Do Stars Fall? (Sequel #1)

By Maria_CarCat

4.2M 124K 32.5K

This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star... More

Do stars fall?
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Chapter

Chapter 12

65.6K 2.2K 314
By Maria_CarCat

Atleast







Hindi ko maalis ang titig ko kay Frank. Muli kong naramdaman ang bigat niya sa aking ibabaw. Pumungay ang aking mga mata ng makita ko kung paano niya ako pagmasdan. Para bang muli niyang pinagaaralan ang aking buong mukha.

"You sure, you're ready for this?" marahang tanong niya sa akin.

Napangiti ako. Kahit dito ay binibigyan niya ako ng kalayaang pumili. Na para bang sa kanya, My opinion matters.

Itinaas ko ang kamay ko at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Marahan din akong tumango sa kanya.

"Ikaw lang ang gusto kong kasama na gawin ito. I love you Frank" malambing na sabi ko sa kanya.

Tipid akong napangiti ng makita ko ang pagawang ng labi niya. Kaagad niya akong inatake ng marahang halik. Halik na para bang dinadala ako sa lugar na hindi ko pa napupuntahan.

Sa bawat paghaplos ng labi niya sa akin ay unti unting nawawala ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Hindi ko naiwasang maiyak habang hinahalikan ko siya pabalik. Kay Frank ko lang naramdaman ito.

Napapaliyad ako sa tuwing gumagala ang kanyang kamay sa aking buong katawan. Malambing niyang hinalikan ang ilang parte ng katawan ko. Nang mahusto ay muli niya akong hinalikan ng madiin bago siya pumwesyo sa aking gitna.

Napayakap ako sa kanya ng yakapin din niya ako. Halos mapipi ako sa laki ng braso niya. Bayolente akong napalunok ng maramdaman ko ang dulo ng kanya sa akin. He's teasing me.

"Aw, Frank" mahinang daing at tawag ko sa kanya.

Mariin akong napapikit ng halos umangat ako sa pagkakahiga dahil sa sakit na nararamdaman dahil sa dahan dahan niyang pagpasok sa akin. He's too big for me, this is my first time.

Napadilat ako ng marinig ko ang nahihirapang daing niya. Kita ko sa mukha niya na may iniinda din siya.

Para akong malalagutan ng hininga dahil sa sakit na nararamdaman. Bayolente akong napalunok. Titiisin ko na lang ang sakit para hindi siya mahirapan. Bumaba ang magkabila kong kamay sa kanyang pangupo para mas lalo siyang itulak.

"Shit. Stella, no..." pagprotesta niya. Alam kong nagpipigil lang siya para hindi ako masaktan.

Tumulo ang luha sa aking mga mata. "I'm ok" marahang sabi ko sa kanya.

Napakamit ulit ako sa kanya ng muli niyang sinubukang pumasok. "You're too...tight" daing niya.

Napasigaw ako sa sakit ng makapasok siya ng buo. Itinago ko ang pagiyak sa kanya. Baka mamaya ay tumigil siya pag nakita ako.

Nang pareho na kaming makapagadjust ay gumalaw na din siya. Hindi ko na napigilan pa ang pagdaing dahil sa magkahalong sarap at sakit. Hindi ko mapigilang mapapikit dahil sa kakaibang nararamdaman.

Sa bawat pag dilat ay nakikita ko ang pagtitig ni Frank sa akin na para bang gustong gusto niyang makita ang reaksyon ko.

"Oh, Frank!" tawag ko sa kanya ng may maramdaman akong kakaiba. Parang may kung anong namuo sa aking bandang puson.

He take me over and over again that night. It was our first night, pagog na pagod at sobrang sakit ng katawan ko ng dahan dahan siyang umalis sa pagkakadagan sa akin.

"I'm sorry, I can't get over you" marahang bulong niya sa akin ng umayos siya ng higa at pinaunan niya ako sa kanyang braso.

Nakapikit na ako ngunit gising pa ang aking diwa. Kaagad akong yumakap sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.

"Stella..." malambing na tawag niya sa akin.

May gusto pa sana siyang sabihin ngunit hindi ko na narinig. Mabilis akong kinain ng antok at pagod. Ang huling natandaan ko na lang ay ang mahigpit niyang pagyakap sa akin.

Napangiwi ako kinaumagahan ng magising ako. Hindi ko kaagad naigalaw ang mga binti ko. Napahawak ako sa aking ulo, tanghali na ng magising ako.

