Passionate Obssession [R-18 S...

By rosequeen21_

789K 18.7K 1.1K

WARNING! Rated SPG! This book contains mature themes, strong languages, and scenes which are not suitable for... More

⚠️Author's Note⚠️
💞PROLOGUE💞
☢️CHAPTER 1☢️
☢️CHAPTER 2☢️
☢️CHAPTER 3☢️
☢️CHAPTER 4☢️
☢️CHAPTER 5☢️
☢️CHAPTER 6☢️
☢️CHAPTER 7☢️
☢️ CHAPTER 8☢️
☢️ CHAPTER 9☢️
☢️ CHAPTER 10☢️
☢️ CHAPTER 11☢️
☢️ CHAPTER 12☢️
☢️ CHAPTER 13☢️
☢️ CHAPTER 14☢️
☢️ CHAPTER 15☢️
☢️ CHAPTER 16☢️
☢️ CHAPTER 17☢️
☢️ CHAPTER 18☢️
☢️ CHAPTER 19☢️
☢️ CHAPTER 20☢️
☢️ CHAPTER 21☢️
☢️ CHAPTER 22☢️
☢️ CHAPTER 23☢️
☢️ CHAPTER 24☢️
☢️ CHAPTER 25☢️
☢️ CHAPTER 26☢️
☢️ CHAPTER 27☢️
☢️ CHAPTER 28☢️
☢️ CHAPTER 30☢️
☢️ CHAPTER 31☢️
☢️ CHAPTER 32☢️
☢️CHAPTER 33☢️
☢️ CHAPTER 34☢️
☢️ CHAPTER 35☢️
☢️ CHAPTER 36☢️
☢️ CHAPTER 37☢️
☢️ CHAPTER 38☢️
☢️ CHAPTER 39☢️
☢️ CHAPTER 40☢️
☢️ CHAPTER 41☢️
☢️ CHAPTER 42☢️
☢️ CHAPTER 43☢️
☢️ CHAPTER 44☢️
☢️ CHAPTER 45☢️
☢️ CHAPTER 46☢️
☢️ CHAPTER 47☢️
☢️ CHAPTER 48☢️
☢️ CHAPTER 49☢️
☢️ CHAPTER 50☢️
☢️ CHAPTER 51☢️
☢️ CHAPTER 52☢️
☢️ CHAPTER 53☢️
💞Epilogue💞
Author's Note

☢️ CHAPTER 29☢️

10.9K 298 18
By rosequeen21_

"Krypton, wait." Hinihingal kong saad nang magawa kong putulin ang halikan namin at bahagya siyang itinulak palayo.

"What?" Iritado niyang saad dahil sa pagkabitn at ramdam ko ang malaking bukol niya sa may tiyan ko.

Napakagat ako ng labi. Shit, he's definitely turned on right now but I am so freaking nervous.

"Twilight, what is it?" Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ito para matignan niya ako sa mata. I can see the desire flaring in his eyes as he waits for me to speak.

"Uhm, kasi ano.  .  . honestly, I.  . . uhm.  .  ." Nahihiya kong tinakpan ang mukha ko at hindi ko masabi sa kanya na nahihiya ako at hindi pa ako handa sa bagay na ito.

Narinig ko siyang tumawa kaya napaangat ako ng tingin. "Anong nakakatawa?"

"You're so cute when you blush like that." Sabi niya bago ako hinalikan sa noo at hinaplos ang buhok ko. "I get it, Twilight. I'm sorry for not asking you first if it's okay with you."

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa hiya.

"I'll shower first. I need to.  .   ." Humugot ng malalim na hangin si Krypton bago nagpatuloy, "cool down a bit."

"O-okay." Dali-dali na akong lumabas ng bathroom at napabuga ng hangin nang makalabas ako.

Shit, that was so.  .  . awkward.

Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas si Krypton na tanging isang puting tuwalya lang ang nakabalot sa baywang niya.

His upper torso is exposed and damn those glistening abs. Basa pa ito kaya mas lalong nakakadagdag ng puntos sa kabuuang hotness niya. Shems, it's tempting to run my fingers down those washboard abs and feel th--

Umiwas ako ng tingin nang mahuli niya akong nakatitig.

