Meet My Professor ✓

By DamianLane

56.8K 3.4K 107

Series #1 Lana Iya Velasco had a very strange experience during their first-ever bar hopping. She met a DJ wh... More

Meet My Professor
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12.1
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19.1
Chapter 20
[SEASON 2]
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter
Special Chapter (Part II)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

Chapter 60

466 26 4
By DamianLane

Season 2 – Chapter 60

January 20XX

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Dati, mga ganitong buwan malimig pa ang simoy ng hangin pero ngayon parang normal na araw na lang din. Iyong dalawang linggo naming bakasyon, isang kisap mata lang tapos na. Dahil araw ng Biyernes natapat ang unang araw ng pasok ngayong taon, sa uni kami papunta.

"Lana," napatingin ako kay kuya Jarvis na siyang naghatid sa'kin. "Matanong ko lang, kanina galing 'yong nasa kwarto mo?"

Napaayos ako nang pagkakaupo ko, "Alin?"

"Iyong bulaklak sa loob ng glass," natigilan ako sa sinabi nito.

"Ah, regalo ni Sir Czam," sagot ko rito.

Saglit 'tong napatingin sa'kin, "Ni Czam? Bakit ka niya bibigyan ng gano'n?"

"Hindi ko rin alam," mabilis na sagot ko rito. Iyon din kasi ang gusto kong malaman, isang tingin palang halatang mahal na.

Saglit 'tong tumahimik bago muling nagsalita, "Sigurado kang kay Czam galing 'yon?"

Nagtaka naman ako sa tanong nito, "Oo."

Hindi na 'to umimik pa pagkasagot ko noon. Hindi nagtagal ay nakarating na rin kaming SMU. Agad din akong bumaba ng sasakyan. Didiretso na rin kasi papasok sa trabaho niya si kuya. Agad akong dumiretso papunta sa may homeroom namin sa fourth floor.

Habang paakyat nakarinig ako ng ilang mga estudyante na nagbabatian ng 'Happy New Year'. Saglit akong napatigil sa pag-akyat nang marinig ko ang isang pamilyar na pangalan.

"Sir Van! Happy New Year!" halatang halata ang sigla sa boses nito.

"Happy New Year," narinig kong pagbati nito pabalik.

Nang makarinig ako ng mga yabag papaakyat sa kung nasaan ako ay mabilis akong humakbang papaakyat. Hindi ko na pinansin pa 'yong mahinang pagtawag sa pangalan ko, ni hindi ko 'to nilingon.

"Iya?"

Pagdating ko sa fourth floor, agad akong pumasok sa loob ng room namin. Dahil nga bagong taon, sunod sunod na pagbati ang sumalubong sa'kin pagpasok ko. Syempre, binati ko rin ang mga 'to. Dahil wala pa ang mga kaibigan ko, naupo na lang ako sa bakanteng upuan sa may likuran, kung saan kami madalas pumwesto.

Habang tahimik na naghihintay ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Kinuha ko 'to mula sa loob ng bulsa ko, pangalan ni Ian ang bumungad sa'kin.


From: Ian

HAPPY NEW YEAR, BABES!!!!!

SAAN KA? KAIN TAYO!


All caps talaga? Nailing na lang ako habang nagsimulang mag-type ng sagot ko rito.


To: Ian

Ayoko ng late greeting mo.

Nasa uni ako ngayon.



Mukhang walang ginagawa ang isang 'to dahil sa blis niyang mag-reply.


From: Ian

Nalate lang ng ilang araw. Bakit may pasok na agad kayo? Alanganin pa.


To: Ian

Anong pinagkaabalahan mo at di mo ko nagawang batiin agad, ha? May meeting din kasi kami ngayon.



From: Ian

Pagkain. Syempre, pagkain pa rin talaga hanggang huli!



Hindi napigilang bahagyang matawa sa sinabi nito. Glutton talaga 'to.


To: Ian

Isang oras lang kami dito. Kain tayo after. Isama ko sila Anne.


From: Ian

Okay! Callme later, babes 



Hindi ko na pinansin pa ang huli nitong sinabi. Bigla kong naibaba ang phone ko nang makita kong dumating si Anne.

"Happy New Year," bati ko rito.

"Happy New Year!" bati nito pabalik sa'kin.

Halos kasunod lang nito dumating si Jade at pati na rin si Shei. Niloko pa nga namin si Shei na sa wakas, nagbagong buhay na dahil hindi 'to nalate.

