Elisana Crawford POV
*flashback*
"Hi Elisana, laro tayo"-anya sa akin ng isang batang lalaki na galing sa ibang kaharian.
Tinignan ko lang siya at saka inirapan.
" I don't want to play with you"-Anas ko at saka lumayo sa kanya saka lumapit kay Accuis para makipaglaro.
"Accuis, let's play!"-ngiting saad ko na ikina-iling ni Accuis.
"Why?"-I ask
Tinuro niya si Tenleigh na ngayon ay nagpapasubo pala ng prutas.
"Ok! I'll go check Persephone then"
Naglakad ako papalapit Kay Persephone na ngayon ay nakasimangot na naman.
"Bakit ikaw lagi nilalapitan niya?"-maktol na saad nito at saka padabog na humalukipkip.
It is my 12th Birthday...
"I'm sorry Persephone..."
Umirap lang siya at tumingin sa malayo.
Tumingin ako kay Aiken na ngayon ay nakatingin sa akin habang hawak ang isang libro. Pinaningkitan ko siya, pero ngumiti lang siya.
Tumingin ako sa table nina Elliott, nakaupo siya habang nilalaro ang isang ice flake sa kamay niya.
Tumingin naman ako kay Caspian na bored na bored na pero kinukulit siya ni Kegan.
***
"Ayos ka lang Elisana?"
Pinatayo ako bigla ni Aiken at saka pinampag ang mga tuhod ko dahil sa pagkakadapa.
"Salamat"
"You're welcome Elisana, I will be right here every time you needed."-nakangiting saad ni Aiken.
"I'll protect you no matter what"
***
"Ahhhhh!" Sigaw ko habang hawak ako ng mga ninja.
"Bitawan niyo siya!"-sigaw ni Aiken at nagsimulang lumakas ang hangin.
Nagulat ako dahil bigla na lang naglabas ng mga Air spikes patungo sa amin.
Napapikit ako dahil baka matamaan ako pero hindi. Nagawa niya akong protektahan gamit nag air shield niya.
"Di ba sabi ko sa'yo, darating ako kapag kailangan mo?"
Third Person Point of View
Natigilan ang lahat, walang huminga at walang gumalaw. Para bang tumigil ang oras sa lahat.
Hanggang sa naglabasan na ang mga Butterfly of death at pinaikutan na ang katawan ni Aiken hanggang sa naglaho na ito nang padang bula.
Kahit wala na sa harapan nila ang kaibigan nila na si Aiken at wala pa rin silang kahit anong galaw.
Lumipas pa ang mga minuto hanggang sa napaluhod na lang si Elisana sa nangyari. Sa Persephone naman ay nangangatog ang kanyang mga paa.
Naiwang nakatulala sina Accuis, Kegan at Elliot.
"Oppps! Sorry I didn't mean it. Promise!"-natatawang saad ni Light habang pinagmamasdan ang mga mukha ng mga royalties na parang nawalan na nang pag-asa.
"Ang bad no Light. Umiiyak na sila ohhh ahahahha"-natatawang saad ni Chinny habang pinapaikot ang chain sa kamay niya.
"What did you just do"-kakaibang boses ang lumabas kay Persephone habang nakayuko lang siya.
Ang buong paligid at nagsimula nang balutin ng kadiliman. Habang binabalot ng dilim ang buong paligid at may kasamang mga kuryente na kumikislap sa kadiliman.
"Magbabayad kayo"-may galit na saad din ni Elisana habang umiiyak at may lumalabas na mga volts sa kanyang katawan.
Nakatayo lang si Adrianna pinagmamasdan ang dalawang prinsesa na ngayon ay naglalabas ng mga nakakatakot na aura.
Ngumisi si Adrianna at saka pinagmasdan ang tatlong prinsipe na ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sa dalawang prinsesa.
Pumitik sa ere si Adrianna kaya isa isang hinatak ng mga sinulid ang mga prinsipe papalabas sa lugar na yun.
