My Guardian Devil

By iamsograce

11.4K 183 39

He is the man who has good looks, oozing with sex appeal, came from upper class... almost perfect, but with d... More

Prologue
Chapter 1 -- I See Fire
Chapter 2 -- Eye Of The Tiger
Chapter 3 -- A piece of cake
Chapter 4 -- Pretty Boy
Chapter 5 -- Punishment
Chapter 6 -- Saved By The Angel
Chapter 7 -- The Date Wrecker
Chapter 8 -- Fearless
Chapter 9 -- The Devil's Hug
Chapter 10 -- Sleeping On A Lion's Den
Chapter 11 -- The Devil And The Angel
Chapter 12 -- Runaway
Chapter 13 -- Brannigan
Chapter 14 -- Truculent attitude
Chapter 15 -- The Menace
Chapter 16 -- A Song For The Brokenhearted
Chapter 17 -- The Call
Chapter 18 -- The Preparation
Chapter 19 -- A Dark Masquerade Ball Part I
Chapter 20 -- A Dark Masquerade Ball Part II
Chapter 21 - Enticement
Chapter 22 - The Game Between Love And Death
Chapter 23 -- Music Box
Chapter 24 -- Start Of Something New
Chapter 25 -- Status: Its Complicated
Chapter 26 -- Confessions Of A Broken Heart
Chapter 28 -- Stealing Kisses
Chapter 29 -- Reality Is Better Than Dream
Chapter 30 -- Green-Eyed Monster
Chapter 31 -- Love And Hate
Chapter 32 -- When Fire Meet Gasoline
Chapter 33 -- Everyone's Anguish
Chapter 34 -- Whisphering Stained Heart
Chapter 35 -- Harmonizing Relationships
Chapter 36 -- Let The Flames Begin
Chapter 37 -- The Dagger In You
Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff
Chapter 39 -- Breaking Fences
Chapter 40 -- Burning Lights
Chapter 41 -- Days Of Melancholy
Chapter 42 -- New Horizon
Chapter 43 -- Moments Between Intensities
Chapter 44 -- Still Into You
Chapter 45 - The Intoxicated Truth
Chapter 46 -- Cold Blood, Warm Heart
Chapter 47 -- A Mealymouthed Felicity

Chapter 27 -- The Cry Of A Pleading Heart

205 6 2
By iamsograce



Chapter 27 – The Cry Of A Pleading Heart

"Kanina ka pa tahimik diyan ah." Puna ni Cahli sa kaibigang si Helaena. "May problema ba?"


"Wala. Masama lang ang pakiramdam ko." Matamlay na sagot nito.


"Gusto mong dalhin kita sa clinic?"


"Hindi na. Kaya ko na." Matipid na sagot ni Helaena.


"Aahh... may problema ka nga."

"Cahli?"

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin?" Pamimilit ni Cahli sa kaibigan. Pero tila ayaw magsalita ni Helaena.

Pagkababa nila sa 1st floor, saka nila biglang nakasalubong si Brylle kasama si Beebop.

Kaagad na nagkatinginan sina Brylle at Helaena. Kapwa walang ngiti sa mga mukha nila. Hetong si Helaena, tila gustong gustong ngitian at kausapin si Brylle. Lalo nang mapansin niyang may mga pasa ito. Kabaligtaran naman ang kay Brylle. Iba ang ekspresyon ng mukha nito, walang emosyon at parang nag balik ang dating aura nito na nakakatakot.


"Hi, Beebop." Bati ni Cahli.


"Oh! Hello, Cahli—'fornia girl'." Tuksong kanta ni Beebop kay Cahli. (California Girls by Katy Perry)


Ngumiti naman si Cahli pagkatapos ay nginuso niya sina Brylle at Helaena. Nagkibit balikat naman itong si Beebop. Pati sila nagtataka kung bakit gano'n na lang ang dalawa ngayon. Hindi nag papansinan.


"Bye, girls." Sabi ng biglang dating na si Thunder sa mga kasama niyang babae. "See you later." Dagdag pa nito, tsaka na niya hinarap ang mga kaibigan. "Hey, Beebop."


Siniko naman ni Beebop si Thunder at nginuso din sina Brylle at Helaena.


"Ano'ng problema?"


