Magique Fortress - Published...

By pixieblaire

2.8M 93.7K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... More

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 7 - Touch

60.1K 2.2K 1.3K
By pixieblaire

WarningSaMgaBata: Sobrang S-P-G.

Joke lang. Hahaha!

Vote, comment, love. Happy happy tayo mga ka-Fortress. (nye)
==========

Chapter Seven

Touch

Hinawakan sa braso ni Yuan, "Aalis ka agad? Sabay na tayo." Tsaka siya ngumiti sa'kin. Hindi na ako nakapagpaliwanag na nakita ko si Val. Ito talagang gwapong 'to, makangiti wagas. Haaay.

Nang nakuha na nila ang mga gamit nila sabay-sabay na kaming tumungo sa Gemlack Building.

Pagpasok doon ay nakakatindig balahibo. May kakaibang aura pala sa bawat building. Sa Gemthell Tower, namangha ako. Pero dito, kinilabutan ako. Siguro ay dahil dark ang theme dito at nakakatakot ang ambiance. Naalala kong Black wiz and guardians nga pala ang Gemlacks. Halos lahat ay puro black, gray, at iba-ibang shades ng black. Black diamonds, very elegant naman ang dating kahit papaano.

Umakyat na kami sa first floor dahil doon ang Rooms A to E. Ang first and second floor ay para sa Nix levels. Ang third floor na rooms K to O at fourth floor rooms P to T naman ay para sa mga Cryst levels. And as for Walt levels, wala pang nagiging Walt level student dito sa university sabi sa amin. Mga professor at batikang salamangkero pa lang ang Walt levels.

Pagpasok namin sa Room C, may karamihan rin pala ang mga upuan. Estima ko ay nasa mga 25 to 30 siguro kami.

Nakita ko agad si Val na nakaupo sa dulong row at kumakain. Nilapitan agad ito ni Yuan at tinapik. "Andito ka na pala, ang bilis nauna ka pa sa'kin. At aba, pahingi naman niyan!" kinuha niya ang fries ni Val at inalok kami. Langya, ako ang nahihiya sa ginawa niya eh. Si Val naman ay napailing na nangiti na lang sa ginawa ni Yuan na nilalantakan na 'yung fries. Uminom pa si Val ng sa tingin ko'y kape.

"Bumili ka pa sa Circle? Buti 'di ka nalate."

"Oo, nagutom ako eh. Ah, sumakay ako ng broom."

Siniko naman ako nina Ellie at Sage na nasa magkabilang gilid ko. Bumulong pa si Ellie, "Huy, baka matunaw si Val sa paninitig mo. Rule number one ng girls, 'wag magpahalata. Be natural."

"May ganun ka pa talagang nalalaman, Ellie." Tugon ni Sage.

"Ah lover boy! May ipapakilala nga pala ako sa'yo. This is Ellie, this is Sage. And..." tumabi sa akin si Yuan at nagulat ako sa pag-akbay na ginawa niya, "This is Tine, ang babaeng patay na patay sa'kin." Siniko ko agad siya sa tiyan.

"Utut mo!" sabi ko sa kanya at nagtawa kami. Nakita ko ring nagtawa si Val. Nakaramdam ako ng kung ano sa pisngi ko.

"Sus, eh nag-blush ka nga oh. Ayan oh." Sabi ni Yuan kaya agad kong tinakpan ang mga pisngi ko.

"Uhm, Val, thank you nga pala. Maraming salamat sa pagligtas sa'kin nung nakaraan." Natigil lang ang biruan namin nang kausapin ko bigla si Val. Nagbago ang masaya niyang ekspresyon sa seryosong tingin. Ito 'yung tingin na una kong nasilayan sa kanya nong nasa Golden Pavilion kami. 'Yung gabing nakilala namin siya.

Tumingin pa siya sa'kin nang ilang saglit at halos mapaso na ako sa tinging 'yon pero ngumiti din naman nang bahagya. "Wala 'yon. I hope you're okay."

