Adrianna Rose Campbell POV
Nakatitig lang ako sa babaeng may bangs na ngayon ay nakatitig din sa akin. Sabi ko na nga ba, she's a soul. A dark soul. Ang dark soul ay kayang pumatay.
Habang tinititigan ko siya ay bigla na lang siyang nawala kaya dali-dali akong lumayo sa garden.
Hindi ata Puppet manipulator ang mahahanap ko ngayon. Iba ang mahahanap ko.
***
"Hi Inna"-ngiting bati ko sa kanya pagkapasok ko sa akin kwarto.
Hindi naman siguro nila ako hahanapin sa mortal world. Gusto ko lang silang makita.
"Ehh, ang aga niyo naman bumalik"
"Ayaw mo lang ata akong makita ah"-ngusong saad ko at lumapit sa tabi niya sa sumandal sa head board ng kama.
"Daxton came out again. And he even planned to kill Lea's husband. He's sick"
"Hahaha, you know him Inna. Ganon na siya matagal na"-natatawang saad ko at saka niyakap si Inna.
May biglang tumalon naman sa kama kaya napatingin ako don.
"Hi Prim"-ngiting bati ko, tumakbo siya papunta sa akin at saka sumiksik sa akin.
"Namiss ko kayong dalawa"-pinaliguan ko sila ng mga halik.
"My flower, please don't leave"
"Sorry Prim, I have a mission"-hinalikan ko siya sa kanyang noo. Ang lambot talaga ng kanyang balahibo.
"Nga pala, may nakita akong dark soul sa school na pinasukan namin sa mortal world. Kakaiba ang mga multo don, ang papangit. Wasak yung mga mukha tas puro dugo. Pero bakit dito sa magic world ang titiwasay ng mga mukha nila? Kahit na mas grabe yung ikinamatay nila?"-takang tanong ko at tumingin sa bintana.
Nakakapagtaka lang talaga.
***
"Saan ka na naman ba nagsususuot ha?! I'm worried sweety"-naging maamo ang mukha nito at saka ako niyakap.
Ang harot talaga..
"Stop it Elliott, 'di ka nakakatuwa"-inis na saad ko at saka naglakad na papasok sa aking kwarto. Medyo natagalan din ako roon sa Dark Mansion.
Humiga ako sa kama at saka tumingin sa kisame, I'll do our mission and investigate the mystery that seems to unfold secrets of this school and those group of girls.
Persephone Black POV
"Where is my sweety?"-biglang tanong ni Elliott kaya napatingin kami sa likuran namin, nasa likuran kasi namin sila.
"All sa pagkakarecall ko you two ay magkaholding kamay?!"-singhal ni Tenleigh kaya tinawanan siya ni Kegan.
"Conyo as ever, baka may pinuntahan lang. Simulan na nating maghanap, para makabalik na tayo sa magic world"-saad ni Kegan at saka nagsimula nang maglakad kaya tinitigan ko ang likod niya. Kakaiba siya ngayon.
"Maghiwa-hiwalay na muna tayo"-saad ni Elliott kaya tinignan ko siya.
"Sabihin mo, gusto mo lang mahanap si Adrianna"-bagot na saad ko saka ko siya tinignan sa mata. Hindi niya ako pinansin at naglakad na sa kabilang hallway.
Grabe talaga, kami yung matagal nang kasama tas mas sweet pa siya kay Adriana. Sabagay lo- whatever.
Adrianna Rose Campbell POV
Kanina ko pa sinusundan ang tatlong babaeng ito. Remember them? Yung nasa garden.
I just wanna know why would a dark soul keeps on following them.
Habang nakatago ako sa may malalaking halaman ay bigla kong naapakan ang isang lata ng soda?
Oh sh*t!!
"Who's that?"-sabi ng babaeng naka long hair.
"I bet, may nagtapon lang siguro Roslly. Masyado kang praning"-saad naman ng babaeng naka ponytail at saka umirap sa ere.
"I don't think so, wala akong napansing nahulog na lata."-saad ng babaeng naka short hair at nagsimula nang maglakad patungo sa tinataguan ko.
"Cristine, come on. Mapapagod ka lang sa paglalakad niyan"-saad ng babaeng naka ponytail.
"Shut up Jilliane, hindi ikaw ang mapapagod kaya wag mo na akong paki-alaman"-singhal ni Cristine sa kanya at nagtuloy-tuloy na naglakad papunta sa lugar kung saan ako nakatago.
"Oh my, Hi Asiamie"-ngising bati ni Roslly at saka siya lumapit sa babae na ngayon ay may hawak na mga libro at naka eye glasses.
A nerd? Uso din pala ganito rito.
"Ohh Asiamie! Bat ngayon ka lang? Namiss ka namin alam mo 'yon?! Labas ulit tayo mamaya ah. Ready mo na yung wallet mo. Sayang kung di nagagamit pera mo"-Jilliane at saka pinapa-ikotan si Asiamei daw ang pangalan.
Napapikit lang si Asiamie habang iniikutan na siya ng dalawang babae.
"Cristine, our human wallet is - our bff is here. Hindi mo man lang siya babatiin?"-tumawa si Roslly na para bang wala siyang sinabing iba.
Ganito ang mortal world? Wow, mas gugustuhin ko pa sa magic world. At least doon magkakaibigan sila nang tunay. Like Ava and friends.
Awww. I miss her..
Ava Cunningham POV
*achooo*
*achooo*
*achooo*
"Grabe talaga, miss na ba nila ako? Huhuhu I'm so beautiful huhuuhu"
Adrianna Rose Campbell POV
"Sh*t, mga panira talaga. Hindii ko pa nakikita kung anong meron sa halamanan eh!"-inis na saad niya at saka naglakad na papalayo sa akin saka lumapit kay Asiamie saka lumingkis ito sa kamay ni Asiamie.
Naaalala ko si ahas. Kumusta na kaya sila ni Caspian? Are they enjoying na wala kami roon?
"Asiamie, labas tayo ha?"-ngiting saad ni Cristine saka ngumiti-ngiti kay Asiamie.
"O... Okay"-nauutal na saad ni Asiamie at saka nagtatakbo na papalayo kaya nagtawanan ang tatlo.
Habang nagtatawanan sila ay unti-unti na akong lumayo sa kanila, na walang ginagawang ingay.
Habang naglalakad ako sa hallway 'di ko mapigilang ngumiti, ngumisi pala. Sa wakas
nahanap ko narin ang aming hinahanap. All I need to do is make friends with her. Ahahha
"Why are you smiling like that? Alam mo bang ang creepy"-bagot na saad ni Persephone na nasa tabi ko na pala.
"How did you find me?"-saad ko sa kanya pero nag roll eyes lang siya sa akin at naglakad.
"Hindi ka na naman pumasok sa klase, papalayasin ka na ng teacher natin"-bagot na saad niya sa akin. Di talaga niya pinansin yung tanong ko.
"Malapit na talaga tayong umalis"-saad ko at tumingin sa babae na ngayon ay nakaharap sa locker room.
Napatingin naman si Persephone sa tinitignan ko hanggang sa pansin ko na na naiintindihan na niya ang pahiwatig ko.
"That's great. I miss my bed"-saad niya at saka patuloy na tinitignan ang babaeng ngayon ay sinasara na ang locker door niya.
"Miss your bed or him?"-sadya kong tanong kaya sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko.
Asiamie, you're mine. Be ready.
✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴
Ano kaya meaning ng mga sinabi ni Adrianna sa kanyang isipan?
Hmmm.
Sorry sa super late na update.
Thank you sa pagbabasa.
Love you guys.