A Walking Canvas (Rare Disord...

By aerasyne

161K 8.8K 1.9K

Rare Disorder Series #1 To be Published "Does my condition invalidates my right for life? Would everything be... More

A Walking Canvas
Prologue
01: Brave
02: Little One
03: Intense
04: Seat
05: Sing
06: ---
07: Accept
08: Unnameable
09: Devyn
10: Reverie
11: Escape
12: Yogurt
13: ---
14: Lost
15: A Place with You
16: Uncertainty
17: Resurrection
18: Explanation
19: ---
20: Aggravation
21: Living Nightmare
22: Beauty
23: Insecurities
24: Never
25: Intensify
26: Special
27: Medicore
28: ---
29: In Love
30: Scared
31: ---
32: Broken
33: Exposed
34: Answer
35: Unloved
36: Things About Bliss
37: Intention
38: Forward
39: Unchosen
40: Life Threat
41: The Connection
42: The Darkness
43: The Antagonist
45: The Comeback
46: Laure
47: The Finale
Epilogue
Author's Note
White in Full Colors
A Walking Canvas Book

44: The Fight

1.6K 92 17
By aerasyne

CHAPTER FORTY-FOUR
The Fight


ISADORA MORIN

Akala ng lahat, tapos na. Akala namin na matapos ang unos ay kapayapaan na ang kasunod. Inakala ng lahat na huhupa na ang masasakit na pag-iyak at hagulhol. Ngunit sa nakalipas na dalawang linggo ay mas lumalakas, at mas sumasakit ang bawat hikbing pinakakawalan ng mga taong pabalik-balik sa kuwartong 'to.

Mahigpit na humawak ako sa walang buhay na kamay niya. Marahan na hinahaplos iyon habang patuloy na umaasa na makararamdam ng kahit maliit na galaw mula sa mga daliri niya. Pero katulad nang inaasahan ay wala akong nakuhang tugon maski na kahit na ano mula roon.

Naninibago ako na nakikita ko siyang ganito. Hindi dahil sa payapa niyang anyo, kundi dahil sa hindi ko na nakikita ang ngiti niya na natural na nakapaskil sa mga labi at mata niya sa kabila ng mga nararanasan sa kamay ng iba.

Natural na sa kaniya ang pagiging mahina sa bawat kilos niya. Hindi na nakakapanibago na makita ko siyang hindi lumalaban at hinahayaan ang sarili na lamunin ng mga emosyon na dulot ng iba. Pero iba sa sitwasyon ngayon. Iba na alam kong bago humantong sa ganitong sitwasyon ay may nangyari na hindi maganda sa kaniya.

Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nakikita kong estado niya. Pakiramdam ko ay may parte ako sa kung bakit nauwi siya sa ganitong kalagayan. Kung may ginawa lang sana ako para mapigilan sila na kuhanin siya. Kung hindi lang ako tumunganga at nanood lang. Kung sana ay nagtangka ako na humingi ng tulong para hindi na kailangan pang humantong sa ganito. Sana hindi siya nahihirpan ngayon.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya. Ang mukha ay mababakasan pa rin ng pamamaga at may iilang naghihilom na pasa sa pisngi at maging malalalim na hiwa na hindi ko alam kung ano ang may gawa. Ang mga braso niya ay gano'n din, may malalim na hiwa at pasa na animo nilatigo at pinagtatadyakan.

Natatakpan man ng puting kumot ay nasisiguro ko na mas malala pa ang mga natamo niya sa parte na iyon. Lalo na sa hita niya. Walang parte na hindi nalatayan sa hita niya sa sobrang dami ng saksak doon. Maliit man ang sugat ngunit malalim ang pagkakabaon, isang palatandaan ng matinding galit ng taong may gawa no'n..

"Gising na, Bliss. Hindi mo ba ako gustong makita na masaya? Hindi mo man direktang sinasabi pero alam ko na gusto mong maging masaya ako. Malapit na, Bliss, e. Malapit na," mahinang pagkausap ko sa kaniya.

Iniyuko ko ang mukha ko hanggang submubsob ako sa mga braso niya. Sa ganoong posisyon tuluyang hinayaan ang sarili na pakawalan ang mga luha na kanina pa nagbabadya.

