A Walking Canvas (Rare Disord...

By aerasyne

161K 8.9K 1.9K

Rare Disorder Series #1 To be Published "Does my condition invalidates my right for life? Would everything be... More

A Walking Canvas
Prologue
01: Brave
02: Little One
03: Intense
04: Seat
05: Sing
06: ---
07: Accept
08: Unnameable
09: Devyn
10: Reverie
11: Escape
12: Yogurt
13: ---
14: Lost
15: A Place with You
16: Uncertainty
17: Resurrection
18: Explanation
19: ---
20: Aggravation
21: Living Nightmare
22: Beauty
23: Insecurities
24: Never
25: Intensify
26: Special
27: Medicore
28: ---
29: In Love
30: Scared
31: ---
32: Broken
33: Exposed
34: Answer
35: Unloved
36: Things About Bliss
37: Intention
38: Forward
39: Unchosen
40: Life Threat
41: The Connection
43: The Antagonist
44: The Fight
45: The Comeback
46: Laure
47: The Finale
Epilogue
Author's Note
White in Full Colors
A Walking Canvas Book

42: The Darkness

1.4K 82 7
By aerasyne

CHAPTER FORTY-TWO
The Darkness

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Devyn na siya ring gusto kong itanong sa kapatid niya.

Manghang nakatingin sa akin ang kuya ni Devyn, tila hindi makapaniwala na nakatayo ako sa harapan niya. Habang ako naman ay pilit na hinahalukay sa utak ko ang mga posibleng pagkikita naming dalawa. Ngunit kahit ilang minuto pa ang lumipas ay nananatiling pareho lang ang resultang nakukuha ko, wala. Kahit kailan ay hindi kami nagkadaupang palad na dalawa.

Pero sa uri nang pagkakatingin niya ay para bang sigurado siya na kilala niya ako, na hindi ito ang unang beses na nakita niya ako. Humigpit ang pagkakahawak ni Devyn sa baywang ko. Pakiramdam ko ay maging siya ay pareho lang nang nararamdaman ko. Kalituhan.

"You went to San Vicente High School, right?"

Sa sinabi niyang 'yon ay mas lalong nangunot ang noo ko. "Oo. Paano mo po nalaman?" gulong-gulong tanong ko.

Imbes na sagutin ang tanong ay bumaba ang paningin niya mula sa mukha ko pababa sa balikat ko. Ang parte kung nasaan ang peklat na iniwan doon ni Ruby noong araw na 'yon. At dahil sa ginawa niyang 'yon ay unti-unting nagkakaroon nang linaw ang rekognasyon sa akin na ipinapakita niya.

"It was you," ngayon ay sabi ko na katulad ng nauna niyang mga salita.

Tila naghalo-halo ang lahat ng nararamdaman ko sa puso ko dahil sa rebelasyon na 'yon. Nangingibabaw ang galak at nag-uumapaw na pasasalamat para sa taong kaharap. Ang mga luha ay unti-unting kumawala dahil sa mga emosyon na sabay-sabay kong nararamdaman.

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Devyn.

Tumango ako bilang sagot ngunit ang paningin ay nakapako pa rin sa kuya niya. Sa pinaghalo-halong tuwa, di pagkapaniwala, at nag-uumapaw na pasasalamat ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakayakap sa kaniya.

Ang mga tingin ng mga kasama namin sa kwarto ay ramdam ko na ibinibigay nila sa amin. Pero hindi ko magawang ihiwalay ang sarili ko mula sa taong dati nang sumagip sa buhay ko. Marahan na hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kaniya upang iparating sa kaniya ang pasasalamat na noon ay hindi ko nagawang iparating sa kaniya.

"M-maraming salamat," puno ng sinseridad na sabi ko kasabay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Naramdam ko ang kamay niya na humaplos sa likod ko na parang inaalo ako. At dahil sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lang akong naging emosyonal.

"I'm glad to know you're fine," he said in a hush.

"What's happening?" Devyn asked confused.

And I took that as my cue to distance myself from his brother. Muli akong pumaloob sa mga braso niya at yumakap sa baywang niya. Magaan na nginitian ko lang ang kuya niya na gano'n din ang ginawa sa akin bago binalingan ng tingin ang kapatid.

