Chasing the Sun (College Seri...

By inksteady

45.2M 1.7M 1.9M

PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Sav... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Note
CTS Book
CTS REPRINT

Chapter 29

924K 36K 40.9K
By inksteady

"Bakit mo naman ako gustong yayain, Duke?"

He looked away. "Para i-congratulate ka sa grand opening ng shop mo."

"Paano mo pala nalaman?"

"Uh... kanina ko lang nalaman kay Bethany."

I nodded before pursing my lips. It sounded... okay. Isa pa, maganda ang gabi.

"Okay."

Kahit siya ang nagyaya ay nabasa ko pa rin ang gulat sa mata niya sa pagpayag ko. Kita ko kung paanong kagatin niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagngiti.

Iniabot niya sa akin ang ticket at bahagyang kumunot ang noo ko nang makitang dalawang araw na ang nakalipas nang bilhin niya ito. Bukas ang expiration ng ticket.

Akala ko ba kanina niya lang nalaman?

Mukhang nakita niya ang pagtataka sa mukha ko kaya binawi niya ang ticket sa kamay ko. Matapos iyon ay matuling niyang pinatakbo ang sasakyan.

Pumasok kami sa mall at napansin ko agad na kakaunti lang ang sasakyan na nakaparada roon. Ibinigay ni Duke ang ticket sa isang lalaki kaya nakapag-proceed kami agad.

"May chips d'yan sa likod," he said.

Pinanliitan ko siya ng mata. Did he plan this?

"Ano... natira kanina, nag-merienda kasi kami sa site."

I sighed. "Nag-uuwi ka pala ng natirang snacks?"

He gulped but he ignored my statement. Humanga na lang ako nang malamang convertible pala ang sasakyan niya kaya bumukhas ang bubong nito. Agad na sumalubong sa mukha ko ang malamig na hangin.

I opened my arms and felt the cold breeze. Ipinikit ko pa ang mga mata ko. This was serene!

Nagmulat lang ako ng mata nang makitang nagsisimula na ang palabas. Umayos ako ng upo at kinuha ang isang beer sa plastic. Napatingin ako kay Duke para sana bigyan siya ng isang bote ngunit nakita kong nasa akin ang mga mata niya.

Nag-iwas din siya ng tingin sa akin. Hindi ko na rin naman pinansin at itinutok ko na lang ang mata sa pinapanood. Parehas kaming may hawak na beer at pakiramdam ko ay hindi sapat ang binili ko.

I suddenly recalled something he said during our dinner.

"Duke."

His attentive eyes were directed at me. "Hmm?"

"May pamilya na si Kuya Sean?"

Inilagay ko ang bote sa plastic at muling kumuha ng isa. Tumingin ako sa kanya ulit. Sa tagal ng 'di ko pakikibalita, ni hindi nahagip ng isipan ko na pwede nga palang magkaroon ng pamilya si Kuya Sean.

He nodded. "Ikinasal sila ni Mitzie, apat na taon na ang nakakalipas."

It was now my turn to be shocked. "What?!"

Nanatili ang tingin niya sa akin. Walang reaksyon ang mukha pero nanonood naman sa ekspresyon ko! Ang hawak kong bote ay muntik ko pang mabitawan!

"I mean, paano ka?"

His forehead creased. Ni hindi na kami nanonood!

"Anong paano ako?"

Pinandilatan ko siya ng mata. "I thought you were together? Hindi ba't may anak kayo?"

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo niya. "Hindi ko anak 'yon, Solene. Gregory is almost 7 now at noong mga panahong ipinagbubuntis ni Mitzie 'yon ay ikaw ang girlfriend ko."

I slowly nodded. "Okay..."

Sa isip ko ay gusto ko nang sapakin ang sarili ko. Alam niya na ngayon na nakibalita ako!

"Did you honestly think I cheated on you?"

"Yes," I answered honestly. "Sa nangyari noon, tingin mo ba ay hindi ko iisipin 'yon?"

Magsasalita na sana siya nang putulin ko ang sasabihin niya.