Nagkibit balikat naman sina Beebop at Cahli.

"Hey, bro." Ani Thunder kay Brylle.

Saka lang nag iwas ng tingin si Brylle kay Helaena.

"Ano'ng nangyari sa mukha mo?" Tanong ni Thunder kay Brylle.


"Wala. Nag lambingan lang kami ni Bryant kagabi."

Agad na napatingin si Helaena kay Brylle ng marinig ang mga sinabi nito. "Nag-away kayo ni Bryant?" Alalang tanong nito.


"Bakit? Nag aalala ka sa kanya? Nag aalala ka na baka sa sobrang pagkabugbog ko sa kanya ay baka dinala siya sa hospital?" Sarkastikong tanong ni Brylle kay Helaena. "Tawagan mo siya nang malaman mo kung sa'ng hospital siya naroon." Tsaka na siya humakbang palayo.


Hindi na lang sumagot si Helaena at hinyaan na lang si Brylle para hindi na humaba pa ang away nila.

"Oohh.. I smell something fishy." Ani Cahli.

Bigla ring umalis si Helaena pagka alis nitong si Brylle. Aalis na din sana sina Beebop at Thunder nang biglang hinawakan ni Cahli ang kamay ng mga ito.

"Ooppss! Don't you dare to go anywhere." Sabi ni Cahli sa dalawa. "We have to do something."

"Cahli, if you like me, just go to my place next week. Not now, I still have girlfriends this week. " Pagmamayabang naman nitong si Thunder.

"Gwapo ka, Thunder, pero ayoko sa'yo. Masasaktan lang ako. Womanizer!" Hindi parin niya binibitawan ang pagkakahawak sa dalawa. "What I meant is, we have to do something about those two in-denial lovers. Its obvious na may problema ang dalawang 'yon. Para na rin magka ayos na sila at magka aminan na sa kanilang true feelings. Ako ang nahihirapan sa dalawang 'yon eh."


"Ano naman ang magagawa natin sa dalawang 'yon?" Tanong ni Beebop.


"I have a plan. This will only succeed if you guys will cooperate. So, please, Thunder, forget about your girls even just for now." Ani Cahli.


"Then, what is the plan?" Tanong ni Beebop.


Nagsimula ngang sabihin ni Cahli ang kanyang balak para magkaayos sina Brylle at Helaena. Lingid sa kanilang kaalaman ay napadaan do'n si Venice at narinig ang mga balak nila para kina Brylle at Helaena.

"Nice plan, Cahli. But I will make sure that won't happen." Sabi naman ni Venice na nakatago sa may hallway. "I will make Brylle fall in love with me... over again." Then she smile sarcastically and leave.



Saturday morning
9:00 am

Pilit na nagtataka itong si Helaena kung saan sila pupunta ng kaibigan niyang si Cahli. Nasa loob nun sila ng sasakyan ni Cahli. "Sa'n ba talaga tayo pupunta? Akala ko ba around Manila lang? Eh palabas na tayo ng Manila ah." Takang tanong ni Helaena.

"Uhm, ano. Uhm... May—may iniuutos lang sa'kin si Dad outside Manila. Mabilis lang tayo. Trust me." Then she grin at her friend.

Tsaka tinignan ni Helaena ang nag da-drive na kaibigan na 'what the F look'.


"Helaena, pwede ba? Huwag mo'kong tignan ng ganyan. Para tuloy ang sama-sama ng ginagawa ko sa tingin mong 'yan eh."

"Eh kasi naman nakakapagtaka ka. Ngayon lang tayo lumayo ng Manila at ngayon mo lang din ginamit ang sasakyan mo."


"Ah.. eh.. Uhm.. Kasi sayang naman kung hindi ko gagamitin. Baka masira lang sa garahe." Tasaka nag iwas ng tingin si Cahli sa kaibigan.


At wala paring ideya si Helaena kung saan siya dadalhin ng kaibigan. Basta ang alam niya ay tinutulungan niya lang ang ito sa utos ng Dad niya. Hanggang sa makatulog na siya sa haba ng biyahe nila. Ginising na lang siya ni Cahli nang dumating na sila sa kanilang destinasyon.


Pagbaba nila ng sasakyan, gano'n na lang ang gulat ni Helaena nang mapansin na parang nasa isang resort sila. And she gave Cahli a 'what the F look' again.


