Meet My Professor ✓

By DamianLane

56.8K 3.4K 107

Series #1 Lana Iya Velasco had a very strange experience during their first-ever bar hopping. She met a DJ wh... More

Meet My Professor
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12.1
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19.1
Chapter 20
[SEASON 2]
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter
Special Chapter (Part II)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

Chapter 61

458 26 1
By DamianLane


 Season 2 – Chapter 61


"Hi!" napatitig ako sa lalaking todo ang kaway sa'kin.


Hinawakan ko ang braso nito at tsaka ito pilit na ibinababa. Nakakahiya 'yong pagkaway niya, pati ibang tayo rito napapatingin sa kanya.


"Nandito na ko, okay?" sabi ko pa rito.


"Nakuha mo na phone mo?" tanong naman nito sa'kin.


Inilabas ko naman ang tinutukoy nito at ikinaway pa sa harapan niya. Nagtaka naman ako rito ng siya naman 'yong biglang humawak sa braso ko, dahil dito napahinto ako sa paggalaw no'ng phone na hawak ko.


Bigla naman niyang kinuha mula sa pagkakahawak ko ang phone ko, tinap tap nito ang screen bago hinarap sa'kin.


"Ano 'to? Bakit ganito ang wallpaper mo?"


"Ano'ng klaseng tanong 'yan?" pag-iiwas ko sa tanong nito. Tinangka kong kuhanin mula rito ang phone ko pero inilayo niya 'to sa'kin.


"Karaniwang mga Koreano o motivational quote ang wallpaper mo. Bakit naiba yata?" pagtatanong nitong muli.


Bakit ba ang bilis ng mga mata nito at nakita pa 'yong wallpaper ko? Iniiwasan ko ang topic na 'to kahit sa mga kaibigan ko simula pa last month.


"Ano 'yan?" sabay kaming napalingon kila Shei na kadarating lang.


Bumaba ang tingin ko sa dala nitong paper bag mula sa isang cosmetic brand. Mukhang tumingin at namili ng make up ang mga 'to. Kaya ba naiwan dito sa labas si Ian?


"Huwag kang tumingin sa kung saan saan," hinawak ni Ian ang baba ko at iniharap sa kanya. "Ano 'to?"


Napairap ako sa kakulitan nito. Dahil sa tanong ni Ian, hindi naiwasan nila Jade ang magtanong kung ano ba ang pinag-uusapan namin.


"Ano ba 'yang tinatanong mo?"


Iniharap ni Ian dito ang phone ko, "Ito. Tinatanong ko kung ano 'to."


"Oh! Hindi ba, 'yan 'yong nakuha mo mula sa mystery admirer mo?"


"Mystery admirer?!"


Nailayo ko ang sarili ko kay Ian dahil sa lakas ng boses nito. Nakakunot noo kong inagaw mula rito ang phone ko bago ako nagsalita.


"Mysterious sender, hindi mystery admirer," pagtatama ko sa kanila. Ni hindi nga namin alam kung talaga bang admirer ang nagpadala nito.


"Wala ka pa rin bang ideya kung kanino galing 'yan?" pasimple kong iniwas ang tingin ko nang marinig ko ang tanong ni Anne.


"Hindi ba 'yan galing sa ex mo?" biglang singit ni Ian.


"Hindi. Hindi ko tinanggap regalo no'n," sagot ko rito.


"Oh? Kung hindi siy—ah!" bigla akong napatitig kay Ian nang hinawakan nito bigla ang braso ko. "Baka naman si DJ Will?"


"Sino?" nagtatakang tanong ni Shei. Mukhang nakalimutan na yata ang DJ name si Sir Van.


"Si Sir Van 'yon," pagsagot ko kay Shei. Binaling ko muli ang atensyon ko kay Ian. "Bakit naman siya ang pumasok sa isip mo?"


Hindi 'to nakaimik sa tanong ko, tila ba may bigla itong napagtanto. "Feeling ko lang," napa-angat ang dalawang kilay ko sa sinagot nito.


"Huwag na nga nating pag-usapan 'yong tungkol dito. Kung gusto niya talagang magpakilala, dapat ginawa na niya no'ng umpisa pa lang."


