbago pero ngayon ko lang napansin.
I chuckled at what she said. "Really?"
"If that's what you want then okay. But starting from now, I want you to stay away from my brother. He doesn't deserve you. He deserves much better." After I said that I left her there.
Bumalik ako sa classroom ng mabigat ang pakiramdam. Gusto kung sumigaw dahil sa frustration. Gusto kung sampalin si Zeira dahil sa inis. Pinigilan ko lang sarili ko dahil hindi pananakit ang solusyon ng lahat.
__________________________________
Lumipas ang oras simula noong pag-uusap namin. Wala pa akong naging balita sa kay kuya. Nandito parin ako sa school. Kailangan ko pang tumulong dito sa club namin. Malapit na kasi ang Academic Festival.
I texted kuya kanina pero hindi siya sumagot. Tinawagan ko na din siya pero out of coverage siya. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa.
Tumunog ang telepono ko kaya kinuha ko ito.
Tumatawag si kuya....
Sinagot ko agad ang tawag
"KUYA!"
"Nasa labas ako." Pinatay niya na agad ang tawag.
Nanlalamig ang mga kamay ko. Bakit ramdam ko na may hindi magandang mangyayari? Nag-paalam agad ako sa kanila. At nagmamadaling lumabas, pagkarating ko sa harapan nakita ko agad ang sasakyan ni kuya. Lumapit ako at pumasok agad.
Tahimik lang siyang nagmaneho. Ramdam ko ang tensiyon namin dito sa loob.
"Why didn't you tell me." Pagbasag niya sa katahimikan. Napatingin agad ako sa kanya. His was jaw clenching and I can see the anger in his eyes.
"Why didn't you tell me?" He repeatedly asked.
Di agad ako nakasagot. "Now what? Your gonna act like you didn't know anything?"
Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Daisy answer me!" Sigaw nito. Nagulat ako at naramdaman ko din na may namumuong luha sa mata ko.
"K-kuya c-calm down" i softly said. Napahigpit ang paghawak ko sa seatbelt.
"Do you expect me to fucking calm down after I found out my girlfriend has been cheating on me. And worst my sister also knows? How do I fucking calm down at that Daisy!" Galit na sigaw nito.
Natatakot ako. Lalong-lalo na kasi nagmamaneho siya. Baka mapano kami.
"K-kuya mas m-mabuti siguro kung itigil mo muna ang sasakyan. B-baka m-mapano tayo. P-please." Nangiginig kung saad.
Di siya nakinig sakin at patuloy lang siyang nagmaneho. Tumulo ang pinigpigilan kung luha. Sinabi ko sa kanya lahat ng nalaman ko. Paulit ulit kung sinabi sa kanya. Mas lalo siyang nagalit.
"K-kuya p-please s-slow d-down! I'm s-scared." Nangiginig kung tugon.
Diretso lang ang pagmamaneho ni kuya. At sa hindi inaasahan may bumangga sa sasakyan namin.
Napakabilis ng pangyayari. My body hurts.
"K-kuya." I reached for his hand and he squeezed it.
"D-d-daisy. I'm S-sorry." Mqy tumulong dugo galing sa noo niya. Pumikit siya matapos niyang banggitin iyon. Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa kamay ko.
"K-kuya.... n-o.... p-please." Nanghihina kung saad. Ilang sandali lang din ay binalot na din ako ng kadiliman.
_________________________________
Pagmulat ko sinalubong agad ako ng puti. Inilibot ko ang paningin ko at doon ko lang napagtanto na nasa hospital ako. Naalala ko si kuya kaya napabangon agad ako sa pagkahiga. Napahiga uli ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko.
Pinilit ko uling tumayo. Ginawa kong pang-alalay ang stand ng dextrose at naglakad na palabas. Kailangan kung hanapin si kuya. I need to make sure that his okay. Kasi di mapapanatag ang loob ko kapag hindi ko siya nakikita.
Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig ako sumigaw. Paika-ika akong naglakad patungo sa doon. Naabutan kung nakaupo si mama sa sahig na umiiyak.
"Pasensya na pero ginawa na namin lahat nang aming makakaya."
"No! please save my son! Please iligtas mo ang unico iho ko! PLEASE!" Pagmamakaawa ni mama
"I'm sorry for your lost Ma'am." Yumuko ang doctor sa harapan nila mama at umalis. Umiyak si mama kaya yinakap siya ng mahigpit ni Papa.
Napako ako sa tinatayuan ng dahil sa narinig ko.
No please.....
huwag niyong sabihin yan. buhay pa si kuya alam ko yun. Ramdam ko na buhay pa siya..
Kung panaginip man ito sana magising na ako. Di ko gusto ang panaginip kung ito.
"A-ate?" Pagtawag ko sa kay Ate Erica na nakatulala.
Lumingon ito sakin
"D-daisy!" Lumapit siya sakin at yinakap ako. Napalingon din sila mama sakin. Tumayo siya agad at lumapit sakin.
Akala ko yayakapin niya ako pero ibang salubong ang binigay niya sakin.
Sinampal niya ako.
"K-KASALANAN MO ITONG LAHAT! KUNG HINDI KA LANG KASI NAGPASUNDO SA KUYA MO HINDI KAYO HAHANTONG SA GANITO! HINDI SANA MAWAWALA ANG KUYA MO! KASALANAN MO ITO!"
Nagpasundo? Last time I check hindi ako nagpasundo sa kay kuya.
Pinaghahampas niya ako. hinawakan ni Ate si Mama at linayo sakin. Pero patuloy parin sa pagsisigaw si mama at nakakuha ito ng atensiyon sa ibang tao.
"KASALANAN MO ITO! BAKIT IKAW PA ANG NABUHAY? BAKIT IKAW PA ANG MASWERTENG NABUHAY? BAKIT KAILANGAN PANG MAMATAY NG KUYA MO!? THIS IS ALL YOUR FAULT! I DESPITE YOU! I HATE YOU!" Sunod sunod na sigaw nito.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Tama nga siya, kasalanan ko to. This is all my fault. Kung sinabi ko lang kay kuya ang totoo hindi sana mangyayari to. Kung pinigilan ko lang siya sa pagmamaneho hindi sana hahantong sa ganito.
Sana ako nalang ang kinuha. Kuya doesn't deserve this. Di niya deserve na mawala ng maaga.
"MA KUMALMA KA! DI NAMAN KASALANAN NI DAISY YUN EH."
Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko. Nakatingin ako sa kay Mama. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit at sakit. Napakasakit na makitang ganon si Mama.
"No! Hindi ako kakalma hanggang hindi siya magsisi sa ginawa niya."
"From now on. Huwag mo na akong tawaging mama. You're not my daughter anymore. Kasi wala akong anak na makasarili." Matapos niyang sabihin yun umalis siya sa harapan ko at hinila niya din si ate.
Nakatingin lang ako sa kanila. Napatingin din ako sa kay papa na nakatayo parin sa pwesto niya. Akala ko lalapitan niya ako. Pero nagkamali ako.
Tumalikod siya sakin. Tinalikuran niya ako.
Tumulo ang luha ko habang nakatanaw sa papalayong pigura nila.
It hurts to see the people you love turn their backs on you. Sa bawat hakbang nila papalayo unti-unti ding nawawasak ang puso ko.
Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit na nadarama. Ganito nalang ba? Iiwan nalang nila ako? Di din ba nila tatanungin kung okay ba ako? Doble ang sakit na nadarama ko.
Nagluluksa din naman ako ha. Nagluksa din ako kasi kabilang din ako sa namatayan. Kadugo ko din ang nawala. Nasasaktan din ako kasi ako ang huli niyang kasama bago siya namatay.
Napahagulhol nalang ako sa sakit.
Gisingin niya na ako please......
_________________________