Aissh, nakakahiya ka, Twilight!
Tinanggihan mo siya kanina, tapos mahuhuli kang pinagnanasahan ang halos hubad niyang katawan? You're crazy, self.

Yumuko ako at hindi na siya pinansin bago ako naglakad palapit sa banyo. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang nakakaasar niyang tawa bago ko isinara ang pintuan ng banyo at napasabunot ako sa buhok ko at hindi mapigilang mamula.

Pinagpaliban ko muna ang kaunting kahihiyan kong iyon at naligo na.

Pagkatapos maligo, sinuot ko ang puting bathrobe at hinayaan ang basang buhok ko. Hindi pa naman ako matutulog kaya ipagpaliban ko muna ang pag-blower sa buhok ko.

Nang lumabas ako ng banyo, wala na si Krypton sa kwarto na ikinaluwag ng loob ko. Nagbihis na ako at bumaba.

Naabutan ko si Krypton sa kusina na nakaupo sa may dining area. Nagtama ang mga mata namin at namula ako dahil naalala ko na naman ang pagnanasa ko sa abs niya.

"Hi there, babe." Nakangiting sabi ni Krypton at tinapik ang upuan sa tabi niya. "Come here. Upo ka na at nang makakain na tayo. Niluto ni Manang Flor ang paborito mong buttered chicken."

Sa sinabi niya, umaliwalas ang mukha  ko at agad na akong umupo. Buttered chicken nga ang nakahain at may kasama pang ibang putahe kaya naman binalewala ko na ang kahihiyan ko kanina at nagsimula na kaming kumain.

"So what time will we go for your follow-up check-up?" tanong ni Krypton sa gitna ng hapunan.

Kumunot ang  noo ko sa kanya. "Sama ka?"

"Yes, of course. I have to." Agad niyang sagot.

"Wala ka bang trabaho bukas? Baka kailangan ka ulit sa opisina mo." How could the owner be absent in his own company?

"Nope. Sasamahan pa rin kita bukas." May  pinalidad sa boses niya kaya tumahimik na ako.

Pagkatapos kumain, maghuhugas na sana ako pero pinigilan ako ni Krypton.

"We have maids to do that." Sabi niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi nagtoothbrush na lang at umakyat sa kwarto habang si Krypton naman ay may inasikaso muna sa study room niya.

Umupo ako sa kama at nanood muna sa phone ko. Nang nakaramdam na ako ng antok, pinatay ko ang ilaw at humiga na.

Wala pang isang minuto nang pumikit ako nang narinig kong bumukas ang pinto. Napaupo agad ako at in-on ang lampshade para makita kung sino ang pumasok.

"Krypton? Anong ginagawa mo dito?"

Diretso siyang pumasok at humiga sa tabi ko bago hinila ang kamay ko para mapasubsob ako sa dibdib niya. He wraps his arms around me as I lay down on his chest, hearing the soft beating of his heart.

"Wala ka bang kwarto at kailangang dito ka matulog?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya.

"Gusto ko lang na makatabi kang matulog, Twilight." Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "I can't seem to get enough of you so I want to spend every possible minute with you. Don't tell me off because I've been to sleepless nights these past years without you by my side."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang sarap itong pakinggan lalo na at galing sa kanya. Umayos ako ng posisyon para mas komportable ako at ipinulupot ko ang isang braso sa tiyan niya.

Naramdaman kong hinalikan ni Krypton ang ulo ko bago ito bumulong, "Good night, Twilight. Love you."

Mas lumapad ang ngiti ko sa umaapaw na kaligayahan sa puso ko sa sandaling ito. Sobra akong nag-enjoy sa araw na ito at nakagawa ako ng magagandang alaala kasama si Krypton.

Pumikit na ako at natulog na may ngiti sa labi.

***

"Twilight!"

"Girl!"

"Uy!"

Masasayang bati ng mga kasamahan ko sa trabaho nang makita nila akong pumasok na naka-wheelchair. Ngayon ang follow-up check-up ko at sumama nga si Krypton.

Siya ang nagpumilit na umupo ako sa wheelchair kahit na sinabi kong kayang- kaya kong maglakad.

"You're a patient at this moment, Twilight, kaya sundin mo ako bilang guardian mo." Yun ang katwiran niya kaya heto ako ngayon na naka-wheelchair at tinutulak ni Krypton hanggang sa makarating kami sa Radiology Area para sa x-ray ko.

