Taming Alliston

By hannarie_21

811K 43.2K 14.4K

"Change your clothes." Napatingin ako sa suot ko. It's just a knee-length simple dress. Formal naman para sa... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue
Author's zone

Chapter 28

17.1K 916 276
By hannarie_21

Alliston

"Anong ginagawa mo dito, Alli? Bakit di ka sumama kina Grant?"

Napangiwi ako habang matamang tinitingnan sina Vanilla at Terry na maganang kumakain.

They're so.. Uhm. Hungry? No. Mas mukha silang gutom na gutom na para bang isang linggong hindi pinakain ng mga asawa nila.

"I'm waiting for Louella." Itinuro ko pa sa mga ito yung direksyon ni Louella na kausap yung parents nila ni Aria.

We are all attending a sip and see party for Aria's and Corinne's baby. It's sad that only Aria's parents are here dahil nga orphan na si Corinne at tanging yung Mommy na lang daw ni Terry yung immediate family nito. Unfortunately, Terry's Mom is helping Sammie's parents sa mga medical mission ng mga ito. Kinuha ng mga ito yung mommy ni Terry para maging assistant nila at makapagbakasyon din kahit papano. Lalo pa at madalas na nga itong mag-isa mula ng maikasal si Sammie at Terry.

So yeah, tanging si Terry lang yung family representative ni Corinne. Pero imbes na yung baby ng mga ito yung dumugin nito ay yung food naman yung tinambayan nilang dalawa nitong si Vanilla na bumibigat na.

Yikes! I won't get preggy. Ayoko maging kagaya ni Van no. Bumibigat na sya saka nagkakalaman. Sa susunod, tataba na sya. Ewwwiee. Nakakasira ng figure.

"Bot si Alli kaya nandito sya. Sayang kras ko pa naman sya. Kaso si Sam lang talaga top."

Lantarang umangat yung kilay ko sa sinasabi ni Terry. Gaga talaga ito. Isinali pa ko sa liga nilang mga dwendeng bot.

"Ako bot?" Ngumiti ako sa kanya at saka tinapik yung pisngi niya. Lalo lang lunawak yung ngiti ko dahil napatulala pa ito at nabitawan yung kinakain habang nakatitig lang sakin. "I don't think I'm a bot-type, Terry. Alpha kaya ako. Wanna check?" I winked at her.

Napangiwi na lang ulit ako dahil muntikan pang tumulo yung laway sa gilid ng labi nito kung hindi lang nalagyan agad ng tissue ni Van.

"Gagi, Tinkerbell! Laway mo!" Siniko nito yung isa na mukhang naengkanto na. "Si Alliston lang yan. Kurap kurap din. Nasa tabi-tabi lang si Sammie. Makukulong ka na naman nyan sa kwarto e."

Just the mere thought of Sammie's annoyed face pag nakita nitong nagdodrool na naman yung asawa nito sa harap ko, is enough to put me in a good mood.

Tiyak na maiinis ito. Which is a good thing kasi napakapassive pa naman ng babaeng iyon. Si Terry lang talaga yung nakakapagpalabas ng emosyon nung isang iyon.

"Uyy!" Kinalabit pa ulit ni Van si Terry. "Wag ka masyado pahalata. Bot yan di ba sabi mo? Di kayo bagay."

"E di ako top." Nagpout pa ito na tila ba nagpapaawa pa.

Kinotongan tuloy ito ni Van. Serves her right.

"Di pwede! Magagalit si Samantha. Dapat loyal ka lang sa kanya. Sa pagkain lang tayo bibigay, okay?"

"Okay." Labag man sa loob ay napatango na lang din si Terry ng sunod-sunod.

"Kasali ba ko sa team nyo?" Sabat naman ni Candice na umagaw ng isang piraso ng bacon wrapped asparagus sa plate ni Van. "If hindi pa, pasali ako."

"Bot ka ba?" Tanong dito ni Vanilla. "Pag bot ka, kakampi ka na namin."

I almost rolled my eyes when Candice just shrugged her shoulders.

