Adrianna Rose Campbell POV
Nakatayo lang ako habang nakatingin sa likuran ng school. Ganito pala kagahaman at kawalang puso ang mga tao sa mortal world.
"Mamamatay tao silang lahat, manipulator at mapanglinlang."
Tumingin ako kay Jamaica na ngayon ay nakatingin don.
"I'll let you play with them if you want too. Or you let me handle them"-mahinang saad ko habang nakatingin sa lugar na iyun.
"I'll let you do the job"
Ngumisi naman ako at pinalabas ang kamukha niyang chibi doll.
"Welcome to my play house, Jamaica"
***
"Di ba ang sabi ko sa inyo bantayan ninyo si Asiamie at saka kaibiganin?! Kailangan natin siya! Siya ang mission natin!"-inis na sigaw ko sa kanila habang binibigyan sila ng matalim na titig.
Nag whistle lang si Kegan at tumingin sa malayo. Si Tenleigh naman ay pinagmamasdan ang kanyang mga kuko. Si Persephone naman ay bagot na nakatingin sa akin. At si Elliott naman kanina pa ako tinititigan.
Grabeng mga 'to. Talagang mga royalties!
Vien Lockhead POV
Naglakad ako papalapit kay Prim habang hawak ang aking espada.
Nanggigigil ako, dahil sa kanya kaya napalayo ako kay Rianna. Dahil sa kanya kaya kailangan kong lumayo! Dahil sa kanya kaya hindi ko nakasama si Rianna sa loob ng panahong iyon!
"Humanda ka Prim! Papatayin kitang lobo ka!"-sigaw ko at tumatakbo napapunta sa kanya habang hawak ang gold sword ko.
Habang patakbo ako ay may biglang lumabas na portal sa harapan ko kaya sa ibang dimension ako napunta.
"What the hell!"
"Don't curse at your sister-in-law Vien. Pinigilan lang kita sa pag-atake kay Prim. Do you think, hindi magagalit sayo si Adrianna?"-saad ni Ate Lea kaya napatingin ako sa kanya.
Damn. Hindi ko naisip 'yon. Pinangunahan na naman ako ng galit.
"Ano Vien? Ipagpapatuloy mo parin ba?"-tanong sa akin ni Ate Lea na ikina-iling ko.
"Good"-saad ni Ate Lea saka siya pumitik.
Nasa loob na kami ng training room. Wala narin si Prim dito.
"Don't do the same mistake again, Vien"-saad ni Ate Lea at saka lumabas na sa training room.
Nang nakalayo na si Ate Lea ay padabog kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas na sa training room.
Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si Roselyn na parang may hinahanap.
"Nasan na ba yung baby ko!?"-inis na tanong niya habang nililibot ang tingin.
Napabaling ang tingin niya sa akin at saka ako binigyan ng masamang tingin.
"You! Did you see my baby?"-sigaw na tanong niya sa akin habang naglalakad papalapit.
Dahil badtrip din ako tinignan ko siya ng masama.
"May anak ka pala? Bakit mo hinahanap sa akin? Hanapin ba ako ng baby?"-inis na saad ko sa kanya kaya napaawang ang kanyang mga labi saka ko siya nilagpasan.
"You!!! I hate you!! Bwisit ka!"-sigaw niya pero 'di ko siya pinansin.
Just a waste of time.
Adrianna Rose Campbell POV
Pagkatapos kong kausapin si Jamaica ay sinundan ko si Asiamie na nakita kong papasok sa science room. Palagi na lang siya don.
Pinagmamasdan ko siya habang nakatingin sa isang skeleton na nasa tabi niya.
Nagulat ako dahil bigla na lang gumalaw ang skeleton at nagsimulang sumayaw.
Bakit pa siya nananatili rito, kung alam niyang kakaiba siya sa lahat?
Mag-iisang oras atang nagsasayaw ang skeleton hanggang sa tinigilan na ni Asiamie na pagalawin ito.
"Nacocontrol ko na!"-masayang saad niya at pinalakpakan ang kanyang sarili.
Ngumiti naman akong marahang umalis sa lugar na yun.
Naglalakad ako sa hallway nang mapansin ko ang mga kumpulan ng mga estudyante.