Nasa labas na sina Accuis, Kegan, Elliott, Tenleigh na natutulog pa rin.
"Sh*t!"-mura agad ng tatlo nang namalayan na nasa labas na sila. Tatakbo na sana sila pero may mga sinulid ang humarang sa kanila.
"Di ko kayo hahayaang pumasok doon. Kailangan nina Persephone at Elisana ang maglabas ng galit. Sa tingin ninyo mapipigilan niyo sila?"-seryosong saad ni Adrianna kaya napatingin ang tatlong prinsipe sa kanya.
"So sinasabi mong pabayaan namin sila ganon?! Nakita ko! Nakita mo si Aiken! Nakita mo kung paano siya mawala. Kung gaano sila kalakas, di yan ang sinabi mo kanina na malalakas sila. So do you think hahayaan namin sila?!"-galit na sigaw ni Kegan habang pilit na sinisira ang gintong sinulid ni Adrianna.
"Sa tingin mo gagawa ako ng desisyon kung di ko alam ang mangyayari?! May tiwala ako sa kanila at sa kapangyarihan nila. Sa tingin ninyo 'di sila maghihiganti sa nangyari kay Aiken?! Let them, hindi ko sila pababayaan. Pero ngayon please lang, dalhin niyo na muna si Tenleigh sa clinic para makapagpahinga siya ng maayos. Tumulong din kayo sa iba baka may mga iba pang kalaban ang pumasok!"-serysong saad ni Adrianna na nagpatahimik kay Kegan. Tumakbo agad si Accuis at saka binuhat si Tenleigh sa kanyang bisig na parang bagong kasal.
Bago lagpasan ni Accuis si Adrianna ay nagsalita muna si Accuis.
"Don't let them die. Ayokong may mawala ulit"-saad ni Accuis at dali-daling lumayo na para dalhin sa clinic si Tenleigh.
Tinignan naman ni Adrianna sina Elliott at Kegan na ngayon ay nakatingin sa malaking itim na bilog.
"Ako na ang bahala rito. Go, tumulong kayo sa iba."-saad ni Adrianna na pilit na tango ang binigay nila saka umalis na sa lugar.
Adrianna Rose Campbell POV
"Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ito lungga. Di ba sa Third Generation National High School ka Jasmin?"-saad ko habang seryosong nakatingin sa isang puno.
Unti-unti namang lumabas ang babaeng kanina pa nakatingin sa amin.
"Adrianna! Namiss kita nyhahahah"-galak na saad niya na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
"Hindi mo sinabing kasali ka sa Black Organization."-saad ko habang tinitignan siya. Nakangiti lang siya sa akin.
"Hindi naman talaga eh nyhahaaha, naki-usap lang sila dahil mabait ako sumama ako. At saka may gustong kumausap sa'yo"-nakangiting saad niya at saka pumalakpak.
Nakita ko kung paano nagsilabasan ang mga kaluluwang hindi ko inaakalang makikita ko.
Roslly, Cristine, Jilliane at Claire.
"What did you do?!"-sigaw ko habang tinitignan ang apat na kaluluwa sa harapan ko.
"Ta da! Surprise! Nyhahha ang ganda ng surprise ko right?"-nakangiting saad niya at hinihintay ang sasabihin ko.
"Grabe 'di ka man lang natuwa sa surprise ko?! Grabe dapat matuwa ka"-dismayang saad niya ngunit hindi talaga ako makapaniwala na gagawin niya ang bagay na 'to. Ang kumitil ng mga buhay. Kumitil ng mga inosente at mga normal na tao.
"Jasmin, hindi ko hahayaang makaalis ka sa lugar na 'to ng buhay."
✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴
Grabe month din ang nakalipas at ilang araw. Hayst sorry guys...
Ito na yung update sana magustuhan ninyo.
May gusto pa ba kayong ipapapatay?
Comment down baka gawin ko gusto niyo ahahhaha
Keep safe and stay healthy.