A Walking Canvas (Rare Disord...

By aerasyne

159K 8.8K 1.9K

Rare Disorder Series #1 To be Published "Does my condition invalidates my right for life? Would everything be... More

A Walking Canvas
Prologue
01: Brave
02: Little One
03: Intense
04: Seat
05: Sing
06: ---
07: Accept
08: Unnameable
09: Devyn
10: Reverie
11: Escape
12: Yogurt
13: ---
14: Lost
15: A Place with You
16: Uncertainty
17: Resurrection
18: Explanation
19: ---
20: Aggravation
21: Living Nightmare
22: Beauty
23: Insecurities
24: Never
25: Intensify
26: Special
27: Medicore
28: ---
29: In Love
30: Scared
31: ---
32: Broken
33: Exposed
34: Answer
35: Unloved
36: Things About Bliss
37: Intention
38: Forward
39: Unchosen
40: Life Threat
42: The Darkness
43: The Antagonist
44: The Fight
45: The Comeback
46: Laure
47: The Finale
Epilogue
Author's Note
White in Full Colors
A Walking Canvas Book

41: The Connection

1.4K 88 15
By aerasyne

CHAPTER FORTY-ONE
The Connection


Nangunot ang noo ko sa mahinang ingay na nagmumula sa gilid ko. Sa kabila ng musika na naririnig ko mula sa earphones na nakasalpak sa magkabilang tainga ko ay rinig ko pa rin ang pagsasalita ng tao sa tabi ko na tila kinakausap ako. Bagaman sarado ang aking mga mata ay kusang nakikila ng katawan at puso ko kung sino siya.

Naramdaman ko ang paglapat ng daliri niya sa noo ko na inaalis ang pagkakakunot no'n. Hindi ako sigurado kung alam ba niya na gising ako o hinahayaan niya lang na magpanggap akong tulog nang sagayon ay magawa niya ang mga gusto niya at masabi ang mga bagay na hindi ko magawang mapakinggan kapag kaharap siya. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya rito o kung sino ang nagpapasok sa kaniya.

"I'm really sorry for what I did, baby," he whispered.

I can feel his stares on me, the intensity of it. I badly wanted to open my eyes so that I can see him, but I stopped myself from doing so. Mas gustong pakinggan ang sasabihin niya. Siguro sa paraan na 'yon ay makuha kong huwag makaramdam ng galit at maging bukas ang isip para sa kaniya. Na huwag pairalin ang sakit at piliit na manaig ang pagmamahal ko sa kaniya.

Siguro tama din si Ken na dapat ay pakawalan ko na lang ang sakit ng ginawa niya. Siguro mas mainam na tingnan ko na lang ang mga masasayang bagay na naibigay niya kaysa sa sakit na sumira sa aming dalawa. Siguro, puro siguro.

Kaso nang dahil sa ginawa niya ay hindi ko alam kung alin pa sa mga kilos niya ang totoo. Kung ang lahat ba ng mga ikinilos niya ay totoo at dahil sa pagmamahal. O ang dahilan lang no'n ay ang dahil kailangan niya ako, hindi sa paraan na inaasahan ko.

Gustong-gusto kong bumalik kami sa dati. Gusto kong maging gano'n pa rin kami sa isa't isa. Pero mahirap. Mahirap dahil sa kaniya na mismo nanggaling na hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya. Paano ako magpapatawad ng kasalanan kung hindi naman 'yon pinagsisisihan nang nagkasala?

Ang kamay niya ay umangat mula sa tuwid ko na ngayong noo paakyat sa buhok ko. Marahan niya iyong hinawakan, ingat na ingat ang bawat pagkilos. "Mahal na mahal kita, Bliss Audrey. Alam ko na kalabisan na hilingin na bumalik ka na sa buhay ko. Alam ko na dapat hayaan na lang kita, bilang kabayaran na rin sa mga nagawa ko pero..." Naramdaman ko ang pagtigil ng kamay niya na humahaplos sa buhok ko. "Mahal kita, e. Ikaw ang dahilan kung bakit ginusto kong mabuhay ulit nang mga panahon na pagsuko na lang ang pinakamabilis na pagpipilian. I wanted to die, Bliss. There was a point in my life that I just wanted to kill myself and die.

