Fragments

By mixup15

1K 60 24

This is a collection of the twitter AUs that I posted. :) follow me in twitter. @mixup15 More

Hello, Be Mine (PikaBabe)
Hanggang sa Muli, Hanggang sa Huli (PikaBabe)
You are the Reason (SeBy)
Every Day (PikaBabe)
Saglit (BeCka)

Epilogue (PikaBabe AU)

126 10 6
By mixup15


1

"Miss Evans, sold out ulit ang bagong libro mo. May mensahe ka ba sa mga masugid mong mambabasa?" Magiliw na tanong ng event's host.

"Palagi akong nagpapasalamat sa suportang binibigay nila sa akin. Sa mga nag-iipon pa para lang makabili ng libro ko. Maraming-maraming salamat po." Nagpalakpakan ang mga dumalo sa aking meet and greet. "Sa mga nakahanap ng boyfriend o girlfriend dahil sa mga libro ko. Sanaol may lovelife." Biro ko pa sa kanila na ikinatawa naman nila.

2

"Nasa pinakahihintay na portion na tayo ng meet and greet. Sasagutin ni Dana ang mga random questions ninyo sa twitter with the #AskEvans."

Kinabahan na ako. Marami akong nabasang katanungan kagabi. Hindi ko kinakaya yung iba. Haha.

"#AskEvans Nasa mga kwento ka ba?"

Napangiti ako saka tumango. "Oo naman. Once in a while nandiyan ako. Hulaan niyo na lang kung saan."

Here's another #AskEvans, naging reference mo na ba ang lovelife mo sa mga nobelang sinulat mo?"

3

"Hindi. Wala sa mga nabasa niyo ang tungkol sa lovelife ko. Kahit isa. Sorry." I said jokingly.

"May balak ka ba kung sakali na isulat ang iyong buhay pag-ibig?" dagdag na tanong ng host.

"Kung ready sila magbasa ng sad love story. Isusulat ko." Bumaling ako sa mga nanonood. "Ready ba kayo?"

Haha! Loko ang mga 'to. Sabay-sabay na nag-oo.

"Pag-iisipan ko 'yan. Pero for now ito na muna. Sana suportahan niyo ang Pahiwatig."

4

Nakakapagod ang araw na 'to! Nakauwi na ako sa unit ko. Nakakatuwa ang mga readers na nagme-message sa akin. Dahil daw sa mga libro ko mas napatatag ang mga lovelife nila. I bitterly smile. Isa lang din ako sa mga taga-sanaol sa mga masasayang relasyon. Humiga ako sa sofa. Pinatong ko ang braso ko sa mga mata ko. Tahimik. Sobrang tahimik. Nagiging maligalig na naman ang isip ko. Nag-ring ang phone ko. Si Jemimah. Hindi ko sinagot. Matutulog na lang ako.

5

Matutulog. Nakakatawa din talaga ko minsan. Yung matutulog ko napunta sa harap ng typewriter. Tumitipa na naman ako. Isang kwento na malayo na naman sa takbo ng buhay ko. Isang kwento na sana... sana ganito ako... sana ganito kami...

Bumukas ang pinto. Hindi talaga siya marunong kumatok porke alam niya ang passcode. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Ano ba naman 'yan Dana."

"Busy ako." Tanging sagot ko. Tinanggal ko ang coupon sa typewriter. "Bakit ka nandito?"

6

"Bawal ka bang bisitahin? I-celebrate naman natin ang book mo. Sold out na naman. Treat ko."

"Pagod ako. Ayokong lumabas."

Pumunta siya sa likuran ko at inumpisahang imasahe ang ulo ko. "Paanong hindi mapapagod? Nagsusulat ka na naman. Kain tayo sa labas. Bukas na 'yan.'

Pumikit ako sa gaan ng pakiramdam ng pagmamasahe niya. "Matutulog na lang ako. Sarap ng masahe e."biro ko dito.