Naputol ang pag-uusap namin nang dumating na 'yong professor namin. Nagbigay lang 'to nang paalala sa'min lalo na't simula na ngayong buwan ng final demo namin pati 'yong mga taga kabilang section. Tatagal ang final demo hanggang buwan ng March. Isang school kada isang araw. Pupuntahan kami ng prof namin doon para panuorin kasama ang cooperating teacher namin at principal.

Muli lang naming ni-review ang schedule ng bawat school. Tapos mga huling paalala tungkol sa demo itself. Matapos no'n, dinismiss na rin kami agad.

Bago kami umalis ng room, nabanggit ko sa kanila 'yong usapan namin ni Ian. Wala namang problema sa kanila 'yon kaya no'ng pumayag sila, agad kong tinext si Ian na magkita kami sa isang kainan sa kalapit na mall.

Hindi naman nagtagal ang biyahe namin, agad kaming dumiretso sa napag-usapang lugar namin. isinuksok ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ng damit ko. Napabagal ang paglalakad ko matapos kong hindi makapa sa bulsa ng blouse at pants ko 'yong cellphone ko. Tuluyan na kong napatigil sa paglalakad nang binuksan ko ang bag ko, tinignan 'yong bulsa na lagi kong pinaglalagyan no'n pero wala rin.

"Bakit? Lhia?" Nabaling kay Jade ang atensyon ko na napatigil na rin. Napansin ko namang nakalayo na sa'min 'yong dalawa. Marahil, hindi napansin ang paghinto namin dahil nauuna silang maglakad.

"Pwede mo bang i-ring 'yong phone ko? Pakitawagan, please?" ito ang isinagot ko sa kanya habang kinakapa kapa ko pa rin ang bag ko.

"Bakit? Hindi mo ba makita?" Kasabay ng pagtatanong niya na 'yon ang pagkuha niya sa cellphone niya.

Hindi muna ako sumagot dito. Pinanuod ko kung paano niya tinawagan ang cellphone ko.

"Nag-ri-ring na," anunsyo nito sa'kin.

Itinaas ko ang bag ko at inilapit ko 'to sa may tenga ko para pakinggan kung may tunog bang manggagaling sa kahit saang parte nito. Ni isang tunog wala akong marinig. Nasa gano'ng ayos ako ng may pumasok na isip ko. Napapikit ako ng mariin at bigla kong naibaba ang bag ko sa may gilid ko.

"Naka-vibrate nga pala 'yong phone ko dahil required sa school ko. Tsaka..." napabuntong hininga ako bago nagpatuloy, "...naalala kong inilapag ko sa may upuan ko sa uni kanina 'yong phone. Hindi ko yata nakuha." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko maalalang naitago ko to pagkatapos kong i-contact si Ian kanina.

Paano ba 'yan? Alam ko may kasunod na section na magkaklase do'n. Paano kung nakuha na nang kung sino sa kanila.

"Sure kang sa uni mo naiwan?" tumango ako kay Jade. "At least doon mo naiwan, hidni sa jeep. Subukan pa rin nating tawagan baka sagutin no'ng nakakuha," katulad kanina, pinanuod ko ang pag-redial nito sa number ko. Kung kanina, siya lang nakakarinig sa pag-ring nito, ngayon naman naririnig ko na rin. Inilagay kasi nito sa speaker mode ang phone niya.

Para kaming natuod sa kinatatayuan namin habang parehong nakaabang at nakatitig sa screen ng phone nito.

Biglang kaming napatitig sa isa't isa nang mula sa 'calling' ay nagsimula ang timer para sa call duration. Tinapik ko ang braso ni Jade para ito na ang unang magsalita.

"Hello?" mababang boses na bati nito.

[...Jade?]

Napakunot noo ako sa isang pamilyar na boses na narinig namin mula sa kabilang linya.

"Sino 't—" bago pa man din natapos ni Jade ang tanong niya ay inunahan ko na 'to.

"Sir Van?" patanong kong sabi, kaboses kasi ni Sir.

[Iya?] mabilis nitong tugon sa'kin. Tama nga ako, siya nga!

"Sir!" mas inilapit ko pa ang sarili ko sa may cellphone. "Kayo nakakuha ng phone ko?"

[This is your phone? A student surrender this earlier saying it was left behind on a chair.]