"But you came. You let me escape the prison that I've jailed myself into. You broke down my defenses. Kaya please, forgive me, baby. Huwag mo namang sabihin na ngayon ka pa susuko kung kailan mahal na mahal na kita. Tinalikuran ako ng pamilya ko dahil sa sarili kong kagagawan. I admit that when I first saw you, I initially thought of my thesis. Dahil kailangan kong pumasa. Dahil kailangan kong may mapatunayan sa pamilya ko na sa kabila ng mga pagkakamali ko ay may kuwenta pa rin akong anak para sa kanila." A sob escaped his mouth that was immediately followed by another, and another, and another.

At sa kabila nang nakapikit kong mga mata ay napuno nang luha ang mg 'yon dahil sa mga naririnig ko sa kaniya. I can hear the truthfulness in his words. That what he was saying is the reflection of what he was feeling before.

Sa bawat salita niya ay hirap na hirap siya. Na para bang sa bawat buka ng bibig niya ay kinakapos siya ng hininga sa sobrang tindi ng emosyon na naramdaman niya noon at nararamdaman niya hanggang ngyaon. Ramdam ko ang sakit at hirap na pinagdadaanan niya dahil minsan na rin akong humantong sa gano'ng sitwasyon.

Isang sitwasyon na gusto mo na lang hilingin na huwag na lang makaramdam. Isang sitwasyon na hinihintay mo na lang na kusang tumigil ang sariling paghinga dahil sa paulit-ulit na pagsampal sa'yo ng mundo na wala kang halaga. Sitwasyon na sa sobrang bigat ay hindi ko alam kung magagawa ko pa bang umahon.

Pero nagawa ko. Napagtagumpayan ko sa tulong niya at ng mga taong hindi nagduda na magagawa ko. Sa tulong niya na may mas mahirap pa palang pinagdadaanan pero sa kabila no'n ay piniling buhayin ako at patatagin ang loob ko.

Ano lang ba ang simpleng pagkakamali na nagawa niya kung ikukumpara sa magagandang bagay na naidulot niya sa buhay ko? Hanggang kailan ka magmamatigas Bliss Audrey?

"At first, wala akong iba inisip kunndi ang pansaeiling kapakanan ko. But as time goes by, as I get to know more of you, as I get to know your story and your heartaches, it changed. Hindi ko na lang gusto na pag-aralan ka. Ang gusto ko ay gawin kang istrumento para ipakita sa buong mundo na walang taong perpekto. Na mayroong katulad mo na hindi ipinanganak na normal pero hindi naging kabawasan para sukuan mo ang buhay," madamdaming sabi niya pa. "Gusto kong ipakita sa mga tao sa pamamagitan mo na hindi nila kailangan na baguhin ang sarili nila para maging sapat, para makakuha nang pagtanggap. Na puwede silang maging sila lang, walang pagpapanggap."

Ang luhang kaninang pinipigilan ko ay para nang bukal na umaagos sa pisngi ko. Imbes na magmulat ay mas itinago ko ang mukha ko sa mga palad ko at doon nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak. Bawat salitang binitawan niya ay tumatagos sa puso ko. Paulit-ulit na umiikot sa utak ko na para bang hindi sapat na isang beses ko lang mapakinggap 'yon.

Naramdaman ko siyang pilit na inaalis ang pagkakatakip ko sa sariling mukha ngunit nagmatigas ako. Nahihiya dahil sa mga naging pagkilos ko at hindi pakikinig sa kaniya. Nagsisisi dahil mas piniling magpalamon sa galit at sakit at manghusga ng gano'n kadali.

Ngunit higit na mas malakas siya dahil sa kabila nang emosyonal na estado ay nagawa niyang alisin ang mga kamay sa mukha ko upang ikulong sa maiinit na palad niya. Hilam ang mga mata sa luha na sinalubong ko ang kaniya. Hindi nalalayo ang itsura naming dalawa dahil maging ang mga mata niya ay namumula na rin tanda nang pagluha.