"Siguro. Sabi ni Hariette bot daw ako e. Saka I am not drinking any hard drinks kaya mas gusto ko dito. Masakit sa ulo kausap yung mga nasa kabila." Dugtong pa nito.

Si Jen naman na katabi ko na buhat buhat si Ember ay sumabat din.

"Masakit sa ulo yung girlfriend mo kasi. Tapos idagdag mo pa doon sa kanila si Grant na puro kalokohan. Si Sammie naman at Leigh puro tagatakip ng mga kalokohan nung dalawang iyon. Hindi nila alam na kinukunsinti pa nga ni Grant yang kalokohan nitong dalawa nung nakaraan sa presinto." Itinuro nito si Van at Terry.

"Hindi naman namin sinasadya yon!" depensa agad ni Van.

"Sinadya nila yon, Jen. Dinayo talaga nila yun para doon magfoodtrip." Ako naman ay natutuwang nakisulsol din para mapagalitan ang mga ito. Pag pinabayaan kasi ay makakasanayan lang gawin nitong dalawa. Buti sana kung walang nadadamay.

Ayun tuloy yung dalawa, napayuko na lang habang pinapagalitan ni Jen. Serves them right!

Napangiti ako ng kalabitin ako ni Ember at saka ngumiti sakin. She showed her toothless grin which I really find so heart-warming.

"Momma!"

Napalingon ako sa boses bata na nagsalita. I saw Rainey, yung anak ni Railey at Alice. Buhat buhat ito ni Rail. Itinuturo niyon si Ember na nakatingin naman sakin.

Ngumiti lang si Railey dito at saka masuyong hinaplos yung ulo. "That's baby Ember, baby. Want to touch her hand?"

Nung tumango si Rainey ay binuhat ito ni Rail at inilapit kay Ember. Her kid just gently laid her palm on Ember's line of vision.

Si Jen ay napatigil sa paglilitanya kina Van at Terry dahil sa paglapit ni Rail.

"Hold Ate Rainey's hand, Ember." Utos pa nito sa baby nila ni Grant.

Natawa na lang kaming lahat ng imbes na abutin yung kamay ni Rainey ay hinampas pa ito ni Ember sa mukha. Ayun, pumalahaw tuloy ng iyak si Rainey na isinubsob yung mukha sa balikat ng Momma nito.

"Tsk. Manang mana sa Momma nya. Weak! Basted agad." Kantyaw ni Van na ang lakas ng tawa.

Si Alice naman na katabi ni Railey ay tumawa lang. "Watch out, Van. Magiging heartbreaker tong first born ko."

I groaned when Vanilla just childishly stuck out her tongue. Para talaga itong bata. Paano kaya ito natitiis ni Leigh? "Dream on, Al. Itong baby namin ni Leigh, babastedin lang din yang Rainey mo."

"Asus. Maghahabol lang yang baby nyo sa anak ko. Pustahan? Iyakin yan gaya mo e. Magiging utusan lang yan ni Rain." Ayaw magpatalo na sumabat na din si Railey. Tinablan yata dahil sa panglalait ni Van.

"Wow ha!" Pumalatak pa si Van. "Matalino si Leigh no. Sa kanya magmamana 'to. Sasabihin ko sa baby namin na huwag pakopyahin sa exams yang anak mo!"

"Si Leigh lang matalino. Ikaw hindi. Nangongopya ka lang din naman!"

Bago pa magkainitan at magkapikunan ang mga ito ay gumitna na ako. Mahirap na, pati mga batang hindi pa naipapanganak ay gusto na nilang pag-away-awayin. May saltik talaga itong mga babaeng ito.

"C'mon, guys. Your babies will surely be exceptional too. Baka nga magkaroon pa ng photographic memory yung baby nila Van at Leigh. O kaya naman si Rainey pala gaya ni Alice na sobrang gali-"

"Sakin nagmana si Rainey no!" ayaw patalong hirit pa ni Railey.

"Hala, kawawa naman." Bubulong-bulong na sabi ni Van. Siniko tuloy ito ni Terry kaya tumahimik na din.