Napadaing ako ng sinubukan kong upo ng dahan dahan. Nakasuot na sa akin ang puting tshirt ni Frank. Nagtagal ang tingin ko sa mantsa ng dugo sa puting comforter. Wala akong pinagsisihan sa nangyari. Masaya ako sa nangyari sa pagitan namin ni Frank. Sigurado ako sa kanya.

Napapangiwi ako sa bawat paglakad pababa. Nasaan kaya siya? Wala siya sa may sala, pero nakita ko ang nakabukas niyang laptop duon.

Naamoy ko ang kung ano sa may kitchen kaya naman duon ako dumiretso. Pagkapasok ko sa may kitchen ay kaagad ko siyang nakita. Nakahilig sa may kitchen counter habang sumisimsim ng kape.

Uminit ang magkabilang pisngi ko ng makita kong wala itong suot na pangitaas. Nagangat siya ng tingin sa akin, tipid akong ngumiti at lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Tanging ang puting tshirt niya lang ang suot ko. Walang kahit anong panloob.

"Uhm. Good morning" bati ko sa kanya at tumingkayad pa para lang makahalik sa pisngi niya.

Nanatili ang tingin niya sa akin. "Morning" he said huskly then kissed me on the lips.

Napanguso ako pagkatapos nuon. Bumaba ang tingin ko sa tasa na may lamang kape. Inabot niya iyon sa akin kaya naman tinanggap ko.

"Masakit pa?" marahang tanong niya sa akin. Titig na titig siya habang sumisimsim ako sa kapeng iniinom niya kanina.

Marahan akong tumango at nagiwas ng tingin. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng hilahin niya ako palapit sa kanya, kung hindi ko lang nahawakan ng maayos ang tasa ay baka natapunan na kaming dalawa.

"Ang ganda mo" bulong niya sa tenga ko at hinalikan ako duon.

Nanginig ang mga tuhod at kamay ko kaya naman kaagad kong ibinaba ang tasa sa may kitchen counter. Ngumisi siya dahil duon.

"Uhm. Nagluto ka na, dapat ginising mo ako" pagiiba ko ng topic at kaagad na dinungaw ang niluluto niyang agahan namin.

"Bakit, mas magaling naman akong magluto sayo" pagyayabang niya.

Tiningala ko siya, nakangisi ito at nakataas pa ang isang kilay. Nangaasar talaga.

"Bakit? Hindi ba masarap ang mga luto ko?" tanong ko a kanya. Baka kasi hindi lang siya nagrereklamo.

"Mas masarap ka" sabi niya sabay halakhak. Napatingala pa siya dahil sa kalokohan niya. Mas lalo ko tuloy na pagmasdan ang adams apple niya.

Hindi niya ako tinigilan sa pangaasar kahit nung nasa hapagkainan na kami. Halos hindi ako makakain ng maayos. Mas mainit pa ang pisngi ko sa bagong luto niyang pagkain.

"Anong gagawin mo ngayong buong araw?" tanong niya sa akin ng sa wakas ay tumigil na din siya at nagseryoso.

"Maglilinis, tsaka papalitan ko yung kurtina. Masyado kasing madilim ang condo mo" sabi ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay.

"Condo natin" pagtatama niya kaya naman napatigil ako sa pagnguya.

"You can do whatever you want here. Basta wag lang pink na kurtina" natatawang sabi pa niya sa akin kaya naman napangiti na lang din ako. Isipin ko pa lang na nakatayo si Frank sa glasswall na may pink na kurtina ay natatawa na ako.

Matapoa kumain ay ako na ang nagpresinta na magayos. Umakyat na siya sa kanyang kwarto para maligo ay magbihis. May mga meeting siya ngayon kaya naman kailangang maaga siya sa opisina.

Saktong pagkatapos ko sa pagaayos ay ang pagbaba niya. Bihis na bihis na at handa ng umalis.

"Ilipat mo na din ang mga gamit mo sa kwarto natin" sabi niya sa akin habang abala sa ilang documento na inilalagay sa loob ng kanyang dalang leather bag.

Hindi ako nakaimik kaya naman bumaling siya sa akin. "Sa kwarto natin, Stella" paguulit niya.

Napakurap kurap ako bago ako tumango sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Masanay ka na..." makahulugang sabi niya sa akin.

Tsaka lang ako nakaligo at nakapagayos pagkaalis ni Frank. Dahil sa late kong paggising ay hindi ko na napaghandaan pa si Frank ng lunch.