"I'm sorry."

Luhaang tumango ako sa kaniya. "S-sorry," sabi ko sa pagitan nang paghikbi.

Ilang beses siyang umiling at nanatili lang titig sa mukha ko. Ang mga darili ay kumikilos upang tuyuin ang luhang patuloy pa ding umaagos sa mga mata ko. "I love you so much, baby."

Kusang pumikit ang mga mata ko nang magsimulang bumaba ang mukha niya. Ang mga luha ay patuloy pa rin sa pagdaloy ngunit hindi na lang purong sakit ang dahilan ng mga iyon. Naroon na ang pagmamahal at paghingi ng tawad. Naroon na ang pag-intindi at kaliwanagan.

Ang puso kong kanina ay pumipintig dahil sa sakit at galit ay pumipintig na ngayon dahil sa pagmamahal nang tuluyan nang dumampi ang labi niya sa akin. Muli na namang bumuhos ang aking luha ngunit nang dahil na sa purong saya. Saya na binubura ang pag-aalinlangan ko sa mga naging pagkilos niya noon. Saya na pumuputol sa kung anumang galit na nararamdaman ko para sa kasalanan niya na hindi naman pala purong panggagamit ang intensyon. Saya na muli na namang bumubuhay sa puso ko na akala ko ay tuluyan nang babalutin ng kadiliman.

Napahawak ako sa kamay niya na nakahawak sa magkabilang pisngi ko nang magsimulang gumawa ng ritmo ang mga labi niya. Naging mariin ang pagkakapikit ko nang ang inaakala kong simpleng pagdampi lang sa labi ay mas pinalalim niya. Sa bawat galaw na ginagawa niya ay ramdam ko ang rahan at pagmamahal. Na para bang doon niya ipinaparamdam ang katotohanan ng pagmamahal niya.

Hindi na niya ako binigyan ng oras na masuklian ang halik na iginawad niya nang putulin niya iyon matapos ay inilapat ang sa noo ko ang kaniya. "Mahal na mahal kita. Huwag mo akong iwan, pakiusap. Hindi ko na alam kung paanong babangon sa oras na tuluyan kang mawala sa buhay ko."

Tumango-tango ako bilang sagot. "Pangako. Basta maipapangako mo na hindi ka na magsisinungaling mula ngayon."

Ang pangamba ay muli na namang nabuhay sa mga mata niya. Ngunit mabilis din iyong nawala nang ngumiti siya. "Pangako."



"KERVIN," MAY BABALA sa tono na sabi ko sa kaniya.

Pasiring na inalis lang niya ang masamang tingin na ibinibigay niya sa amin bago muling binalingan ang anak na pinapakain niya. Nginitian ko lang si Maxim na maang na nakatingin sa amin habang naghihintay sa pagkain na pinapakain sa kaniya ng ama.

"Kailan kaya mawawala galit ng isang 'yan?" bulong ni Devyn sa tainga ko.

"Mamaya wala na rin 'yan," natatawang sagot ko.

Hindi na siya sumagot pa at nagsumiksik na lang sa leeg ko. Ang isang kamay niya ay nakapulupot sa baywang ko mula sa likod habang ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko. Simula nang magkaayos kami kahapon ay hindi na siya lumayo pa sa tabi ko. Wala na rin naman silang klase kaya nakadalaw kami ng sabay kay Maxim. Ako naman ay mamaya pa kasama si Kervin.

"I love you."

Nagbaba ako ng tingin sa kaniya. Pero dahil sa pagkakasiksik ng mukha niya sa leeg ko ay hindi ko siya magawang tingnan. Napangiti ako. Hindi ito ang unang beses na sinabi niya ang mga katagang iyon ngayong araw.

Pagkamulat ko pa lang ng mga mata ko ay text na niya agad ang bumungad na sinasabi ang mga katagang binaggit niya. Kanina nang sinundo niya ako ay inulit na naman niya. Hanggang sa hindi ko na nagawang bilangin pa dahil maya't maya kung banggitin niya, hindi nagsasawa at bawat sandalling pinapaalala ang pagmamahal niya.