"He saved me," I said.

Lahat sila ay napatingin sa akin. Maging si Devyn ay pumunta pa sa harapan ko para lamang mas maayos na matingnan ang mukha ko.

"Remember the nightmare I had back when we were at the gym?" He nodded his head as an answer. "He was the one who rescued me from Ruby."

Tears started to form in my eyes again as I recall those painful memories that almost killed me. Naalala ko kung paanong umalingawngaw ang boses niya sa lugar na iyon upang pigilan ang mas malaking sakuna na puwedeng idulot ni Ruby sa akin nang maga oras na iyon.

Buhay na buhay sa pandinig ko kung paanong pilit niya akong ginigising na parang pinipigilan ang pagsuko ko. But I didn't woke up that day. I let darkness consumed me. At nagising na lang ako na nasa ospital na ako. Hindi ko na rin tinangka na alamin pa ang nangyari bago ako makarating doon dahil mas pinangungunahan ako ng takot na balikan ang mga ala-alang 'yon sa kamay na Ruby. Hindi ko na inalam kung sino ang nagligtas sa akin mula sa muntikan nang pagbitaw sa natitirang pag-asa sa buhay ko.

And it's amazing how both of the Braun brothers saved my life. At different times. And at different ways. Donovan saved my life, literally. He saved me from almost being killed by someone. But Devyn didn't just save me. He lifted me up and he made me whole by making me see my worth. By making me love myself and by letting other people appreciate and love me for who I am.

"How did that happened?" naguguluhang pa ring tanong niya.

Nagkibit-balikat ako sa kawalan ng sagot. Sabay-sabay na binalingan namin si Donovan na napabuntong hininga na lang, hindi sigurado kung dapat ba na sabihin ang sagot sa tanong ng nakababatang kapatid.

"I was there to meet with Isadora. Then I noticed the crowd on the field. I thought that there was some event or something. I got curious so I went there to see what was happening. That's when I saw that witch hurting her."

I smiled a bit upon hearing what he called Ruby. Witch. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay suyang-suya siya maisip lang ang nasaksihan na pangyayari na 'yon. Pakiramdam ko ay apektado pa rin siya hanggang ngayon gayong hindi naman siya dapat ganito kaapektado. Maski nga ang taong sinasabi niya na nanood ay walang ginawa para tumulong, pero gano'n na lang ang bilis nang pagtulong niya.

But what really caught my attention was not what he called Ruby. But the longing in his voice when he said the name of one woman, Isadora.

Nagkatinginan kami ni Devyn, pareho ang iniisip sa naging tono ng boses ng kapatid. The room was filled with silence. Everyone has the same thought about Donovan.

"Where is she?" he asked, diverting his gaze away from us. Hiding his real emotions by masking it using his stoic facial expression.

"Donovan..." their mom's voice trailed off.

"Where is she, mom?" pagpipilit niya.

Muling nagkatinginan kami ni Devyn. Parehong naaawa sa pakikiusap na naririnig sa boses niya. "I can meet with her. I can tell her to come here," sabi ko bago ko pa man mapigilan ang sarili.

Mabilis na nilingon niya ako, puno ng pag-asa ang mga mata. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong gawin ang mga bagay na ito gayong hindi naman ako parte ng pamilya nila. Lalo na at alam ko na hindi gano'n kaayos ang mga bagay sa pagitan nila at ni Isa.

But I can't stop myself from doing one thing if I knew to myself that I can do something about it. At alam ko rin na kailangan ni Isa na malaman na nagising na siya. Siguro sa paraan na 'yon ay unti-unting maging maayos ang lahat. Na bawat isa sa kanila ay mahanap ang kapayapaan sa puso nila.

Everything is going smoothly now in their life. Donovan woke up. And I knew for sure that it will soon be okay between Devyn and his mother. And Isa... I am hoping that it will get better soon with her. Because she deserves happiness and peace, everyone does.

"Please do," he pleaded.

Tumango ako bilang sagot sa kabila ng walang kasiguraduhan kung okay lang ba ang bagay na iyon sa mga magulang niya.

"We'll just be outside," Devyn interrupted.

