Adrianna Rose Campbell POV
Naka upo lang ako habang nakatingin sa pisara. Well, balik sa dati ulit.
Nabalitaan ko rin ang halikang naganap sa classroom na 'to.
Nakakahiya talaga ang ginawa nila.
Ngayon nga nakangiti si Prof. Linton na para bang walang nangyari. Hondii man lang nahiya ang tukmol na 'to.
Wala rin sila Caspian at ang ahas, well pinatawag daw si Caspian sa kanilang kaharian. Siguro ay nakarating sa kanyang ama ang ginawa niya sa pinakasundo sa kanya.
Tumingin ako sa likuran ko, nandoon si Elliott nakangiti sa akin habang titig na titig sa mata ko.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata at ganoon din ang ginawa niya sa akin.
Ang cute!!
Nginusuan ko lang siya at tumingin na sa harap ko, pero laking gulat ko nasa harapan ko na si Prof. Linton.
Patay.
"Anong kaharutan 'tong ginagawa niyo sa loob ng klase ko?!"-sigaw niya sa amin kaya napapikit ako bigla. Grabe siya.
"Eh ano yung nakita naming ginawa ninyo sa harapan namin?! Di ba kaharutan?!"-sigaw ng mga kaklase ko kaya natawa nalang ako bigla.
Na trauma ata silang lahat. Ahahhahaha
"Heh! All of you go to the Punishment room!"-sigaw niya sa amin kaya nagsigawan ang mga kaklase ko at nagtatakbo na palabas.
Tumayo narin ako at binuhat ang bag ko.
"Oh, Saan kayo pupunta?"-tanong ni Prof. Linton habang nakatingin sa amin. Ako, Vien at ang mga Royalties nalang pala ang nandito sa room.
"Pinapalabas mo kami di ba?"-cold na saad ni Elliott at saka lumapit sa akin saka niya ako hinatak papalabas.
"Hoy!! Joke lang 'yon!"-sigaw ni Prof. Linton na rinig namin pero tuloy-tuloy pa rin kami sa paglalakad.
"Walang joke joke sa amin Prof!"-sigaw ni Kegan kaya nagtawanan ang lahat. Baliw ang mga 'to.
"Saa-"
*BOOOGGGGHHHHHSSSSS!!!*
Nagkatinginan kaming lahat at nagtakbuhan papunta sa isang direksyon kung saan nagmula ang malakas na pagsabog.
Binilisan namin ang takbo dahil sa mga sigaw na naririnig namin.
Nang nakarating na kami, may dalawang Black Organization ang nandito.
"Sure silang dalawa lang ang ipapadala nila?! Grabe, talo agad ang mga 'yan"-ngising saad ni Kegan kaya binatukan ko siya for the first time.
"Wag kang ganyan. Malalakas sila"-saad ko habang tinititigan ang dalawa.
Dalawang babae na ngayon ay nakangising nakatingin sa amin.
Napatingin ako sa isang babae na may silver lining ang kanyang buhok.
Tinignan ko naman ang isa, nakita ko ang mga maliliit na kadenang naka tirintas sa kanya.
"Light Rays and Chain manipulator."-saad ko na ikinatingin sa akin ng mga kasama ko.
"How did you know?"-takang tanong ni Aiken, ganoon din ang tingin na pinapakita ng iba.
"Book. Book of magics"-saad ko kaya napasinghap sila.
"What the! How did you know that book?"-gulat na tanong ni Elliott sa akin na ikinatingin ko sa kanila.
Yan kasi, ang daldal mo.
"Mag-ingat kayo, malalakas sila"-saad ko at saka tinitigan ang dalawang babaeng nakangisi sa aming direksyon.
"Totoo nga ang sinabi niya, matalino ka at magaling"-nakangising saad ng babaeng may silver lining ang buhok.
"Yeah, nahulaan mo agad ang mga kapangyarihan namin eh."-tumatangong saad ng babaeng may chain na nakatirintas sa kanyang mga buhok.
"At late na naman siya"-saad ng babaeng naka silver lining.
"Kilala mo naman 'yon"-saad ng babaeng may chain design ang buhok.
Nagkatinginan sila at sabay na napa-iling.
"Ilag"-sigaw ko habang nagsimulang umilag sa mga light ray na nanggagaling sa itaas.
"Ahhhhhhh!"-sigaw ni Tenleigh kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
Nanlaki ang mga mata naming lahat habang nakatingin kay Tenleigh na umiiyak na habang nagsisisigaw.