Napakagat ako ng labi, "I hope you're okay too." nangatal ako sa pagkakasabi. Bakit ako nautal? Wala naman akong problema sa pagsasalita.

"Ayan na yata 'yung prof! Pwesto na dali." Sabi ni Ellie. Nagmadali sila paghahanap ng seat.

"Tine, dyan ka na lang umupo, tabi tayo," aniya. Tutal halos puno na rin naman ay umupo na nga lang ako dito. Nasa pinakalikod kami. Nasa kanan ko si Ellie, nasa harap ko si Yuan, at nasa kaliwa ko si Val.

"Good morning! Ready for class? 'Wag kayong mag-alala, magical histories are better. Hindi kayo aantukin dito."

Naka-cape rin si Professor Norfenfal. Ito namang katabi kong si Ellie ay pudpod na yata ang labi kakakagat, paano ba naman, gwapo ang professor naming ito. Nasa late 20's ang itsura pero mukhang bata pa rin.

May hawak siyang libro at akala ko ay magdidiscuss agad siya nang madugo, pero 'yon pala, listahan niya ng mga klaseng hinahawakan niya. Mag-aattendance si Sir.

"Magsisimula ako sa dulong names para maiba naman."

Pangatlong pangalan sa huli ay natawag ako, "Sylvestre, Cristine Aria." Nagtaas ako ng kamay.

"Nicholas, Yuan."

Wow, ang ganda rin pala ng pangalan nito. Pang-gwapo nga. At nakakaloka lang, ngayon ko lang nalaman ang full name niya.

"Henley, Daniel." Nagtaas ng kamay si Dan. Magkakaklase pala kaming anim. Ang galing naman.

"Bernardo, Ellie Manuelle."

Ano kayang pangalan nitong katabi ko? Ang tagal niya yatang matawag.

"Archangel, Valentine."

Napatingin agad kami kay Val. "Ang cute ng name!" Ellie mouthed.

Hindi ko naman naialis agad ang tingin sa kanya. Bagay sa kanya ang pangalan niya. Nang magtama ang mga tingin nami'y ngumiti na lang ako at biglang nag-iwas.

"And lastly, Abuel, Sage."

Kaya pala lover boy ang tawag sa kanya ni Yuan.

Valentine Archangel. Pwede ko kaya siyang tawaging Valentine? Naah, nevermind. Baka masabihan pa akong feeling close.

Inorient lang kami ni Professor Norfenfal kagaya ng laging ginagawa sa first day. Naglecture din siya ng patikim sa Magique Fortress. Ang karamihan nga sa tinuro niya ngayon ay nalaman na namin sa Prime Kingdom. Ikinukwento 'yon ng boses dati.

"I know you already knew those. Inuulit ko lang ang sinabi ko sa inyo dati sa Prime Kingdom. Mas maganda na ang paulit-ulit para tumatak sa isip hindi ba?"

"Ah siya pala 'yong boses na 'yon." Nagkaroon ng kaunting komosyon sa klase namin.

Dinismiss niya kami nang tumunog na ang magic bells hudyat na kailangan na naming pumunta sa next subject. Sa Broomstick Field pa naman 'yon na nasa labas nitong main school. Naalala ko noong unang kita ko doon nang pumunta kami ni Yuan. What an experience!

Naglakad na sina Ellie palabas kaya sumunod na ako nang may humawak sa braso ko at nagtindigan ang balahibo ko, "Hey, your handkerchief." Nanlaki ang mata ko pagkaharap kay Val.

"Oh, salamat Valentine." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya binawi ko agad, "Este, Val pala."

Tumalikod na ako at maglalakad na sana ulit pero nilingon ko ulit siya, "Sigurado ka bang okay ka na? Fire din ang element mo 'di ba? Kapag nalulubog kasi ako sa tubig, nanghihina ako. Ikaw rin ba? May gumamot ba sa'yo non?"