Alas diyes ng umaga ng makatanggap ako ng message kay Sandra. Gusto niyang makipagkita sa akin dahil nandito siya ngayon sa manila. Mga ilang araw lang dahil babalik din siya ng probinsya pagkatapos.

"Ano yan, wife duties?" tanong niya sa akin at pinanlakihan pa ako ng mata ng bumaba ang tingin niya sa hawak kong lunch box para kay Frank.

Tamad ko na lamang siyang tiningnan. Napangiti ako ng mapansin kong mas naging morena siya at mas bagay iyon sa kanya. Mas lalo siyang gumanda.

"Ihahatid mo muna ito kay Frank, bago tayo kumain" sabi ko pa kaya naman mas lalo siyang nagmaktol.

Natawa na lamang ako at hinayaan siya, wala naman siyang magagawa. Kailangan kong unahin si Frank.

"Ang laki laki na ni Frank. Hindi iyon mamamatay kung hindi makakakain ng lunch" patuloy na reklamo pa niya kaya naman pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Hayaan mo na ako. Siguradong magiging ganito ka din pag kayo ni Sergio" pangaasar ko sa kanya.

Nagiwan lang kami ng ID sa guard bago kami tuluyang pinapasok. Maging iyon ay inireklamo ni Sandra. Gutom at pagod daw siya galing sa byahe.

"Ayoko ng makita si Sergio. Ghoster, akala mo naman talaga" patuloy na hinaing niya.

Gusto ko sana siyang tanungin kung anong nangyari pero inuna ko muna ang paghahanap kay Frank. Itinuro kami ng guard sa tamang palapag, pero bago iyom ay minata niya muna ako.

Hinayaan ko na lang. Naiintindihan ko, ginagawa niya lang ang trabaho niya. Pagkalabas ng elevator ay kaagad kaming lumapit sa babaeng mukhang secretary niya.

"May appointment?" masungit na tanong niya sa akin ng hanapin ko sa kanya si Frank.

Mabilis akong umiling. "Nasa meeting si Mr. Del Prado ngayon, bawal ang istorbo" sabi niya at nagtaas pa ng kilay sa lunch box na dala ko.

"Anong istorbo? Girlfriend siya ni Frank!" laban ni Sandra. Kaagad ko siyang hinawakan sa braso. Baka mamaya ay mapalabas pa kami ng wala sa oras kung magwawala siya.

Napairap ang babae. "Ang dami na ding nagsabi sa akin niyan. Pwede ba" pagod na sabi nito na para bang immune na immune na siya.

Nalaglag ang panga ko. Marami ng nagpunta dito at nagpakilala sa kanya na girlfriend ni Frank? Akala ko ba...

"Kung ganuon, pwede bang iwan ko na lang ito?" tanong ko sa kanya sabay abot ng lunch box.

Napangisi siya, may itinuro sa aming likuran. Duon namin nakita ang ilang lalaking nakauniporme galing sa isang catering, may ipinapasok silang mga pagkain sa loob ng isang mukhang malaking conference room.

"Hindi na kailangan yan ni Mr. Del prado" sabi pa niya sa akin kaya naman nahihiya kong ibinaba ang lunch box na dala ko.

"Sige, salamat na lang. Tara na, Sandra" yaya ko dito. Kita ko ang pagkalaglag ng panga niya na para bang hindi siya makapaniwala sa aking pagsuko.

Mabilis niya iyong itinukom ng may marinig kaming pamilyar na boses mula sa aming likuran. Mariin siyang napapikit at napamura. Si Sergio iyon.

"Stella, andito ka?" salubong ni Sergio sa akin at bumeso.

"Obvious ba?" mapanuyang bulong ni Sandra dito.

Kumunot ang noo ko ng hindi man lang nagawang batiin ni Sergio si Sandra, hindi ba ay close sila?

"Maghahatid ka ng lunch ni Frank?" nakangising tanong niya ng bumaba ang tingin niya sa hawak kong lunch box.

Medyo nahiya pa ako. "Oo sana, pero mukhang may kainan sa loob" sabi ko.

"Patapos na din ang board meeting. Dito na din kayo maglunch, siguradong matutuwa si Frank pag nalamang nandito ka" sabi pa niya sa amin.

Napatingin ako kay Sandra. Siya ang hinihintay kong magdesisyon, kakasabi niya lang kanina na ayaw niyang makita si Sergio. Ayos lang kung gusto niyang umalis na kami.