Isang beses pa akong ngumiti sa Kuya niya bago nagpatangay sa pag-alalay niya sa akin palabas. Alam ko na gusto lang niya na bigyan ng pagkakataon na mag-usap ang mga magulang niya at ang kapatid.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng pantalon at mabilis na tinawagan si Isa. Hindi pa umaabot ng tatlong ring ay agad na niyang sinagot ang tawag.

"Isa," mahinang panimula ko.

"Hmm?"

"Are you free?"

"Yes. May problema ba?" nag-aalaang tanong niya.

Napatingin ako kay Devyn na tahimik lang na nakikinig sa mga sinasabi ko habang nakasandal sa pader at pinanonood ako. Umangat ang kamay niya para marahan akong hilahin palapit sa direksyon niya na malugod ko namang tinanggap. Awtomatikong pumalibot sa baywang ko ang braso niya habang ang baba ay ipinatong sa balikat ko. Sa ganoong posisyon ay maririnig na niya ang boses na nasa kabilang linya.

"Wala naman. Can you meet me at the café near CIU?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang coffee shop na ilang metro lang ang layo mula sa University.

Ilang oras na lang din kasi ay magsisimula na ang klase ko kaya mas pinili kong doon na lang makipagkita sa kaniya. Hindi naman siguro aabutin ng ilang oras ang pag-aanunsyo sa kaniya na gising na ang lalaking mahal niya at hinahanap siya.

"Sure. I'll be there in ten."

Nagkatinginan kami ni Devyn matapos ang tawag. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari kay Isa sa oras na malaman niya. Mukhang gano'n din ang iniisip ni Dveyn base na din sa lalim nang buntong hininga na pinakawalan niya.

Hindi na rin nagtagal ang pananatili namin sa ospital dahil kinakailangan ko na rin na pumasok para sa klase ko. Si Devyn na ang nagpaalam nang pag-alis namin. Ang biyahe papunta sa napag-usapang lugar ay naging tahimik at mabilis lang. Ngunit ang pagpipilit kay Devyn na iwan na ako ang mas naging pahirapan.

Isang patunay na doon ang pagkakahalukipkip niya at ang pag-iwas ng tingin sa akin, hindi ako gustong pakinggan. Limang minuto na ata ang lumipas nang pumarada kami sa harap ng coffee shop pero hindi ko pa rin siya magawang kumbinsihin na kaya ko nang pumasok nang mag-isa. Malapit lang din naman kasi talaga ang CIU mula sa kinapupwestuhan namin. Ilang minutong lakaran lang.

At dahil nga overprotective siya at gustong siguraduhin ang kaligtasan ko ay ang sanang simpleng paalamanan lang ay inabot pa ng limang minuto.

"Come on, Devyn," malambing na sabi ko habang pabirong sinusundot ang tagiliran niya. "Malapit lang naman na mula dito ang CIU. Kaya ko na. Besides, mas maganda kung babalik ka na sa ospital at makipag-bonding sa pamilya mo."

Pabuntong hininga na ibinaling niya ang tingin sa akin, sa wakas ay sumusuko na sa diskusyon. "Alright. Kailan ba ko mananalo sa'yo?" mahinang bulong na na nagpangiti sa akin. "But I will pick you up later, okay?"

Mabait na tumango ako upang huwag nang gatungan ang mood niya. Gusto ko man siyang alaskahin ay pinili ko na sarilinin na lang para hindi na humaba ang diskusyon. Muli pa siyang bumuntong hininga bago marahan na hinila ako palapit sa kaniya. "Anong gagawin mo?" panunukso ko.

Ang kaninang aburido niyang mukha ay unti-unting nagbago hanggang sa umukit ang ngiti sa mga labi niya. "I will kiss you."

Ang pag-iinit ng mukha ko ay hindi lang sa mukha ko naramdaman kundi maging sa leeg ko ay umabot iyon. Matalim na tiningnan ko siya pero ngisi at nakakalokong tawa lang ang iginanti niya.

"Can I kiss you now?" sabi niya na halatang nag-aasar lang.

"Really?" inis kunwaring sabi ko upang mapagtakpan ang hiyang nararamdaman dahil sa pang-aasar niya.

Akala ko ay masusundan ang pa ang pang-aasar niya ngunit nagkamali ako nang marahan niyang inilapit sa akin hanggang sa tuluyan na niyang maangkin ang labi ko para sa isang marahan na halik.