"Pang-ilan mo na 'yan," natatawang puna ko.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at mabilis na kinantilan ng halik ang leeg. "Kasi nga, mahal kita."

Mabilis na kumurba ang mga labi ko para sa isang magandang ngiti. Ganito ba ang epekto sa kaniya ng naging pag-aaway naming dalawa? Pakiramdam ko kasi ay punung-puno siya ng tako na isang araw ay bigla na lang akong mawawala sa tabi niya.

Muling bumalik sa balintanaw ko ang mga naging tagpo sa pagitan naming noong araw na nagkaayos kami. Kung paano niya ipinakita ang pinagdaanan niya. Kung paano niya ipinaramdam sa akin na sa kabila ng pisikal na kalakasan ay siyang hina niya pagdating sa emosyonal na aspeto.

Nakakatawang isipin na pareho lang kaming dalawa. Pareho lang kaming nasasaktan at nahihirapan. Parehong umabot sa punto na mas nanaisin na lang na patigilin ang buhay. Pareho kaming basag at may mga pusong punung-puno ng butas na idinulot ng mga sakit na kani-kaniya naming naranasan.

Ngunit kakatwang nahanap namin ang isa't isa. Kakatwang nagawa naming bigyan nang pag-asa ang bawat isa na ipagpatuloy ang pagharap sa bukas na walang kasiguraduhan. Sabay na nahanap naming ang isa't-isa at sabay na binubuo ang mga pagkatao ng bawat isa.

"Dude, your phone is ringing."

Sabay na nilingon naming ni Devyn ang phone niya na nasa lamesa. The call was from her mom. Nagkatinginan kami bago niya kinuha iyon at sinagot ang tawag.

"Yes, mom?" kabadong sagot niya sa tawag.

Napanood ko kung paanong ang kaninang kalmado niyang mukha ay napalitan ng gulat at saya. Mabilis na nagkislapan ang mga luha sa magkabilang gilid ng mga mata niya tanda ng galak na siyang nararamdaman niya.

"I'm on my way," sabi niya, ang pagmamadali ay naroon sat ono.

"Anong nangyayari?" tanong ko matapos niyang maibaba ang tawag.

Imbes na sagutin ako ay emosyonal na yumakap siya sa akin. Ramdam ko ang naguumapaw na kasiyahan sa kaniya sa higpit nang yakap na iginawad niya. Kusang gumalaw ang kamay ko upang marahang haplusin ang likod niya habang ang mga mata ay nakatutok kay Kervin, nagtatanong kung ano ang nangyayari sa kaibigan niya.

Isang kibit-balikat lang ang isinagot niya habang ang mga mata ay matamang nakatingin sa kaibigan. Napuno ng katahimikan ang buong kwarto. Kami ni Kervin ay parehong naghihintay sa kung anong dahilan nang mga nangyayari kay Devyn.

Nang tuluyang kumalma ay humiwalay na siya sa akin. Ang kislap ng kasiyahan sa mga mata ay naroon. Ang mga pinipigilang luha ay tuluyan ng tumulo. "My brother... he woke up."

Nanlaki ang mga mata ko sa ibinalita niya. Maging si Kervin ay kapareho lang din ang reaksyon sa naging reaksyon ko. Ang tuwa ay ramdam naming pareho ngunit ang gulat ay pinangingibabawan iyon.

"Go," mahinang sabi ko na ang tinutukoy ay ang pagpunta nito sa kapatid niya.

"Come with me."

"Hindi ako kailangan doon," tanggi ko.

Umiling siya at bahagyang pinisil ang kamay ko. "Kailangan kita."

Natitigilang tiningnan ko siya nang marinig ang pangamba sa boses niya. Bagaman alam kong masaya siya, sa sandalling iyon ay nararamdaman ko rin ang takot niya.