"Welcome to Canyon Cove Nasugbu Batangas." Masiglang sabi ni Cahli kay Helaena tsaka siya nag grin at nag peace sign.


"Cahli, anong ibig sabihin nito? Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ni Helaena.

"Uhm.. Ah.. A weekend trip. Alam mo na, after exams, we should enjoy and unwind. Hindi yung puro studies na lang ang iniisip natin. I'm not saying that we should neglect our studies, its just that we should enjoy sometimes." And she smiles.


"Pero, Cahli, pinangunahan mo na naman ako."


"I'm sorry okay? I was just thinking about you. You know what? Tara na sa loob, mag check-in na tayo. Para naman ma enjoy na natin itong beach."

Naglakad na sila papasok sa lobby ng hotel. Habang hindi parin tumitigil sa pagsasalita itong si Helaena.


"Healena, if you're thinking about your Family, don't worry, pinag paalam na kita kay Tita. Siya pa nga ang nag empake ng mga damit mo for this outing eh. Especially nung nalaman niyang kasama si-----" Napatigil siya sa kanyang sinasabi.


"Sino pang kasama natin?"


Hindi agad nakasagot si Cahli sa tanong na 'yon ni Helaena.


"Hey, CAHLIfornia girl. Hey, Helaena." Sulpot na bati ni Beebop kasama si Thunder at nasa bandang hulihan si Brylle.


Nagulat naman si Helaena sa biglang pagsulpot ng tatlo lalo na nang makita niya nando'n din si Brylle.

"Cahli, ano'ng ibig sabihin nito?" Takang tanong ni Helaena sa kaibigan.

"Sa tingin ko, kailangan niyong magpaliwanag sa'kin na dalawa, Beebop, Thunder." Seryosong sabi ni Brylle.


"Eh teka nga muna. Ano bang problema niyong dalawa ha? Helaena, Brylle?" Nakapameywang pa na tanong ni Cahli. "Noong isang araw pa namin napapansin na hindi kayo nag-uusap na dalawa. Nag iiwasan ba kayo?"


"Hindi." Agad na sagot ni Helaena.


"Oo." Ang sagot naman ni Brylle.

"Hindi? Oo? Ano ba talaga?" Tanong ni Beebop.

Hindi sumagot sina Brylle at Helaena bagkus ay nagtinginan na lang silang dalawa. Nakatingin din naman sa kanilang dalawa ang kanilang mga kasama.

"Eh teka nga lang, kaya niyo ba kami isinet-up kasi akala niyo may problema kami?" Ani Helaena.


"Wala nga ba?" Sabay-sabay pa na tanong nina Thunder, Beebop at Cahli.

Nang bigla na lang dumating ang naka swimsuit na si Venice kasama ang squad nito.

"Oh! Wow! Baby, is this heaven?" Nakangiting sabi ni Thunder habang nakatingin sa mga kasama ni Venice na naka swimsuit din.

"Oh! Hey, guys, you're also here." Anang Venice na naka sunglasses pa.

"Ano namang ginagawa ng bruhang 'to dito?" Pabulong na sabi ni Cahli. "Hoy, Venice, pano mo nalaman na nandito kami? Sinusundan mo ba kami?"

"Excuse me, Caroline, what did you just said?" Maarte na tanong ni Venice. "For your information, kagabi pa kami naka check-in dito. So, in that case, kayo ang sumusunod sa'min."


"Pambihira talaga, ang lakas ng pang amoy ng babaeng 'to. Bitch nga talaga, a female dog." Mahinang sabi ni Cahli.

"You know what guys? Let's just enjoy ourselves. I don't want anyone to ruin my weekend vacation." Sabay tingin kay Helaena. "Nakaka stress na sa School, kaya ayoko ding ma stress dito. I'm sure, gusto niyo din namang mag enjoy. Hindi ba, Helaena?"


Tinignan lang ni Helaena si Venice at hindi sinagot ang sinabi nito.


"Yeah right, let's just enjoy." Sang ayon ni Thunder at agad siyang lumapit sa dalawang babaeng squad na kasama ni Venice. "So, girls, let's enjoy?" Tsaka niya inakbayan ang mga ito. Sumang ayon naman sa kanya ang dalawang babae.