Hindi ko maitago ang saya ko sa narinig ko mula sa kanya. Honest student! Mabuti na lang at doon ko naiwan, mabuti na lang din at mabait 'yong nakakita at ibinigay sa kanya.

"Sir, akin nga po 'yang phone, nakalimutan kong kuhanin kanina. Pwede ko po bang daanan ngayon sa inyo? May klase ba kayo?" sunod sunod at mabilis na tanong ko rito

[I'm currently in the middle of my class.]

Hindi ko naiwasang mapanganga sa sinabi nito. Wrong timing pala ang pagtawag namin, pero hindi naman niya kami masisisi dahil hindi naman namin alam kung sino nakapulot sa phone ko.

"Sorry, Sir," hinging dispensa namin ni Jade.

[I don't mind. Anyway, it's a one-hour class. I can drop off your phone in our office after this class, you can pick this up there later."

"Okay, Sir. Thank you!"

[Sure.]

Sabay kaming napabuntong hininga ni Jade pagkaputol no'ng tawag.

"Thank you, Jade!" pasasalamat ko rito habang inilalagay niya sa bulsa niya ang phone niya.

"Wala 'yon, tawag lang naman ginawa ko. Doon ka sa nakapulot magpasalat, kasi ang honest niya at sinurrender niya 'yong phone sa prof."

"Oo nga, buti na lang. Ayoko nang i-imagine kung ano mangyayari kung inangkin na na lang no'ng nakapulot."

"Babalik ka na ba sa uni?"

"Maya maya nang kaunti. May klase pa naman siya, hindi ko rin agad makukuha. Puntahan na lang muna natin sila. Mukhang hindi yata nila napansing nandito pa tayo."

Matapos no'n sumunod na kami kila Anne at Shei na kanina pa pala kami hinahanap. Binanggit ko lang ang nangyari sa mga ito para alam nila. Dahil nga wala sa'kin ang phone ko, si Anne na ang nagtext kay Ian para itanong kung nasaan na ba 'to. Mukha kasing naunahan pa namin 'to sa pagdating.






Makalipas ang isang oras, napagdesisyunan kong bumalik na sa uni para kuhanin 'yong phone ko. Tinapos ko muna ang pagkain ko kasama ang mga kaibigan ko. Gusto sana nilang sumama sa'kin kaso hindi na ko pumayag. Nanghihinayang kasi ako sa ipamamasahe nila. Ilang balik ang gagawin. At tsaka, hindi tulad no'ng nakaraan, hindi na basta basta makakapasok si Ian sa uni. Syempre, kapag sumama 'yong tatlo sa'kin hindi naman siya pwedeng maiwan.

Pagkapasok ko sa building namin, dumiretso lang ako sa may office nila Sir Van at Sir Czam. Pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses ay binuksan ko ang pinto.

"Sir?" nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng office nila pero walang tao. Tuluyan akong pumasok at isinara ang pinto.

Hindi pa ba bumabalik si Sir Van? O baka naman lumabas siya? Nasa gano'ng pag-iisip ako ng may biglang tumunog sa ilalim ng mesa. Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas at biglaang tunog no'n. Sinilip ko kung ano ba 'yong tumunog. Bahagya akong napaatras nang makita kong tumayo ang isang tao habang hawak hawak ang likuran ng ulo nito.

"Ow!" napatingin ito sa direksyon ko at biglang napangiti. "Hey, Lana!"

Napabuga ako ng hangin nang makitak kong maigi ang mukha nito, "Hi, Sir Czam." Halos walang lakas na bati ko rito. Medyo malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko sa gulat dito.

Inalis nito ang pagkakahawak niya sa ulo niya. "Here to get your phone?"

Isang mabilis na tango ang isinagot ko rito, "Yes, Sir!"

Mukhang nabanggit na ni Sir Van 'yong tungkol sa phone ko, "Nakita niyo po ba? Nasaan po si Sir Van?"

"Van told me you will come to pick it up. He left it here since he has another class," naglakad ito papalapit sa may mesa ni Sir Van.

Napasunod naman ako rito habang pinapanuod ang bawat kilos nito.

"So," may inilapag itong dalawang cellphone. "Which one is yours?"

Hindi ko naman naiwasang magtaka habang nakatitig sa nilabas nito. Bakit may dalawang phone rito? Kanino 'yong isa? May iba pa bang nakaiwan ng phone bukod sa'kin?