"Manood na lang tayo."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ngunit hindi siya nagsalita. Ipinagpasalamat ko na lang din ang pananahimik niya dahil baka may masabi pa akong hindi maganda. I appreciated his efforts to mend fences between us, but I had to stand firm. I couldn't let myself fall.

The night was peaceful and quiet. Walang nagsasalita sa amin at nakatutok lang ang atensyon naming dalawa sa pinanonood. Sometimes, we would laugh... and it was nostalgic. Naubos na ang iniinom namin pero hindi na kami ulit bumili. I wasn't sure what was bothering him because he kept staring at me, but after that, he would sigh and look away.

My day ended with a simple "Thank you, Duke."

Kinabukasan ay gano'n pa rin. Nauna pang pumasok si Roswell sa akin na nakita pala ang nangyari kahapon kaya nang-aasar.

"Ang gwapo lalo ngayon ni Duke, ah?"

I rolled my eyes. "Tigilan mo ako. 'Di pa kita napapatawad sa pagkakalat mo kuno ng nudes ko."

She laughed. "Immature pa ako no'n!"

"As if."

Muli siyang tumawa. Inayos ko ang mga cake sa counter maging ang cookies dahil wala akong magawa. Maya-maya pa magbubukas ang shop.

Sumali si Roswell sa pag-aayos ng pastries bago naiiling na tumingin sa akin.

"Girlfriend niya iyong kasama kahapon?"

"Kaibigan daw." I shrugged.

"Kaibigan pero nag-da-date? Delikado iyan, ha? Parang kayo lang noon."

Binato ko siya ng basahan. "Gago."

Alas-otso hanggang alas sais ang regular na bukas ng shop namin. May mangilan-ngilan nang umorder pero wala namang nag-stay sa shop; talagang bumili lang.

Bumukhas ang pinto ng shop at napabaling doon si Roswell.

"Speaking."

She grinned at me. Nag-angat ako ng tingin at nakitang naglalakad patungo sa counter si Duke. He was wearing a navy blue short-sleeve polo and black slacks. Maayos ang itsura at halatang bagong paligo.

I cleared my throat as his manly scent reached my nose.

"Good morning," I greeted him with a slight smile.

Tumitig siya sa akin bago ibinaba ang tingin sa pastries. "Good morning, Sol."

Dahil nasabi niya naman kagabi ang order niya, hindi ko na siya itinanong. Kumuha na ako ng cheesecake at iniabot iyon sa kanya. Mabilis niya naman ding binayaran iyon.

"Uh... may order ka pa ba?" tanong ko dahil hindi pa rin siya umaalis sa tapat ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Roswell, marahil ay nakikinig sa amin. Hindi ko siya masamaan ng tingin dahil na kay Duke ang atensyon ko.

"Can I have your number?"

My heart skipped a beat in surprise. Roswell pretended to cough, but I was too nervous to say anything!

Lumikot ang mata ni Duke nang mapansin ang reaksyon ko. "Para kapag oorder kami... sa trabaho, uhh, kung ayos lang naman, Sol."

I let out a heavy sigh. "Ito ang business card namin. You can contact us here."

Tumango siya bago inabot ang card sa kamay ko. He slid it in his pocket before looking back at me. Muling tumalon ang puso ko sa pagtatama ng mata namin.

"Nag-de-deliver ba kayo?"

I nodded.

"Ikaw ba ang nagdedeliver?"

Napaubo ako sa tanong niya. Maging si Roswell ay nakita kong natigilan sa pagpupunas ng mesa. Ngayon ay talagang walanghiya na niyang pinanonood kami.

"M-minsan, Duke. Depende sa availability," I managed to say.

Medyo kumunot ang noo niya bago tumango. Kinuha niya ang order na cheesecake bago nagpasalamat at umalis ng shop.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makitang umalis ang sasakyan niya.

"Talande," parinig sa akin ni Roswell.

Sininghalan ko siya at nagpatuloy na lang sa trabaho. Kagaya kahapon, medyo marami rin kaming customer dahil bago pa lang. Nagbasa ako ng feedbacks at hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil nagustuhan nila ang lugar.