Ginulo ba naman niya ang buhok ko. "Gayak na. magbago pa ang isip ko. Ikaw na ang manglilibre."

7

"Alam mo? Ikaw na yung may achievement na parang hindi masaya."

"Hmm? Paano mo nasabi?

"Busangot ka na naman. Hindi ka ba happy na nagkaroon tayo ng ganitong time? Angbusy kaya nating dalawa."

"Ikaw lang naman ang busy. Ako hindi."

Nagiging kilalang singer/composer na si Mimah sa Pilipinas. Deserved na deserved niya kung ano man ang tinatamasa niyang kasikatan ngayon. Nakaka-proud naman. Nabawasan ang oras para sa isa't-isa. At bakit ba ganito ako mag-isip? Haha! Baliw ka na Dana.

8

"Break na kayo nung model?" bigla niyang nasambit. "Pang-ilang girlfriend mo na 'yon. Support naman kita Dana sa preference mo. Pero why can't you settle na?"

"Dahil hindi pwedeng maging tayo. Kaya pinipilit kong maging masaya sa iba. Kahit niloloko ko na ang sarili ko."

Napamaang siya sa sinabi ko. Crazy Dana! Ano ka ba?

"Uhh nice bang tagline ng nobela 'yon? What do you think? Balak ko kasi magsulat ng bagong kwento." Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry. Maligalig na naman kasi ang isip ko."

"Tsk. Isantabi mo nga yang trabaho mo. Let's enjoy this night. No work. Just this catching up."

9

"Magkakaroon na ako ng first solo concert ko Evans. Punta ka ha?"

"Oh? Kelan naman 'yan? Penge ticket." Biro ko sa kanya. "Joke lang. Siyempre bibili ako. Hehe."

"December. Tagal pa. Kaya dapat magpromote na ako para marami ang makapunta. Kinakabahan ako basta."

"Alam mo? Huwag kang kabahan. Anggaling-galing mo kaya. Ah alam ko na.dadalhin ko lahat ng readers ko. Love ka rin kaya nila. Sigurado puno ang venue."

"Baliw. Gumagastos pa sila sa'yo tapos ipopromote mo pa ang concert ko. Bigat na sa bulsa."

10

Umuwi na kami sa unit ko. "Kelan babalik si Ecka?"

"Next week. Susunduin ko sa airport. Masasamahan mo ba ako?"

"Hindi ko alam. Kumusta ang kondisyon niya? Alam na ni belle? Paano na sila? Saan siya tutuloy?"

"Dito sa akin. Sabi niya she's not getting well. So hindi ko alam. Basta susuportahan ko lang ang gusto niya. Anghirap nun."

"Dana, kung malilimot mo ako. Anong pwede kong gawin para maalala mo ko?"

Tinawanan ko siya. "Hoy Mimah! Kung anu-ano ang iniisip mo. Hindi kita makakalimutan."

11

Habang tumitipa ako sa typewriter ko abala naman siya sa sofa. Kausap ang kanyang hindi ko alam kung boyfriend? But she's smiling like an idiot. Focus Dana. Focus sa sinusulat mo. Urrgh! Mali! Tinanggal ko ang coupon saka ito kinusot. Marami na akong nasayang na papel.

"May laptop naman. Bakit yan ang ang giangamit mo."

"Para malimitahan ang pagkakamali ko." Sagot ko sa kanya. "Sa laptop paulit-ulit kang magdedelete. Dito kailangan mong mag-ingat para hindi masayang ang oras at papel."

"Angdami mong alam Dana. Sobrang nakakagigil ka."

12

Hindi ko siya maintindihan bakit kailangan pa akong kasama sa date nila ng manliligaw niya. Dakilang chaperon na naman ako. Hay buhay! Magsa-sanaol na naman ba Dana?

"Sorry ha? Hindi kasi pwedeng makita na kaming dalawa lang." pagrarason niya. "Alam mo naman 'yon 'di ba?"

"Alam na alam Mimah. Ilang dates na ba to? At nakakaloka. Lahat umaayaw kapag nakikita ako. Siguro akala nila jowa kita."