Walang salita na tumango ako bilang pagsang-ayon. Saglit na nagpaalam lang kami kay Kervin na hindi naman naming naringgan ng kahit na anong pagtutol. Naging tahimik ang sandalling biyahe naming patungo sa ospital kung saan naroon ang kapatid niya.

Hindi iisang beses na hinawakan ni Devyn ng mahigpit ang kamay ko na para bang doon kumukuha ng tibay ng loob. At sa tuwing gagawin niya iyon ay isang magaan na ngiti lang ang naisusukli ko sa kaniya dahil alam kong walang tamang salita ang makapagpapayapa sa nararamdaman niya.

Parang naulit ang unang beses na nagpunta ako dito sa lugar na ito. Ngunit sa pagkakataon na ito ay nabawasan na ang takot nanararamdaman ko. Napalitan na ng saya hindi lang para kay Devyn kundi maging para sa mga magulang niya.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko habang binabagtas namin ang daan patungo sa private room ng kapatid niya. Kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman ko kung gaano siya kasaya at kinakabahan sa muling paghaharap nila.

Mga doctor at at nurse ang unang nabungaran naman nang matapat sa pintuan ng kwarto. Hanggang sa ang mga tao sa loob ay unti-unting nagbigay ng daan at kusang nahati sa gitna upang magbigay daan sa pagpasok ni Devyn.

"D-Devyn," hirap ngunit nakangiting usal ng kapatid.

"K-kuya."

Ang luha sa mga mata ko ay muling namuo sa garalgal na boses ni Devyn. Ang pangungulila at tuwa ay ramdam na ramdam ng halos lahat ng nasa kwarto. Kani-kaniya ng iwas ang mga babaeng nurse na katulad ko ay mga pareho ding naluluha sa tagpo na nangyayari sa harapan naming lahat.

Nanghihinang inangat nito ang kamay na tila inaabot ang kapatid. Bumilis ang mabagal at alangan na kilos ni Devyn hanggang sa tuluyan na siya mapunta sa tabi nito.

"I'm sorry. I'm really, really, sorry," puno ng pagsisisi, puno ng pighati, at puno ng lungkot na sabi ni Devyn.

Ngumiti lang ang nakatatanda bago marahan na ipinatong ang nanghihinang kamay sa likod nito, tahimik na inaalo.

Ang mga tao sa loob ay unti-unting nagsialisan. Kaunti pang paalala sa emosyonal na mga magulang ni Donovan ang ginawa ng dalawang doctor bago tuluyang lumabas sa loob. Nakita ko pa ang pagpasada nila ng tingin sa akin, namamangha at natutuwa sa nakikita.

Tipid na ngumiti lang ako sa kanila at muling pinanood ang pag-uusap ng dalawa. Ang mga magulang nila ay nasa isang gilid lang. Ang in nila na emosyonal na pinapanood ang dalawa habang nakapaloob sa mga bisig ng asawa. Ang mga mata ay kababakasan ng kaginhawaan at hindi maampat na tuwa.

"Come here, Bliss."

Nagugulat na nilingon ko ang mommy ni Devyn. Nakalahad ang kamay niya, tila tinatawag ako. Alangan man ay marahan na lumapit ako sa kanila. Awtomatikong pumatong sa balikat ko ang braso ng ama ni Devyn na para bang isa akong miyembro ng pamilya nila.

Naguguluhang tiningnan ko silang dalawa. "You're my son's girlfriend. You are a family."

Umawang ang bibig ko. Hindi makapaniwala sa narinig. "Po?"

"Noong mga panahon na may problema kayo ng anak ko, palagi siyang nandito. Walang tulog at halos hindi na umalis rito," kuwento ng ginang na malugod kong pinakinggan. "Palagi niyang kausap si Donovan, nagsusumbong at nagsisisi sa mga kasalanang nagawa niya sa Kuya niya at sa'yo."

"Kaya maraming salamat dahil simula nang magkaayos kayo ay bumuti na rin siya sa wakas." Nhinitian ako ng ama ni Devyn, ngiting nagpapasalamat.

"Call me Tita Louise."

