Adrianna Rose Campbell POV
Sinusundan ko ngayon si Asiamie na ngayon ay naglalakad papunta sa gate, uwian na kasi. Sinabi ko narin sa mga kasama ko ang nalaman ko. At ang plano ako na muna ang lalapit.
Nang makarating kami sa gate nakita ko yung tatlo. Sina Roslly, Jilliane and Cristine.
"Our human wa- our best friend is here!"-sigaw ni Roslly at saka dali-daling kumapit kay Asiamie.
Grabe sila. Human wallet? Parang si Tenleigh lang?
Siya kasi bumibili ng mga kailangan namin eh.
Maglalakad na sana sila pero napansin ako ni Cristine.
"Wait, ikaw yung isa sa mga transferees, Adrianna right?"-tanong ni Cristine habang papalapit sa kinatatayuan ko.
"Yes, ako nga 'yon"-tumatangong saad ko habang ang mga mata ko ay na kay Asiamie.
"Ikaw yung may jowa 'di ba?"-tanong niya at saka tumigil sa harapan ko kaya napunta sa kanya ang tingin ko.
"Bakit mo pa tatanungin Cristine? Sweety kaya ang tawagan nila"-taas kilay na saad ni Roslly at saka ako sinamaan ng tingin.
Gulat akong tumingin sa kanya, bakit ba ganon na lang ang tingin nila sa amin?
"Why don't you join us??"-tanong ni Jilliane sa akin.
"Yeah, join us" ngising saad Roslly sa akin at saka siya mas lalong kumapit kay Asiamie.
Tinignan ko si Asiamie na panaka-nakang umiiling na hindi nila napapansin.
Why? Anong problema Asiamie?
Napatingin ako sa likuran ni Jilliane bigla dahil sa kakaibang aura doon. Ang babaeng naka bangs.
"Sorry, but I still have things to do. Maybe next time"-ngiting saad ko at saka pinagtutulakan na sila papalayo.
Hindi ko man friends ang mga 'to kailangan kong maging mabait sa paningin nila para mapa-alis ko na sila. I need to talk to this, dark soul.
"Nice to meet you Adrianna"-ngising saad ni Cristine saka na sila nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
Tumingin ako sa dark soul na ngayon ay nakatingin sa papalayong pigura ng apat na babae.
Lalapit na sana ako pero bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko
"She's a liar, manipulator and a killer"
Pagkasabi niya ay bigla na lang siyang naglaho.
She's a liar, manipulator and a killer. Who?
***
(Kinabukasan)
Nasa loob ako ng library ngayon dahil nakita kong pumasok dito si Asiamie.
Naglibot-libot ako hanggang sa mapunta ako sa pinakadulo.
Nandon siya nakatayo habang may hawak na libro.
Lumapit ako sa tabi niya at saka kumuha ng libro para 'di niya mapansin na nilalapitan ko siya.
Pagkakuha ko sa libro ay bigla akong napatingin sa kanya kaya nahulog ko ang libro. Sinadya ko talaga para makuha ko ang atensyon niya.
"Sorry"-saad ko at nagmadaling pulutin ang libro na nahulog ko.
"O-ok lang"-nauutal na saad niya at saka namumulang umiwas ng tingin.
Bakit siya namumula?
"Uhmm, bakit namumula ka at umiiwas ng tingin?"-biglang tanong ko habang nakatingin sa kanya pataas. Nakatayo kasi siya ngayon sa harapan ko. All I thought tutulungan niya ako. Sabagay isang libro lang naman ang nahulog alangang makipag-agawan pa siya di ba?
"Ka-kasi kita yung... yung panty mo"-namumula ng saad niya kaya napayuko para tignan ko.
Ay oo nga pala, kita na pala panty ko. Ang cute pala ng panty ko.
"Kaya pala pagkalabas ko sa mans- este bahay eh parang may nakalimutan akong isuot. Yung short ko pala ahahha"-tumatawang saad ko saka tumayo na saka ko siya nginitian.
"Hi, I'm Adrianna. You are?"-ngiting pakilala ko sa kanya, alangan naman siyang ngumiti at dahan-dahang kinuha ang kamay ko para sa shake hands.
"I'm Asiamie Friero"-nahihiyang pakilala niya kaya ngumisi ako nang patago.
***
"Please, just stay away with them. Lalo na dahil may boyfriend ka"-mahinang saad niya at saka nagtatakbo na palayo sa akin.
