APHRODITE (Greek Myth Series...

By QueenABCDE

113K 3.3K 499

HIGHEST RANK: #26 IN MYSTERY/THRILLER Mcroon Mihen, a living doll who happened to possess such exquisite beau... More

APHRODITE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two

Eight

531 37 1
By QueenABCDE

Chapter Eight: Landmine

Miyerkules nang makarating kami sa Dark Sanctuary University at pangatlong araw na namin ngayon dito. Unang araw namin sa klase kahapon, at dahil sabado ngayon, wala kaming klase. Hindi na lang nila kami pinag-umpisa sa lunes.

Wala pa nga kaming isang linggo, naistress na agad kami sa mga Gods and Goddesses na 'to. Ang dami nilang pakulo. Mabuti na lang at hindi ko pa nararamdaman ang presensya nila ngayon para sa araw na 'to.

May nakita akong garden kanina sa paglilibot ko kaya papunta ako ngayon ruon para lumanghap ng sariwang hangin. Gusto ko ring mapag-isa at mag-isip-isip dahil aaminin kong apektado pa rin ako sa nakaiinsultong sagot sa'kin ni Prem, kung required bang magkagusto sa best friend.

Duh! Tinanong ko lang naman! Tapos parang ako pa 'yong nagmukhang kahihiyan sa sagot niya. Na parang ako pa tuloy 'yung nagpupumilit na magustuhan niya ako. Mas lalo tuloy na kumukulo ang dugo ko kapag iniisip ang eksenang 'yon.

Ibang-iba siya sa Prem na nakilala ko. Nasaktan kaya ako sa sinabi niyang 'yon. Tanda ko pang sinabi niya noon na hindi niya hahayaang masaktan ako o paiyakin ako ng ibang tao, pero siya naman 'tong gumagawa ng ikaiiyak at ikakikirot ng puso ko.

"Son of a bitch!" bulalas ko habang sinisipa-sipa ang maliliit na batong humaharang sa daraanan ko.

Hindi ko namalayang nasa harapan ako ng seesaw. Umangat ang tingin ko para tiyakin kung pwede ba ito at maayos pa ang pagkakakabit sa turnilyo at kumpleto pa naman nang silipin ko. Kinakalawang na nga lang ito pero malinis ang upuan na parang may gumagamit pa rin.

Umupo na agad ako at idinuyan ang sarili. Saktong maganda ang view mula rito dahil kita ko ang kabuuan ng kulay asul na langit. May mga ibon din na minsang napararaan. 'Yong puno na sinisilungan ng seesaw e sumasabay sa pagsayaw sa ihip ng hangin.

"Are you blind? Or illiterate? Or just plain stupid?"

"Ha?"

Nagsalubong ang kilay ko sa boses na 'yon. Teka, wala naman akong kasamang nagpunta rito, ah?

Nilibot ko ang paningin at nang dumapo ang mata ko sa kaliwa, natagpuan ko sa duyan—na akala ko'y bakante—ang isang lalaking tahimik na nagbabasa ng libro.

"Sorry. Naistorbo ba kita?"

Umismid siya na mas ikinakunot ng noo ko. Bastos? Walang modo? Humingi na nga ako ng paumanhin, tapos bibigyan niya pa ako ng ganiyang reaksyon?

"I don't easily get disturbed or distracted by others. I hate other people's presence in my place. If you don't mind, get those filthy feet and deafening mouth off this garden."

"Huh?"

Ano raw? Pinapaalis niya ako? Teka nga lang, sa kaniya ba ang lugar na 'to? Wala naman akong nakitang warning sign na bawal magpunta rito.

Psh! Akala mo naman kung sino!

Padabog niyang isinara ang binabasang libro at nilingon ako. Tila ba ilang segundong tumigil ang oras nang titigan niya ako sa mata. Nakaramdam tuloy ako ng pagkulo ng tiyan samantalang katatapos ko lang kumain bago pa ako magpunta rito.

'Yong mata niya kasi. May nunal siya sa kulay puti ng kaliwang mata. Hindi ko sigurado kung nunal iyon pero kulay itim na pabilog at singlaki siya ng normal na hugis ng nunal.

Hindi ko alam pero ang gandang tingnan, lalo pa't pareho kaming magkatitigan sa mata at walang gustong kumurap.

"You're a student of The Devil's Hell University, but how come you're stupid?" Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay. "Does it mean I've got the wrong information that those students have brains and talents? Huh?"

"Huh?"