Wala na ring light rays na umuulan.
Tenleigh.
"Tenleigh!!"-sigaw nilang lahat at saka sila nagtatakbo papunta kay Tenleigh na ngayon ay naka upo na habang nagsisisigaw sa sakit.
Napatingin ako sa braso niyang nasa lupa.
Naputol ang kanyang braso. Nanginig ako habang tinitignan si Tenleigh habang umiiyak at nagsisisigaw.
"Ahahahah oppps, sorry. Dapat pala sinabihan ko kayo"
Napalingon ako sa babaeng tumatawa ngayon saka siya sinamaan ng tingin.
"Hala ka Light, tignan mo si Adrianna ohh. Galit na galit na"-natatawang saad ng kasama niya.
"Bitch! Papatayin kita!!"-nagulat ako dahil sa biglang pagsugod ni Accuis habang nagsilabasan sa kanyang paligid ang mga water spikes at hawak niya ngayon ang isang sibat na may kuryente sa loob nito na gawa ni Elisana.
"It's your turn to shine Chinny"-nakangising saan ni Light kaya pumwesto sa harap niya si Chinny at nagpalabas ng mga mahahabang chain at gumalaw ito para sanggain ang mga water spikes ni Accuis.
Ang ganda, parang sumasayaw ang mga chain niya sa hangin. At nagtatalsikan naman ang mga tubig kaya parang kumikinang ang mga ito dahil sa liwanag ng araw.
Tumingin ako kay Tenleigh na namumuti na dahil nauubusan na ng dugo.
Mukhang kailangan kong ipakita ang isa ko pang kayang gawin.
"Lumayo kayo sa kanya"-saad ko at naglakad papalapit kay Tenleigh. Kinuha ko muna ang kanyang braso at saka lumuhod sa harapan niya.
"Anong gagawin mo?"-nanginginig na saad ni Elisana habang nakatingin kay Tenleigh.
"Elliott, Kegan and Aiken tulungan ninyo si Accuis, hindi niya kaya 'yon"-saad ko at pinagmamasdan ang braso na hawak ko.
Nakita ko kung paano siya lumuha at nagsisisigaw dahil sa sakit na matanggal ang kamay niya.
"Ihiga mo siya Persephone"-saad ko na ginawa naman niya agad.
Idinugtong ko ulit at pinahawak kay Elisana na nanginginig na.
"Stop it Elisana, maging matatag ka. Wag kang manginig"-saad ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Ang tingin ko lang ay kay Tenleigh.
"Stitch"-saad ko at nagsimula nang pagalawin ang mga kamay ko.
Kumikislap-kislap din ang mga threads ko habang pinapagalaw ko sila dahil sa sinag ng araw.
"Anong ginagawa mo?"-tanong ni Persephone sa akin.
Di ko siya tinignan at pinagpatuloy na ikonekta ulit ang mga ugat at iba pa para mabuo ulit at mabalik sa dati ang braso ni Tenleigh para matigil na ang pagdurugo.
Isa ito sa mga kapangyarihan ng Thread manipulator. Kahit na may matanggal na bahagi ng katawan mo ay kaya nitong ibalik ngunit pwera ang ulo.
Ganito ka useful ang Thread manipulator kaya madaming may gustong magkaroon at kumuha nito.
Tagataktak na ang pawis ko hanggang sa matapos ko na rin.
Tinignan ko si Tenleigh na ngayon ay natutulog na.
"Let her rest first"-saad ko at tumayo na.
"Ho-"-hindi natuloy ni Persephone ang itatanong niya nang marinig namin ang sigaw ni Elisana. Kaya napalingon kami sa mga royalties na nakikipaglaban.
Pagtingin namin ay biglang nag na tahimik ang buong lugar, parang tumigil ang mundo sa pag-ikot. Parang may bombang sumabog nang napakalakas.
Habang nahuhulog ito, parang nag slow motion ang lahat. Naiwang nakaawang at nanlaki ang mga mata namin. Sigaw nang sigaw si Elisana.
Napalupasay si Persephone sa kanyang nakita ngayon.
Ako naman ay parang nawalan ako ng lakas.
Napaluhod nalang ako saktong pagkahulog ng katawan niya at ang hiwalay nitong ulo.
✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴
Sino?
Still breathing?
Thank you for reading.
Love lots and keep safe