"Railey is quite impressive in her craft designs. For sure Rainey got an eye for that too. Di ba Alice?" Hinarap ko si Al na mukhang hindi naman apektado sa bangayan nila Railey at Vanilla. Basta ito ay busy sa paglalagay ng powder at bimpo sa likod ni Rain.

"Al, sumagot ka!" Naiinis na siniko ito ng asawa nito kaya naman nagtatakang umangat yung tingin nito sakin. "Inaapi ni Van yung anak mo! Magsalita ka nga!"

"Our baby is exceptional, babe. Kahit yung sa kanila. Ours, Vanilla's, Terry's, Jen's, Corinne's. They are all wonderful kids with wonderful parents. For sure, they'll be remarkable. No need to have an argument about it. Bakit nyo ba ginagawang issue? Pati bata dinadamay nyo. If that's me, I'd rather teach my kids to be diverse and open to everything para hindi nya kailangan iinsist sa iba yung sariling beliefs nya. They don't need to validate their worth" Mahabang litanya ni Alice na nakapagpatahimik sa mga ito.

Well, tama naman si Alice. We all grew up validating our worth because of how we are all raised. So dapat hindi sila maging kagaya ng mga magulang nila. They need to be more open and accepting to support their child's growth better.

At siguradong sigurado ako na yung anak ni Grant at Jen ang pinakafair and just. Obviously. Kay Grant pa nga lang being the well known Genius Kid na punong puno ng prinsipyo. Tapos si Jen pa napaka reserve at well-defined. Ember will surely be a wonderful kid.

"That's cool!" Segunda ni Candice. "Actually pag kami din ni Hariette yung nagkababy, I want my kids to be friends with everyone's kids too. Sobrang cool nyo kaya. I want to be a part of it. I want my kids to be a part of it. That will be awesome!"

Yeah! That's so cool. It's funny how a traumatic incident binds all of us. That's what made all of us to happen too.

"Ikaw ba Alli? Kailan nyo plano ni Ate Louella magkababy?"

Napaangat yung paningin ko kay Railey. She doesn't have an idea about Lou and I's set up.

"They should get married first!" Giit ni Van.

"But Ate Alli doesn't want to get married di ba?" Takang tanong pa ni Candice.

Tumango naman dito si Vanilla. "Alli and Hariette are both not a believer of the matrimony."

Umangat yung kilay ko. Kelan pa nag-expound ang vocabulary ni Vanilla?

Matrimony. An act of making a woman a wife and a mother. Yeah, that surely doesn't fits me.

"Hariette will marry me pag nagtwenty na ko. She promised me. Si Ate Alli na lang yung ayaw. So Ate Louella should convince her really hard. Dapat nga ngayon na. Kasi di ba twenty nine na si Ate Lou? Baka mahirapan na sila magkababy."

"Kaya nga!" Tumango pa si Terry. "Kaedad pala ni Ate Lou si Ate Corinne. Baka mahirapan na din siya magkababy kung matatagalan pa."

"Edi baby muna. Tutal ayaw naman ni Alliston magpatali e." Natatawang komento ni Rail. Pinupunasan nito yung luha ng anak nito.

"Hindi pwede!" Madiing tanggi ni Van. "Bawal yon! Dapat may security si Alliston kung magkakaanak sila ni Ate Louella! Paano na lang kung bigla syang iwanan ni Ate Lou? O kaya naman maghiwalay sila bigla? Paano na yung mga anak nila? No! Hindi pwede! No commitment, No babies!"

"Old-fashioned!"

Inis na sinamaan ng tingin ni Van si Terry. "Hindi pagiging old-fashioned yun, Tinkerbell. That's maturity. Assuring the future of your kids should be the first priority of the parents. Alangan naman mag-aanak ka lang tapos walang kagigisnan na responsableng magulang? Di ba ikaw wala kang Dad? Tapos that made you so sad and so tough growing up. Do you even want your kids to experience such?"

Dahan-dahan namang umiling si Terry. Mukhang naiintindihan na nito yung point ni Vanilla.

Well, technically that's how Vanilla was raised kasi. Sobrang pure. Sobrang simple-minded at uto-uto. Her parents made her see the ideal things in life. Masyado itong sheltered and pampered. For sure Leigh is having a hard time dealing with her. If that's not love, I couldn't think of anything else.

