APHRODITE (Greek Myth Series...

By QueenABCDE

113K 3.3K 499

HIGHEST RANK: #26 IN MYSTERY/THRILLER Mcroon Mihen, a living doll who happened to possess such exquisite beau... More

APHRODITE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two

Nine

542 35 2
By QueenABCDE

Chapter Nine: Entertainment

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin dito sa lapel pin na napulot ko kanina sa hallway. Singlaki siya ng thumb finger ko at hugis kidlat, pero 'yong timbang niya, siguro ay katumbas ng batong may pagkalakihan.

Kinagat ko ito sa pangsiyam na pagkakataon at ginto talaga siya! Kaya sigurado akong mahalaga ito sa may-ari. Kung hindi ko pa nga napagtantong ginto ito, itatapon ko na sana sa basurahang nakasalubong ko. Kasi kung titingnan, parang simpleng pin lang ito na hindi naman masyadong mahalaga para ibalik pa sa may-ari.

Mga magkano kaya 'to? What if kausapin ko ang may-ari ng eskwelahan na 'to at ibigay sa kaniya ang gintong 'to at baka sakaling paalisin kami?

Pero imposible. Baka akala ko lang talaga na totoong ginto 'to. Tsaka hindi naman siguro ganoon katanga ang may-ari ng unibersidad para paalisin kami kapalit ang bagay na ito.

"Ano 'yan?" tanong ni Avril pagkalabas ng banyo.

Bumaba ang tingin ko sa sahig dahil tumutulo ang likido mula sa basa niyang buhok. Ilang buwan lang na hindi nakaliligo nang maayos sa TDHU, gusto na niyang mas mahigit pa sa tatlong oras siyang magtagal sa banyo.

Sinabihan ko nga na baka magkasakit siya sa ginagawa pero sinagot ba naman akong ikamamatay niya kung nagkataong isang taon siyang hindi makararamdam ng tubig sa balat.

"Ewan ko rin," sagot ko sa tanong niya at inilapag lang ito sa maliit na lamesa. "Gisingin mo na si Avril at para makaligo na. Kanina pa 'yan naghihintay," sabi ko pa.

Mabuti na nga lang at naunahan ko pa silang maligo kanina. Lumabas ako nang maliligo pa lang si Avril at dumating akong hindi pa siya natatapos. Sinusulit niya ang tubig dahil sabado at hindi niya kailangang magmadali.

Naupo siya sa kama at iniuga si Avril habang nagpupunas ng tuwalya sa buhok.

"Tungkol nga pala sa thesis, kailangan nating maipasa 'yon bago matapos ang isang buwan natin dito. Nakausap ko 'yong prof kanina at sinabi niyang hinding-hindi tayo makaaalis kapag wala 'yon."

"Ano? Baliw ba siya? 'Di ba nga sinabi ni Athena na may kontrata si King at ang eskwelahan na 'to na pagkatapos ng isang buwan, makababalik na tayo?"

Napataas ako ng kilay nang makita ang ekspresyon ng mukha niya na para bang may pinapahiwatig 'yon.

"Gugustuhin pa ba nating bumalik? Kung isang buwan na lang, November na?"

Natigilan ako sa sinabi niya at napa-isip. Nagaganap ang pagpatay sa mga panganay na anak sa TDHU tuwing November. At nakatatawa mang isipin pero panganay kaming pitong magkakaibigan.

Nagagawa naming makatago mula sa Hell's Devils dahil hindi naman ganoon kalaki ang kasalanan namin kumpara sa iba, at mas inuuna nilang ubusin ang mga masahol pa sa demonyo kung gumawa ng kasalanan.

"Sinabi pa niya na matapos lang natin ang thesis, pwede na tayong umuwi. Wala rin daw kasing kasiguraduhan na makababalik tayo dahil nagkakagulo ngayon sa university. Hawak ng university na 'to ang responsibilidad kung sakaling magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawang university dahil lang sa hinayaan tayong umuwi."

"Sigurado ka bang sinabi niya 'yan? Baka naman gawa-gawa niya lang 'yan." Nangunot ang noo ko. "Isa lang naman siyang hamak na prof kaya wala siyang karapatang magdesisyon para sa bagay na 'yan."

Nagkibit-balikat siya at iiling-iling na pahiwatig na hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.

"Siya ang may-ari nitong university."

"ANO?!"

Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. Imposible! Hindi sa nanghuhusga ako or what, kasi 'yong suot niya noong una naming siyang ma-meet sa klase, tipong aabot na sa sahig ang itim na paldang suot niya tapos naka-long-sleeve pa e ang init-init ng panahon.

Ni hindi ko nga akalaing prof siya, may-ari pa kaya ng university?

"Nalaman ko lang sa isa nating kaklase. Kaya pala ang tahimik nila kapag klase na niya dahil siya ang batas dito."

Tumango na lang ako pero iniisip ko pa rin kung pa'no nangyari 'yon.