Muli na naman akong nalunod sa halik na iginagawad niya. Hindi katulad noong unang halik na humihingi ng tawad. Ngayon naman ay puno na iyon ng pagmamahal at pag-iingat. Hindi rin katulad noong una na hindi niya hinayaan na magtagal ang halik na pinagsasaluhan naming dalawa. Ngayon ay parang iniimbitahan niya pa ako na sabayan ang bawat galaw niya.

Wala akong alam sa paghalik. Wala akong karanasan sa mga ganitong klaseng bagay pero dahil sa husay niya ay nagagawa kong sabayan ang bawat pagdampi ng labi niya sa akin. Kusang sumabay ang mga labi ko at sinusundan ang galaw niya. Ang braso ko ay umangat upang pumulupot sa batok niya nang sagayon ay magawa ko siyang hilahin mas palapit sa akin.

Napasinghap ako at bahagyanag napasabunot sa buhok niya nang marahan niya kinagat ang ibabang labi ko. Ngunit ang munting kirot ay agad ding nawala nang magsimula na naman sa isang magabal na ritmo ang mga labi niya.

Ilang segundo pang nagtagal ang ang halik na pinagsaluhan naming bago niya pakawalan ang labi ko. "I'll see you later."

Tumango ako habang malalim ang paghinga na yumakap sa kaniya. I don't even know why I did that. I just feel like hugging him right at this moment. For some unknown reason, I just felt the need to hug him.

"I love you," mahinang bulong ko.

And even that word, I just feel like I need to say it. Like there's something inside me that's pushing me to do and say things. There's urgency.



MATAMAN KONG TINITINGNAN si Isa na tahimik lang na tinitingnan ako. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang pagsasabi sa kaniya. Hindi iisang beses na nakita ko kung ano ang epekto sa kaniya ni Donovan, Kuya Donovan. Ramdam ko ein kung gaano siya nasasaktan sa mga bagay na nangyari sa pagitan nilang tatlo.

"What is it? Male-late ka na sa klase mo," sabi niya matapos ay sumimsim ng kape.

Bumuntong hininga ako bago pinilit ang sarili na sabihin ang talagang pakay ko na sabihin sa kaniya. "Ano ang gagawin mo kung gumising na pala siya?"

Naunang bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. Nangunot ang noo niya na agad din naman nawala nang marahil ay mapagtanto ang gusto kong iparating sa kaniya.

"W-what?" gulat na tanong niya.

Mabilis na namuo ang luha sa mga mata niya na sumisimbolo sa tuwa na nababasa ko roon. Hindi napipigilan na nagbagsakan ang mga luhang iyon na unti-unting nauwi sa isang hagulgol. Mabilis na tumabi ako sa kaniya at inalo siya hanggang sa maramdaman ko ang pagkalma niya.

"He woke up just earlier," pagbibigay ko ng buong detalye sa kaniya.

"I want to go to him."

"Then go."

Masakit na napahikbi siya sa sinabi ko na 'yon, tutol sa naging suhestyon ko. Ilang beses siyang umiling ngunit alam kong sa loob niya ay gusto niyang makita ang lalaki.

"They wouldn't like my presence," puno ng hinanakit na sabi niya.

"Why? Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?" hindi napipigilan na tanong ko.

Matagal ko nang gustong malaman ang tungkol sa bagay na ito. Matagal nang bumabagabag sa akin ang mga pahapyaw na impormasyon na nakukuha ko mula sa kanila. Pero kahit kailan ay hindi ako naghangad na alamin pa ang buong kwento. Nakuntento na ako sa kung ano ang mga sinasabi nila. Sa mga kulang na impormasyon na imbes na makatulong sa pagliwanag ng isip ko ay mas nakagulo pa.

Iniisp ko na lang na nakaraan na iyon at wala pa ako sa mga buhay nila nang mangyari ang bagay na 'yon. Wala pa ako sa buhay ni Devyn mas tamang sabihin. Hindi ko alam pero sa tuwing naaalala ko ang takot niya noong araw na unang beses kaming magpunta sa ospital kung nasaan ang kuya niya ay kinakabahan ako at namumuo ang takot sa puso ko.