"Bliss naman, e! Gising na, ha? Sabi ng doctor okay ka naman daw. Kailangan mo lang ng pahinga. Pero halos dalawang linggo ka nang nakahiga. Hindi pa ba masakit ang likod mo?" Nag-angat ako ng tingin habang ang luha ay patuloy pa rin na dumadaloy sa pisngi. "Alam mo ba? Nakahanda na ang proposal ni Devyn sa'yo. Ikaw na lang talaga ang hinihintay. Pati ang kasal na gusto niya para sa inyong dalawa ay hinahanda niya na rin kahit hindi pa sigurado kung papayag ka. Kaya gising na, ha? Gising na kasi ikakasal ka pa."

Nagpatuloy lang ako sa pakikipag-usap sa kaniya kahit na wala akong tugon na nakukuha pabalik. Pero ang pagsawaan na gawain na iyon sa kabila ng halos dalawang linggo ko na ring ginagawa ay hindi ko magawa.

Naniniwala ako na naririnig niya ako. Na nakapikit man ang mga mata niya ay nananatiling bukas ang mga tainga niya upang makinig sa mga lintanya ko. Hindi ako titigil hanggang sa makita kong muli ang kulay langit na mga mata niya. Hanggang sa masiguro ko na okay na siya at hindi na kailanman mawawala.

The doctor said she was fine and far from danger. She was saved. Pero hanggang ngayon na dalawang linggo na ang lumilipas mula nang mangyari ang mga bagay na iyon ay hindi pa rin siya gumigising.

It's as if she was taking her time. To wander the place where she currently is. To balance the choices that she has. Either to stay to where she's at and have the peaceful life she never had or to make her way back into a world full of uncertainties. She's taking all the time she has to make a decision. And that scares us the most.

Kasi paano kung hindi na niya gustuhin pa na bumalik? Paano kung magustuhan na niya ang buhay kung nasaan man siya ngayon? Paano kung mas piliin niya na doon na lang kaysa sa piliin ang isang mundo na paulit-ulit na ipinaparamdam sa kaniya na hindi siya kabilang?

Muling kumawala ang masagawang luha mula sa mga mata ko sa isipin na baka huli na. Na baka nakapagdesisyon na siya at kami na lang talaga itong pilit na kumakapit pa.

"Laban lang, Bliss, ha? Lalaban ka. Hindi mo pa kami puwedeng iwan," paulit-ulit na sambit ko sa tainga niya habang umaasa na magigising siya.

PANIBAGONG LINGGO at panibagong kabiguan. Isang linggo na naman ang lumipas na gano'n pa rin ang nadadatnan ko sa ospital. Siya na nakaratay sa kama at payapang natutulog. Habang ang mga magulang naman ay unti-unting namamatay sa lungkot.

Walang pagkakataon na hindi ko nakikita na hindi nagpapahid ng luha si Tita Vanessa habang tinitingnan ang anak. Walang araw na hindi ko naririnig ang paghingi niya ng tawad para sa mga sikretong naging dahilan ng lahat ng nangyari. At walang araw na lumilipas na hindi ko naririnig sa kaniya ang pagsisi niya sa sarili para sa mga pagkakamali na nagawa sa nakaraan.

Tito Brandon may act tough. He may not be shedding tears unlike his wife, but I know that deep inside his heart, he is as broken as she is. Palagi ko siyang nakikita na nakatingin kay Bliss, tila tahimik na nagdarasal para sa muling paggising ng anak. Hindi iisang beses na nakita ko siyang mataman na kinakausap ang anak, nagmamakaawa na bumalik na mula sa malalim na pagkakahimbing.

Si Devyn, kahit na hindi ko siya nakikita na maglagas ng luha sa tuwing kaharap ang mga magulang ng nobya ay alam ko kung paanong pinakakawalan niya ang sakit sa bawat hagulgol niya sa tuwing sila na lang ang magkasama.

Hindi ko siya masisisi. Mahal niya si Bliss nang higit pa sa buhay niya. Alam ko at nararamdaman ko kung paanong klaseng pag-iingat ang inilaan niya para kay Bliss. Alam ko kung gaano niya kamahal ang kaibigan ko. Saksi ako sa pag-usbong ng pagmamahalan nila. Saksi ako kung paano sila nagsimula. Kung paano unti-unti silang nahulog na dalawa sa isa't-isa.