Napairap siya sa kawalan. "Gusto mo dito o sa labas na lang tayo?" tanong ko sa kanya. Maging si Sergio ay nakatingin na sa kanya at naghihintay sa kanyang sagot.

"Dito na lang"  tamad na sagot niya at nauna pang nagmartsa papasok sa may hall. Napailing na lamang si Sergio dahil sa inasta ng aking kaibigan.

Limang malalaking round table lang ang nasa loob ng hall. Sa gilid ay ang buffet table. Mabuti na lang ay kahit hindi handa, bumagay naman ang suot namin ni Sandra.

"Dito muna kayo, pupuntahan ko lang si Frank para sabihing nandito ka" paalam sa amin ni Sergio ng paupuin niya kami sa isa sa mga table.

Kaagad na may lumapit na waiter sa amin. Nanlaki ang mata ko ng makita kong si Sandra mismo ang tumawag sa kanya na akala mo ay nasa restaurant talaga siya.

Hindi ko na siya nasuway ng ilang sandali lang ay dahan dahan ng dumami ang tao sa loob ng hall. Sapat lang iyon para sa bilang ng mga lamesa at upuan, mukhang para sa mga kameeting lang talaga ito nila Frank.

Napako ang tingin ko sa kanyang pagpasok. Seryosong nakikupagusap ito sa isang matandang kagaya niya ay nakasuot din ng pormal. Sa talambuhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng insecurity pagdating sa estado ng buhay.

May kaya naman ang pamilya namin, pero habang pinagmamasdan ko si Frank ngayon. Pakiramdam ko ay ang layo layo niya. Sobrang sucessful na siya, sa kanya ang lahat ng ito.

"Oh, bakit mo itinatago yan?" puna ni Sandra ng mapansin niyang itinatago ko ang lunch box.

Hindi na ako nakasagot pa sa kanya ng sabihin niyang palapit na sa amin sina Frank at Sergio. Isang halik sa pisngi kaagad ang iginawad niya sa akin.

"What brought you here?" nakangiting tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. Masyado siyang pormal ngayon. Hindi bagay sa kanya na kumain sa lunch box. Ano bang nasa isip mo Stella!?

"Uhm. Napadaan lang" alanganing sagot ko.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa aking kamay na para bang may hinahanap.

"Ang lunch box ko?" tanong niya sa akin.

Napanguso ako at mas lalong itinago iyon sa ilalim ng lamesa. "Wag na iyon, madami namang pagkain dito" sabi ko pa sa kanya at nginuso ang buffet table.

"Frank!" tawag ko sa kanya ng kaagad niyang kinuha ang lunch box sa ilalim ng lamesa.

"Ito ang kakainin ko" pinal na sabi niya.

Hindi ko magawang maisip na tinutotoo ni Frank ang kanyang sinabi. Nagserve ng pagkain sa aming lamesa. Imbes na sa plato kumain ay duon siya kumain sa lunch box na dala ko at iyon ang kinain.

Napatingin ako sa mas masarap na mga pagkain sa lamesa na hindi man lang niya pinansin. Kita ko tuloy ang tingin ng mga tao sa kanya, naguguluhan din ata pero wala naman siyang pakialam.

"Shopping tayo after" bulong ni Sandra sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Abala si Frank sa mga kausap, sa kabilang gilid niya ay si Sergio. Panay din ang kain niya na parang normal ang lahat sa kanya.

Hanggang sa nanlaki ang mata ko ng makita kong nakita niya ang sticky note na idinikit ko duon. Kinuha niya iyon at binasa, pagkatapos basahin ay itinupi at kaagad na itinago sa kanyang bulsa.

Ilang pagtango ang ginawa sa kausap bago siya bumaling sa akin. Nanlaki ang aking mata at kaagad na nagiwas ng tingin. Bumaba ang mata ko sa kamay niyang himawak sa hita ko at marahang pinisil iyon.

Wala namang ibang nakalagay sa letter ang hiling ko na magkaroon siya ng maayos na araw at ang pag I love you ko sa kanya. Akala ko nga ay makokornihan siya.

"Iuwi mo kaagad sa akin si Stella. Baka mamaya ay kung saan saan mo pa dalhin" pangaral niya kay Sandra. Natatawa na lamang ako sa tuwing umiirap ito kay Frank.

"Wag niyo nga akong paandarang dalawa. Wala akong love life kaya nagiinit ang ulo ko" inis na suway niya sa amin.