Nginitian ko sina Neil at Mica na masayang-masaya nang makita ako. Si Alee naman ay hindi na nagulat dahil alam niyang darating ako ngayon.

Isa-isa silang yumakap sa akin pero nang si Neil na, pinigilan siya ni Krypton at madilim itong tinignan kaya bahagya akong tumawa. Doon nila napansin si Krypton at binati nila ito. Kinuha na ni Mica ang papel kung nasaan nakasulat ang request ko para sa x-ray ng paa ko at nagsimulang magsulat sa logbook.

"Okay, we'll take it over from here, Mr. Ferrante." Sabi ni Alee kay Krypton at siya na nagtulak sa akin papunta sa x-ray room. "Pakihintay na lang muna dito."

"Can't I come inside?" tanong ni Krypton pero umiling ako.

"Huwag kang mag-alala, Krypton. Saglit lang ito. Upo ka muna diyan at hintayin mo ako." Tinuro ko ang nakahilerang upuan at nginitian siya bago kami tuluyang pumasok ni Alee sa loob.

Tumayo na ako mula sa wheelchair at umupo sa radiographic table.

"I-position mo na sarili mo. Left leg AP-L." Sabi ni Alee sa akin sabay lagay ng cassette sa ilalim ng binti ko.

"Gaga, pasyente ako ngayon. Hindi nakaduty na radtech." Natatawang sabi ko sa kanya pero sinunod ko pa rin siya at pinosisyon ang kaliwang binti ko.

Iniabot sa akin ni Alee ang lead gown at tinakip ko ito sa may baywang ko bago niya ako kinuhaan ng unang shot ng x-ray.

"Lateral!" sigaw ni Alee pagkatapos ng unang x-ray ko. Pinatagilid ko ang binti ko para sideview naman ang makukuhang imahe.

Pagkatapos, bumaba na ako at sinilip ang x-ray ko sa monitor. Napangiti ako nang makita na wala nang dapat ikabahala pa.  Magaling ang Ortho doctor ko at sobrang maalaga ni Krypton noong paggising ko mula sa coma kaya mabilis naghilom ang maliit na fracture sa binti ko.

Bumalik ako sa wheelchair at tinulak ako ni Alee palabas ng x-ray room. Agad namang tumayo si Krypton nang makita niya akong tapos na ang x-ray.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko dahil parating na rin ang mga pasyente.

Nag-lunch kami ni Krypton bago niya ako inihatid sa bahay para makabalik siya sa opisina niya dahil may kailangan daw muna siyang asikasuhin.

Buong hapon, nanood ako ng Kdrama, as usual at nang malapit nang mag-alas tres, biglang tumawag si Alee.

"Twilight, sama ka?" bungad niya agad sa akin.

"Saan?"

"Zoela kami mamaya. Ako, si Neil, si Mica at si Jean."

Isang kilalang bar ang Zoela na paborito naming puntahan dahil hindi ganon ka-gulo at ka-toxic. Malapit na din kasing mag-alas tres at patapos na ang duty nila.

"Anong oras?" tanong ko sa kanya.

"6 PM."

"Okay." Napatango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Pero sunduin mo ako. Text ko ang address."

"Sasama ka?" gulat na tanong ni Alee.

"Oo, bakit? Inaaya mo ako diba?"

"I mean, pinapaalam ko lang sayo baka magtampo ka kung hindi ka namin tinawag pero hindi ko akalain na sasama ka. Papayagan ka ni Krypton?"

Napakunot ako ng noo. I don't see why he would not allow me to go out and have a drink with my friends. "Bakit niya naman ako hindi papayagan? I'm an adult, Alee, not a freaking child."

Napabuntong-hininga si Alee sa kabilang linya. "Hay nako, oh basta, sunduin na kita mamaya. Bye!"

"Bye!"

Pagkatapos ng tawag, agad kong hinanap ang number ni Krypton at sinubukan itong tawagan pero busy ang linya niya. Sinubukan ko ulit pero busy pa rin. Maybe he's busy with work.

Hinayaan ko muna at napagdesisyonan na mamaya ko na siya tawagan para ipaalam na lalabas ako mamayang gabi.