Tinitigan ko lang ang pigura niyang papalayo sa akin.
Sa mga sinabi niya sa akin nakabuo ako ng isang conclusion kung bakit may dark soul ang palaging sumasama sa tatlo.
Ang paaralang ito ay pinagbabawal ang magkarelasyon.
Habang papalabas na ako sa library ay may bigla akong narinig na nagsisisigaw.
Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa cr ng mga girls.
Nakita ko ang isang babae na duguan. At si Jilliane 'yon.
Tumingin ako sa tabi niya, doon ko nakita ang dark soul na nakatitig lang kay Jilliane na ngayon ay nababalot na ng sarili niyang dugo.
Nagsi-alisan kaming lahat para makadaan ang mga first aider.
Mabilis namang dumating ang ambulansya at dali-daling dinala si Jilliane sa malapit na hospital. Sumama naman sa hospital sina Cristine at Roslly.
Napatingin ulit ako sa cr at dali-daling pumasok ulit. Nakita ko lang siyang nakatayo sa dati niyang kinatatayuan.
"Why did you do that?!"-mahinang sigaw ko at saka siya tinitigan sa mata.
"H-hindi ako"
Napatigil ako sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niyang hindi siya ang gumawa?!
"An-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla itong nawala.
Taka akong tumingin sa paligid, wala namang kakaiba.
***
"Sweety! Thanks God you're ok, I miss you"-salubong sa akin ni Elliott nang makita niya akong papunta sa parking lot kung nasaan sila naghihintay.
"Anong nangyari?"-tanong ni Kegan nang makalapit ako sa kanila.
"Accident"-kibit-balikat na saad ko at saka dumeretso na sa van.
Hindi ko na muna pinansin si Elliott ngunit alam kong tatabi rin 'yon.
"So, kailan natin lalapitan si Asiamie para makauwi na tayo?"-bagot na tanong ni Persephone habang nakatingin sa akin.
"Pwede niyo na siyang lapitan. Kayo na muna bahala sa kanya. May gagawin lang akong importante."-saad ko at sumandal sa upuan sa van.
"May importante pa sa akin sweety?"-maharot na saad ni Elliott kaya piningot ko siya dahil sa gigil.
"Aray.... Aray sweety naman"-nasasaktang saad niya habang ang mga kasama namin ay tinatawanan siya.
"What kasi gawa you?"-tanong ni Tenleigh kaya napatingin ako sa kanya.
"To solve a mystery!"
Elisana Crawford POV
Nakatingin lang ako sa black board habang nagtuturo si Prof. Linton.
Ang boring kapag wala silang lahat.
"Ohh, baby you're so good"-mahinang ungol ni Roselyn sa likuran namin kaya napatingin kami sa kanya.
Sa ungol niya nanindig balahibo ako. Grrrr. Wala lang si Adrianna nakikiharot na 'tong Caspian na 'to.
Pinapahimas niya ang kanyang tenga kay Caspian.
Napapansin ko pang panaka-nakang himasin ni Roselyn ang braso ni Caspian kaya napatingin na ako sa harapan.
Saka ako napalunok dahil sa nakikita ko ngayon.
"Mga malalanding estudyante!! Wag na wag kayong maghaharutan kapag nasa harapan ninyo ako! Mga mahaharot!"-sigaw ni Prof. Linton na ikinabigla naming lahat.
Did he said, mahaharot to Roselyn and specially to Caspian??!!
"Konting respeto naman sa mga single na gaya k-"
Hindi natuloy ni Prof. Linton ang sasabihin niya dahil may biglang pumasok sa room at sinugod si Prof. Linton ng agresibong halik.
Hanggang sa naghalikan na sila sa harap naming lahat na estudyante nila.
Ang intense ng halikan nila promise. Grabe, bwisit na mga PDA 'to!
Dahil hindi pa rin sila tumitigil sa paghalikan ay nagsisisigaw na kaming mga estudyante nila.
"HOY ANG BABABOY NINYO!! RESPETO SA AMING MGA INOSENTENG SINGLE AT ESTUDYANTE NINYO!!"
✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳
Yan kasi Linton eh, ang harot niyo. Grabe yung halikan grrrr. Ahahha
May update ulit! Ahaha matatagalan na yung next. Tatapusin ko muna project ko sa isang subject.
So see next chapter muah.
Keep safe and I love you all