"So, tungkol saan dapat ang thesis na gagawin natin?"

"Hindi pa ba kayo tapos magdaldalan?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla nanamang sumulpot si Athena na nakatayo na pala sa may bintana habang nakahalukipkip.

"Pa'no ka nakapasok?" tanong ni Avril na napatayo rin.

"Pinihit ko ang door knob at binuksan ang pinto? Hindi ba obvious?"

Napa-irap ako. "Anong kailangan mo? Sabado ngayon, baka naman gusto mong magpahinga rin."

"Goddesses don't take a break, dear. Kaya ni isa sa inyo ay wala ring karapatang magpahinga. Kumilos na kayo bago ko pa kayo kaladkarin pababa."

Sabay na nangunot ang noo naming dalawa. Napahinto siya sa planong pihitin ang door knob. Naalimpungatan naman si Mori dahil sino ba namang hindi maaalarma sa nakaririnding boses ni Athena?

"Eris wants to see the three of you. Huwag niyong hintayin na siya pa ang aakyat dito at hilain kayo sa mga buhok niyo hanggang sa makababa." Nilingon niya kami nang may tiim sa tingin. "You wouldn't want to mess up with Eris because she's scarier than you think she is."

Nagtitigan pa kaming tatlo at sumunod na lang sa kaniya. Gustong-gusto ko nang hilain ang buhok niya lalo pa't nakatalikod siya sa'min ngayon at malaya naming masasabunutan siya. Pero kung ginawa namin 'yon, hindi 'yon matatapos do'n dahil siguradong mas malala pa ang igaganti niya.

Pare-pareho kaming napanganga sa mga eksenang bumungad sa'min dito sa lobby. Naglalakasan ang tugtog na aakalain mong mga bingi. Ramdam na ramdam ko 'yong pagkabog ng puso ko at saka ko lang napagtanto na nakatayo kami malapit sa speaker na mas mataas pa nang dalawang beses sa'kin.

Mabilis kong tinakpan ang magkabilang tenga ko at lumayo dahil feeling ko, ikabibingi at ikamamatay ko 'to.

Pero hindi ko masikmura ang nakikita ko. Ilang babae ang nasa gitna na hubo't-hubad na sana kung wala lang silang suot na underwear habang sumasayaw. May mga palamuti ring nakapalibot sa katawan at sa ulo at ang mga hikaw ay umaabot sa balikat. Pakiramdam ko'y nasa bar ako at paiba-iba pa ang kulay ng ilaw na talagang masakit sa mata.

Mas nandiri ako nang sinasayawan ng mga babaeng 'to si Eris habang nakaupo sa sofa na parang paraan 'to para ientertain sila. Hindi lang si Eris, pati na rin si Athena na nasa entablado't nakikisayaw sa babaeng tusok na tusok ang mala-bundok nilang dibdib.

Sa lahat ng mga babaeng narito, pito lang yata ang may saplot na sa tingin ko, ang mga Goddesses tulad ni Eris at Athena.

"Anong kapunyetahan 'to?" si Avril na sumisigaw.

Gustuhin ko man ding magsalita, mas pinili ko na lang manahimik. Hinila ko na sila para bumalik sa kwarto namin nang tumahimik ang lugar, ganoon din ang tugtog, kaya napatigil kami sa kagustuhang humakbang.

"Hoy! Sinabi ko na bang umalis na kayo? Hindi pa tayo nagsisimula," nakangising sabi ni Eris.

"Huh?"

Sinenyasan niya ang mga babaeng nagsasayaw kanina sa gitna at hindi pa man din ako nakakukurap, lahat sila ay nakahawak sa magkabilang braso namin at kinakaladkad kami.

"Anong gagawin niyo sa'min?! Bitawan niyo kami! Ano ba!" sigaw ni Mori na hanggang tanaw ko na lang dahil sa ibang direksyon siya dinala.

"Hindi ka bibitaw? Ha?! Hindi niyo 'ko bibitawan?!" Ginawa na lahat ni Avril pero masyadong marami ang nakahawak sa kaniya hanggang sa maipasok siya sa kwarto. Tanging pagsigaw na lang niya ang naririnig ko.

"Aray! Nasasaktan ako! Dahan-dahan naman!" daing ko naman dahil sobrang higpit ng kapit nila sa'kin samantalang hindi naman ako nagbabalak na tumakas.

NARRATOR

Mabilis na napamulat ng mata si Prem dahil sa ingay na gumagambala sa kaniyang mahimbing na pagtulog. Napabangon siya gano'n din ang mga kaibigan na sarap na sarap na ang mga tulog at nasa kalagitnaan na sana ng panaginip nila, kung hindi lang dahil sa ingay na 'yon na talagang nakababahala.

"Ano ang ingay na 'yon? Sa building C ba nanggagaling ang tugtog na 'yon?" tanong ni Gil nang makalabas mula sa banyo.