Inaya ako uli ni Atreus na magdinner para makabawi sa nangyari kagabi. I kindly declined because I knew he was still busy. Marami ang pasyente kaya mas kailangan siya roon.

Tuwing tumutunog ang pinto ay napapalingon ako at kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan. Panay tuloy ang pang-aasar sa akin ni Roswell at kung hindi ko lang siya mapagkakatiwalaan, tinanggal ko na talaga siya sa trabaho.

Natapos ang araw na hindi naman tumawag si Duke tungkol sa delivery.

Not that... I was waiting for it.

Lumipas ang mga linggo na malakas ang kita ng shop. Madalas kaming sold out kaya naging busy rin ako sa pag-ba-bake . Naisip ko nang mag-hire ng makakasama ko dahil ang hirap maging hands-on.

Bumibisita rin madalas si Bethany. Nagpapa-deliver pa siya sa law firm nila halos araw-araw. Nakakatuwa dahil ang mga positive feedback nila ay lalong nagparami sa customer ko.

Kadalasan lang talagang problema ay si Roswell. Laging may nakakaaway na customer! Pag tinatanong ko naman siya, naiintindihan ko ang punto niya kaya hinayaan ko na. We had the same personality. Sinasabi niya talaga kapag sala na sa hulog ang tao.

"Boring ni Duke. Kinuha pa ang business card, hindi naman pala babalik."

Umupo ako habang hinihintay siyang matapos para maisarado na namin ang shop. Ang ibang employees ay pinauna ko na nang uwi dahil hindi naman sobrang hectic ngayon.

"Baka hindi nagustuhan ang cheesecake mo?" pang-aasar pa ni Roswell.

Umirap ako. "Mas kapani-paniwalang busy siya, Well."

Nang maisara ang shop ay pumunta na ako sa kotse ko. Pinatunog ko ito nang makita ang paparating na sasakyan.

BMW.

I gulped as it stopped beside my car. Hindi ako nagkamali nang bumaba si Duke doon. Sumulyap siya sa shop bago ibaling ang tingin sa akin. His white shirt was tight around his body, emphasizing his well-toned physique.

"Sarado na," tanging nasabi ko.

Mahina siyang tumango. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko bago nag-iwas ng tingin at binasa ang pang-ibabang labi. My heart pounded in my chest at the sight of him.

"Uuwi na ako..."

Napabaling siya sa akin. Mukha siyang kinakabahan habang nakatingin sa akin.

"Nagdinner ka na ba?" he asked in a low voice.

I gasped silently. "Ayos lang ako, Duke."

Dahan-dahan ulit siyang tumango. Hindi ko naman malaman kung anong dapat kong gawin. Aalis na ba ako?

He cleared his throat. "May project ako sa Batangas."

"Huh?"

He looked away. "K-kaya ano... hindi ako nakapunta ulit... Solene."

I bit my lower lip. This was so awkward! "Ayos lang naman, Duke."

He sighed heavily. Ako naman ay naglakad na patungo sa kotse ko at binuksan iyon. Nilagay ko roon ang bag ko at muling humarap sa kanya na pinapanood ang galaw ko.

"Uuna na ako."

Nang tumango siya ay nagmadali na akong umalis. Mabuti na rin at heavy tinted ang sasakyan ko dahil ayokong makita niyang kinakabahan ako.

Nang makauwi ay nag-ring ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Atreus. Inilibing ko agad ang kabang naramdaman ko para kay Duke at sinagot ang tawag.

"Doc," I greeted him.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. "Dinner tayo."

"Nasa condo na ako."

He grunted. "Please? Kahit d'yan na lang sa mall malapit sa condo mo."

Natatawa akong pumayag na sa kanya. Tutal ay tinatamad din naman akong magluto. Nagpalit ako ng pajama dahil malapit lang naman. Isa pa, si Atreus lang naman ang kasama ko at sanay na iyon sa akin.