"Hindi po ako sure," sagot ko rito. Hindi lang kasi magkakulay 'yong mga phone. Kung pagkukumparahin, parang pareho ng model. Argh! Dahil nasira 'yong phone case ko noong nakaraan wala na kong gamit ngayon. Hindi ko tuloy malaman kung alin 'yong akin.

"Let's check, then." Kinuha ni Sir Czam 'yong nasa kaliwa ko at pinindot 'yong power button. "Oh, this is Van's."

Ibinaba nito ang hawak niya at tsaka kinuha 'yong isa. "So, this is probably yours." Iniharap nito sa'kin 'yong screen bago niya pinindot 'yong power button.

Umilaw ang screen nito at sa screen lock ko pa lang, alam kong akin nga ito. Kukuhanin ko sana 'yong phone ko ng iharap ito ni Sir Czam sa kanya.

"Is it?" Tinignan nito ang phone screen ko para makasigurado.

Napansin kong para bang natigilan ito bago ito napangiti. Inabot niya sa'kin ang hawak niya na kinuha ko naman.

"Nice wallpaper," nangingiting sabi nito sa'kin.

Nangiti ako sa sinabi nito, dahil nabanggit na rin lang niya 'yong wallpaper ko, sinamantala ko na ang pagkakataon para harapang magpasalamat dito. "Thank you po ulit, Sir. Ang ganda po ng regalong bigay niyo."

Napalitan ang ngiti nito ng isang nagtatakang ekspresyon, "What? Did I give you something?"

Nagtaka naman ako sa sinabi nito, "Opo, ito." Ipinakita ko pa rito ang picture no'ng flower na nasa glass dome. Ito kasi ang ginawa kong home at lock screen wallpaper.

Biglang napakunot ang noo nito, "What? I don't get it. Are you saying I'm the one who gave this?" itinuro pa nito ang phone screen ko.

Ako naman ang napakunot noo sa klase nang pagkakatanong nito. "Hindi ba kayo?"

"No," mabilis na sagot nitong may kasama pang pag-iling. "I want to be fair to all of my students. So, even if I want to get one for you and your friends, I stopped myself."

"Pe...ro kasi 'yong text niyo..." hindi ko malaman ang sasabihin. Hindi si Sir Czam ang nagbigay? Sino? At tsaka 'yong text niya sa'kin noon.

"Text?"

Bigla kong binuksan ang phone ko at hinanap ang naging conversation namin noong matapos ang Christmas party namin. Pagkakita ko rito, agad ko itong hinarap sa kanya para mabasa niya. Bahagya namang ibinaba ni Sir Czam ang sarili niya para mabasa ang palitan namin ng mga mensahe noon.

Isang malalim na buntong hininga ang nagawa nito pagkatapos magbasa. "That drunkard."

"Po?" hindi ko kasi masyadong narinig ang sinabi nito.

Umayos ito nang pagkakatayo, "Sorry if this confused you." Itinuro pa nito ang phone screen ko. "But no, it's not me who message you. Some drunkards probably used my phone by mistake when messaging you."

"Drunkards?"

"Yeah, the one who really gave you that give."

Bigla akong napaayos nang pagkakatayo, "Kung hindi po kayo, sino 'yong nagbigay?" halatang kilala ni Sir Czam kung sino.

Hindi ko alam kung bakit pero kumakabog ang dibdib ko habang inaabangan ang isasagot nito. Sino? Kanino galing? May posibilidad bang galing kay—

"Secret."

Bigla akong napasimangot sa naging sagot nito sa'kin. Halata namang napansin niya ang reaksyon ko dahil marahan 'tong natawa sa'kin.

"If he, himself, didn't tell you it was from him. What right do I have to reveal who he is, then?"

"Don't worry, Lana. You'll soon find out who it is. Though...you probably have an idea already."

Sa huli nitong sinabi, lalong lumakas ang kutob ko sa kung sino ang nagbigay nito. My god, siya nga ba? 

Continue Reading

You'll Also Like

105K 3.4K 41
That ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.
11K 259 23
What If one day you suddenly find yourself married to someone? Whats worse is when you find out that he's a Mafia Boss? Warning: there's a lot of swe...
44.4K 2.9K 27
This is a fanfiction on how the relationship of SIDNAAZ went after BB house. I always felt people misjudged them. He was never rude and she was never...
22.8K 520 11
Wren is taken hostage by The Maniax, more specifically Jerome Valeska , after some quick thinking. The trouble is, how does she escape now? And does...