Balak niya lang talagang umihi at matutulog na ulit pero mukhang hindi naaayon sa sitwasyon ang kagustuhan niya.

"Kinakabahan ako. Baka pinagkakatuwaan nila 'yung tatlo." Kinusot ni Ed ang mata. "Mahirap na at mga babae sila. Hindi magdadalawang-isip ang mga 'yon na pumatol kapag naaagrabyado sila, lalo na si Avril na bigla-biglang mananabunot."

Tumayo si Prem sa may bintana para silipin ang tanaw na tanaw na building ng mga Thea. Hindi niya mawari kung anong nangyayari, maliban sa paiba-ibang kulay ng ilaw sa first floor ng building.

"Kung nagkataong mangyari 'yun, siguradong pagtutulungan sila. Naaawa ako para sa kanila at wala tayo para protektahan sila. Ito ang mahirap kapag magkakalayo tayo," si Prem na kahit hindi man niya aminin sa sarili, kumakabog nang mabilis ang dibdib niya.

"Hindi ba talaga natin sila pwedeng bisitahin? Hindi ako makampante kapag hindi sila nakikita sa isang araw o kahit sa isang segundo man lang," tanong ni Zed na sumisilip din sa kabilang bintana.

"Gustuhin man natin, mas mag-aalala silang tatlo kapag may nangyaring masama sa'tin. Hindi nila gugustuhing maulit 'yung nangyari noong nakaraan," balik ni Prem.

Naglakad-lakad siya sa buong kwarto at nag-iisip ng paraan para matiyak ang kaligtasan nila. Hindi naman pwedeng wala silang gawin.

"Mga babae talaga, sakit sa ulo. Napakahirap intindihin ng mga takbo ng utak nila at mas pinapairal ang pakikipag-away kesa sa makipag-usap nang maayos." iiling-iling na humiga sa kama si Gil.

"Sa ganda ba naman ng girlfriend ko, takot na takot ang mga 'yan na malamangan kaya't sila ang pinagdidiskitahan," pagmamayabang naman ni Ed. "Makita ko lang talaga na masugatan 'yang si Mori, ako na mismo ang gagawa ng paraan para maputol ang sungay ng mga babaeng 'yan."

"Ngayong wala ka pang nahahanap na babaeng pampalipas oras, mahal na mahal mo si Mori." Napatawa si Zed at naupo sa kama ni Prem na malapit sa bintana. "Tignan nga natin pagkalipas ng tatlong araw kung siya pa ba."

"Gago!" natatawa-tawang sagot ni Ed.

Napag-isipan nilang bumaba at kausapin ang pwedeng kausapin na Theos. Tumatakbo ang oras at walang mangyayari kung magdamag silang tutunganga at hihintayin ang umaga.

"Tol!" Tinapik ni Gil si Apollo nang masalubong nila itong naglalakad sa harapan nila.

Agad itong tinabig ni Apollo at matiim ang tingin siyang nilingon. "Tol? Sinong may sabing may karapatan kang tawagin akong 'tol' at tapikin sa braso?"

Napaismid si Gil. Sasagot na sana siya nang humarang si Prem. "Nasaan si Zeus?"

"Bakit?"

"Kakausapin namin siya. Hindi ba't siya ang namumuno at mas mataas sa inyo?"

Nag-angat ang kilay ni Apollo, "Ano ngayon?"

"Hindi ka ba makaintindi? Sinabing kakausapin namin si Zeus. Ang dami mong tanong, pre! Sekretarya ka ba niya?" untag ni Zed na nasa likuran.

Umiinit ang ulo ni Zed sa presensya ni Apollo. Hindi na rin niya makontrol ang sarili dahil maayos silang nakikipag-usap pero kung sumagot siya, wala sa ayos.

"Kung pinoproblema niyo 'yung mga babaeng kaibigan niyo, huwag kayong mag-alala dahil hindi sila papatayin ni Athena at Eris. Tratratuhin lang silan na parang hayop pero hindi aabot sa puntong papatayin sila," ani Apollo.

Pareho niyang ipinameywang ang kamay. "Kaya ikalma niyo 'yang mga alaga niyo at bumalik na kayo sa lungga niyo. Maaga pa kayo bukas!"

Tatalikuran na sana ni Apollo ang magkakaibigan nang marahas nang marahas siyang hilain ni Prem sa kwelyo.

"Hindi kami nakikipagbiruan," matigas niyang sabi. "Dalhin mo kami kay Zeus bago ka pa maligo sa sarili mong dugo."

Handa na ang kamao ni Apollo para ilanding sa mukha ni Prem nang dumating ang isang lalaki at may ibinulong sa tenga niya.

"Patungo si Zeus sa Thea. Tiyak na dadanak ang dugo ruon para sa gabing ito."

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Apollo at mas lalong hindi na ito maipinta pa. Walang pasabing tinalikuran niya ang apat at nagmamadaling tumakbo na parang may mangyayaring hindi maganda.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...