Bumaba ako nang mabasa ang text niya na nasa baba na siya. Nakangiti agad siya sa akin kahit nginusuan ko siya.

Atreus had soft features. Clean cut ang buhok, malinis ang kuko, malamlam ang mga mata at laging malinis. He was also as fair as me. Wala ring mababasang yabang sa tindig niya. He looked really kind and soft-hearted... well, he is.

"Patulog na?"

I chuckled. "Oo, napilitan lang ako. Kulit mo, eh."

Ginulo niya ang buhok ko at inakbayan habang naglalakad kami patungo sa mall. Paminsan-minsan pa ay kinikiliti niya ako kaya ilang beses ko ring nasapak ang tiyan niya. Tatawa lang siya kaya natatawa rin ako.

"Ano ba iyan, doctor, pero ang hilig sa fastfood," pang-aasar ko sa kanya.

"Secret lang 'yon."

Tinawanan ko lang siya. Kumain kami at nagkwentuhan. It was normal and comfortable. Walang kaba at takot pag siya ang kasama ko. Talagang komportable ako sa kanya. Ikinukwento niya sa akin ang pasyente niyang batang babae na may crush daw sa kanya kaya hindi siya nahihirapang turukan ito.

"Iyong concert ha," paalala niya sa akin.

Umirap ako sa kanya. "Ayoko, busy ako."

He glared at me before pinching my cheeks tightly. Hinampas ko lang ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

Naglakad ulit kami pabalik sa condo ko dahil doon din naman naka-park ang kotse niya. Sa Sabado ang concert, dalawang araw mula ngayon. Inihatid ko siya hanggang sa sasakyan niya at ang loko ay humalik pa sa pisngi ko bago umalis. Again, it was not something new. Komportable talaga kami sa isa't isa.

Papasok na sana ulit ako sa building nang matanaw ko si Duke na nakasandal sa kotse niya at may dalang paper bag. Iyon pa rin ang suot at bahagyang magulo ang buhok.

Nag-angat siya ng tingin at nahuli niya agad ang mata ko. Tumalon ang puso ko roon ngunit wala manlang gulat sa mga mata niya. Lalo akong kinabahan nang maglakad siya palapit sa akin. His face was serious and dark. Kahit madilim na ay kita ko ang titig niya sa akin.

"Napadaan ka..." I whispered. Parang bigla akong nawalan ng hangin.

"Pumunta talaga ako rito dahil sa 'yo."

Para na akong hihimatayin sa kaba dahil sa sinabi niya. Still, I managed to keep my face straight.

"Bakit?"

His brows were now furrowed. "Iaabot ko lang 'to."

Iniabot niya sa akin ang paper bag na hawak niya at hindi ko naman iyon agad tinanggap. Ni hindi ko ito sinulyapan.

"Bakit?" ulit ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "It's chicken curry... niluto ko."

I sighed and stared at him. "Duke, why are you doing this?"

"I just..." He sighed. "Want to cook for you," dagdag niya sa mas mahinang boses.

"Bethany likes this, too, right? Bakit hindi mo sa kanya ibigay?"

Umiling siya. "I didn't cook that for her, Sol. I cook that for you... for your dinner."

"Stop whatever you're doing, Duke," I said frankly.

Ibinaba niya ang hawak na paper bag at ngumiti na lang sa akin. It was a faint and sad smile.

"Pero okay lang, nag dinner ka naman na." Tumango-tango pa siya na parang kinukumbinsi ang sarili. "Sorry for bothering you, Solene. Sige, ano... uuna na ako."

Nagpaalam siya sa akin at hanggang sa mawala siya sa tingin ko ay naiwan lang akong nakatanga roon... feeling a little guilty and confused. 

Continue Reading

You'll Also Like

42.9M 1.5M 48
UNIVERSITY SERIES #6 Past experiences. Broken hearts. Present tragedy. Those are the things Kierra Ynares from UST Architecture and Shan Lopez from D...
29.1K 63 2
Life was never been easy for Anaya Grenice Soriano, at a young age, her life turned upside down when her parents died, the happiness she's been feeli...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...