Hindi ko alam kung bakit parang laging matagal siya sumagot. Titignan ka muna niya bago magsalita, eh.

"Yes, nakaahon naman ako agad kaya hindi naging ganoon kalala." Natuwa ako sa sinabi niya. Hoo, nakahinga na nang maluwag ang konsensya ko.

"Sigurado ka ah?" paninigurado ko.

"Yes, Cristine. Thank you."

"Ha? Para saan?"

"Honeybar! Halika na, male-late na tayo sa favorite subject ko!" hiyaw ni Yuan sa may pintuan. Magkaklase nga pala kami doon.

"Andyan na po master!" tumakbo na ako papunta sa kanya.

~

Nandito na kami ni Yuan sa Broomstick Field 1. Nasa field 2 sina Ellie at Sage. Sayang at nahiwalay ako sa kanila. Buti na lang may kakilala na ako dito.

Sobrang mahangin dito sa Field. Siguro kasi dahil wala pang tanghali kaya mahangin. Nagtaka ako nang iharap ako ni Yuan sa kanya at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ko. At ang mas nakakagulat, seryoso ang ekspresyon niya.

I keep on blinking my eyes with what he did.

"Natatakpan kasi ang mukha mo. Ang cute pa naman."

Kung nagkataon sigurong may kinakain ako ay naibuga ko 'yon. Aaminin kong nang una ko siyang makita ay nagkaroon ako ng instant crush sa kanya. Pero ngayon bang magkaibigan na kami, pwede ko pa rin siyang crush? Ayoko na sana pero heto naman siya at gumagawa ng mga nakakakilig na bagay.

He held my chin, "Joke lang. Blush alert oh!" tsaka siya humagalpak ng tawa. Tss! Sabi na eh, iniinis lang ako nito.

"Uy Val! Dito ka rin pala?" tumingin ako sa aking likod at nakita ko si Valentine na nakatayo, hindi kalayuan sa amin. Seryoso ang mukha nito. Nanatili lang siyang ganon ng ilang segundo at naglakad na rin papunta sa amin.

Nang makalapit siya ay nag-apir sila ni Yuan habang ako'y nakatingala sa kanya. May kinuha si Val sa kanyang bulsa at ipinakita ito sa aking harap.

"Uy, tamang-tama!" kinuha naman ito ni Yuan sa kanya at laking gulat ko nang tinalian niya ang buhok ko.

"Huy Yuan ano bang ginagawa mo?!" Pero hindi siya nakinig at tinalian niya pa rin ako. Nang mapansin ko na lang ay wala na si Val sa harap ko at naglalakad na papunta sa mga bench.

Matapos akong talian ay ngumiting malapad si Yuan.

"Kainis ka talaga! 'Wag ka nga maging sweet sa akin. Shivers all over!"

"Asus! Kinikilig."

Tss. Sino ba namang hindi?

Nagtungo na kami doon sa mga bench dahil tinipon na kami ng professor na si Professor Westpenne, isang Walt Wind Being.

Sobrang pasasalamat ko dahil hindi niya kami pinalipad ngayon. Sinabi niya sa amin ang mga gagawin sa buong taon. Magkakaroon ng practical exams sa pag-control ng broom, sa pagsakay dito at paglutang sa ere, at sa paglipad. Dadahan-dahanin daw niya ang pagtuturo sa amin para talagang matuto kami. I gulped, puro practical exams. What can I expect nga naman sa isang flying subject?

Pinakuha niya kami ng tig-iisang broom at i-familiarize lang daw muna namin ang sarili namin sa mga ito.

"Sir, pwede na po bang lumipad?"

"Wind ang element mo?" tanong ni Sir sa kanya. Tumango siya. "If you can, go ahead and practice."

