Can you promote this story to your friends? Kung Oo, maraming salamat. Pero if you want to keep this for you it's OK and I hope na nagustuhan ninyo💜😊
Adrianna Rose Campbell POV
Buti nalang Friday kahapon kaya wala kaming pasok ngayon. Makakapaglibot pa ako.
Habang naglalakad ako ay nakita ko si Caspian naglalakad mag-isa kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kanila.
"Caspian!!"-sigaw ko at saka nagtatakbo patungo sa kanya.
Tumigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako. Hindi ko inaakala na ibubuka niya ang kanyang mga braso, at nagtuloy-tuloy akong papunta sa kanya kaya napayakap ako bigla.
Hindi nag preno si mga paa. Paa ang haharot niyo!
"I miss you"-bulong niya at naramdaman ko ang kanyang hininga sa tuktok ng aking ulo.
Dahil sa gulat na tulak ko siya palayo at saka nag iwas tingin.
"Uhmm. Ano... Nice to see you again heheh"-kumakamot na saad ko habang hindi makatingin-tingin sa kanya ng matagal.
Nakatitig lang siya habang nakatingin sa akin.
"Can I hug you again?"-malambing na saad niya na ikina-init ng aking mga pisngi. Kaya dali-dali akong lumalayo, umiiling at winawagay-way ang kamay ko sa harapan ko na nagsasabihing hindi.
"Just a seconds please"-mahinang saad niya kaya napatingin ako sa kanya bigla. Bakit ba siya nagkakaganyan? Nakaka-ilang.
Napa tingin ako sa malayo at saka dahan-dahang tumango.
Nagulat na lang ako dahil sa malakas na impact na napasandal ako sa matigas niyang dibdib.
Nanlaki ang mga mata ko habang hindi parin makapaniwala nangyayari.
May sanib kaya 'to? Bakit siya ganito? Bakit ang clingy niya? May dalaw kaya siya?
"Uhmm. Haha ok na, di ba?"-natatawang saad ko at saka pilit na tinutulak pero di niya ako binitawan.
"Stay"-saad niya kaya napa lingon ako sa kanya, nagulat ako dahil nasa akin din ang tingin niya.
Anong tingin yan Caspian??! Nakakalunod.
Nagulat ako dahil pababa na ang kanyang mukha habang nakatingin lang sa mga mata ko.
Ohh sh*t!!!
Pababa na nang pababa hanggang konti na lang maaabot na niya ang aking labi pero may biglang sumigaw.
"Baby!!!!!!!!"-sigaw ng isang boses sa di kalayuan. Nagsiliparan din ang mga ibon dahil sa lakas ng sigaw.
Natulak ko naman ng malakas si Caspian para mabitawan na niya ako.
Dali-dali akong tumingin sa babaeng inis na inis nang nakatingin sa akin.
"You bitch!! Mang-aagaw ka!"-sigaw niya habang naglalakad papalapit sa akin at bigla akong sinabunutan.
"Walangya ka!!"-sigaw niya at mas lalo pa akong sinabunutan ng todo.
"Ouch! Roselyn! Nagkakamali ka!"-nahihirapang sigaw ko habang pilit na hinahatak ang mga buhok ko na hanggang ngayon hawak niya pa rin.
"Roselyn! Stop it!!"-sigaw ni Caspian na ngayon ay hinahatak na si Roselyn palayo sa akin. Ngunit 'di nagpatinag si Roselyn at pinagpatuloy niya akong sinasabunutan
"Shut up bitch! Mang-aagaw! Walangya ka!! Akin si Caspian!! Akin lang!"-sigaw niya habang sinasabunutan ako.
"I SAID STOP!!"- sigaw ni Caspian at nag-alab ang kanyang mga palad na naka hawak kay Roselyn kaya sumigaw si Roselyn dahil sa sakit at nabitawan niya ang aking buhok.
"Aaaarrrghhhh! Anong ginawa mo!!???"-umiiyak na na saad ni Roselyn habang hawak ang nalapnos niyang balat.
Gulat na gulat ako habang tinitignan si Roselyn na umiiyak dahil sa ginawa ni Caspian.
"I already told you to stop, but you didn't listen!"-sigaw ni Caspian kay Roselyn kaya napatingin sa akin si Roselyn.
