I feel him go stiff the moment our lips touched.
Gusto ko lang naman mabawasan ang galit niya at ewan ko ba kung bakit ito ang naisipan kong gawin. Gusto kong bumawi kahit papaano pero parang mali yata ang naisip kong ideya.
Ilang segundo ang lumipas pero hindi siya gumalaw at kita ang gulat sa mga mata niya.
Aissh. This was a bad idea.
I release his lips and was about to pull away but then his hand suddenly holds the back of my head and pulls me back to him.
Nagtagpo ulit ang labi namin at ngayon ako naman ang nagulat. Naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sa baywang ko at mas dumiin ang paghalik niya sa akin hanggang sa maging mapusok ito.
He is kissing me heatedly as if there’s no tomorrow. His warm lips move passionately against my own as he kisses me deeper. I could feel his frustration as he sucks my lower lip and his tongue aggressively move against my mouth. I guess he's channeling his anger to this kiss.
Nang pakawalan niya ang labi ko, pareho kaming naghahabol ng hininga. Pakiramdam ko para na akong kamatis sa sobrang pamumula ng pisngi ko. Hindi ko inasahan na hahantong sa mapusok na halikan ang simpleng paghalik ko sa kanya.
Nahihiya kong tinakpan ang namumulang mukha ko pero hinawakan ni Krypton ang kamay ko at yinakap ako ng mahigpit.
Banayad niyang hinaplos ang buhok ko at ramdam ko sa pisngi ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya.
“I’m sorry nasigawan kita.” Mahinahon niyang saad at napangiti ako.
Mukhang hindi na siya galit.
“Krypton. . .”
“Mmm?”
Humiwalay ako sa yakap niya at tinignan siya sa mata.
“Pwede bang huwag mo nang sisantehin yung mga guards at si Manong Driver?” sabi ko sa kanya na nangungusap ang mga mata. “Wala naman silang kasalanan. Ayokong mawalan sila ng trabaho ng dahil sa kagagawan ko. Ginagampanan lang naman nila ang trabaho nila.”
Walang emosyon ang mukha niya at hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. “Their work was to keep you safe here but they disobeyed my orders and let you out.”
“Nagawa lang nila yun dahil sa akin. Nagsinungaling ako sa kanila na sumakit bigla ang paa ko at kailangan kong pumunta ng hospital kaya nila ako pinalabas. I’m sorry.”
His eyes softened at my repeated apology and he lets out a sigh.
Tinuro ko ang sarili ko at nagsalita ulit, “Ako na lang paalisin mo dito tutal ako naman ang—”
Tumigil agad ako sa pagsasalita nang biglang dumilim ang mukha niya.
I grinned at him, mildly amused at his dark expression. “Pero seryoso, Krypton, hindi ba pwedeng huwag mo na silang sisantehin? May pwede ba akong gawin para magbago isip mo? Handa akong gawin ang anumang ipapagawa mo par—”
“Okay fine.”
“Talaga?” lumiwanag ang mukha ko sa sagot niya.
“But in one condition.” Seryoso ang mukha niya at tumango lang ako para magpatuloy siya.
“Go on a date with me tomorrow.”
“Okay. Yun lang?”
Kumunot ang noo niya at nagtataka siyang tumingin sa akin. “Hindi ka aangal? You’ve got no problem with that?”
Napakunot na din ako ng noo. “Ba’t ako aangal? Matagal ko nang gustong makasama ang matagal-tagal kong hinahanap na Kuya K at ngayon na nahanap na natin ang isa’t isa, magagawa na natin ang mga gusto natin, pambawi sa sampung taong nawala sa atin.”
I genuinely smile at him. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na siya si Kuya K na matagal ko nang hinahanap. Spending the day tomorrow with him will surely be wonderful. We can catch up and get to know each other more.
Ngumiti siya pabalik at hinaplos ang pisngi ko. "At araw-araw tayong babawi sa panahong lumipas na hindi tayo magkasama."
Tumango ako. "Pero hindi ka ba nagsasawa na lagi na tayong magkasama nitong mga nakaraang araw?" Curious kong tanong sa kanya.
I'm starting to get comfortable around him and I want to know if he feels awkward or weird about it.
"Bakit ako magsasawa e ito ang pinakagusto kong gawin sa bawat araw ko. I want to spend every day with you and show how much I love being with you."
Oh.
