CBS#3: Babysitting Dakota

By ImperfectPiece

60K 1.7K 325

Clingy Boys Series#3: Babysitting Dakota Sasha needs money. ASAP. Kaya kahit na maging katulong siya sa kabil... More

Babysitting Dakota
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 12

1.3K 80 26
By ImperfectPiece


BABYSITTING DAKOTA
CHAPTER - 12
Surprised.


Napatulala na lang si Asha.

There she is, standing like a dumb tree trunk in front of her family's house.

Baka nga ay tubuan na lang siya ng dahon at ugat doon kung wala pa siyang balak na katukin ang pinto nila. Panigurado ay magtatatalak ang nanay niya kapag nalaman nitong nauwi siya ng walang pasabi.

Akmang itataas niya na ang kamay para katukin ang pinto ng biglang bumukas ito. Kaagad napaatras si Asha ng makita ang kanyang nanay na siya ring gulat ng makita siya nito.

"Jusko, maryosep naman!" Palatak ng kanyang nanay.

"Ma..." Kaagad niyang inabot ang kamay nito para magmano, binitbit niya na rin ang kanyang maleta para makapasok ng bahay.

Hindi pa siya nakakaupo ay ito na't paparating na sunod-sunod agad ang mga tanong ng kayang nanay.

"Anong nangyari sayong bata ka at nandiyan ka sa harap ng pinto? Bakit hindi ka kumatok? Bakit di ka nagpasabi uuwi ka pala ngayon? Mukha kang bumyahe mula sa kabilang kalawakan diyan sa itsura mo. Ayos ka lang ba?" Bigla ay bumadha ang pagaalala sa mata ng ina.

"Ma—"

Nanlaki bigla ang mga mata ng kanyang ina habang nakatitig ito sa kanya. "Aruy jusko!" Dinuro siya nito na para bang may malaki siyang kasalanan. "Buntis ka ano?!"

Nalukot naman ang mukha ni Asha. Lupaypay siyang naupo sa sofa nilang kahoy at napangiwi ng marinig niya ang maingay nitong alingitngit. "Ni wala nga akong boypren inay, paano naman ako mabubuntis. Isa pa bakit hindi niyo pa itinatapon ito? Napakaluma na umaaray na kapag inuupuan oh."

Napabuntong hininga ang kanyang ina bago ito nagpunta ng mesa at naghanda ng baso para timplahan siya ng kape. "Alam mo namang wala tayong pambili, isa pa nagkakasya lang ang padala mo sa baon ng kapatid mo at pangangailangan dito sa bahay. Hindi ko pa kayang itapon yan dahil napapakinabangan pa naman natin."

Bigla ay parang pinagsisisihan niyang umuwi siya sa kanilang bahay. Wala na siyang trabaho. Saan na siya pupulutin ngayon? Lalo pa't hindi din sapat ang kinikita ng nanay niya sa pagiging harvester ng kalamansi sa katabing lupa nila. Ang kapatid niya naman, isang senior highschool pa lamang at hindi pa kayang magtrabaho.

Iniabot ng kanyang ina ang tinimpla nitong kape kay Asha at pagkatapos ay umupo din ito sa kaharap niyang upuan. Humigop ng dalawang beses ng kape si Asha pagkatapos ay nakita niya ang seryosong mukha ng kanyang ina. Alam niya, sa pagkakataong ito ay hindi niya na matatakasan ang tanong nito.

"Bakit ka napauwi, Asha?"

Ang totoo niyan, hindi sa ayaw ng kanilang ina na makita siya. Ayaw talaga nitong nasa bukirin silang dalawang magkapatid kung kaya't nung nagaaral pa siya ay pinursigi nitong sa universidad sa sentral siya makapasok, maging ang kapatid niya, ang hiling nito ay makapagaral din sa magandang skwelahan. Ang rason nito ay, ayaw daw nitong matulad silang magkapatid sa kanya. Walang pinagaralan, at nabuntis pa ng maaga at tatanda na lang sa bukirin.

Ngunit kahit ganoon man ang kanyang ina, hinding-hindi nito mapapalitan ang katumbas ng kahit na anong ginto. Mahal niya ang ina at kailanman ay hindi niya ito ikinahiya.

"Wala na 'ho akong trabaho nay." Napabuntong hininga siya pagkatapos iyon sabihin.

Nangunot naman ang noo ng kanyang ina. "Oh, eh bakit parang binagsak sayo ang langit at lupa? Natanggal ka lang pala sa trabaho."

Kung alam lang nito ang nangyari sa kanya doon, baka sugurin nito ang amo niya. Alam niya rin sa sarili na hindi lang basta trabaho ang kanyang pinanghihinayangan kung kaya't katulad nga ng sabi ng Inay niya, para ngang talaga na ibinagsak sa kanya ang langit at lupa. Literal.