"Grabe, nakakatawa si Claire"
"Oo nga eh"
"Nawawala ang best friend niyang si Jamaica, hanggang ngayon hindi pa natatagpuan"
"Tas palugi na rin ang negosyo ng family niya"
"Di ba naglaslas din siya?"
"Oo nabalitaan ko 'yan, noong nawala si Jamaica"
"Kawawa talaga siya"
Tumingin ako sa tinatawag nilang Claire, siya yung babaeng nakasagutan nila Cristine at Roslly.
Umiling ako at naglakad papunta sa likod ng school ulit. May dala na din akong bulaklak.
Nang makarating ako sa lugar ay nakita ko sina Cristine at Roslly na parang nagkakaroon ng party. May tent pa sila tas may mga drinks sa isang maliit na plastik na table.
"Ang tagal naman niya"-nakahalumbabang saad ni Cristine habang kumakain ng junk food
"Kumain na muna tayo, dadating din siya"-saad naman ni Roslly at nag patuloy sa pagkain.
Sinong siya?
Ohhh baka yung mapagpanggap. Sabagay wala siya rito.
Nanatili lang akong nakakubli sa isang tabi habang inaantay ang kanyang pagdating. Maya maya lang ay narinig ko na ang isang sigaw na parang tuwang-tuwang makita muli ang mga kaibigan nito.
"Mga besty ko!!"-sigaw niya nagpangisi sa akin. Sabi ko na nga ba.
"Jilliane!!"-sigaw nilang dalawa at kapwa nagtayuan at sinalubong ang kaibigan.
"Grabe, ang tagal mong nawala"-nagtatampong saad ni Roslly at saka pinalo.
"Ilang araw lang eh, ang hirap kayang magpaggap na nasa coma. Grrr. At wala pa akong make-up"-asar na saad ni Jilliane na ikinatawa nilang dalawa.
"May pa welcome party pa kami"-saad ni Cristine na ikinatawa nilang tatlo.
"Alam ko kung saan niyo na naman kinuha ang pambili ng mga 'to"-ngising saad ni Jilliane na ikinangisi rin nila.
"No other than our human wallet!"-sigaw nilang tatlo tas nagtawanan ulit. Nagpalakpakan pa sila tas nagsikuhanan ng mga pagkain at inumin sa maliit na lamesa.
It's Asiamie. Si Asiamie ang human wallet nila.
Mga manggagamit!
Napakuyom ang kamay ko nang makita kong inupuan nila kung saan nila mismo nilibing ang katawan ni Jamaica.
Sana mas maaga kaming nakarating dito para napigilan ko.
Dinukot si Jamaica, pinagsamantalahan, binugbog at pinahirapan hanggang sa kinitil na nila ang buhay niya.
Isa siyang dark soul ngunit mas pinili niyang manatiling tahimik habang pinagmamasdan ang mga taong gumawa sa kanya ng mga ganoong bagay.
She never hurt them, dahil alam niyang susunod ang karma.
Napangiti naman ako, don't worry Jamaica. You're in a good hand now. Let me punish them. Let me give them the best punishment. Pati narin ang isa pa nilang kasama na paparating na ngayon.
Tumingin ako sa babaeng nakangising naglalakad habang nakatingin sa tatlong nagsisiyahan.
"Di man lang kayo nag-antay"-nakangusong saad niya, kaya napatingin sa kanya ang mga tatlong magkakaibigan.
"Leader! Nanjan ka na pala"-bati ni Cristine at saka tumayo at hinarap ang kanilang leader
"Oo naman, mawawala ba ako sa oras na nagsisiyahan kayo?"-ngising saad siya na ikinahiyaw nilang lahat.
"Grabe leader ang galing mong mag- acting grabe! Idol"-sigaw ni Jilliane at saka uminom ng soft drink.
"Naman, namana ninyo sa akin eh"-nagising saad niya at umupo na sa tabi nila.
"Hahaha ang galing mo kasi eh"-natatawang saad ni Roslly na ikinangisi ng leader nila.
"Ako pa?! Ako kaya si Claire Hamilton wahahhaha"
Napuno na ng tawanan nila ang buong lugar.
Mga mapagpanggap, manipulator at killers. F*ck u all!
✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴
Best actress of the chapter goes to CLAIRE🎉
Wahahhaha thank you for reading.
God bless and keep safe lagi.
Love you all!