Tuluyan ko nang tinapos ang usapan at inaya sila sa may arcade. Matagal na rin simula no'ng huli naming punta doon, nakakamiss na rin. Pagdating do'n, ginamit namin ang arcade card ni Ian para makapaglaro. Sa pag-eenjoy namin, ni hindi na namin napansin kung gaano katagal ba kami naglaro doon. Matapos no'n naglibot libot kasi sa loob ng department store. Nang mapagod kami, nagkaayaan kaming bumili ng pagkain sa isa sa mga stall sa mall.


Pagkatapos no'n, naglibot libot lang ulit kami bago kami nagkaayan sa may bookstore. Para talaga sa'ming Education student, haven 'tong bookstore. Samu't sari ang mga pinamili namin, magmula sa iba't ibang kulay ng cartolina, manila paper, construction paper, glue, plastic cover, at kung anu ano pa.


"Wow! Napaka ganda naman nang pagbungad niyo sa bagong taon. Hoarding ng mga school supplies," komento ni Ian habang tinutulungan ako sa mga dala ko. "Napaka dami niyong pinamili."


"Paghahanda 'yan para sa final demo namin. Simula na kasi sa Monday. Mga basic needs lang 'to, pwede pa 'tong madagdagan kapag na finalize na 'yong final demo lesson plan," pagpapaliwanag ko kay Ian.


Isang mahabang buntong hininga ang una nitong isinagot sa'kin, "Buti talaga hindi ako nag-teacher." Nailing na sabi nito sa'kin.


"Para namang ang dali ng course mo," Computer Engineering kasi ang kurso nito.


Hindi ito nakasagot sa sinabi ko, tanging buntong hininga lang ang narinig ko mula rito.


"Kailan nga pala final demo niyo? Sabay sabay ba kayo?" pag-iiba ni Ian sa usapan.


"Hindi," sabay sabay na sagot namin.


"Ako ang mauuna sa'min. First Monday ng February ako," ako na ang unang nagsabi ng petsa ng final demo ko.


"Third week kami ng Feb ni Jade, magkasunod na araw," sunod na sabi Anne.


"Ako pinaka huli, hindi lang sa grupo kung hindi sa buong section. Sa March pa ko," sagot ni Shei.


"Oh! Pwede bang manuod ng final demo niyo?" nagkatinginan kaming magkakaibigan sa tanong nito.


"Ang alam ko pwede naman, lalo na't kailangan nang taga-kuha ng picture na ilalagay sa portfolio," sagot ko rito.


"Good! Sabihin niyo sa'kin exact date ng final demo niyo. Susubukan kong manuod," masayang sagot naman nito sa'kin.


Ang dami ring oras ng taong 'to, sabagay, ganito rin kami bago kami no'ng mga unang taon namin.




Pasimple akong napalunok habang inaantay ang sasabihin ng principal ng cooperating school namin. Kasalukuyan nitong binabasa ang final draft—sana—para sa final demo ko. Fractions ang napuntang topic sa'kin. Magsimula nang bumalik kami ni Alli rito, sinimulan na namin ang pag-asikaso ng final demo namin kasabay ng mga daily lesson plan na ginagawa namin. Ilang revision na rin ang ginawa namin para sa lesson plan, at sana 'yong pinasa namin ngayon ang panghuli.


"Here," mabilis kong inabot ang final draft na ibinalik ng principal. Tahimik kong inantay ang susunod nitong sasabihin. "You can finalize and print it already. Start preparing your materials as well."


Pasimple akong napangiti sa narinig ko mula rito, "Thank you po." May kahalong pagbuntong hininga pa ang pagkakasabi ko no'n.


"Call Alli," tumango ako rito bago ako tuluyang nagpaalam at lumabas sa office nito.


Pagkalabas ko, isang ngiti ang sinalubong ko kay Alli na naghihintay sa'kin sa labas. Hindi kasi kami pinagsabay ng principal para raw maayos kaming mabilinan.


"Pasado na?"


Masaya akong tumango rito, "Pwede ko nang i-finalize at mag-print ng mga copies. Ikaw na, tawag ka na sa loob."


"Sige, antayin mo ko ha?" tumango ako rito bago ko siya tinapik sa balikat. Pagpasok nito sa loob, ako naman ang naupo sa kinauupuan nito kanina.