Ngiting tagumpay si Yuan at lumipad-lipad na nga siya. Ang iba ring kaklase kong wind elementor ay nakisabay na. Habang kaming mga natira ay heto at sinusuri ang mga broom. Layo-layo ang mga students dahil malaki naman ang field. Dito ako sa isang sulok pumunta at tinignan ang broom ko. Ipinangwalis ko na nga rin ito sa ilang tuyong dahon na nakakalat.

Hmm, ano pa bang pwedeng gawin. Hinawakan ko ang broom at pumwesto na kunwari ay nakasakay ako. Ipinalangin ko lang na 'wag itong aandar. Talagang babaliin at susunugin ko ito kapag lumipad. Nako!

Humangin nanaman nang malakas, natakot tuloy ako na baka matangay ako kasama nitong broom at bigla na lang mag-trigger ang pag-andar nito.

May yumakap sa akin patalikod. Napanganga ako. Val?

Lahat yata ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan.

To my surprise, hindi niya pala ako niyakap. Itinali niya ang isang jacket sa baywang ko mula sa aking likod. Pero... parang ganun na rin 'yon, eh! Nanalasa pa ang pag-init ng pisngi ko.

Pagkatapos niyang gawin 'yon ay nakita ko na siyang naglalakad palayo habang nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Hindi man lang siya nagsalita!

Narealize kong kanina siguro'y hinangin din ang uniform ko. Maikli kasi ang palda at hindi rin kahabaan ang kapa namin. Ang mapula kong mukha ngayon ay lalo pang namula. Kinagat ko ang labi ko. Oh no! Nakitaan niya kaya ako kaya niya ginawa 'to?

Hinawakan ko ang jacket niyang kulay gray. Ibinulong ko na lang sa hangin ang pasasalamat. Nangibabaw sa akin ngayon ang hiya kaya hindi ako napakali hanggang break time. Kumakain kami nina Ellie pero isip isip ko 'yong ginawa ni Val.

Bakit ba siya ganun? Doing things without saying anything.

~

The next day, narito kami sa PE class and apparently, magkakaklase ulit kaming anim tulad sa History. Wala namang masyadong nangyari kahapon sa last subject kong Spells 101, nagpakilala lang kami isa-isa at nag-orient si Professor Philia. Siya pala ang magiging prof namin doon ni Ellie.

Kami nina Yuan at Ellie ay nagkakatuwaan lang dito dahil free hour daw muna namin ngayon sa PE class sabi ni Professor Reinhold. Nag-na-knock knock jokes 'yong dalawa at tagapakinig lang ako. Parang everyday, mas nagiging close kami sa isa't isa.

Ibabalik ko na sana itong jacket kay Val pero hayun at naglalaro pa sila ni Daniel ng Magic Frisbee.

Pero ang kaibahan, nagbabago-bago ang kulay ng Frisbee. Kapag green, Earth element 'yon. 'Pag blue, Water. 'Pag white, Wind, at 'pag yellow ay Fire. Kaya kapag isa ka sa naglalaro ay kailangan mong palabasin ang element mo para ma-attract ang frisbee at magbago ito ng element na kapareho ng sa'yo. Dahil kung nagkataong hindi, tulad halimbawa, kapag Fire ang element mo at Water ang mode ng frisbee'ng palapit sa'yo at hindi mo napalabas agad ang fire, talo ka. Pero ang maganda, may gear namang sinusoot na nagbibigay sa'yo ng 3 lives. 'Pag wala ka ng lives, talagang talo ka na.

Nauhaw kami ni Sage kaya pumunta muna kami sa mga bag namin sa benches dito sa Dome.

"Ahh!!!"

"Tine!"

Natumba ako sa sahig dahil saktong paglingon ko ay sinalubong ako ng Frisbee. Napaaray ako sa sakit. Inakay agad ako ni Sage. Napuruhan ako sa balikat. Tinignan ko ang tuktok ng braso ko hanggang balikat at nakitang namumula ito na may violet pa sa paligid. Naiiyak na ako dahil igalaw ko lang nang kaunti ang balikat ko ay masakit na. Holy burn!