"Brylle, let's enjoy the beach." Yaya ni Venice kay Brylle.

"I think that's better." Ani Brylle.

Agad na kinawit ni Venice ang braso nito sa kanya. Naglakad na sila palabas ng lobby at biglang tumigil si Venice sa paglalakad nang mapatapat na sila kay Helaena.

"Wanna join us, Helaena?" Tanong ni Venice na halata namang nang iinggit lang.

Hindi agad nakasagot si Helaena. Napatingin lang siya kay Brylle. Pero itong si Brylle, hindi man lang siya nito tinitignan. "Huwag na. Mag--mag enjoy na lang kayong dalawa." Matamlay na sabi nito.


"Thank you. We will surely enjoy. Right, Brylle?" Tsaka na sila tuluyang lumabas ng lobby at nagtungo sa may beach.


HELAENA'S POV


Ang dami na naming water sports and activities na ginawa today pero bakit tila hindi ako nag eenjoy? Dahil ba sa iniiwasan ako ni Brylle o dahil hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila ni Venice? At tinamaan talaga ako ng selos.

Dapat kasi talaga kanina pa umuwi na'ko. Ano ba kasing ginagawa ko dito? Nagpapaka tanga lang naman ako dito. Ano 'to? Nanonood ako ng love story ng iba? Love story nina Brylle at Venice, na masayang naghahabulan sa beach? Na imbes na kiligin ako ay mainis pa.

Ang ganda pa man din ng resort, lalo na ngayong gabi nagpa ganda pa lalo yung mga ilaw na naka palibot sa mga pool side, pero hindi ko man lang ma appreciate dahil sa pagka inis ko sa dalawang 'yon. Haist!

Nasa'n naba ang Cahli na 'yon? Kanina ko pa siya hinihintay dito sa canyon cove restaurant. Sabi niya mag di-dinner na kami. Bakit wala pa siya hanggang ngayon? Matawagan na nga ang babaeng 'yon. Ay, nakalimutan ko nga pala sa kwarto yung cellphone ko. Mapuntahan na nga lang. Naiinip na'ko dito eh.

Paalis na sana ako sa table nang biglang nakita ko si Brylle papalapit... sa'kin. Tama sa'kin nga. Hindi ako makagalaw nang tumigil siya sa harapan ko at nagtinginan lang kami. "B—brylle." Tawag ko sa kanya at napansin kong nag iwas siya ng tingin at tumingin sa table at sa paligid namin.

"Hinahanap ko lang sina Beebop. Sabi nila hintayin ko sila dito sa table 14." Sabay turo sa table na okupado ko rin.

"Ah ganon ba?" Parang na disappoint ako. Akala ko pinuntahan niya talaga ako, kaya napayuko na lang ako. "Hinihintay ko din si Cahli. Table 14 din ang sinabi niya sa'kin."

"Humanda sa'kin ang Thunder at Beebop na 'yon. Halatang sinadya nila 'to."

Tama si Brylle. Sinadya talaga ng tatlong 'yon ang dinner na'to para i-set-up kami. Pero bakit parang gusto ko ang ideya nilang 'to?

"Sige, aalis na'ko." Narinig ko na paalam ni Brylle. Wait, no! Huwag ka munang umalis, please.

Tumalikod na siya at humakbang na palayo. "Brylle." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya at naghihintay sa anumang sasabihin ko. Pano ko ba sasabihin na gusto ko siyang manatili at mag dinner kaming dalawa? Pero baka kapag sinabi ko ay tanggihan niya lang.

"Uhm... ah.. ah.." I stuttered. Bakit walang salita ang lumalabas sa bibig ko?

"Kung wala ka ng sasabihin, mauuna na'ko." Aniya.


"Let's have dinner." Mabilis na sabi ko bago pa siya tuluyang umalis. Napakagat labi tuloy ako sa sinabi kong 'yon. "Tutal nandito na tayo. Sayang naman yung pina reserved nilang table." Pagdadahilan ko na lang. Kahit na ang totoo ay gustong gusto ko siyang makasama.

Bakit ba ang tagal niyang sumagot? Mahirap bang intindihin yung sinabi ko? Oo lang naman ang dapat mong isagot.

"Hindi na. Tatawagan ko na lang sina Beebop para samahan ka."