Magpasahanggang ngayon na pilit nilang ipinaglalaban na manatili sa tabi ng isa't-isa. O siguro mas tamang sabihin na si Devyn ang lumalaban. Si Devyn ang mahigpit pa rin na kumakapit sa unti-unti nang lumaluwag na pagkakakapit ng kasintahan. Mas tamang sabihin na si Devyn ay patuloy na lumalaban habang si Bliss ay unti-unti nang bumibitaw.

"What happened to Ruby?" tanong ni Donovan sa kapatid na matibay pa rin sa pagkakaupo sa tabi ng higaan ni Bliss sa kabila ng ilang oras na pananatili roon.

Donovan is okay now. He is now discharged from the hospital. And we are now starting to build the relationship that should've been built already long time ago only if we were brave enough. Nagiging okay na ako, kami. Unti-unti ko nang nahahanap ang kasiyahan na ipinagkait sa akin noon.

Pero bakit naman kailangan na pagdamutan siya? Na bawiin na naman ang ligayang nararamdaman niya. Bakit siya na naman? Bakit si Bliss pa na kung tutuusin ay siyang karapat-dapat na sumaya. Totoo pala talaga 'yon 'no? Na kapag nagiging okay na ang lahat para sa iyo ay tsaka naman may biglang bawi ang tadhana para ipaalala na hindi purong saya lang ang buhay.

Pero sana naman ay mabigyan pa ng pag-asa si Bliss. Na mabigyan pa siya ng pagkakataon para muling sumaya. Na sana ay mabigyan siya ng lakas para piliin na manatili rito kasama kami. Na piliin niya kami.

"She killed herself," sagot ni Devyn sa tanong ng kapatid.

"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Donovan.

"Hindi ka ba nanonood ng balita?" nagtatakang tanong ko. "It went all over the news. Lalo na at nabuksan sa mata ng publiko ang sikreto ni Tita Vanessa. Up unto the news of Tita and Tito Brandon having an albino child which people said that they hid from the public's eyes to keep their career going."

"The news got that big?"

"Hindi na nakapagtataka ang bagay na 'yon. Sikat sa industriya ang parehong magulang ni Bliss. They have a name and reputation. Kaya hindi na nakagugulat na umabot na sa media ang tungkol sa bagay na ganito."

What happened made a huge ruckus in the whole showbiz world. Mula sa balita na may anak sa pagkadalaga si Tita Vanessa na itinago raw niya. Hanggang sa balita na kinidnap nito ang anak ng mag-asawang Laure at pinagtangkaang patayin. Hanggang sa pagkitil ni Ruby sa sariling buhay bago pa man siya madampot ng mga pulis.

Pero ang pinakapinag-uusapan talaga ngayon ay ang katotohanan na may anak sila na albino. Hindi makapaniwala ang mga tao na sa likod ng perpektong mukha at pigura ng dalawa ay magkakaroon sila ng supling na katulad ni Bliss. People was more than shock to know about that news.

And people assumed that they both hid Bliss to keep their career. Which is something that I can't answer either. Ang alam ko lang ay noon pa man ay hindi na naglabas ng anumang impormasyon o ni isang litrato ang mga magulang ni Bliss na maaaring magpahiwatig kung ano ang kundisyon niya.

Ang alam lang ng mga tao ay may anak sila. But that's it. No more information about Bliss being an albino. And people, as their heads can be easily filled by judgements, took that negatively. Tito and Tita lost their project they have been preparing, their comeback movie. They have lost their sponsorships, and anything related to that in just a span of three weeks.

But that's fine with the both of them. Ang mahalaga ay ang kalagayan ni Bliss.

"Everything is fine now, then?" maya-maya ay tanong muli ni Donovan.

Wala akong sagot na naibigay. Maging si Devyn ay laglag ang mga balikat na nakatingin lang sa mukha ng kasintahan na hindi kababakasan ng anumang hirap. Purong kapayapaan lang.

"It will only be fine if she would wake up. Until then, there's no way that life would be fine," mababa ang boses na sagot ni Devyn, hindi namin inaasahan.

Nagkatinginan kami ni Donovan. Tinitimbang kung ano ba ang nararapat na isagot upang hindi namagawang mas saktan pa ang lalaki. Pero kahit ilang oras pa naming pag-isipan ang isasagot ay alam naming walang salita na makapagpapalakas ng loob niya.

"Sa tingin niyo gigising pa siya?" tanong niya sa halos nawawalan na ng pag-asang boses.