Hinawakan 'yon si Sage kaya umaray nanaman ako. Pasa ang inabot ko. "Earth mode 'yon, Tine! It must hurt a lot! Ellie, Yuan, tara dito!"

Nakita kong tumakbo agad sa akin sina Yuan, maging sina Val at Daniel.

"Ohsht! I'm sorry. I'm so sorry, Tine." Inalalayan ako sa likod ni Valentine.

"Tine, does it hurt?" Dagdag ni Daniel.

"O-Okay lang ako."

"You're not." Nanlaki ang mata ko nang binuhat ako ni Val at iniupo doon sa mga bench. "Fuck that Frisbee." May ibinulong siya pero hindi ko narinig dahil dumating na sina Ma'am Reinhold at ang mga kaklase ko.

Nag-aalala rin sa gilid ko sina Ellie, Yuan, at Sage.

"Someone call the clinic now!" utos ni Professor. Nagprisinta si Yuan at tumakbo agad paalis.

"Tell me where it hurts. Here? Or here?" nakaupo na ako ngayon nang patagilid, nakabahagi ang magkabilang hita ko sa mahabang bench at nasa likod ko si Val na ganoon rin ang pwesto kaya ang magkabila niyang binti ay ikinukulong ang dalawa ko ring hita't binti. Para na akong nakasandal sa kanya. Sobrang dikit kaming dalawa. Ano ba naman itong naiisip ko? Tinanggal niya ang kapa ko at ibinaba niya nang kaunti ang uniform ko. Hinihilot niya ang balikat ko. Nakakagat lang ako ng labi dahil pinipigilan kong dumaing sa sakit.

Minamasahe nang maiigi ni Val ang balikat ko kaya ramdam na ramdam ko ang hinga niya sa batok ko na nagbigay sa akin ng kakaibang shivers. His touch is... really weird. Parang something. 'Pag hinawakan ka niya, parang lahat ng senses mo ay umiigting.

"Better? You like it this way? Or this?" patuloy pa rin siya sa paghilot sa akin at tumatango lang ako.

Dumating na si Yuan kasama ang taga-clinic. Inasahan kong aalis na si Val sa likod ko pero nagpatuloy pa rin siya sa pagmasahe. Hindi naman siya pinaalis ng nurse, pagkakita pa lang ng nurse sa kaunting parte ng balikat ko ay alam na niya agad ang gamot na ilalagay. Ibinigay niya ito kay Val.

Quota na yata ako sa gulat ngayong araw pero nagitla nanaman ako nang sirain ni Val ang uniform ko sa may balikat kaya kitang-kita tuloy ang strap ng bra ko. Napaiwas ang ibang lalaking nanonood sa amin.

"Dahan-dahan naman Val. Si Nurse na kaya ang gumawa? Alam mo ba?" pag-aalala ni Yuan at binigyan niya ako ng tubig. I mouthed 'thanks' to him.

Hindi naman siya sumagot. Sa halip ay ibinaba niya pa ang strap ng bra ko kaya napasinghap ako. Hantad na hantad na ang kabuuan ng leeg at balikat ko. Wala pang gumagawa sa akin nito. Hindi ako conservative pero, hindi rin naman ako liberated.

Nilagay niya sa kanyang kamay ang sa tingin ko'y oil.

"Tilt your head more. Stay still, this would hurt a bit. Hold my knees." Sinunod ko siya at humawak ako sa magkabila niyang tuhod. Nakatitig naman sa harap ko si Yuan. Nakatayo sa gilid niya sina Daniel, Sage at Ellie na... bakit ngumingiti ang dalawang ito? Ngumuso sila sa balikat ko at marahan na ngang inilagay ni Val ang gamot sa balikat ko. Tama siya, masakit nga. Ano 'to? Oil version ng alcohol?

Sinamahan niya iyon ng masarap na masahe. Ngayon ko lang napagtanto, ang sarap niya magmasahe.