"Hindi. Pangit lang ugali nila. Hindi ko nagugugutuhan."

13

Bored bente ako! Naka-earphone ako most of the time ng date nila. Hindi ko na nga inalam ang pangalan e. Basta makinis ang mukha at medyo pogi.

"Dana naman. Napakasungit mo. Kinakausap ka niya kanina e."

"Hmm? Naka-earphone ako. Hindi ko rinig. Date niyo 'yon. Chaperon lang ako. Hindi ko siya kailangang kauspain 'no."

"Angsama mo. Dapat kilatisin mo rin naman ang dini-date ko."

"Your life. Your decision. Alam mo ang stand ko Mimah. Kung saan ka masaya lagi kitang susuportahan."

14

Sinundo namain si Ecka. Naglaan talaga ng oras si Jemimah para dito.

"Angbabait niyo sa akin guys. Thank you talaga." Kararating lang namin sa unit ko. Dito muan siya titira. "Nagsasama na ba kayo dito?

"Huh? Anong nagsasama? Baliw. Ako lang nakatira dito." Sabi ko sa kanya.

"Ha? 'Di ba maggirlfriend kayo bago ako umalis? Akala ko live in na kayo e."

Panandaliang naging akward ang paligid.

"Oh nalimot ko na rin 'yon?" natatawa niyang sabi. "Sorry ha. Utak ko kasi mapurol na."

15

Nagpapahinga na si Ecka sa kwarto. Heto kami ni Jemimah sa kusina. Biglang naging awkward sa isa't-isa. Hay.

"I can't imagine Ecka's situation. Sana maging okay pa siya."

"Wala namang gamot sa early onset Alzheimer disease. Mahirap 'yon. Malilimot mo lahat ng mahahalagang bagay sa buhay mo. Even the people you love."

"Pero hindi niya nalimot na naging tayo." Natawa sabi ni Mimah. Bumuntong-hininga siya. "Come to think of it. Parang kailan lang."

16

"Oo nga. Nung wala pa tayong gaanong pinagkakaabalahang career." Dugtong ko.

"Nang wala pang iniingatang career kamo." Naisuklay niya ang daliri niya. "Imagined what could have happened if hindi kita binitawan."

"Wala ka sa kung saan ka ngayon." I softly said. "Wala rin akong bestselling books. Wala tayong komportableng buhay."

"Baka sakaling masaya tayo?"

I softly chuckled. "Mimah, parang tanga 'to. Yaan mo na nga. Everything happens for a reason."

Stay strong Dana! Huwag marupok! Haha.

17

Napapadalas ang dalaw ni Jemimah dahil kay Ecka. Kapag free niya, tinutulungan niya ako sa pagcocompile ng mga videos and pictures na papanoorin ni Ecka para kahit paano ay may maalala siya.

"Grabe naman ang-Nene ko dito." Komento niya sa pictures namin sa Luneta. "Hindi ba ako kumakain ng kanin noon?"

"Hindi ka pa marunong kumain nang may ulam." Biro ko sa kanya.

Naku! Imbes na si Ecka ang gawan ng compilation puro pictures na lang namin ang naicompile.

18

"Magkasama pala tayo sa lahat ng achievements natin 'no?" sabi nito pagkatapos panoorin ang compilations ng pictures.

Mula sa unang award niya sa songwriting, sa unang libro ko, sa meet and greet ko na napagkamalan siyang 13 years old. Haha. Cute kasi siya masyado.

"We kept our promise naman 'di ba kahit hindi na tayo." Sabi ko sa kanya. "At dadami pa ang achievements na 'yan."

"Dadami ang achievements pero palaging ikaw ang gusto kong kasamang magcelebrate."

"Papangit kasi ng mga manliligaw mo. Hanap ka nga ng sing-pogi ko naman."

19

May schedule si Jemimah kaya ako ang kasama ni Ecka bumili ng singsing para kay Belle. Hay! Ako ang nasasaktan para sa kanila. Pero kailangang hindi ko ipakita kay Ecka na naawa ako.