Nakaramdam ako ng kaunting inis sa kabila ng kaalaman na dapat ay iniintindi ko ang sitwasyon niya. "Devyn ano ba!" gilalas ko. Hindi makapaniwala na tinaliman ko ang pagkakatingin sa likod niya bagaman hindi niya iyon nakikita. "Huwag kang magsalita ng ganiyan! Don't you ever dare give up, Devyn!" babala ko.

Hindi inaasahan na nagsunud-sunod ang pagtulo ng luha ko sa sobrang pagngingitngit ng kalooban ko sa narinig mula sa kaniya. Hindi ko matatanggap. Hindi ko kakayanin na pakawalan siya.

"I am not giving up, Isa. It's just that," mahinang bulong niya matapos ay matunog na bumuntong hininga. Ang ulo ay inihilig sa kama sa paraan na matatanaw pa rin niya ang kasintahan. "What if holding onto her is just making it hard for her? Paano kung mas gusto na niya sa kung nasaan siya? Paano kung hindi na pala niya gustong bumalik? Paano kung imbes na pagaanin ang dinadala niya ay tayo lang pala ang nagpapahirap sa kaniya. Paano---"

"Paano ka?! Paano ka, Devyn?! Paano ang mga pangarap mo para sa inyong dalawa?! Bibitawan mo na lang din? Bibitawan mo na lang siya?! Kaunting laban pa, Devyn!" galit na sabi ko, hindi sa kaniya kundi sa sitwasyong kinasasadlakan namin ngayon.

I have never felt this kind of frustration. Like you are torn between two choices that would either make you whole or would crash you into millions of pieces. It's easy to choose to let go. Isang bitaw lang. Napakadali kung iisipin.

Pero napakahirap gawin. Kung puwedeng paulit-ulit na humiling ng sandali pang oras. Na kung puwede pang humiling ng kahit ilang minuto lang. O kung puwede lang na ilipat sa kaniya ang mga oras na mayroon ako para lang makumbinsi siya na bumalik, gagawin ko. Gagawin ng kahit na sino sa amin.

Pero hindi na namin hawak ang desisyon. It's all in her hands. To be with us or to be forever gone.


KINAGABIHAN AY NAGPAIWAN ako upang humalili sa pagbabantay kay Bliss. Sa pakiusap na rin ni Donovan na hindi mapilit ang kapatid na sumama sa kaniya pauwi. Walang gabi na lumilipas na hindi dito nananatili si Devyn sa ospital.

Kung aalis man ay sandali lang. Kung hindi para kumuha ng kaunting tulog o kaya naman ay para maligo. Pero sinisiguro niya na palaging dito mananatili tuwing gabi.

Nasa akto na ako ng pagkatok sa kuwarto nang marinig ko ang mahinang huni ng kanta na lumalabas sa bibig ni Devyn. Nakayuko sa mga kamay na sapo ang kamay ni Bliss. Tila sinasabayan ng taimtim na dasal ang bawat huni. Isang dasal na alam kong pareho lang naming hinihiling.

"Did they hurt you so bad, my love?" tanong niya sa katamtamang lakas ng boses ngunit sapat na para maabot pa rin ang pandinig ko. Sa kabila ng walang sagot na nakuha ay nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Is that place better than this? Mas masaya ba r'yan? Hindi ka na ba nahihirpan?" sunud-sunod na tanong niya.

At sa bawat katagang binibigkas niya ay animo hinihiwa ng isang matalas na patalim ang puso ko. Hindi ko gusto ang mga naririnig ko. Hindi ko matanggap na naririnig ko ang mga katagang iyon sa kaniya mismo.

Gusto ko siyang awatin sa pagsasalita. Gusto kong ipamukha sa kaniya na kailangan niya lumaban. Na dapat ay hindi siya panghinaan ng loob. Dahil oras na ginawa niya 'yon ay paniguradong maging ako ay wala na rin nang panghuhugutan ng lakas para lumaban.

Ngunit sa kabila ng pagtutol ko sa mga naririnig ko sa kaniya ay hindi maalis no'n sa akin na paano kung tama siya? Paano kung mas mapapabuti na roon na lang si Bliss sa kung nasaan man siya? Para hindi na rin siya mahirapan. Para sa wakas ay wala nang makakapanakit sa kaniya.