"Okay, class, dismiss! Daniel and Val, university service this weekend. Broomstick Fields 1 and 2. Are we clear?"

"Yes master." Sagot ni Daniel, pero itong si Val ay seryoso pa rin sa balikat ko.

"Miss Sylvestre, you rest okay?" tumango ako at umalis na si Professor Reinhold.

Naiwan na lang kami ditong anim.

"Daniel, Ellie, Sage, and Yuan, pwede niyo ba akong ikuha ng mga dahon? Isang dark green, isang light green, isang yellow, at isang brown."

"Ako na lang kukuha."

"Hindi pwedeng isa lang ang kukuha dahil rule na bawal pitasin ng isa ang iba't ibang halamang gamot dito sa Elemental Dome. Kaya isang dahon lang para sa isa."

"Oo nga pala, nabasa ko 'yon sa Rule Book." Ani Sage.

Umalis na muna silang apat papunta doon sa kabilang dulo nitong Dome kung nasaan ang mga halaman.

Lumingon na ako dito sa balikat ko dahil pakiramdam ko'y tuyo na ang ipinahid niya kanina. Ang sarap magmasahe. Masahista kaya siya dati?

"Hmm..." hindi ko na napigilang punahin ang paghilot niya.

"Is it still painful, hmm?" mahinahon niyang tanong. Umiling ako bilang tugon.

"Masarap na baTine?" his voice was so soft that my veins feel like hyperventilating. Na-green din ako sa tanong niya. Nakakaloka na! Ayoko na! Ano ba, Tine, relax.

Tumango na lang ako. Pero maya-maya lang ay halos mahimatay ako at takasan ng bait nang nakitang hinalikan iyon ni Val.

Hinalikan niya ang balikat ko! Pakshet!

Tinignan ko agad 'yung apat na mga nakatalikod habang naglalakad. Tumigil yatang bigla ang paggana ng mga litid at ugat ko. I was so shocked with what he did, and with what he's still doing.

Hinahalik-halikan 'yon ni Val kasabay pa ang marahang haplos ng kanyang mga daliri at halos matuyuan na ako ng laway na pwedeng lunukin dahil sa pagdampi-dampi ng kanyang malambot na labi sa balat ko. Oh...

Ihinawak niya naman ang isa niyang kamay sa baywang ko at naramdaman ko ang kaunting pwersa ng kamay niya at ang pagdiin nito sa akin kaya nanigas na ako nang tuluyan. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa.

"V-Val..."

Tumigil siya at mahinang nagsalita sa likod ng tainga ko. Holy freaking burn!

"Oh, I'm sorry. Hindi ko nasabi sa'yo, as a guardian, I have a power of touch. It helps me be either strong or gentle, when the situation calls for it. Don't worry, pagkalagay nung mga dahon, babalik agad ito sa dati." How can he be as cool as that? Parang hindi man lang siya naiilang sa ginagawa niya.

He assured me those words and kissed my shoulder softly once more. Akala ko isang beses na lang, pero hinalik-halikan pa ulit niya ang balikat ko na kung minsa'y umaabot pa sa aking leeg. Namayani sa pandinig ko ang tunog ng mga halik niya. Malapit na akong malasing sa mga tunog ng halik na 'yon. Napapapikit ako sa bawat pagdampi ng kanyang labi.

Halos maubusan ako ng hininga sa ginagawa niya na hindi ko matukoy kung isang malupit na torture ba o talagang isang mabisang gamot sa sakit na aking natamo.

Inhale, hooo, exhale.

Continue Reading

You'll Also Like

150K 8.9K 55
Rhia Zacharius yearns for nothing more than peace for her family, striving to lift them out of poverty and provide them with the basic necessities to...
55.1K 3.5K 27
MURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was s...
159K 8.1K 34
COMPLETED | UNDER MAJOR-MAJOR REVISION The most powerful creature and heiress to Utopia's throne, Green Lemon's existence, threatens the whole Therra...