"Don't you want to have a successor, Alli? Someone you can call your own?" Seryosong tanong ni Jen na inaabot sakin si Ember.

Natataranta man, I opened my arms to held that small body. Staring at a pair of Ember's coal eyes, something stirred in me. Yung katamtamang beat ng heartbeat nito makes me wonder how beautiful it is to have a small mini-me figure. Kamukhang kamukha kasi ito ni Grant. But her eyes are from Jen's. From our own bloodline.

Yours. Yung asawa napapalitan, but kids will be forever yours. Everything will fade, but your bloodline won't. That will be a never fading legacy.

"I don't want to have kids." I answered truthfully.

Hinaplos ko yung pisngi ni Ember. Nakangiti pa din ito sakin na para bang napakaganda ng mundo para dito.

Well, she's staring at me. Maganda talaga yung nakikita nito. No doubt.

"Tito Tony called last night." Mahinang sabi ni Jen pero aware ako na dinig naman ng lahat na nasa tabi lang namin.

"What about?"

"He's asking me if totoo daw ba yung relasyon nyo ni Ate Louella or front lang na gaya ng sainyo ni Hariette." Huminga ito ng malalim at saka napailing. "Do you really love Kuya Kyeroh? Are you still into that dumb piece of a shit, guy?"

Gusto ko mang matawa na nagmumura si Jen at nanglalait ay hindi ko magawa. Napakaseryoso kasi nito. And when Jen is serious, I need to take her seriously too. Otherwise, ipapahamak ako nito. Panigurado. Dakilang sumbungera pa naman ito. Kahit noong mga bata pa lang kami.

"C'mon, Alli. Be honest this time. Do you really love that guy? Yung ganoong klaseng tao ba talaga ang magpapasaya sayo? Will you stop hurting and using other people pag nakuha mo na sya?"

Mahal ko pa ba si Kyeroh? I don't know. I am losing respect on him matapos nito akong ipahiya ng ilang ulit. Sa dami ba naman ng paninirang ginagawa nito sakin, would I still love him?

He is becoming too much! He is becoming a monster in my eyes. I am starting to resent him. He's just like a typical guy.

Am I still in love with him?

"I don't know." Sincere na sagot ko at saka nag-iwas ng tingin.

Sina Railey at Vanilla naman ay pumalatak na lang. Mga boto kasi ang mga ito kay Louella. Why not? Louella, no matter how bad her reputation is in the business industry, is still somewhat a nice person to deal with.

She's the only person who sees me. She's always there when I thought I am jus alone.

"Tito Tony is talking with Montecillo's. Kung saan ka nadapa, doon ka daw nila ibabangon. Your Dad is just waiting for the divorce papers of Kuya Kyeroh and his wife. Pagkatapos pag-uusapan na daw nila yung kasal nyo. Apparently, Tito believes you truly love that guy kaya labag man sa loob nya, he'll swallow his pride for your own sake. He is now using his connections to make it happen."

"No!"

A sad smile formed Jen's lips. Jennifer isn't a liar. She will hurt you with a blatant truth. Kaya nga takot dito si Grant e.

"That's what you want naman talaga Alli, di ba? Now, everything will be laid infront of you." She gave me a gentle tap on my head. "Please break up with Ate Louella now. She's too nice for you. I know you fancy using other people to cover up your shits. But please spare her. Will you? Grant says she fears Ate Louella will just get hurt in the end. But she also fears what will happen to you next. Do you even know how a lion cries when hurt?"

"No, Jen. Pooper won't hurt me. Kahit masaktan ko pa sya, di nya ko magagawang gantihan."

Tumawa lang si Jen na halatang hindi kumbinsido. "You know Demi Yu, right? Ask her. Then tell me that again."

No way!

****

Continue Reading

You'll Also Like

626K 24.7K 53
To be wrong... is to be yours.
2M 71K 53
Give me at least a glance... so I can wait a little longer.
52.8K 2K 19
Anong kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal? GXG STORY! SHORT STORY!
1M 32.7K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...