"Bakit? Dahil ba.. dahil ba mas gusto mong kasama si Venice kesa sa'kin?" Ramdam kong ibig ng tumulo ng mga luha ko, pinipigilan ko lang. Please tears, not now. Not in front of him.

"So, ngayon alam mo na ang pakiramdam ko sa tuwing kasama mo si Bryant?"

"Ano 'to? Gantihan?" Wow! So sinasamahan niya lang si Venice para gantihan ako? Wow, really, wow! Hindi ko alam ang mararamdaman ko. This guy is really so..... arrggghh!

"Hindi ako gumaganti, Helaena. Pero kung 'yan ang gusto mong isipin, bahala ka na."

"Kung hindi, bakit mo'to ginagawa?"

"Baki ko naman gugustuhing makasama ang taong ayaw naman sa'kin?" Seryosong sabi nito at tinitigan niya'ko na para bang may galit sa kanyang mga mata.

Sasagot pa sana ako nang mabilis na niyang linisan ang lugar at iniwan ako sa loob. Gusto ko siyang sundan at magpaliwanag pero baka itaboy na naman niya'ko. Napansin ko na lang na bigla na lang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Then I found myself on the pool side, drinking Martini with Beebop and Cahli. Hindi ko na kasi kayang itago pa ang mga nararamdaman ko sa mga nangyayari kaya kinausap ko na sila. Dahil kapag tinago ko pa 'to, baka mabaliw na'ko.

"Ayan kasi, pa deny-deny pa sa tunay na nararamdaman mo. Kaya ang ending, edi ikaw ang nasasaktan ngayon." At ako pa talaga ang sinisi nitong si Cahli. "Noon ko pa sinabi sa'yo na sabihin mo na 'yang nararamdaman mo sa kanya, pero ano? Sumunod kaba? Hindi."

"Kung noon pa sinabi mo na kay Brylle 'yang tinatago mo, edi sana masaya na kayo pareho ngayon. Edi sana hindi tayo umiinom ngayon." Dagdag pa ni Beebop.

"Wow ha? Salamat sa inyo. Ang laki ng tulong niyo sa'kin. Napapagaan niyo ang loob ko sa totoo lang." Sarkastikong sabi ko sa kanila. Akala ko ba naman mababawasan ang sakit at sama ng loob ko dahil sinamahan ako ng dalawang 'to, yun pala parang lalo pang lumala. "Salamat, salamat."

"You're welcome, girl." Sakay naman nitong si Cahli. Sabay inom ng martini sa baso niya.

"And you guys are blaming me? So, you're saying that it's my fault?"

"Kanino paba? Alanga namang sa'min." Nagsabay pa talaga ang dalawang 'to sa pag sagot sa'kin.

Sa totoo lang parang may point ang dalawang 'to. Kung noon ko pa sinabi kay Brylle na mahal ko siya sana hindi kami parehong nahihirapan ngayon. Edi sana hindi niya iniisip na mas gusto ko si Bryant kesa sa kanya.

"May kasalanan din naman siya ah. Sinabi niya mahal niya'ko pero kabaligtaran naman ang ginagawa niya." Sabi ko naman na may kasamang pag tangis. Tumulo na pala ang mga luha ko nang hindi namamalayan. "Nasa'n ba siya ngayon? E diba kasama niya ang bruhang si Venice na 'yon? Para tuloy ayokong maniwala na talagang mahal niya'ko."


"Nung bang sinabing niyang mahal ka niya, anong sinagot mo?" Tanong sa'kin ni Beebop. At muling nag flashback sa'kin ang mga nangyari nung araw na 'yon. Nung araw na nag tapat siya sa'kin.

"Noon ko pa pinaparamdam sa'yong gusto kita, na mahal kita. Pero bakit tila hindi mo maramdaman 'yon? O matagal mo ng nararamdaman pero binabalewala mo lang dahil nandiyan si Bryant? Dahil siya naman talaga ang gusto mo."

Pa ulit-ulit na nag play back ang mga sinabing 'yon sa'kin ni Brylle. Naalala ko rin ang mukha niya, galit pero malungkot ang kanyang mga mata.