"Tito Carter."

Emosyonal na tingnan ko silang dalawa. Gusto ko man silang yakapin ay pinangungunahan ako ng hiya. "Salamat po ng sobra," mahinang sabi ko.

Ngumiti lang silang pareho at muling ibinaling ang tingin sa mga anak. Maging ako ay napatingin din sa dalawa. Si Devyn ay nakaupo na sa upuan sa tabi nito habang ang kuya naman nito ay mahinang nakahiga pa rin sa kama.

Tahimik na nag-uusap ang dalawa. Ang mga boses ay mahihina na parang sinasadya para silang dalawa lang ang magkarinigan. Ngunit sa pakiwari ko ay pareho na silang nagkakapatawaran. Mababakas sa mukha ni Devyn kung gaano niya pinagsisisihan ang kasalanang ginawa, na hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung ano.

Si Donovan naman ay kababakasan ng tuwa at pag-intindi para sa kapatid. Nakakatuwa silang pagmasdan. Mahahalata sa kanila na sobrang close talaga silang magkapatid. Mararamdaman mo rin sa bawat tingin na ibinibigay nila sa isa't isa ang pagmamahal na mayroon sila para sa bawat isa.

Lalo na sa parte ni Donovan para sa nakababatang kapatid. Na sa kabila ng bigat nang nangyari sa pagitan nila, na humantong pa para mapunta sa bingit ng kamatayan ang buhay ng isa, ay hindi naging kabawasan iyon upang magtanim ito ng galit para sa kapatid. Bagkus ay puno lang ng pag-intindi na tinitingnan lang niya si Devyn na para bang sinasabi na okay lang at wala itong dapat na ikahingi ng tawad.

"Bro, I understand what you feel. R-relief and r-regret," hirap na usal ng nakatatanda. "B-but y-your grip on my hand is t-too t-tight."

Mahinang napatawa kaming tatlo na nanonood sa kanila. At dahil sa ginawa naming 'yon ay napabaling sa direksyon naming ang dalawa. Bumakas ang rekognasyon sa mukha ni Donovan na siyang ipinagtaka ko.

"Y-you..."

"She's my girl," proud na sabi ni Devyn bago tinawid ang pagitan namin. Umakbay siya sa akin at dinala ako sa gilid ng kapatid.

"Y-you..." sabi nito na para bang hinahalukay sa utak niya kung saan niya ng aba ako nakita.

Naguguluhan ko siyang tiningna. Sa tanda ko ay ngayon ko lang siya nakita. Hindi siya parte ng memorya ko at hindi kami kailan man nagtapo ng landas. Kaya paanong tila nakikilala niya ako gayong hindi ko naman siya matandaan."

"What is is, bro?" nalilito na ring tanong ni Devyn.

Marahan na hinilot ni Donovan ang ulo ng ilang sandali bago tuluyang bumakas ang rekognasyon sa mukha niya, tuluyan nang naalala kung saan ako nakita.

"It was you!" he said with recognition and delight. Pointing his weak finger on me as if I was a memory from the back of his head that was buried and now breaking free.

But he was unrecognizable for me. Hindi ko mahalukay sa utak ko kung sino ba siya at kung anong koneksyon mayroon ako sa kaniya. Lahat ng tao sa loob ng kwarto na iyon ay nakatingin lang sa kaniya, pare-parehong naguguluhan sa kaniyang itinuran.

Ano bang koneksyon naming dalawa?

Continue Reading

You'll Also Like

17.7K 741 44
Matchmaker Series #3 | COMPLETED In Greek mythology, Eros is the god of love who married Psyche after Aphrodite gave them a hard time before they cou...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
60.6K 2.8K 53
What if sa isang iglap, maging asawa mo ang iniidolo mong writer? Pwede naman iyon hindi ba? Kahit reader ka lang, pwede kang maging kasintahan ng is...
19.4K 63 74
An epistolary au wherein Dave Ildefonso, a star player in Ateneo's basketball team, The Ateneo Blue Eagles, meets a unique Jace Kaela Rodriguez, the...