'Iyon ay ang pumayag ako sa pabor na hiningi ni Isa. Noong hinayaan ko ang sarili ko na magpalamon sa apoy na hindi ko alam na tutupukin pala ako ng ganito.'

Mariing napapikit ako sa kusang pagbabalintawan ng isipan ko sa nga katagang iyon ni Devyn. Pakiramandam ko ay naririnig ko pa rin ang takot sa boses niya habang sinasabi ang mga katagang iyon na para bang kahapon lang niya sinabi iyon. Ang imahe ng takot sa mga mata niya ay kusang bumalandra sa isip ko na tila nagpapaalala ba ano man ang naging nakaraan nila ay masasaktan ako.

Pero nakaraan na iyon. Gaano man kasakit ang malalaman ko ay hindi ako parte nang buhay nila noon. Wala akong karapatan na masaktan. Lalo na ang magalit kanino man. Pero kung masasktan ka naman ay hindi mo na kailangan pa ng karapatan, diba?

"Devyn and I have decided to take the act we are playing into another level," panimula niya na bumuhay sa matinding kaba sa puso ko.

"What do you mean?" tanong ko sa kabila ng takot na malaman ang totoo at buong kwento.

Dumaan ang takot sa mga mata niya bago lumunok at nag-iwas ng tingin. "N-nothing."

"Come on, Isa."

Imbes na sumagot agad ay tinitigan niya lang ang mukha ko. Sa paraan na tinatantiya kung dapat niya bang sabihin o hindi ang tungkol sa bagay na iyon.

Sinalubong ko ang tingin niya sa halip na mag-iwas, pilit na ipinapakita ang kagustuhan na malaman ang bagay na iyon na matagal ko nang gustong malaman.

Direktang tumingin din siya sa mga mata ko habang ang mga luha ay masagana pa ring tumutulo mula sa mga mata niya. "We almost had sex, Bliss. And we did it right in front of Donovan."

Isang matinis na tunong ang namutawi sa pandinig ko matapos ang sinabi niya. Tila naging barado ang pandinig ko at ayaw tumanggap ng mga bago pang salita. Ni ang makabuo ng pangungusap ay hindi ko magawa dahil sa gulat sa sinabi niya.

Umawang ang mga labi ko upang magsalita ngunit walang kahit na anong lumabas mula roon. Gulat na nakatingin lang ako sa kaniya, hindi kailanman kayang maniwala sa sinabi niya.

Pasimpleng kinurot ko ang hita ko sa pag-asang nananaginip lang ako o di kaya'y likha lang ng malikot kong emahinasyo ang mga sinabi niya. Pero hindi, sa hindi mabilang napagkakataon ay nabigo na naman ako. Isang patunay na sa kabiguang iyon ay ang malakas na kabog ng dibdib ko na nagdudulot ng hapdi at sakit sa bawat pagpintig no'n.

"W-were..." Umubo ako ng bahagya upang magawang maituwid ang pagsasalita. "We-were you d-drunk?"

Muling bumagsak ang luha sa mga mata niya. Luha na alam kong sumisimbolo sa pagsisisi para sa mga kasalanang nagawa. "We were not. We were completely sane. Ang plano lang namin ay hahalikan niya ako habang nasa kwarto niya kami sa bahay nila, hindi totoong halik dahil ang plano ay hindi niya tototohanin. Pero nagkamali ako," nagsisising kuwento niya. Napahikbi siya kasabay nang pagbalong ng mga panibagong luha sa mga mata. "I kissed him. I kissed him in a way that I want his brother to do to me. I didn't know what's wrong with me that time. But I still did it, even though I knew that it was a wrong move. Even if Devyn wanted to pull away, I didn't let him. Hanggang sa naging mapusok kaming dalawa. Hanggang sa ang apoy hindi naman dapat pinalaki ay kusang lumaki hanggang sa hindi na aming nagawang maapula. We found ourselves naked on top of his bed."

It was their past. You weren't there. You weren't part of Devyn's life. I repeatedly said those words in my head as if hypnotizing myself not to feel hurt. For me not to be angry at someone. For me to still hold on to the remaining pieces of my heart before it got totally broken for the nth time.