"Angganda ng singsing. May pa-engrave pa. Nice, Nice." Gusto ko rin mabigyan o makapagbigay ng ganito. "Naol may couple ring."

Tumunog ang phone ko. Nag-notif ang isang page na pina-follow ko.

"Is Mimah dating the well-known Writer Evans?"

Whattaheck?! Maraming negatives comments sa article. Sinubukan ko siyang tawagan pero naka-off ang phone niya.

20

Nasa unit ko pala si Mimah. Mugto ang mga mata niya.

"Oh Jem. Bakit ganyan ang mga mata mo. Inaway mo na naman Dana? Nabasa ba niya 'yong convo niyo ni Trisha?" Gosh Ecka! Sa lahat ng maalala mo 'yan pa!

"Anong convo 'yan?" hayan tuloy. Parang mababaling na naman sa akin ang galit niya.

"Wala. Alam mo na man si Ecka. May pinagdadaanan."

"LQ na naman? Araw-araw kayong LQ hindi naman kayo."

God! Anong stage ba ng naging relasyon namin ang naalala ni Ecka!

21

"So sino si Trish?"

"Jemimah, angtagal na nun ah. Hayaan mo na nga."

"No. I remember this Trish na sabi mo na-meet mo sa isang writing workshop nung college tayo. Siya ba 'yong tinutukoy ni Ecka?"

Tumango ako.

"And as far I remember may Mutual understanding tayo non, tama?"

"Oo."

"Then you cheated?"

"No! Hindi! Ikaw ang pinag-uusapan namin noon. Basta. Teka bakit ka nandito? May nakita akong article. Dahil ba doon?"

22

I knew it! Angdali niyang mayanig talaga ng mga ganoong issues.

"So anong plano mo? Bakit ba nagkaroon ng ganung article? Dapat sinabi mong bestfriends lang tayo."

Naiiyak na naman siya. "Ewan ko. Hindi ko alam kung sino ang nagkakalat ng issue. Paano kung maapektuhan ang concert ko? Dana..."

Inalo ko siya. "Hindi 'yan. For all you know mas marami ang susuporta sa'yo. Support ka rin kaya ng readers ko. Lab ka nila. Magpaka-strong ka lang. Issues lang 'yan. Si Jemimah ka."

23

Hindi mamatay-matay ang issue ng "relasyon" daw namin. At heto nga ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Siyempre worried ako. Nakikibalita lang ako sa mama niya. Ganito lagi. Kung pwede lang talagang patulan ang mga issues. Isisigaw ko na lang.

"Sana nga kami na lang! Kami na lang ulit!"

Gaya-gaya sa pelikula! Haha. Pero gaya ng laging nangyayari, hindi nga magiging kami dahil maapektuhan ang career niya. O baka pareho lang kami ng iniisip?

O baka naman feeling lang ako na may pagtingin pa rin siya sa akin? Baka nga. Dana. Gising gising din.

24

Mayroon akong book signing event sa isang mall. Hindi ko ine-expect na makikita ko si Trish. Haha! Nung isang linggo lang parang kabute na pinagtalunan pa namin ni Mimah to e.

Pumila pa talaga siya para sa pirma ko.

"Pwede ka namang mag-pm na lang 'no. Pumila ka pa."

"Dana? Mas masarap ang pinaghirapan. Ite-treasure ko tong book na 'to."

"Meet me after the event. Catch up tayo." Nag-high five kami bago siya umalis.

25

"Hoy baka ako naman ang susunod na ma-issue ha." Biro pa niya. Nasa resto kami kasama ang ibang reader friends ko. "Uhm mga fans mo. Iba tingin sa akin kanina."

"Yaan mo na sila. Tingin lang naman. Haha!"

She got along well with them naman. Kalog din 'tong si Trish. Writer din siya. Magkaiba nga lang kami ng publishing company. Lakas lang ng topak niyang pumila pa kanina.