I didn't expect his answer to be so truthful and so nice to hear.
"Siya nga pala," pagpapalit ko ng topic at hindi pinansin ang pag-init ng tainga ko. "Paano mo nalaman na pumunta akong hospital?”
Nagtataka ako kung paano niya nalaman gayong sinabihan ko naman ang mga tauhan niya na huwag ipaalam sa kanya.
Nagdalawang-isip siya saglit bago ako sinagot, “May tracker ang phone mo.”
“What?”
Tama ba narinig ko?
“Tracker? Like as in, yung tracker na . . .”
Tumango siya at napatampal ako sa noo. Wahh, jinjja? Hindi ko alam kung maiinis ako o hindi. It's like my privacy is invaded.
"You're unbelievable, Krypton."
Napahawak siya sa batok niya. "Well, I, uhm just wanted to check on you always. "
Bago pa ako magsalita ulit ay sumulpot ang mutsatsa para ipaalam na handa na ang hapunan.
Buong hapunan, hindi pa rin ako makapaniwala sa inamin ni Krypton. I find it sweet that he wants to check on me always but at the same time, it creeps me out.
Pagkatapos naming kumain, biglang tumunog ang phone ni Krypton. Sinagot niya ito at may gumuhit na ngiti sa labi niya nang marinig ang sinabi ng kung sinumang tumawag.
Tinignan niya ako pagkatapos ng tawag at ngumiti. "Twilight, there's someone I want you to meet."
"Sino?"
"You'll know in a second."
Bumaling siya sa musatsa at inutusan itong buksan ang main door.
Maya-maya pa ay may pumasok na isang babaeng at may dalang mga bagahe. She's about in her fifties and she's got a charming warm smile.
Tumayo si Krypton at yinakap nila ang isa't isa. Tumayo na din ako at nagtatakang pinagmasdan sila.
"Twilight," baling ni Krypton sa akin. "I want you to meet Manang Flor. She's our maidservant back in the States. Pinauwi ko muna siya dito para may mamahala sa bahay na ito."
Oh. 'kala ko kung sino. For a moment there, I thought she's his mother.
"Manang Flor, she's Twilight Dane, the one I told you about." Sabi ni Krypton at inakbayan ako.
Nginitian ako ni Manang Flor at inilahad ang kamay niya.
"Natutuwa akong makilala ka, Twilight. Masaya ako at nahanap ka na ni Krypton."
Tinanggap ko ang pakikipagkamayan niya at nginitian siya pabalik. She seems like a warm and nice person.
Dumating ang isang katulong para ituro ang magiging kwarto ni Manang Flor at nang makapagpahinga na siya.
"Sa kwarto na din ako, Krypton. Magsha-shower lang muna." Paalam ko sa kanya bago umakyat sa pangalawang palapag at pumunta sa kwarto na itinuro ng musatsa kanina.
Nakaayos na ang mga gamit ko sa kwarto kaya diresto na akong pumasok sa banyo.
Nag-shower na ako at nagbihis ng pantulog bago lumabas ng bathroom pero nagulat ako nang makita si ko Krypton na nakaupo sa sofa na katabi ng kama.
Malawak kasi ang kwarto kaya may table at sofa pa bukod sa malaking kama sa gitna.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Ininom mo na ba gamot mo?" pabalik niyang tanong sa akin imbes na sagutin ako.
"Oo, nainom ko na. Bakit ka andito? Huwag mong sabihin na dito ka magtratrabaho?"
Nasa harapan niya ang laptop niya kaya siguradong magtratrabaho na naman siya katulad ng ginagawa niya noong binantayan niya ako sa hospital.
"Why can't I work in here? Masama bang gusto kitang makasama kaya dito ako?" he looks up at me innocently and I feel butterflies in my stomach.
"Matutulog na kasi ako."
"I'll be quiet here. I won't disturb you, I promise." He smiles at me handsomely kata hindi ko magawang humindi.
Bumuntung-hininga ako. "Okay. Suit yourself." Wala naman yatang mali kung dito siya sa kwarto ko muna. Humiga na ako sa kama at inayos ang kumot.
Tumayo si Krypton at pinatay ang ilaw habang ako naman ay binuksan ang lampshade para makapagtrabaho siya ng maayos.
"Good night, Krypton." Pumikit na ako dahil sa naramdaman kong antok.
"Good night, Twilight. I love you."
---