Napangisi si Frank. "Asaan ba si Sergio?" pangaasar ni Frank sa kanya kaya naman napamura si Sandra at kaagad akong hinila palayo duon.

"Teka, hindi pa ako nakakahalik!" galit na tawag niya sa amin pero itinaas lang ni Sandra ang middle finger niya dito.

Mas lalo akong nagenjoy buong araw dahil sa presencya ni Sandra. Para lang kaming bumalik nung nagaaral pa kaming dalawa. Marami ang nagbago sa mga nagdaang taon, hindi ko inakala na ang pagkakaibigan pa namin ang tatagal kesa sa pagkakaibigan namin ni Eunice ngayon. Kamusta na kaya iyon?

"Balita ko ay ikakasal ang kapatid mo sa isang Herrer?" bungad ni Sandra sa akin ng sandali kaming tumigil sa isang cafe.

Nanlaki ang aking mga mata. Si Kenzo Herrer? Alam na kaya niya ang totoo tungkol sa anak nila? Bigla akong natakot at kinabahan.

"Aba, ang swerte ng kapatid mo duon" pahabol pa ni Sandra.

Hindi din naman kami nagtagal na dalawa. May kailanga pa siyang asikasuhin para sa negosyo ng kanilang pamilya. Magiging madalas din siya sa manila lalo daw dahil nandito na ako.

Sinubukan kong tawagan si Sera para makibalita tungkol sa manufacturing, gusto ko ding malaman kung alam niya na ang totoo. Handa naman akong harapin ang galit niya pagnagkataon, walang kapatawaran ang nagawa ko nuon.

Ilang beses kong sinubukang tumawag pero hindi niya ako sinagot. Mas lalo ko tuloy narandaman ang kaba.

Para libangin ang sarili ay nagluto na lamang ako ng dinner para sa amin ni Frank.

"Sinusubukan kong tawagan si Sera kanina, pero hindi niya ako sinasagot" kwento ko sa kanya sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Tutal ay palagi naman niyang kinakamusta nuon sa akin si Sera, nakakapagtaka nga ngayon at parang tumigil siya.

"Pinauwi ng Daddy mo dito ang kapatid mo para?" tanong niya sa akin.

"Para imanage ang manufacturing..." sagot ko sa kanya.

Bahagyang siyang tumango. "Pero bakit hindi ikaw? Pharma ang tinapos ng kapatid mo, Bussiness management ang sayo, dapat ay ikaw" sabi pa niya kaya naman napatango ako at napainom sa aking tubig.

Hindi ko masabi sa kanya na kaya ganuon ay dahil umaas si Daddy na papabor ang mga Alvarado kay Sera dahil sa hindi nila natuloy na engagement ni Augustine dahil sa pagamin nito sa tunay niyang pagkatao.

"Tutulungan ko naman siyang mag manage" sagot ko na lang kaya naman napatango si Frank.

"Sabagay, she needs to learn. Maraming naghihintay sa kanya" sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh?"

Imbes ba sumagot ay marahan na lamang siyang umiling.

Pagkatapos ng dinner ay sinubukan kong tawagan si Mommy para kamustahin. Hindi pa nagtatagal ang paguusap namin ng narinig ko ang pagtatalo nila ni Daddy sa kabilang linya. Pinilit nitong inagaw kay Mommy ang telepono ng malamang ako ang tumatawag.

"Nasaan ka, Stella!?" galit at madiing tanong nito sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot kaya naman mas lalong nagalita si Daddy.

"Wala ka ng babalikan. Pinahiya mo ako!  Wala ka ng babalikan na pamilya!" pananakot niya sa akin.

Napasinghap ako. Hanggang sa makita ko ang pagbaba ni Frank mula sa second floor. Atleast, I have Frank.

"Sa oras na saktan ka niyang lalaki mo. Wag na wag kang tatakbo sa amin!" sigaw pa ni Daddy sa kabilang linya.

Naikuyom ko ang aking kamao. Alam ko, hindi ako sasaktan ni Frank.














(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

2M 24.8K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
479 66 29
COMPLETED Slice of Life Future Hearts Series #1 Watch how Ria and Lithony, parents at seventeen, survived their helplessness for their only daughter...
98.3K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
494K 15.5K 33
(#4) Mahirap magmahal sa taong hindi ka naman kayang bigyan ng halaga pero anong magagawa mo? Maging ang puso mo ay hindi mo na magawang labanan dah...