Hindi ako bobo. Naiintindihan ko 'yung English niya. Ang hindi ko lang maintindihan, kung ano bang pinupunto at pinuputok ng butsi niya? Sinabihan niya ako ng illiterate, stupid, blind? Bakit?

Inis siyang tumawa at tumalim na rin ang tingin niya sa'kin. "Hindi mo ba nabasa 'yong nakasulat sa karatula na walang estudyante ang maaaring magpunta rito?"

Nag-isip ako. Wala naman akong nakitang karatula. 20 20 ang vision ko, 'no! Alangan namang hindi ko makita iyon!

"Hindi mo ba nakita 'yong warning sign that this place is a land mine area?" Nangunot ang noo niya. "Haven't you thought of the possibility that this place might have landmines? And once you step on it, it will blow your leg off, at least. You must be lucky that you're still alive."

"E bakit ka nandito? Kung hindi naman pala safe sa lugar na 'to?"

Umayos siya ng upo at muli nanamang binuklat ang libro. "I own this place."

"Weh?"

Hindi ako maniwala. Nakapaloob 'to sa university kaya ibig sabihin, pagmamay-ari ng may-ari ng university ang lupaing 'to. Maliban na lang kung anak siya ng may-ari ng eskwelahan na 'to.

Teka, kung anak siya ng may-ari, ibig sabihin, may kakayahan siyang paalisin kami sa impyernong 'to!

Kung siniswerte ka nga naman, Mc.

"Now, leave," matigas niyang sabi.

Pinagmamasdan ko siya at napapangisi na lang ako. Kailangan kong makuha ang loob niya at mapalapit sa kaniya. Kapag nangyari 'yon, tutulungan niya kaming lisanin ang lugar na 'to.

Ang talino ko talaga. Sinasabi ko na nga bang swerte sa'kin ang mga kaibigan ko. Ewan ko ba kung sino sa kanila ang nagdadala ng malas.

"Ayoko!"

Nilingon niya ako at natanaw nanaman ng mata ko ang mata niya. "Anong sabi mo?"

"Bingi ka ba?" Napairap ako. "At isa pa, pa'no kung maapakan ko 'yung mga landmines na sinasabi mo? E 'di namatay ako? Aalis lang ako kapag aalis ka na rin para ligtas ako."

Umiling siya at ibinalik ulit ang tingin sa libro. "You don't know what could happen kapag hindi ka pa umalis. Knowing it's just the two of us in this peaceful place..."

"Gagahasain mo ako? Sige nga!" Panunubok ko sa kaniya kaya mabilis nanaman niya akong tiningnan, ngayon ay pareho nang nakataas ang kilay.

"Are you even a woman? Walang matinong babae ang magsasabi niyan."

"Well, hindi mo pa kasi ako nakikilala," sabi ko at iniabot ang kamay ko sa kaniya. "I am Mei-sy. M at C ang spelling pero Mei-sy ang pronunciation. Gets?"

Agad ko ring binawi dahil tinapunan niya lang ng tingin.

"Ngayon, ako lang 'yung matinong babae na willing magpagahasa sa gwapong tulad mo," bulong ko sa sarili na sigurado naman ay hindi niya narinig.

Hindi naman kami masyadong malapit sa isa't-isa para marinig niya 'yon. Itetake ko na ang pagkakataon na 'to na maging close kami at para bukas na bukas, nasa biyahe na kami pabalik ng TDHU.

Mukha rin naman kasi siyang matinong lalaki kaya hindi niya kakagatin ang mga kabaliwang pinagsasasabi ko. Wala namang katotohanan, 'yon! Joke joke lang, gano'n.

Hindi na siya nagsalita pa. Siguro naisip niyang pinagtritripan ko siya. Nahihiya na rin akong makipag-usap dahil mukhang napipilitan lang siyang kausapin ako. Ayaw ko rin namang abalahin siya sa pagbabasa.

Pinili ko na lang na iduyan ang sarili ko at may paangat-angat pa ng paa. Ang sarap sa feeling! Na parang bumalik ako sa pagkabata! Hindi ko na nga masyadong maalala kung ano ang madalas naming pinagkakaabalahan ni Prem noong mga bata kami. Kung anong laro ang gustong-gusto naming laruin.

Hindi na rin naman namin napag-uusapan ni Prem ang past. Baka nakalimutan na rin niya lalo pa't ilang taon din siyang nag-stay sa ibang bansa. Sigurado akong nagkaroon din siya ng ibang babaeng kaibigan tulad ko, na pareho niya rin kung tratuhin.