Tumayo ako mula sa sofa at pumunta sa kwarto ko para maghanap ng damit na isusuot mamaya. I settled with a long-sleeved black dress na abot hanggang tuhod ang kahabaan nito at flat doll shoes.

Nag-early dinner na ako at nagbihis na nang malapit nang mag-alasais. Sinbubukan ko ulit tawagan si Krypton pero naka-ilang ring na ako, ay hindi niya sinasagot. Baka sobrang busy niya sa trabaho. Tinext ko na lang siya para ipinaalam  na pupunta akong Zoela kasama ang mga kaibigan ko.

Pagkatapos magbihis, bumaba na ako at nakasalubong ko ang donselya.
"Manang Flor, lalabas po muna ako saglit." paalam ko sa kanya.

Napangiti si Manang Flor nang makita niya ang suot kong damit. "Ang ganda niyo talaga, Ma-- ay Twilight. Nag-uumapaw pa ang maputi niyong balat sa suot niyong 'yan."

Nginitian ko siya pabalik. "Thank you po."

"Susunduin ba kayo ni Krypton?"

"Ay hindi po. Mga kaibigan ko po kasama kong lalabas ngayon. Hindi ko matawagan si Krypton pero natext ko na po siya. Pag-uwi niya po, pakisabi na lang sa kanya na hindi niya kailangang mag-alala dahil ihahatid ako ng best friend ko pauwi."

"Sige, sasabihin ko sa kanya. Mag-ingat ka, Twilight ha?"

Tinanguan ko siya bago ako lumabas pero nang makarating ako sa gate, ayaw akong palabasin ng guard.

"Ma'am Twilight, hindi po kayo pwedeng lumabas kung hindi niyo kasama si Sir Krypton." Sabi ni Manong Guard. "Yun po ang utos niya sa amin."

What?

"Okay lang. Palabasin niyo siya."

Napalingon ako at nakita si Manang Flor na sinundan pala ako palabas.

Lumapit siya kay Manong Guard at hinarap ito. "Nasabihan na si Sir Krypton na lalabas si Twilight ngayong gabi kaya wala kayong dapat alahahanin pa."

Napakamot ng batok si Manong Guard at nagda-dalawang-isip na pabalik-balik ang tingin sa amin ni Manang Flor. "Uhm, pasensya na ho, Ma'am." Sabi niya sa akin pagkalipas ng ilang segundo. "Saglit, tatawagan ko lang po si boss para ikumpirma sa kanya."

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko naman siya masisisi. Muntik na siyang tuluyang masisante noong una dahil sa akin at malamang nag-iingat na siya ngayon.

Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Krypton pero ilang beses nang nagri-ring pero walang sumasagot.

"Siguradong busy pa si Sir sa trabaho. Madalas siyang mag-over time kaya hindi na nakakagulat." imporma ni Manang Flor sa akin.

Isang busina ng sasakyan ang biglang pumukol sa attensyon namin. Dumating na si Alee at nasa labas na  siya ng gate. Tumingin ako kay Manong Guard na sinusubukan pa ring tawagan si Krypton.

"Sige na, Twilight, umalis ka na. Andiyan na ang sundo mo." Sabi ni Manang Flor sa akin pero tumutol si Manong guard.

"Pero po Ma'am--"

"Hijo, akong bahalang kakausap kay Sir Krypton." Sabi agad ni Manang Flor bago siya bumaling sa akin.

"Mag-iingat ka Twilight."

Napabuga ng hangin si Manong Guard at ilang segundong nagdalawang-isip bago niya binuksan ang gate.

"Thank you, Kuya!" nakangiting sabi ko sa kanya at kinawayan siya. "Huwag po kayong mag-alala, na-inform ko si Krypton na lalabas ako ngayon at hindi ko po hahayaang mawalan kayo ng trabaho."

Tipid niya akong nginitian pabalik saka umalikod na ako at lumapit sa kotse ni Alee.

“Wow, you look good in black as always." Bati ni Alee pagka-upo ko sa passenger seat. Naka-pulang damit naman siya na medyo mababa ang harapan kaya pansin ang malusog niyang dibdib.

"Pero anyare dun?" tanong niya sabay na pinaandar ang sasakyan.

"Ayaw akong palabasin ni Manong Guard."

Tumaas ang kilay ni Alee sa sinabi ko. "Hulaan ko, utos ni Krypton?"