"Nay, nawalan na ako ng trabaho. Wala na akong pera para makapagpadala." Kaagad niya namang kinapkap ang bag niya sa parte kung saan niya isisuksok ang kanyang wallet. "Pero wala naman po tayong dapat ikabahala sa ngayon, may naipon pa naman ako at—Aray ko po!"

Sapo-sapo niya ang ulo dahil sa malakas na batok ng kanyang ina sa ulo, pasipat niyang tinignan ang kanyang ina. Nakatayo ito sa harapan niya na nakataas ang kilay at nakapaninghawak.

"Anong tingin mo sa akin? Lumpo?" Umiling-iling ang ina niya pagkatapos ay nawala na ito sa kung saang parte ng kanilang bahay.

Napangiti si Asha. Tigasin talaga ang nanay niya, kahit saang patayan pa ay ipaglalaban talaga sila nito. Alam niyang alam ng kanyang ina ang kanyang nararamdaman. Nakakahalata itong, malungkot siya sa pagkakatanggal sa trabaho pero gayon pa man makita niya lamang ito ngayon ay gumaan din ang kanyang loob. Nakakamiss nga naman bumalik sa bahay na kinakalakihan niya. Taon na din ang tinagal bago siya nakauwi.


Dumating ang hapon at naiayos na din ni Asha ang kanyang mga damit sa dati niyang kwarto. Sinamahan at tinulungan niya rin ang ina sa paghaharvest ng kalamansi dahil wala naman siyang kasama sa bahay. Gabi pa ang uwi ng kanyang kapatid galing skwela at malamang ay magugulat ito kapag nakita siya mamaya.

"Aba'y kaganda talaga ng anak mo, Glenda!" Puri ng kasamahan ng kanyang ina habang naghaharvest.

"Kanino pa ba magmamana ang anak, hindi ba?" Humalakhak pa ang nanay niya.

Napailing na lang siya sa kalokohan ng ina. Madalas talaga silang ibida nito sa mga kakilala simula pa noong bata pa siya.

"Irereto ko nga iyan sa anak kong si Renato!" Sigaw naman ni Manong Randy, kasamahan ng ina niya na akala mo'y mayroong career sa pagiging kumidyante sa sobrang kwela.

Binato naman ito ng kanyang Ina ng kalamansi. "Hoy, tigilan mo ang anak ko 'no!"

Nagtawanan ang lahat maging si Asha pagkatapos ay binilisan niya na din ang magpitas. Madalapit na din gumabi, kailangan pa nilang ipakilo ang mga naipitas bago umuwi.

Nang makita ng Ina niyang mukhang didilim na ay kaagad na nitong ipinabuhat ang mga naipitas nila sa mga kasamahan para maipakilo na ngunit natigil siya ng biglang bulungan siya ng Ina.

"Anak, pwede bang ikaw na ang magpakilo niyan doon. Sumama ka na lang sa kanila at idadaan ka na din ng service pauwi dahil madilim na. Mauuna na ako at pauwi na ang kapatid mo, sabay-sabay tayo kumain paguwi mo."

Ngumiti at nagmano siya sa ina bago ito umalis. Sumama siya sa mga kasamahan para makita ang timbang ng naipitas nila sa araw na ito. Ilang minuto lang din naman ang itinagal ay agad na din naman silang inihatid isa-isa. Gabi na din at madilim na ang langit, naeexcite tuloy siyang umuwi. Tiyak ay magugulat ang kapatid niya.

Si Asha ng huling inihatid kung kaya't inabot na siya ng kalahating oras bago makarating ng bahay. Pagkababa niya ay agad siyang nagpasalamat sa driver.

Madungis na siya at kailangan niya ng maligo. Makati ang taniman kung kayat panay ang kamot niya sa balat habang naglalakad papunta sa kanilang bahay.

Sampung hakbang o higit ng marinig niya ang malakas na boses ng kanyang kapatid na lalake sa loob ng bahay, nakasilip ito sa bintana at kumakaway sa kanya.

"Ate! Ate!" Malaki ang ngiti nito at nagmamadaling lumabas para salubungin siya.

Dinipa ni Asha ang dalawang braso para yakapin ito na siya ring ganti ng kapatid niya.

"Ate nakauwi ka na! Nasan na pasalubong ko?"

"Ang tangkad mo na ha! Mukhang humahakot ka ng chiks ha!" Ginulo niya ang buhok nito.

Kinulit pa siya nito ng ilang sandali habang nasa labas sila ng makita niya ang pagtataka sa mukha ng kanyang kapatid.

"Eh ate, sino yung kasama mo?"
Tanong nito na ikinataka niya.

"Sinong—"

Hindi na naituloy ni Asha ang sasabihin ng mapunta ang kanyang tingin sa pinto ng kanilang bahay.

Theres a man, standing with his hands inside of his pocket. Dressed with a white long sleeve shirt, partnered with black pant suit and an elegant pair of black leather shoes.

Ano ang ginagawa dito ni Dakota?



***

ImperfectPiece

And again, im back! ♥️

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 147K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
24.4M 713K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
1M 29.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...