"Ano bitch?! Masaya ka na?! Na nakikita akong umiiyak at nahihirapan?! Na mas pinili ka niya kaysa sa akin?!"-umiiyak na sigaw niya habang inda parin ang mga nalapnos niyang balat.
Magsasalita na sana ako pero biglang nagsalita si Caspian.
"Pwede bang tumahimik ka na Roselyn?! Alam mo naman na hindi ikaw ang mahal ko 'di ba? Pinakasundo ka lang sa akin!"-sigaw ni Caspian kaya palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Pinagkasundo pala sila sa isa't isa. Para akong kabit dito. Grabe.
"So ganon ganon nalang?! Yung mga time na mag kasama tayo balewala lang sayo?! Yung mga oras na tayong dalawa lang, wala lang 'yun?! Makakarating 'to sa Amang Hari!"-sigaw ni Roselyn at saka nagtatakbo na papalayo habang umiiyak pa rin.
"Adrianna, I'm sorry. Nasaktan ka ba?"-nag-aalalang tanong niya sa akin, lumapit siya pero nag back step ako.
"Stay right there. Bakit.. Bakit mo ginawa 'yon sa kanya?"-hindi makapaniwalang tanong ko habang tinititigan siya sa mata.
Hindi siya nagsalita kaya sinigawan ko siya.
"Tinatanong kita!! Bakit mo ginawa 'yon sa kanya??!!!" Sigaw ko na ikinagulat niya.
"Wag mo na siyang pansi-"
"Wag pansinin?! Babae 'yon! Babae! Kahit na di mo siya mahal, gusto o type wag naman ganon ka grabe ang gagawin mo! Minahal ka ng taong 'yon! Kahit konting respeto naman! Konting respeto sa tao na ang ginawa lang ay samahan ka at mahalin ka. Kahit respeto na lang ang maibigay mo sa kanya. Kahit di na ang pagmamahal!"-sigaw ko sa kanya. Hindi tama, hindi tama na gawin niya yun. Kahit respeto lang dahil pinagkasundo sila.
"I'm sorry, please Adrianna. Wag kang magalit sa akin"-nagmamakaawang saad niya habang unti-unting lumapit sa akin.
Umiling ako kaya napatigil siya sa paglalakad.
"Hindi ka dapat humingi ng tawad sa akin. Kay Roselyn ka humingi ng tawad."-pagkasabi ko ay naglakad na ako paalis.
Well, ayaw ko lang siyang kausap. Basta nagagalit ako, nababadtrip!
Hayst!!!
Someone POV
"Babe"-nakangiting bati ko sa aking jowa na nakaupo sa kama ko.
Kagagaling ko lang sa bathroom para maglinis ng sarili.
"Babe, are you ok?"-biglang tanong ko nang mapansing kung may kakaiba sa aking jowa.
Ang lalim naman nang iniisip nito. Gusto atang sumisid ulit sa dagat.
"Nothing babe, I just want to see you and you know"-saad niya at biglang naging masaya ang kanyang ekspresyon kaya napangiti na lang ako.
"Of course babe. You can do everything, you want. These is all yours"-saad ko saka tinanggal ang aking bathrobe at hinayaan itong mahulog.
Ngumiti siya at ganoon din ako.
Another Someone POV
"Punyeta ang hirap mag-acting. Like duh, ahahha"-tumatawang saad ko at saka siya tinignan.
Nakita ko kung pa'no siya naghihintay sa sasabihin ko kaya tumikhim muna ako para mag ready na sabihin ang nalaman ko.
"Confirmed"
Pagkasabi ko sa word na 'yun ay bigla siyang ngumisi at saka tinignan ang buong tanaw ng Magical Academy.
"Galingan mo, dahil makikipaglaro tayo sa kanila. Gagawin natin ang lahat mapabagsak lang sila"-seryosong saad niya ngunit nakangisi ito.
"Di mo na kailangang sabihin yan, yan talaga ang gagawin ko"-nakangising saad ko kaya humalak-hak kaming dalawa na para bang panalo na kami sa laro.
Pero sissiguraduhin talaga naming aayon sa amin ang tadhana at maipapanalo ang laro.
✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴
May dalawang someone. Sino kaya ang mas mabait sa kanila.
Ang First Someone POV or Another Someone POV?
Ready for some action next chapter.
OK lang ba?
Hayt. Keep safe and love you all.