Tumango ako. "Naalala mo ikinuwento ko sayo noon? Isa si Manong Guard dun sa mga muntikan nang mawalan ng trabaho dahil sa akin kaya maingat na siya ngayon."

"Huwag  mong sabihin na hindi ka ulit nagpaalam kay Krypton?"

"Paano ako makakapagpaalam e hindi niya sinasagot phone niya tsaka ilang beses ko na siyang tinext pero wala pa rin siyang reply."

Hindi makapaniwalang tumingin si Alee. "Gaga ka, Twilight. Pagsasabihan na naman niya ako nito eh."

Napatawa ako nang maalala ang ikinuwento niya sa akin na pinagsabihan daw siya ni Krypton dahil pinayagan niya akong makausap si Kent.

Kinuha ko ang phone sa purse ko at sinubukang tawagan ulit si Krytpon pero hindi pa rin siya sumasagot.

“I'm sorry ulit dahil doon, Alee but dont tell me, natatakot ka sa kanya?" pang-aasar ko sa kanya at ibinalik ang phone ko sa purse nang wala pa ring reply si Krypton. "You're not the type to be afraid of men. Sila ang takot sayo."

Saglit akong sinulyapan ni Alee at ipinaikot ang mga mata bago ibinalik ang attensyon sa pagmamaneho. "Hindi ko ako takot sa boyfriend mo, Twilight. If there's one thing I am afraid of him, it's the small possibility that he would hurt you but I doubt that now as I see more of him and hear you talk about him every time we call each other."

Tumaas ang isang kilay ko. "Is that so?"

"Sa lahat ng naging boyfriend mo, sa tingin ko si Krypton ang pinakamalapit sa dream guy mo. Sabi mo gusto mo magka-oppa, ayan mala-oppa naman ang mukha ni Krypton at sobra siyang maalaga sayo."

Hindi ko mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi ko. “Parang ang dami kong ex sa sinabi mo. Dalawa lang naman, pero tama ka. Medyo may pagkahawig talaga sila ni Lee Min Ho pero konti lang. Pero sobra din siya minsan kung mag-alala. Sometimes I think, he's too possessive and too controlling.  .  ."

Nagkibit-balikat si Alee. "Baka hindi ka lang sanay, Twilight. You've been independent all your life. Maybe it's time to be a little needy and enjoy being pampered by him."

Natahimik ako at napatingin sa labas ng kotse bago bumaling sa kanya. "Iyan na yata ang pinakamagandang advise mo sa akin na walang halong ka-bitter-an. Ano, may tumutunaw na ba sa matigas mong puso?

“Shut up. Hindi ko kailangan ng ganon. I can live with a frozen heart.”

Natatawa na lang ako habang umiiling dahil bumalik ulit siya sa pagiging bitter.

Ilang minuto pa ay inihinto ni Alee ang kotse sa parking area ng Zoela at lumabas na kami.

Napangiti ako nang makita ang malaking signage ng Zoela. Matagal-tagal na nung huling nag-night out ako kasama sila.

Okay, self, let's have some fun tonight!

---

Note: Okay, let me just get this straight. 😂 Hindi po lahat ng health workers ay mahilig mag-night out with all those drinks and bar-hopping churva at hindi ibig sabihin, porket ganito mga characters ko na medyo mahilig mag-get-together with inuman, lahat na ng nasa medical field ay palainom at mahilig mag-bar. Hindi po lahat.🙂😁😂

And kahit may mga ganon na health workers, we don't have the right to judge them.

The important thing here is that as long as we know how we should be responsible enough and know our limits pagdating sa mga bagay na ganito, then there should be no problems.

Salamat sa pagbabasa😊❤️
Thank you for the votes❣️
God bless and keep safe♥️

Continue Reading

You'll Also Like

20.3K 308 22
josh santos is one of the richest bussiness man in the whole country, he is the most cold, rude, and bad person money matters for him,and josh treats...
3.6M 151K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
99.4K 4K 25
Lookism Various Characters x Female Reader Fanfiction Dissociative Amnesia. A type of amnesia where you'll experience difficulty remembering importan...
244K 7.5K 27
We all know about the ocular jujutsu called six eyes, also called "Rikugan", eyes said to be sent by God. Unique... but what if there was something t...