Pleasure For Hire (BoyXBoy)

By misterdisguise

47.3K 1K 104

(BOYXBOY) When his mother died, life's been too hard for Michael. He had to pay for the debts all by himself... More

DISCLAIMER
ANG SIMULA
CHAPTER I: Project Spot
CHAPTER II: Coffee Shop
CHAPTER III: Soon-To-Be Groom
CHAPTER IV: Harder
CHAPTER V: Henry
CHAPTER VI: Scandal
CHAPTER VII: Bonded by Blood
CHAPTER VIII: Nightmare
CHAPTER IX: What Is Your Intention?
CHAPTER X: Save Me from This Mess
CHAPTER XI: Teach Me Some Lesson
CHAPTER XII: Love is Painful
CHAPTER XIII: Everything Will Be Fine
CHAPTER XIV: Issue and Challenge
CHAPTER XV: The After Duty
CHAPTER XVI: Needs and Wants
CHAPTER XVIII: This Shall Pass
CHAPTER XIX: The Party
CHAPTER XX: Welcoming You

CHAPTER XVII: Do We Know Each Other?

1.2K 30 4
By misterdisguise


CHAPTER XVII: Do We Know Each Other?


          "Antok na antok ka 'ata?" tanong sa akin ni Arjay habang abala sa pagnguya sa pagkain niyang binili sa canteen.

Nag-unat-unat muna ako ng ulo at balikat bago siya sinagot. "Kulang lang sa tulog. Anong oras na rin kasi ako natapos sa shift ko kagabi," pagdadahilan ko. Ang totoo n'yan, hindi naman talaga 'yun ang dahilan. Isang gabi rin akong hindi pinatulog ng nangyari sa amin ni Sir Gomez. Ramdam ko pa rin ang mga kamay niyang lumalapat sa katawan ko.

"Sino kaya 'yung Samuel?" bulong ko nang maalala ko 'yung pangalang nabanggit ni Sir Gomez.

"May sinasabi ka ba?" nagtatakang tanong ni Arjay.

Napailing naman ako. "Wala, wala. Kumain ka lang d'yan," pagtanggi ko.

"Baka gusto mo," pag-aalok niya.

Ngumiti lang ako. "Hindi na. Kulang pa panigurado 'yan sa 'yo."

Sumimangot naman siya ng mukha. "Bahala ka. Minsan lang ako mag-alok ng pagkain."

Nandito kami sa usual naming pwesto sa campus kapag may bakanteng subject. Madalas kasing wala kaming professor sa ibang subject dahil na rin siguro mga part time ang mga kinuha nila para magturo.

"Siya nga pala. Napansin mo ba si Peter? Hindi ko pa siya nakikita ngayon, ah," tanong ko.

"Sabi niya, may kukunin lang daw siya sa gate. May pinapasuyo daw sa kanya 'yung isa naming kaklase sa Philosophy para sa finals," paliwanag ni Arjay habang patuloy pa rin sa pagnguya.

Malapit na nga pala ang final exam. Mahihirapan na naman akong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi ko rin pwedeng pakisuyuan si Jeff na kunin ang ibang shift ko dahil nakakahiyang abalahin din siya.

"Speaking of the devil, parating na si Peter. May bitbit pa 'atang alalay. Pero sino 'yang kasama niya?" ani Arjay habang tinatanaw si Peter na papalapit sa amin.

Pinagmasdan ko 'yong taong tinutukoy niya. Hindi ito nakasuot tulad ng sa uniporme namin. Sa isang iglap lang, parang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pamilyar ang mukha ng taong 'yun sa akin. Biglang bumalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari ilang taon na ang nakalilipas.

"Henry..." saad ko nang makalapit sila. Nakapako lang ang tingin ko sa kanya na marahil ay dala ng matinding pagkabigla.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Peter na may halong pagtataka.

Umiling ito tanda ng hindi pagsang-ayon. "Ahm, hindi, e. Baka nagkita lang kami before sa mga okasyon. Pero sorry, hindi kita maalala," pagtanggi nito.

Mapait lang akong napangiti sa kanyang turan. "Baka nga hindi mo ako natatandaan. Naalala ko lang 'yung pangalan niya kasi minsan na namin siyang naging customer sa coffee shop. Alam niyo naman, kailangan naming tandaan 'yung mga nagiging customer namin," pagpapaliwanag ko at saka bahagyang tumawa upang hindi nila mapansin.

Napatango na lang sina Arjay at Peter na tila kuntento na sa pagsisinungaling ko.

Ano bang dahilan para itanggi niya na magkakilala kami? Nakakatawa talagang naitanong ko pa ang bagay na 'yan sa sarili ko kahit halata naman ang sagot. Sa lahat siguro ng naging kasalanan ko sa kanya, tama lang na tanggalin na niya ako sa kanyang alaala.

"Bakit mo pala siya kasama?" pagtataka ni Arjay na sa wakas ay tapos na rin sa kanina pang kinakain.

"Nakasabay ko lang siya sa gate tapos nagpasama na sa akin kung saan ang room ni Sir Gomez," paliwanag nito.

Sir Gomez? Nagkaroon ako bigla ng mga tanong sa isipan kung sa anong dahilan at hinahanap niya si Sir Gomez.

"Pero... ano kasi... Anong kailangan mo kay Sir Gomez?" tanong ko.

Ngumiti si Henry sa akin na parang wala lang sa kanya. "Siya raw kasi ang kakausapin para sa acquaintance party na gaganapin dito sa school. Kami kasi ang assigned sa beverages. Ilang araw na lang kasi mag-start na ang party. Medyo hagol na rin kasi kami sa oras dahil delay ang approval ng proposal," paliwanag nito.

Naalala ko bigla na faculty president nga pala si Sir Gomez at siya rin ang may hawak sa Student Council kaya tiyak na dadaan sa kanya ang mga ganitong klaseng proposal.

Yumuko nang marahan si Arjay at saka tumingin sa paligid. "May mga hard drink ba kayo r'yan?" pabulong na tanong nito.

Ngumisi lang si Henry. "Sorry. We cannot offer that. Saka na siguro kapag legal na ang uminom ng alcohol sa campus," natatawa nitong sabi.

Napakamot na lang ng ulo si Arjay dahil sa nalaman. "Bawiin ko na lang 'yung binayad ko. Akala ko pa naman makakainom tayo. Alam mo, dapat pinapalitan na 'yung student council dito, e. Hindi naman tayo catholic school para magdasal sa party," pagtatampo ni Arjay.

"Siraulo ka rin talaga, e. Nakikita mong sa campus gaganapin 'yung party ta's gusto mong may alak? Eh 'di, nagrambulan 'yung mga estudyante rito. Paniguradong kasama ka pa sa makikipagbasag-ulo," pang-aasar ni Peter.

"Malay ko ba? Kaya nga nagtatanong, e. Saka nakita mo na ba akong uminom? Ha! Baka ihatid pa kita sa bahay niyo," pagmamalaki ni Arjay.

Napapailing na lang ako sa dalawang 'to. Kahit kailan talaga, kahit may ibang tao, hindi maiwasan ng mga ito na magbangayan.

"Oh sige. Mauna na siguro ako. Baka kasi umalis pa si Sir Gomez at hindi ko na maabutan," ani Henry na panay tingin sa dalawa maliban sa akin.

"Basta diretsuhin mo lang 'yang hallway ta's kumanan ka kaagad, unang pinto. Doon 'yung kwarto ni Sir Gomez," turan ni Peter.

"Maraming salamat sa inyo. Sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita," aniya at saka tumingin sa akin. Biglang nawala ang ngiti niya nang sandaling iyon. Napayuko na lang ako na marahil ay dahil sa hiya.

Umalis na siya matapos niyang magpaalam. Hindi pa rin tapos sa pag-aasaran ang dalawa. Patuloy lang sila sa pang-aalaska sa isa't-isa.

"Kahit walang alak, kapag may balak, hahanap ka talaga ng paraan para mangmanyak, no'?" ani Peter kay Arjay.

"Ganyan ba talaga tingin mo sa akin? Sa bait kong 'to? Sa totoo nga n'yan, active ako sa church. Akala nga nila, magpapari ako paglaki, e," ani Arjay.

Natawa na lang si Peter sa pinagsasabi ng kaibigan. "Sa mukhang 'yan, magpapari? Eh, mukha ka ngang kriminal. Kung orange lang 'tong damit natin, baka nadampot ka na," pang-aasar nito.

"Mukha ba akong kriminal, Michael? Mukha ba?" tanong niya at saka tinuon ang tingin sa akin. "Hoy! Seryoso mo 'ata!"

Naririnig ko silang nag-uusap pero hindi ko lubos na iniintindi. Occupied pa rin ang utak ko ni Henry. Kahit sabihing ilang taon na ang nakalilipas, may kaunti pa rin siyang puwang na natitira sa puso ko.

"Wala 'to. May iniisip lang ako," saad ko.

"Ano ka ba? Wala ng mas importante pa sa tanong ko sa 'yo. Mukha ba akong kriminal, ha?" tanong ni Arjay.

Tiningnan ko lang siya at binigyan ng dismayadong mukha.

"Ano'ng klaseng mukha 'yan, ha? Sinasabi ko sa inyo, ako 'yung pang-13 na Apostle. Galangin niyo na ako para maisama ko kayo kapag sumulat ako ng talambuhay ko," pagmamalaki pa niya.

Napakamot na lang ng ulo si Peter. "Alam mo, malala ka na. Kulang ka pa 'ata sa mga kinakain, e. Kulang tuloy sa sustansiya 'yang utak mo," natatawa nitong sabi.

Napatingin ako sa relong suot ko. Masyado na 'ata kaming nawiwili sa labas at hindi na namin namalayan na malapit na magsimula ang susunod na subject.

"Tama na 'yan. Bumalik na tayo. Baka ma-badshot na naman tayo kay Ma'am," saad ko.

"Ito kasi, e. Puro kalokohan ang kwinekwento. May papari-pari pang nalalaman. Eh, ang totoo naman no'ng nagkumpisal ka, overnight kayo ni Father," muling pang-aasar ni Peter.

"Alam niyo, kapag hindi pa kayo tumigil, iiwan ko na kayo rito," pagbabanta ko sa kanila.

Pareho namang nakasimangot ang mukha nila. Hindi na ako magtataka kung hindi sila makapag-asawa at mahanap na lang sa isa't-isa ang kaligayahan.

"Ito kasi, e. Mapang-asar ka rin talaga, e," inis na sabi ni Arjay.

Naiiling na lang talaga ako. Paano na kaya ang buhay college ko kung wala ang dalawang 'to? Malungkot siguro. Okay na rin 'to. Magulo pero masaya. Kahit kaunti, ang naaalala ko lang ay ang maging masaya kapag kasama sila.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...