"Kaya Helaena huwag mong sisihin ang kaibigan ko kung bakit ganyan na lang siya sa'yo ngayon. He said he love you but you didn't answered." Pagtatanggol ni Beebop sa kanyang kaibigan. "Kaya siyempre nasaktan 'yon. At anong ginagawa ng mga taong nasaktan? Umiiwas. Naghahanap ng ibang mapag lilibangan. And on Brylle's case, he found that on Venice."


"Kaya naku, girl, if I were you. Puntahan mo na si Brylle at makipag usap kana sa kanya bago pa mahuli ang lahat. Bago pa makuha ulit ni Venice si Brylle. Remember, naging sila noon. Kaya madali para kay Venice na makuha ulit ang ex niya."

"Pe—pero, si Bryant ang gusto ni Venice. Hindi ba, Beebop?" Kibit balikat lang ang sinagot niya sa'kin.

"Girl, hindi natin alam ang takbo ng utak ng baliw na Venice na 'yon. Ngayon gusto niya si Bryant, bukas si Brylle naman. In short, gusto niya ang dalawa. At ayaw niyang mawala ang isa man sa kanila. Kaya nga galit siya sa'yo diba? Dahil ayaw niyang agawin mo sa kanya si Brylle o si Bryant man." Paliwanag ni Cahli.

No, I won't let that happen. I won't let Venice steal my happiness, my man, my Brylle. Yes, he is mine. I already claimed it. This is the first time that I ever love a man so much. At tama nga ang dalawang 'to, kailangang gumawa ako ng paraan para mag-usap at magka ayos kami ni Brylle. Pero pano? 'Ni ayaw nga niya'kong harapin o kausapin man lang. Ah bahala na.

"Ano ba kasing pumipigil sa'yo Helaena? Kung gusto mo naman pala si Brylle, bakit hindi mo 'to masabi-sabi sa kanya?" Tanong sa'kin ni Beebop. "It seems like, Venice and you have something in common. Ayaw niyong mawala sa inyo ang mga Samaniego Dahil pareho niyo silang gusto. May gusto ka din kay Bryant. At ang bagay na 'yon ang pumipigil sa'yo para mag tapat kay Brylle."

Umiling ako sa sinabing 'yon ni Beebop. "Hindi, Beebop. Hindi. Hindi ko kailanman magiging katulad si Venice. Hindi ako makasarili."

"Yes you are." Ganon ba talaga ang iniisip sa'kin ni Beebop? "If you're not, you wouldn't let this things happen. Hindi mo hahayaang mag selos si Brylle kay Bryant, hindi mo siya hahayaang mag isip ng masama dito. At hindi mo rin hahayaang mapalapit sa'yo ng husto si Bryant."


Lalong tumulo ang mga luha ko sa mga sinabi ni Beebop. Maaaring tama siya, maaaring katulad ko nga si Venice. Maaaring masa malala pa nga ako sa kanya. Dahil hinayaan ko ang dalawang magkapatid na laging mag away nang dahil lang sa'kin. At naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga nangyayari.

"Tama ka, Beebop, makasarili nga ako. Mas malala pa'ko kay Venice. Pero wala akong intensyon na mangayari 'yon, Hindi ko alam. Hindi ko sinasadya." Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, ganon din ang pag agos ng mga luha ko. "Oo noon inaamin ko, gusto ko si Bryant. Gustong gusto ko siya. Pero nagka mali ako. Dahil ang totoo hindi ko naman pala talaga siya gusto, nag hahanap lang ako ng dahilan para maiwasan at maitago ang nararamdaman ko para kay Brylle. Dahil ayokong mahulog ng tuluyan kay Brylle, ayokong mahulog sa taong nagpahirap, nag tangka pa naman ng buhay ko at nagpahamak sa'kin. Pero lahat ng 'yon unti-unting nabago simula ng makilala ko ang tunay na Brylle. Oo tama ka Cahli, mula nung una tama kana. Mahal ko si Brylle. Mahal ko siya." At unti-unti nga akong humagulgol sa harapan nilang dalawa. Wala akong pakialam kahit sinuman ang makakita sa'min. Basta ang alam ko, nasasaktan ako, mabigat ang loob ko at gusto ko lang umiyak ng umiyak.

END OF HELAENA'S POV

Continue Reading

You'll Also Like

608K 13.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
1.8M 93.2K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
16.6M 719K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...