"Mas gusto mo na ba r'yan kaysa dito sa tabi ko? Kailangan ko na bang ihanda ang sarili ko sa oras na piliin mo na hindi na bumalik?"

Naupo ako sa upuan sa tabi ng pinto. Ang bahagyang nakabukas na pinto ay binibigyan ako ng laya na mapakinggan ang muling pagbuhos ng damdamin niya. Hindi ito ang unang beses na narinig ko siya.

Nadatnat ko na rin siya sa ganitong tagpo ilang araw na ang nakakalipas. Pero hindi ko maipaliwanag ang bigat na nararamdaman ko habang pinakikinggan siya. Pakiramdam ko ay sa pagkakaton na ito ay hindi lang simpleng pagkausap ang ginagawa niya ngayon hindi katulad noong unang beses na narinig ko siya. Hindi ko lang matanggap na kung tama man ang hinala ko ay namamaalam na siya.

"Do you think it would make you feel better if I let go? Would you be finally at peace?" tanong niya nang hindi itinatago ang sakit sa boses niya. Sakit na siyang humihiwa rin sa puso ko. "If the answer would be yes then I'll gladly let go."

Napatakip ako sa bibig ko nang muntikan nang kumawala ang hikbi roon. Ang mga luha ay muli na namang rumagasa sa mga mata ko. You can't let go, Devyn.

Please don't.

"You know that I only want what's best for you, right? I promise to let go, baby. I'll let you go..."

Sunud-sunod na tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Naging marahas ang pag-iling ko bilang simbolo sa isang matinding 'di pagsang-ayon sa naririnig. Ako ang nasasaktan para sa kalagayan nila. Puso ko ang sumasakit sa naririnig kong pagsuko sa boses ni Devyn.

Nagsisimula pa lang sila. Ngayon pa lang nagiging maayos ang takbo ng relasyon nilang dalawa pero bakit naman kailangan na maging ganito pa? Bakit kailangan na putulin ng gano'n kabilis ang kasiyahan na nagsisimula sa pagitan nila?

"I'll let you go. But let me hold onto you for now. Just give me a little bit of time."

With a heavy heart, I walked away from the room. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang marinig ang paghihinagpis ni Devyn. Hindi ko alam kung handa na ba ako na marinig ang pagsuko niya gayong siya itong inaasahan ko na kakapit hanggang dulo para sa kanila.

Alam ko na ang pagbitaw niya para sa babaeng mahal ay hindi sumisimbolo na hindi na niya mahal si Bliss. Alam ko na hindi ibig sabihin na kapag pinili niya ang sumuko ay pinapakawalan na niya ang nararamdaman para sa kaniya. Alam ko... alam ko na kaya niya tinitimbang ang desisyon na 'yon ay dahil sa labis na pagmamahal niya.

Dahil ang klase ng pagmamahal na pinaiiral niya ay ang pagmamahal na handang magpalaya para lamang sa mas ikagagandan ng buhay ng isa. Ang pagmamahal niya ang 'yong tipo na mas pipiliin ang masaktan para lang huwag nang makaranas ng sakit ang babaeng mahal.

And I believed that Devyn's love for Bliss is not that shallow. Not because he is on the verge of giving up doesn't mean that he doesn't love Bliss anymore. Gusto niya lang na bigyan ng mas magaan at mas payapang buhay si Bliss. Isang buhay na ni minsan ata sa buhay niya ay hindi niya naranasan dahil sa mga diskriminasyon na natanggap dahil lang sa kundisyon niya.

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko na nasa bulssa ko. Mabilis na kinuha ko 'yon para tingnan ang natanggap na mensahe na natanggap ko.

'The University's live. See this. Make Devyn see this.'

Attached on the message from Kervin is a link. Mabilis na pinindot ko 'yon dala na rin ng kuryosidad at kalituhan sa mensaheng natanggap.

I was redirected to the Facebook live of Crest International University. It was an arial shot, probably caught by a drone, getting the perfect shot of the whole wide field of our University.

Tears run down through both of my cheeks when I fully understood what they were doing. Mabilis na kumilos ang mga paa ko upang tahakin ang daan pabalik sa kwarto. With my eyes pooled with my own tears, I called his attention.