Angdaming pictures. Nakakatuwa. Hehe. Mayroon kaming picture na pinag-aagawan namin ang libro ko. Pinost pa sa fanpage ko e na may caption na"

"COLLAB SOMEDAY?"

26

Tumatawag si Jemimah. Sinensyasan ko ang mga kasama ko na tumahimik muna.

"Where are you? Dinner out tayo. Celebration?"

"Saan kita susunduin?"

"Tumingin ka sa labas. I'm here."

Oh my God! Pagtingin ko sa may labas nandun nga siya. Naka-hoodie at mask. Binaba ko na ang call.

"Gotta go guys. Trish hatid na kita."

"Baliw ka ba. Haha! I know that face Evans. Ganyan na ganyan ang itsura ng malapit nang bitayin. Sige na. Umalis ka na."

27

Hindi natuloy ang dinner out namin dahil... dahil tinoyo siya. Umuwi na lang kami sa condo ko. And wrong timing na naman si Ecka. Nakakaiyak talaga.

Pinakita niya 'yong kakapost lang na picture namin ni Trish.

"Oh magkasama naman kayo. Bakit may ibang pinost si Dana?"

"Hindi ako ang nagpost niya. Ecka naman. Very wrong timing."

"Sorry. Nakakalimot ako nga. Kaya paalalahanan mo ako. Ito ba ang bagong girlfriend mo? Bakit kasama mi si Jem? Sino ba talaga?"

28

Pinihit ko na si Ecak papunta sa kwarto niya. "Magpahinga ka na. bukas darating si Belle."

Malamig na ang pawis ko. Bakit ba ganito? Wala naman dapat ikanerbyos e.

Binalikan ko si Jem sa sala. Nakatutok siya sa phone niya.

"Same pala kayong writer. Bagay. Collab na kayo. Baka siya na ang the one mo."

"Bakit ba tayo nag-aaway ng ganito?"

"Hindi tayo nag-aaway." Diin pa niya.

29

"Okay. Hindi nag-aaway. Ano 'to? Nagseselosan? Hindi na tayo bata para sa mga palipad-hangin. If you're jealous sabihin mo. Wala ring magbabago. Wala pa ring tayo."

Nakakafrustrate!

"Mismo! Yan mismo ang problema ko Dana! Walang tayo pero naiinis ako sa'yo! Naiinis na ako ikaw pa rin ang basehan ko ng gustong makasama sa buhay." Pigil na pigil ang mga luha niya. "Alam mo bang hirap akong i-deny na ito ako. Babae ang gusto ko pero takot din akong mahatak ka pababa."

30

"Mahatak ako pababa? All these time 'yan ang iniisip mo? Ang career ko? Paano ka?"

"Ewan ko. Okay? Hindi ko na alam. Kinausap ko sina mama. Ako lang daw ang hinihintay nilang magsabi pero alam naman nilang may relasyon tayo noon."

Parang nanghina ang tuhod ko. Naupo ako sa tabi niya.

"Same sa family ko. Nagtaka lang sila na hindi ka na pumupunta sa bahay. Kaya nag-assume sila na wala na. nire-reto-reto na ako sa ibang babae."

"Sino-sinong babae 'yan?"

"Mimah, parang ewan."

31

Things never got easy after that day. Kailangan niyang magprepare para sa concert niya. Ako naman ay sinusulat ko ang request ni Ecka na kwento nila ni Belle.

Speaking of Belle, she's here! Araw-araw naman siyang nandito. Araw-araw din siyang nalilimutan ni Ecka.

"Isinusulat mo ang kwento ng ibang tao. Ang buhay mo? Isulat mo din?"

"Wala akong balak isulat ang buhay ko. Mamatay kayo sa kakapilit sa akin."

"Pero buhay na buhay si Mimah sa mga nobela mo. Dapat ikaw din nandun."

"Ayoko. Ayoko sa libro. Gusto ko sa totoong buhay."