Habang nakaupo, pinasadahan ko nang pagbasa ang final draft na hawak hawak ko. Sa wakas! Tapos na rin ako rito. Materials na lang talaga. Mas matutuon ko na rin ang atensyon ko sa daily lesson plan at daily materials ko. Hindi ko kasi pwedeng pabayaan 'yong dahil lahat nang ginagawa namin ay kailangan naming isama sa portfolio, na siyang ipapasa namin kapag natapos na ang internship namin.


Napatigil ako sa ginagawa ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng suot kong blouse. Napatingin muna ako sa paligid ko bago ko ito ilabas. Baka kasi may estudyanteng makakita sa'kin na gumagamit nito. Dahil oras ng klase, walang katao tao sa may hallway.


Pagkalabas ko ng cellphone ko, mabilis ko 'tong binuksan para tignan kung sino ba 'yong nagtext. Isang group message mula sa class president namin, nagpaalala lang na walang pupunta sa SMU sa Friday dahil may naka-sched na final demo no'n. Buti na lang pinaalala nito, nawala na 'yong sa isipan ko.


Dahil sa mensahe nito, bigla namang pumasok sa isipan ko na dahil hindi kami pupuntang SMU sa Friday, ibig sabihin may free day kami ni Alli. Dagdag araw para gumawa ng mga gawain.


Bigla kong naitago ang cellphone na hawak ko nang marinig ko ang pagbukas nang katabi kong pintuan. Napatayo ako at isang nakangiting Alli ang bumungad sa'kin. Napangiti ako rito, mukhang maayos na rin ang kanya. Sabay kaming bumalik sa classroom ng mga cooperating teacher namin. Pagdating doon, pinaalam lang namin sa kanila ang progress no'ng lesson plan namin. Matapos no'n, agad din naman nila kaming pinauwi lalo na't tapos na naman kami ngayong araw. Kanina pa rin kasi natapos ang klase ng mga bata namin.


Sabay kaming umuwi ni Alli. May kasamang kwentuhan pa nga kami sa biyahe. Nakakatawa lang kasi noon, puro usapang KPOP kami. Samantalang ngayon, puro tungkol sa final demo na ang usapan namin. Halos hindi namin napansin 'yong tagal nang pag-biyahe namin. Naputol pa nga 'yong usapan namin dahil kailangan ko nang bumaba. Pagkapaalam ko kay Alli, sumakay agad ako sa motor ni kuya Trav na siyang naghihintay sa'kin.


Nang sumapit ang weekend, una kong tinapos 'yong daily lesson plan at mga materials ko. Sa kasunod na araw, sinamahan ako ni kuya Jarvis sa bookshop. Dahil tapos ko na ang final lesson plan ko, pwede ko nang simulan ang mga materials na gagamitin ko.


"Kumpleto na?" tanong sa'kin bigla ni kuya habang iniisa isa ko 'yong laman nang hawak hawak nitong basket.


"Isa na lang kuya," tinignan ko 'to saglit bago naglakad papunta sa side kung nasaan ang mga board dito. Agad kong nakita ang label nang hinahanap kong board, iyon nga lang wala nang lamang board 'yong mismong lalagyan.


"Iyan ba ang kailangan mo?"


"Oo, kaso wala na yata," pasimple kong nakagat ang labi ko. Masyadong mapinis 'yong illustration board, wala na kong maisip na pwedeng pamalit.


"Excuse me," napatingin ako kay kuya nang magsalita ito. Kausap nito ang isang staff ng bookshop. "Wala na kayong stock ng multi-purpose board?"


"Ah, sorry po, Sir. Out of stock na po kami. Hindi pa po namin sigurado kung kailan susunod na delivery."


Gustong gusto kong sumimangot sa sinagot nito kay kuya kaso pinipigilan ko ang sarili ko.


"Kung gusto niyo po, tignan niyo sa branch namin sa may SMU. Baka po doon may stock pa."


Bigla akong napatingin dito dahil sa sinagot nito. Mabilis kong hinatak ang manggas ng damit nito. "Daan tayo," anunsyo ko rito.


Tinanguan ako nito bago ito humarap muli sa kausap nito at nagpasalamat dito. Matapos no'n, nagbayad agad kami bago dumiretso sa may SMU. Kung may kulang man akong nabili, pwedeng pwede ko pang ihabol doon.


Pagkadating namin sa may bookshop sa SMU, mabilis kong nahanap at nabili ang kailangan ko. Dahil lunch time na no'ng matapos kaming mamili ni kuya, nag-aya itong kumain sa isa sa mga kainan na kalapit no'ng bookshop. Matapos naming iwan 'yong binili ko sa loob ng sasakyan, pumasok kami sa isang café shop. Kabubukas lang nito at sa totoo lang hindi pa ko nakakakain dito dahil halos hindi naman na kami pumapasok sa SMU.


"Nakakain ka na rito?" umiling ako sa tanong ni kuya. "Really?"


"Halos kabubukas lang nito. Tsaka bihira na kaming pumuntang uni ngayon," sagot ko rito.


Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Kumpara sa mga katabi nitong kainan—mga fast food chain—ibang iba ang datingan nito. Parang pang pormal na okasyon ka lang pwedeng kumain dito. Pwede rin kapag study session or kung naghahanap ka ng pwedeng paggawaan kapag may trabaho ka. Basta parang pang-adult 'yong datingan ng lugar.


Pumunta kami sa may counter para umorder. Halos hatakin ko papalabas si kuya nang makita ko ang presyo ng mga pagkain dito. May kamahalan iyong mga drinks pero ang kinagulat ko talaga ay presyo ng dessert. Para sa isang slice ng cake kailangan mong gumastos ng mahigit 200PHP?!


"Kuya..." mahina ko itong siniko. Gusto kong lumipat sa ibang kainan.


Tinignan ako nito pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa may counter. Buntong hininga na lang ang nagawa ko nang marinig ko ang pag-order nito. Huli na para aayain pa itong umalis.


Pagkasabi nito ng mga order namin, hinarap ako nito. "Look for seats. I'll just pay."


"Share tayo sa bill," suhestiyon ko rito.


Bigla nitong pinatong ang isang kamay niya sa ulo ko. "Go find seats," hindi patinag na sagot nito sa'kin.


Kahit ipilit ko pang maghati kami sa babayaran, halata namang wala itong balak na pumayag. Sinunod ko na lang ang sinabi nito. Pagtalikod ko sa may counter, agad kong nakita ang isang round table na good for two, walang nakaupo rito. Dumiretso ako doon para maupo.


Pagkaupo ko, napatingin pa ko sa katabi naming table. May isang lalaki kasing nakadukdok sa table nila. Estudyante? Hindi ko masabi. Inalis ko na ang tingin ko rito at tinignan si kuya habang nagbabayad ito. Nang matapos itong magbayad ay lumingon ito sa paligid, itinaas ko ang isang kamay ko para makita nito kung nasaan ako. Agad naman ako nitong napansin at naglakad papalapit sa kinaroroonan ko.


Nasa may tapat na ito nang katapat kong upuan nang matingin 'to sa katabi naming table. Sinundan ko nang tingin ang tinitignan nito. Nakatingin siya doon sa lalaking nakadukdok. Nagtaka naman ako sa biglang paglapit niya rito. Nanlaki pa mga mata ko nang magsimula siyang yugyugin ito.


"Kuya!" gulat na tawag ko rito. Ano ba namang ginagawa nito?!


"Hey, Van, wake up."


Natigilan ako sa sinabi nitong pangalan. Nabaling ang atensyon ko sa lalaking unti unting inaangat ang ulo, dahan dahan itong umayos sa pagkakaupo. Napatitig ako sa inaantok nitong mga mata na halos nakapikit pa rin.


His face.


Dug.dug. Dug.dug.


"Why are you napping here?"


"No reason."


His voice.


Dug.dug. Dug.dug.


Bigla itong lumingon sa direksyon ko.


Dug.dug. Dug.dug.


Marahan itong ngumiti sa'kin, "Hey, Iya. Been a while."


Dug.dug. Dug.dug.


Ah. Nakaka-miss pala siya.

Continue Reading

You'll Also Like

496K 12.6K 102
"I don't love her" "I fell in love with him"
910K 29.5K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her entire life. Only a shel...
2.4K 108 22
ALL IN | In which, stray kids debuts with 9 members. Mi-sun, Bang Chan, Lee know, Changbin, Hyunjin, Han, Felix, Sungmin, I.N " You make stray kid...
55.4K 2.5K 36
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.