"And after all of that, Donovan..." Tears continued to pool her eyes. "Donovan was there, watching us with pained expression in his eyes. The moment he stepped away woke us up from the sin that we were doing. Mabilis na nakaalis si Donovan bago pa man namin siya mapigilan. It was raining real hard that night. He took his big bike with him and that resulted to his coma state for a year."

It was their past. You weren't there. You weren't part of Devyn's life.

Kusang naglumikot ang isip ko habang patuloy ang pagkukuwento niya. Maging ang pagtuunan ng pansin ang aksidente ay hindi ko nagawa. Kusang nabuo sa imahinasyon ko ang mga bagay na ginawa nila kahit na ang gusto ko na lang gawin ay hilahin pabalik ng kahit kaunti lang ang oras para hindi ko na magawang malaman ang nangyari sa pagitan nilang tatlo. Hindi ko na dapat inalam. Hindi na dapat ako nagtanong para hindi na ako nasasaktan.

Sa kabilang banda, mas maganda na rin siguro na nalaman ko. Para sa ganitong paraan ay alam kong wala na siyang itinatago pa sa akin na nakaraan. Tama, nakaraan na nila 'yon. Mga pangyayari na naganap bago pa man magkaroon ng siya at ako. Nangyari ang lahat bago pa man siya maging parte ng buhay ko at ako sa buhay niya. Tama, nakaraan.

Pero bakit ayaw makumbinsi ng puso ko na tumigil sa pagpintig sa masakit na paraan? Bakit patuloy pa rin siyang nasasaktan sa kabila nang pagpapaalala sa sarili ko na wala pang ako noon nang mangyari iyon.

"I'm so sorry, Bliss."

Maagap na umiling ako, tila kabisado na ng katawan ang dapat na maging tugon. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad. Nangyari iyon na hindi pa ako dumadating sa buhay niya. Kaya dapat okay lang ako. Kaya dapat hindi ako masaktan. Hindi naman siya nagloko sa akin, diba? Kaya okay lang ako," tumatanggong sabi ko. Ngunit kahit sa sariling pandinig ay naging tunog na mas kinukumbinsi ko ang sarili ko kaysa sa kaniya.

"Bliss," pagmamakaawa niya.

Agad na sinalubong ko ang tingin niya at ngumiti, kahit na alam kong pilit lang ang naging dating no'n sa kaniya. "Mauna na ako. May klase pa ako."

Hindi ko na siya binigyan pa nang pagkakataon na makapagsalita at dali-dali na kinuha ang mga gamit ko palabas ng coffee shop.

Naririnig ko ang pagtawag niya ngunit mas nagmadali lang ako sa bawat paghakbang na ginawa ko. Siguro dala na rin nang sakit sa narinig ay kusa na lang gumagawa nang paraan ang sarili ko para magawa kong mailayo ang sarili ko sa sakit. Dala na lang din siguro malalim na pag-iisip ay hindi ko na nagawang paghandaan pa ang mga sumunod na nangyari.

Lumakas ang pagtawag sa akin ni Isa ngunit ang atensyon ko sa kaniya ay wala na. Naagaw na ng dalawang pares ng mga braso na humihila sa akin para pilit na ipasok ako sa sasakyan nila. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang magawang matingnan kung sino ang tao sa likod nang kaguluhan. Nagsimula na akong maglikot sa pagbabakasakali na makawala ako sa kanila kasabaynnang paglukob sa akin ng matinding takot.

Ngunit nawala lahat ng pagpupumiglas ko nang may itapat siyang panyo sa ilong ko. Unti-unti...

Dahan-dahan na bumigat ang talukap ng mga mata ko. Hanggang sa tuluyan na akong hinila sa kadiliman.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 111 36
Hope Lazcano x Storm Villafranca FOURTH INSTALLMENT OF VARSITIES SERIES. DATE STARTED: April 07, 2021. 9:43 PM DATE ENDED: January 11, 2022. 8:45 PM
926K 30K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.6K 63 8
Nexus Band Series #3 Asher Vasquez
61K 2.8K 53
What if sa isang iglap, maging asawa mo ang iniidolo mong writer? Pwede naman iyon hindi ba? Kahit reader ka lang, pwede kang maging kasintahan ng is...