Nag-uumapaw sa tuwa ang puso ko sa nakikita ko. Ang hindi pagkapaniwala ay buhay na buhay sa puso ko. Hindi ko inaasahan ang ganitong klase ng hakbang mula sa kanila. Mula sa mga taong nauna nang pinili ang manghusga sa kapwa. Pero heto ngayon ay kasama sa pagtitipon upang sa pinagsama-samang dasal para kay Bliss.

Mabilis bumalik ako sa kuwartong pinanggalingan ko at ipinakita ko kay Devyn ang video na nagpa-play sa cellphone ko. And just like my reaction, his eyes was immediately filled by unshed tears.

"W-what?" naguguluhang tanong niya.

"They were all offering prayers for Bliss' recovery," I said in between my sobs.

"Who made this happened?" tanong niya. Ang pasasalamat at nag-uumapaw na galak ay mababakas sa boses niya.

Katulad ko ay sobra-sobra rin ang pasasalamat niya para sa mga taong naglaan ng oras para sa pagkakataon na ito. The student body were scattered on the wide field. Wearing a white shirt which shows an act of uniformity. Each student is holding a candle while their eyes closed, saying a silent prayer for their fellow student.

Nanatiling tutok ang mga mata namin sa video. Nang lumipas ang ilang minuto ay nagsimulang kumilos ang lahat sa isang praktisadong galaw. Isa-isa silang lumipat ng puwesto sa itinakdang lugar sa kanila. Ang kaninang tuwid na hilera ng mga estudyante ay biglang nagulo hanggang sa wakas ang nagawa nilang makabuo ng mga salita.

Muling nagsibagsakan ang mga luha ko sa mga salitang nabuo nila. Talagang hindi namin inaasahan ang ganitong klase ng eksena mula sa mga taong 'to. Lalo na at hindi lingid sa amin na karamihan sa kanila ay minsan na ring pinuna ang kundisyon ni Bliss.

There's a hero

If you look inside your heart

You don't have to be afraid

Of what you are

"Devyn..." emosyonal na usal ko nang magsimula silang kumanta. Nagsimula sa mahihinang tinig hanggang sa unti-unting lumalakas.

"God..." mas emosyonal na aniya kasabay ng pagtulo ng mga luhang hindi na niya nagawang pigilan pa.

So when you feel like hope is gone

Look inside you and be strong

And you'll finally see the truth

That a hero lies in you

Nagtuluy-tuloy ang pagbalong ng luha sa mga mata ko. They were singing that song for Bliss. They were giving us hope through every line of the song they were singing.

Nilingon ko si Bliss na nakapikit pa rin ang mga mata. "See this, Bliss? Everyone's rooting for you. The whole student body is waiting for you to comeback. The more reason you need to fight, right?" Punung-puno ng luha ang mga mata na iniharap ko ang cellphone ko sa kaniya. "Balik na, ha? Naghihintay kami. Hihintayin ka namin."

"Come back now, baby," pakikipag-usap ni Devyn sa kaniya.

Naupo siya sa gilid ng kama. Ang kamay ay nasa ulo ni Bliss at marahan na humahaplos doon. Maya't maya na hinahalikan ang noo kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mat ana pumapatak sa iba't ibang bahagi ng muka nito.

Simisikip ang dibdib ko sa nasasaksihan ko sa kanila. Ang mahigpit na pagkakakapit ng kamay ni Devyn sa kamay ng kasintahan ay muling bumubuhay sa pag-asa sa puso ko. At alam ko na sa pagkakataon na ito ay muli nang lumalaban si Devyn para sa kanilang dalawa.

My heart aches in a good way knowing that they exerted this kind of effort just to give us strength and to lift us up. Hindi ko alam kung paano at kung sino ang may pakana. Basta ang alam ko ay dahil sa ginawa nilang ito ay muli na namang nadugtungan ang pag-asa namin na kanina lang ay unti-unting nauupos.

Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay nang muling pagpasok ng imahe sa isip ko. Imahe ng mga salita na binuo ng mga kapwa namin estudyante para bigyan kami ng lakas pa para lumaban.

PLEASE COMEBACK BLISS

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 63 8
Nexus Band Series #3 Asher Vasquez
52.9K 2.9K 45
[epistolary] It all started with wrong sent messages from Shiela, leaving no choice for Zeke but to fell in with. ↻ sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2018
914K 29.7K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
61.4K 2.5K 49
As a punishment for the mess she made, Persian Audrey Valderama, a spoiled brat slash playgirl, was forced to spend her vacation at her cousin's hous...