Iniapak ko na ang paa ko sa sahig para tumigil ang pagduyan. Napagod na rin ako dahil kanina pa ako nagduduyan na parang bata. Gusto kong kausapin ang lalaking 'to pero baka bigla akong itulak sa landmine, edi natigok pa ako! Hayst!

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa hawakan at nagmuni-muni. Napabuntong-hininga ako nang sumagi nanaman sa isip ko si Prem. Si Prem na walang alam gawin kun'di ang paasahin ako! Napakagaling talaga!

"Are you broken-hearted?"

"Huh?"

Napatingin ako sa kaniya na nasa dating posisyon pa rin. Nakakrus ang binti at nasa libro lang ang tingin. Pero halos malaglag ang panga ko nang makitang mga tatlong pahina na lang yata at matatapos na niya ang librong kanina ay nasa kalahati pa lang siya.

Wow!

"Don't make me repeat myself. Your eyes tell me that you're in pain kaya nasasabi mo ang mga bagay na 'yan since you're losing the will to live just because someone rejected you."

Napa-isip ako. Ito ang una at huling beses na pupunta ako rito at siguro naman ay hindi ko na siya makikita. Hindi naman yata siya mukhang estudyante rito dahil kahit sa klase namin, hindi ko siya nakikita. Ni minsan, hindi ko pa rin naman siya nakasalubong sa daan.

Okay! Kailangan ko rin naman ng taong hindi ako huhusgahan at makikinig sa kwento ko para kahit papa'no, gumaan 'yung mabigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.

At isa pa, mas magandang magkwento sa isang stranger, hindi ba?

"May best friend kasi ako..." panimula ko na agad din naman niyang pinutol.

Bwiset!

"Everyone does."

Napangiwi na lang ako at gusto siyang gantihan kaso mas umuumapaw 'yong kagustuhan kong gumaan ang nararamdaman ko para naman mapayapa akong makatutulog mamaya.

Hindi ako maayos na nakatulog kagabi dahil paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko kung gaano ako dismayado at naiinis sa inaasta ni Prem.

Palihim akong napa-irap. "'Yon nga, may best friend ako tapos mahal ko siya. Edi umamin ako. Tapos sabi niya kaibigan lang ang turing niya sa'kin." Nagkibit-balikat ako. "Edi okay. So what?"

Tumawa siya kaya natawa na rin ako sa sarili ko. Nakakainis kasi. Pwede naman akong ireject ni Prem nang maayos pero tumagos talaga sa kasu-kasuan ko 'yong sinabi niya kung required ba?

Huh? Required mo 'yung mukha mong hinayupak ka!

"Then?"

"Pero iba kasi 'yong sinasabi niya sa ikinikilos niya. Sobra siya kung mag-alala sa'kin, pinoprotektahan niya ako at ayaw niyang napapahamak ako."

"If I were your best friend, I would also do the same." Naagaw ng pansin ko ang paglipat niya sa huling pahina ng libro. "A guy who is mature enough will protect women whoever it is or whatever their physical appearance is."

"Madalas isipin ng mga babae na pinoprotektahan sila dahil maganda sila o sexy, at binibigyan nila agad ng meaning 'yon na kesyo may gusto ang lalaki sa'kaniya." Nagkibit-balikat siya. "Why don't you just think that it is because you are a woman who deserves to be treated properly by a man?"

Tumango ako. Maybe, that's it. Isang taon na rin yata ang lumipas nang umamin ako sa'kaniya. At kung gusto niya naman ako, siguro naman ay gumawa na siya ng paraan para ligawan ako pero wala namang nangyari.

"And the thing is if you're not sure of what the other person feels, never plan to convey your feelings. Unless you're ready for the consequences of your action."

Isinara niya ang librong tapos na niyang basahin at tuluyan nga niya akong binalingan ng tingin.

Abala ako sa paguusisa sa bawat detalye ng mukha niya. Tumubo na ang facial hair niya na parang isang linggo na niyang hindi shineshave. Medyo natatakpan din ng bagsak niyang itim na itim na buhok ang mata niya pero malaya ko pa rin 'tong nasisilayan.

Tumayo siya at naglakad papalayo habang nagproproseso pa sa'kin ang nangyayari. Saka ko lang napagtanto na iniwan ako ng hinayupak na 'yon!

"HOOOOY!" sigaw ko pero hindi niya ako nililingon!

Jusko! Saan ako aapak? Pa'no kung may maapakan akong landmine rito?! 

Continue Reading

You'll Also Like

41.1M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...