32

Sold out ang tickers sa concert niya. Nakakaproud! Proud ka-M.U? haha! I don't know. Walang label. Nakalimutan na yata naming bigyan ng label ang nararamdaman namin sa isa't-iisa.

Katabi ko ang mama niya dito sa VIP seats. Inabot niya sa akin ang flowers. Ako na daw ang magbibigay kay Jemimah after her last song.

"Pero Tita..."

"Nakasuport kami sa inyong dalawa. Palagi..."

Nanlamig ang kamay ko. kabadong-kabado ako.

33

Inescortan ako papunta sa stage. Para kaming loveteam na kinakikiligan sa mga hiyawan at palakpakan. Nanlalamig ang palad ko.

Nagbeso kami pagkaabot ko ng bulaklak sa kanya. "Congrats. Angdaming tao."

"Kaway ka naman sa kanila. Kanina ka pa nila hinihintay."

Nahihiya akong kumaway. "Hi po. Thank you sa pagdalo sa concert ni Mimah."

"Anglamig ng kamay mo."

Hinawakan niya kasi ang kamay ko na parang nagpalakas pa ng palakpakan. Sige gusy happy happy tayo. Kilig din ako e! haha.

34

"Shhh..." Jem jokingly silenced the crowd. "May announcment ako. And my family knows this so don't worry. May basbas ng magulang."

"These past few months naging laman ako ng mga articles. Maraming binatong negatibong isyue sa akin. Sa amin. And I really thanks those fans who never left me."

Napatingin ako sa kinaroroonan ng mga magulang namin. Anong ngiti yan Mama?

"Dana here, is not my girlfriend." Sabay-sabay yung UHHHH ng audience.

"Not yet." Pagtatama ni Jemimah. "Funny but we didn't have time to talk about it. I forgot. Hindi pa pala kami."

35

Humarap siya sa akin. "Mahal kita, Dana."

Hindi ako agad nakapagsalita. Ganito pala ang pakiramdam ng mga karakter na sinusulat ko. Nauuatal. Nauubusan ng salita. Panandaliang tumitigil ang oras kapag ang babaeng mahal nila ang nagsabi ng Mahal kita.

Napangiti ako. Halik sa noo at mahigpit na yakap ang tugon ko sa kanya. Malakas ang hiyawan ng mga manonood.

Marahan niyang pinalo ang braso ko.

"Oh Dana. Jemimah na 'tong nasa harapan mo. Papakipot ka pa ba? Hinihintay nila ang sagot mo oh."

"Baliw ka talaga. Mahal na mahal kita. Alam mo 'yan." Mangiyak-ngiyak na sabi ko dito.

36

Kinaumagahan hindi magkandamayaw ang aming mga cellphones sa dami ng notifs, calls at messages. Pinatay ko nga ang phone ko. Nasa harap na ulit ako ng typewriter.

"Ang-aga namang trabaho niya." Niyakap niya ako mula sa likuran. "Yan ba 'yong Collab niyo ni Trish."

"Aga-aga ng topak mo Mimah." Hinalikan ko ang likod ng palad niya. "Good morning, Love."

37

Kumuha siya ng upuan saka tumabi sa akin. Sumandal siya sa balikat ko.

"Mimah, pwede ka bang isama sa kwento?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre pwede. Anong theme ba? Baka naman pagselosin mo ako nang pagselosin yan. Makaganti ka lang."

"Hindi. Kasi marami na tayong pinagdaanan kabanata ng buhay natin."

Inilabas ko ang singsing na matagal ko nang tinago. "Pwede ka bang isama sa Epilogue ng buhay ko? Tayo hanggang sa dulo?"

Mangiyak-ngiyak siya nang isinuot ko sa kanya ang singsing. "Dana naman e...I love you." Niyakap niya ako. "I thought it was too late."

"Mahal na mahal kita. Hindi ako tumigil sa pagmamahal sayo..."

Continue Reading

You'll Also Like

224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
11.3K 379 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
46.7K 1.4K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine