Magique Fortress - Published...

By pixieblaire

2.8M 93.7K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... More

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 3 - New Friends

71.3K 2.2K 416
By pixieblaire

Chapter Three
New Friends

"WELCOME new students! Please gather up and make sure you have a light in front of you," bilin ng isang boses ng lalaki mula sa kawalan. Isa-isang nagsisulputan ang maliliit na puting ilaw sa harapan nang pabilog at palibot sa amin. We were already here inside the Prime Kingdom, and I would guess that there were around 30 people here with us.

Naghanap kami ni Yuan ng hindi pa naookupang ilaw at tumapat kami roon.

"Ngayon ay malalaman ninyo kung saang categories kayo nabibilang. Kung ano kayo noon sa Magique Fortress ay ganoon pa rin ang inyong uri magpahanggang ngayon. Kapag nagbago ang white light sa green, isa kang elemental being. Kapag nagbago naman ito sa kulay blue, isa kang guardian. Kapag naman nanatiling kulay puti ang ilaw, isa kang wizard."

Kinabahan ako sa sinabi ng boses. 'Eto na . . . this is the moment of truth. Dito ko na malalaman kung ano ang magiging kapalaran ko.

"Lights, release!"

Nakita kong isa-isang nagbabago ang kulay ng iba. Inabangan ko ang kay Yuan pati ang akin. Pabalik-balik ang tingin ko sa ilaw naming dalawa.

Nagsalitang muli ang boses. "Now, claim your being!"

Hindi nagbago ang kulay ng ilaw namin ni Yuan. Nagkatinginan kami. "Wizard tayo!" sabay pa naming turan habang bilog na bilog ang mga mata namin sa pagkamangha.

Ang mga ilaw ay agarang pumasok sa aming katawan. Pumasok at tumagos ito sa loob ko! Napahawak ako sa dibdib ko kung saan pumasok ang puting ilaw hanggang sa may bumagtas na mga linya sa pupulsuhan ko. May lumilinyang magical lines sa aming mga pupulsuhan.

NS—calligraphy ng letters na N at S ang nabuo sa pulso ko. Mayroon ding circle mark na lumitaw sa itaas ng mga letra kung saan nakapaloob ang lipon ng mga abstraktong imahe ng araw, bituin, kulay puting tutuldok, at ang maliit na wizard symbol. Gayundin ang kay Yuan.

"Mayroong tatlong level ang wizards, guardians, at elemental beings—Nix, Cryst, at ang pinakamataas na level ay Walt. Since new students pa lang kayo at hindi pa nate-train at natuturuan ng magic, you will be considered as apprentices or what we call Nix level categories. Kaya kung makikita ninyo, N ang umpisa ng mga letrang nasa ibaba ng bilog na simbolo," panimulang paliwanag ng boses.

"Ang sunod na letra naman ay nagsisilbing bloodline ninyo. Ito ay Soverthell o Gemlack. Soverthells are the white guardians and wizards. Kaya kung S ang kasunod na letra na nasa pupulsuhan ninyo, mayroon kayong simbolong tinatawag na White Hallmark. Ito iyong bilog na nasa itaas ng dalawang letra.

"On the other hand, Gemlacks are the black guardians and wizards. Ang tawag naman sa simbolo niyon ay Black Emblem. Sa Magique Fortress ay talagang nahahati ang dalawang grupo. Nakatira ang Soverthells sa Soverthell Domain at sila ang sumusuporta sa kaharian ng White Kingdom. Ang Gemlacks naman ay sa Gemlack Territory at sinusuportahan ang kahariang Black Realm."

Nagkaroon ng kaunting komosyon sa amin. Ano'ng ibig sabihin n'on? Magkaaway ang dalawang grupo?

"As for elemental beings, you only have one letter mark, which is N that stands for Nix level. You are not marked with the secondary letter because you are neither divided as Soverthells nor Gemlacks. Sa Magique Fortress, naninirahan kayo sa Elemental Line na matatagpuan sa ilalim ng dalawang kaharian. Kayo ang nagsisilbing suporta sa buong dimensiyon. Narito at ipakikita ko sa inyo ang mas malinaw na imahe ng ating mundo."

Sa gitna ng aming circle ay tila may hologram na lumitaw. Dito ay nasasaksihan namin kung ano ang itsura ng Magique Fortress at ang patikim na kasaysayan nito. Dahil doon ay unti-unti ko nang naintindihan kung ano ang dahilan ng mga pangyayari sa kasalukuyan at kung ano ang halaga naming mga naririto.

Wizards served as the supreme beings in the Fortress. Ibig sabihin pala, sila ang pinakamataas na uri.

Ang guardians naman, sila ang mga tagapagbantay sa wizards. Ang buhay rin nila ay nakadepende sa wizard na kanilang pinoprotektahan. Kapag nakapailalim sila sa Guardian Bind Contract at namatay ang mga pinaglilingkuran nila, maaari silang mawalan ng kapangyarihan o bigla na lamang maglaho. Dito makikita na ang pagiging guardian ng isang wizard ay isang mabigat na tungkulin. They should really prepare themselves for their destiny of being guardians dahil sila na ang tumatayong tagagabay ng mga wizard.

Sa kabilang banda naman ay ang elemental beings na nahahati sa apat na teritoryo: (1) ang Brown Hole (Earth Element) na pinamumunuan ng Land Oread na si Cyrus; (2) ang Crystal Falls (Water Element) headed by the Water Naiad na si Gwen; (3) ang Crimson Underground (Fire Element) na pinamamahalaan ng Fire Faerie na si Sefrie; at (4) ang Wingsen Tower (Wind Element) kung nasaan ang Air Nymph na si Pennelope. Sinusuportahan nila nang pantay ang parehong grupo at kaakibat sila sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong dimensiyon.

Natutuhan ko rin ang main purpose ng tatlong beings. Wizards were mainly for offense, guardians were for defense, and elemental beings were for support.

Natapos ang panonood namin at nagsalitang muli ang boses. "But since our dimension was devastated, napunta sa mortal world ang karamihan sa inyo. Ang malaking pagbabago pang nangyari, ang mga kapangyarihan ng elements ay naihalo na rin sa wizards at guardians. Kung dati'y mga hayop lang ang matatawag na elemental creatures, ngayon ay naisalin na ito sa katawang-tao na mas may abilidad para gamitin ito sa mabuti o masama. Ibig sabihin, mas lumakas ang puwersa ng bagong henerasyon. You are all now the new generation of the lost wizards, guardians, and elemental beings. Mas malakas at mas makapangyarihan. Ngunit para hindi ninyo ito mapabayaang magamit sa masama, we will all take care of you."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mas matatakot sa sinabi niya. Mas malakas at mas makapangyarihan. For me, too much of anything is equivalent to too much danger. That means, too much power is dangerous.

"Now, talking about powers, please remember that spells are for wizards, charms are for guardians, and elements are for elemental beings. Those are your center cores. Iyan ang inyong main weapons."

May lumabas na mga scroll sa harapan ng iba sa amin. "Elemental beings, show us your power. Hover your hands to your front, expose your palms, and release your elements."

Namangha ako nang isa-isang nagsilabasan ang kanilang mga elemento. There were water balls, ice crystals, whirlwinds, leaves, rocks, flames, and many more.

"Thank you, Nix beings. Now, here are your room numbers," pasasalamat ng boses habang unti-unti ay may mga lumutang na susi sa kanilang harap saka dahan-dahang lumapag sa kanilang mga palad. "Maaari na kayong umuwi at magpahinga. We're done for today. Your maps will lead you there."

Umalis na sila kaya't bahagya pa kaming nagtaka kung bakit kami pinaiwan.

"Wizards and guardians, it's time for you to unleash your bonus elements, too. Raise your palms in front and call your elements."

Sinunod ko ang tagubilin, pero walang lumabas na apoy sa aking kamay gaya ng aking inasahan.

Tiningnan ko si Yuan at mayroon nang paikot-ikot na hangin sa kamay niya. Wind element! Pareho kami, mayroon din akong gano'ng element kasi napalutang ko noon 'yong mga libro ko! Ilan ba ang ipakikita? Isa lang?

This time, nag-focus na ako saka lumabas ang fireball sa kamay ko.

"Wow, fierce! You're under Sefrie's element!" pagpuri ni Yuan.

"Excellent, students! You may now put your hands down," sabi ng boses.

I closed my palm, but the fire wouldn't just die. Naku po! Paano ba ito? Nakatatlong ulit na akong sara ng aking palad, pero nagmamabida pa rin ang apoy na tila nang-aasar pa. OMG! Mawala ka na, please!

"Try again, Tine. You can do it," pagpapalakas ng loob ni Yuan.

Sa pang-apat na beses kong isinara ito ay nawala rin ang mga alab. Hindi ko talaga alam ikontrol ang apoy. Ang hirap!

Agad na nawaksi ang pangamba ko sa sarili nang lumitaw na ang scroll maps at susi ng aming tutuluyan. Binanggit ng boses na magkakaroon din kami ng mga pet na ayon sa aming elemento. Tuwang-tuwa ako paglabas ng Prime Kingdom.

Nagkuwentuhan lang kami ni Yuan sa buong paglalakad at panay ang pagpuri namin sa kagandahan ng lugar. Nang mapagod ay naupo kami saglit sa isang garden park na aming nadaanan.

"Ang gagaling nila, 'no?" puri ko sa ilang estudyante na nagsasanay ng sword fights sa katapat na malaking field ng parkeng ito.

"Cryst level na siguro sila. Huwag kang mag-alala, darating din tayo r'yan," sabi ni Yuan at bago pa ako matulala sa kaniyang ngiti ay may bigla akong naalalang itanong.

"Posible kayang maging dalawa ang bonus element natin?"

"Tinanong ko na si Finn tungkol d'yan at ang sabi niya ay hindi 'yon posible. Akala ko kasi dati, may iba pa akong kakayahan maliban sa makapagpagalaw ng mga gamit. Sinubukan ko ang ibang bagay, pero 'di ko nagawa. Iyon pala, isa lang daw talaga."

Nanlaki ang mga mata ko. Eh, bakit sa akin, dalawa? Hala!

"Come on, I'll show you a shortcut." Hindi ko na namalayan na hinila niya ako bigla patungo sa nadaanan naming Broomstick Field kanina. Ngayon ay may mga nagsasanay na ring lumipad sa field na ito.

Kumuha siya ng isang broomstick kaya nataranta ako. "Hala! Sasakay tayo r'yan? Ayaw!"

Humalakhak siya. "Ay! Dali na, Tine."

"Hindi ka kaya marunong! 'Di pa nga tayo tinuturuan magganyan, eh!" Pakiramdam ko, sobrang namumutla na ang itsura ko, 'yong parang mukha ng nawalan ng dugo. Fear of heights pa more!

"Kahit walang broomstick, kaya kong lumipad. Remember? Iyon ang grant of wind element ko, the ability to fly and make things float. So you choose, walang broomstick o mayroon?"

Napapikit ako sa kaniyang choices habang siya nama'y malaki ang ngisi.

"Eh, sa'n ako sasakay 'pag walang broomstick?"

"Sa 'kin ka sasakay."

"S-Sasakay ako sa 'yo?!" Umiral yata bigla ang pagiging berde ng utak ko. Sh*t!

Humalakhak na nang tuluyan si Yuan. "Sorry, mali yata ako ng term."

Napapikit ako sa hiya. Pakiramdam ko tuloy, ang pula-pula na ng mukha ko. Nakakahiya kaya maging green sa harap ng isang guwapo!

"Ikaw, ah? Now I know how you think," ngisi niya saka ginulo ang buhok ko. Sumakay na rin siya sa broomstick. "Hop in! Don't worry. I won't let you fall."

Dahan-dahan ay umupo na rin ako. Nag-alangan pa ako kung yayakap ba ako sa kaniya, pero huli na ang pagdadalawang-isip ko nang hawakan niya ang dalawa kong pupulsuhan at iniyakap sa kaniya. Mula sa gilid ng kaniyang mukha ay nakita kong ngumiti ang loko.

This guy! Mukhang makahihiligan na ako nitong asar-asarin, ah?

Makailang saglit ay kumaripas na ng lipad ang walang-hiyang broomstick na ito. Nanigas na ako sa pagkakayakap sa kaniya at talagang nakapikit lang ako habang nararamdaman kong nasa himpapawid kami. Hindi ako tumitingin sa ibaba. Ano ako, sira? Ayaw ko nga!

"Tingin ka sa ibaba, Tine! Maganda, dali!"

"Ayoko! Ikaw na lang!"

Pilit pa rin siya nang pilit, pero tanggi ako nang tanggi. Iminulat ko lang ang mga mata ko nang maramdamang tumigil kami sa paglipad. Pero hindi pa rin ako tumitingin sa ibaba.

"Ayaw mong tumingin, ah? Pwes . . ." Gumalaw ang broomstick na nakatutok paibaba.

Jusko po!

"Ay! Pekp*k ng uwak! 'Wag! 'Wag mong itutuloy, Yuan! Wala tayo sa roller coaster kaya 'wag! Yuan, please, 'wag!" Sinisigawan ko na siya, pero humagalpak lang siya ng tawa.

"That's the point. Ayaw mong tumingin sa ibaba at wala tayo sa roller coaster kaya we'll pretend we're on one. Ready or not, here we—"

Hindi ko na narinig ang come nang bigla na kaming lumipad pabagsak mula sa mga ulap. At itong loko-lokong si Yuan, pinaikot-ikot pa ang broomstick!

"Open your eyes now. Hindi ka na matatakot."

Hindi na gaanong mabilis ang takbo kaya nang maimulat ko ang mga mata ko ay namangha ako sa aking nakita. Para akong nasa paraiso. Mula rito sa itaas ay kitang-kita namin ang magandang tanawing napaliligiran ng fog.

"Ano kaya iyon, 'no?" turo niya sa isang animo'y field dito sa alapaap. Para itong isang floating Broomstick Field. Mas maganda rin ito kumpara roon sa nasa ibaba. The rock formations were shining bright like diamonds. Everything was just amazing.

"Baka tulad 'to n'ong Broomstick Field? Nagsasanay rin siguro rito ang mga may taglay ng wind element."

"Nakaka-excite! Gustong-gusto ko 'yang sinabi mo," magiliw na sambit ni Yuan. He looked so excited about the idea of a flying class which was a big NO for me.

Laking pasasalamat ko nang makarating na kami sa aming dormitories.

"What a ride!" natutuwa niya pang sabi.

I sighed. "Ikaw lang nag-enjoy, eh! Nag-enjoy mang-asar," sabay simangot ko nang pabiro.

He chuckled. "I know you enjoyed it, too. 'Yong mga tingin mo pa lang sa tanawin kanina, eh." Ngumuso na lang ako sa kaniya bilang tugon cause somehow, I couldn't deny that he was right.

"Pasok ka na. See you again, Tine." Ginawaran niya ako ng magaang ngiti. Kung ganito ba namang ngiti ang masisilayan ko araw-araw, gaganahan akong mag-aral palagi.

Hoy, ang harot mo, Tine!

Pumasok na ako sa girls' dormitory. Sinalubong ako ng magandang batang babaeng naka-yellow dress. Mahaba ang buhok niya na may curls ang dulo. Napahawak tuloy ako sa buhok kong hindi kahabaan.

"Welcome, Princess Cristine," naniningkit niyang pagbati. "You can call me Miss Arlette."

"Ay, hindi po ako princess, wizard daw po."

"We call all girls here princess, Princess Tine," magiliw niyang paliwanag.

"Ah, gano'n po pala. Sorry po." Natawa ako sa isip ko. Medyo pahiya!

"It's okay. May I take you to your dorm now?"

Tumango ako at ngumiti. Iniabot ko rin sa kaniya ang aking dorm keys.

Room D-Four. Letter D na nangangahulugang 4th floor. Ayon kay Miss Arlette, hanggang letter Z ang gusali at matayog itong nagtataglay ng 26 floors na may limang room sa bawat palapag.

Iginiya niya na ako papasok sa isang elevator na akala ko ay normal sa umpisa ngunit nang pindutin niya ang letter D button ay nabigla na lamang ako nang mapansing unti-unti kaming naglalaho. Akala ko pa nga noong una ay nagiging multo si Miss Arlette ngunit maging ako ay nagiging transparent na rin pala ang katawan. Natawa ako sa sarili kong pagkabano sa nangyayari. So teleport-vator pala ito. Ang galing! Astig!

Natunton ko na rin ang aming kuwarto at gaya ng ibinilin ni Miss Arlette, kailangan ko lang daw itapat ang kamay ko sa pinto para kusa akong mapagbuksan. Daig pa nito mga hotel sa mundo ng mga tao.

Pagpasok ko ng kuwarto ay hindi ko inaasahang may sasalubong sa akin na dalawang babae na tila mas excited pa yata sa akin.

"Hello, new roommate! Ano'ng pangalan mo? Ano'ng powers mo? Ako nga pala si Ellie!"

"Ako naman si Sage. Halika, dali!"

Natuwa ako sa malugod nilang pagtanggap sa akin. Si Ellie ay nakatirintas patagilid ang kulay brown na buhok na hanggang dibdib ang haba, maamo ang malamlam na mga mata, at mukhang masiyahin. Si Sage naman ay nakasalamin, mahaba ang pinong itim at tuwid na buhok, bahagyang singkit ang mga mata, sobrang puti ng kutis, at kabaligtaran ni Ellie dahil tila mukhang tahimik. Sa kaniyang itsura ay mukha siyang matalino at mahilig mag-aral. They both seem nice . . . hopefully. 

The new adventure had begun! And this time, I knew and was sure, hindi ako nag-iisa.

Continue Reading

You'll Also Like

159K 8.1K 34
COMPLETED | UNDER MAJOR-MAJOR REVISION The most powerful creature and heiress to Utopia's throne, Green Lemon's existence, threatens the whole Therra...
2.5M 89.8K 60
Collab with Makiwander Meet Davide Castillejo, a ruthless businessman who will do anything to be the CEO of the family corporation, including marryin...
518K 19.1K 55
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 Mint Academy Series #2 Have you ever tried to kill someone? have you o...
641K 31.1K 78
Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the arctic southern region with her family...