Chasing the Sun (College Seri...

inksteady द्वारा

46.3M 1.7M 1.9M

PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Sav... अधिक

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Note
CTS Book
CTS REPRINT

Chapter 21

1.1M 46.6K 128K
inksteady द्वारा

Trigger Warning: Suicide Attempt

Umiyak ako nang mag-isa sa rooftop nila. No one was there to comfort me. Kahit ang nag-iisang taong inaasahan ko na yayakap sa akin ay tumakbo palayo para sa iba.

I hated the fact that people always saw me as a strong woman who didn't need anything. Nasanay sila na okay lang ang lahat sa akin kaya ngayon, iniisip nila na ayos lang din, na kaya ko...

Siguro kung ako iyong nabastos sa bar, ako iyong mambubugbog sa lalaki kaya hindi sila mag-aalala. Siguro kung kasing hina ako ni Mitzie, may magpapakalma rin sa akin. May mananatili rin sa tabi ko.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko.

I was so tired of being my own savior.

Umuwi ako sa bahay namin dahil hindi na sila nakabalik matapos ang ilang minuto. Walang bumalik para sa akin. Walang bumalik para yakapin ako.

Sana ako na lang si Mitzie. Sana kaibigan na lang din ako ni Duke, hindi girlfriend.

Pumasok ako sa kwarto ni Nanay at doon nag-iiyak. Ang hirap isiping lagi akong mag-isa. Gusto kong magkwento kay Nanay na hindi ako ayos. Gusto ko ulit maramdaman na may magsasabi sa akin na magiging ayos din ang lahat.

I felt like I lost everything.

Nawala si Nanay. Nawala iyong tatlong taong pinaghirapan ko. Dumulas si Duke mula sa pagkakahawak ko.

People... sasabihin nilang nand'yan sila palagi para sa 'yo. But when you needed them most, wala sila... hindi sila mahanap. They were all saying comforting words, pero sa dulo, walang hahawak sa kamay mo para samahan ka.

And I couldn't blame anyone for it. Wala akong karapatang utusan sila na mag-alala para sa akin. I should be able to control myself. I should be able to stand on my own.

I cried hard. Namamaga na ang mga mata ko pero umiiyak pa rin ako. Nakakasawa na lagi na lang akong ganito.

I was disappointed with myself. Ipinagpilitan ko ang sarili ko sa engineering kahit alam kong hindi ko kaya. Inisip ko kasing nand'yan si Duke pero hindi ko naman pala siya pwedeng asahan lagi dahil laban ko 'to.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa shop. Itinext ko lang si Duke na mauuna na ako dahil marami akong dapat gawin kahit ang totoo ay gusto ko lang umiwas.

Duke Laurence:

I'm sorry.

I didn't reply. Ipinagpatuloy ko na lang ang paggawa ng chocolate chip cookie. Binati ako ni Ate Sab at napansin niya ang pamumula ng mata ko. I just said I didn't sleep well.

Dumating ang mga customers pero dahil marami na kaming nagawa ay tumulong na lang ako sa labas sa pagseserve. Ayokong magpahinga dahil mag-iisip lang ako.

Napansin ko si Harvin na nakaupo sa mesa sa may bintana at nakatingin sa malayo. Ibinaba ko ang hawak na tray at umupo sa tapat niya.

I cleared my throat. "Ang lungkot mo yata."

Tumingin siya sa akin at malungkot na napangiti. Araw-araw siyang nasa shop dahil siya ang pinagbabantay ni Ma'am Candy pero ngayon ay ibang-iba ang awra niya.

"Nag-quit si Mitz sa banda," he uttered.

I sighed, nalungkot para sa kanya. Sa lagay ng babae ngayon, sigurado akong gusto niya munang magpahinga.

"Paano ang gigs niyo?"

He shrugged. "Hindi muna siguro kami tatanggap. Hahanap kami ng bagong vocalist."

I nodded. Para kaming tangang dalawa dahil kahit mainit sa pwesto namin ay nagawa naming mag-emote.

"Pasa ka?" tanong niya sa akin makalipas ang ilang sandali.

I chuckled. "Si Mitzie nga hindi nakapasa, ako pa kaya?"

His eyebrows furrowed. "Don't say that, Sol. Magkaiba kayo. May mga bagay na kaya niya at hindi mo kaya pero may mga kakayanan ka rin na hindi niya magagawa. Don't compare yourself to her."

Napangiti ako sa kanya. Siguro, kung hindi si Duke ang laman ng puso ko, nahulog na ako kay Harvin. He knew what to say every single time. He was always there for me.

"Sayang iyong tatlong taon." Naiiling na saad ko. "Tangina, sayang pagpapaaral sa akin ni Nanay."

He grabbed my hand and gently squeezed it. "You're meant for something greater than being an engineer, Sol."

Tumango ako sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko. I thanked him... wholeheartedly.

Tumayo na ako at nagsimula sa pagtatrabaho. My day at the shop went smoothly. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang nangyari kagabi. Duke told me that he would fetch me dahil hindi niya na ako naihatid kanina.

Isang oras na lang at matatapos na ang out ko. Nakita kong pumasok si Troy sa shop at hawak ang kamay ng isang babae. She was petite. Her skin was fair, and her face was simple. May pagka-chinita at dahil nakangiti ay kita ko ang maliliit at pantay-pantay niyang ngipin. She looked like a K-pop idol.

"Sol, beb!" bati sa akin ni Troy. "Si Chin."

Ngumiti ako nang malaki at nakipagkamay sa kanya. She bit her lower lip shyly while looking at me.

"I'm Solene." Ngumiti ako.

Pinaupo ko sila sa pang-dalawahang mesa at personal na kinuha ang orders nila. Troy looked like he wanted to talk to me, but I didn't give him the chance to say anything. If he was going to apologize for what happened yesterday, hindi na iyon kailangan. I was not anyone's responsibility.

I observed them both. Ang kaninang maamong mukha ni Chin ay nakabusangot sa nakangising si Troy. Parang inaasar pa yata niya ang babae.

Bago sila tuluyang umalis ay nagpaalam silang dalawa sa akin. The innocent and sweet Chin said she'd see me around the campus. Tumango lang ako kahit alam kong hindi ako mag-aaral sa taong iyon.

Nang mag-out ako ay malungkot akong naghintay sa labas. Matatapos na naman ang araw na hindi pa rin ako nakakaipon. Oo, may pamasahe ako pa-Maynila pero hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Nanay. I needed more money.

At si Duke.

I sighed. I felt like this wasn't the right time for us to be together. Mahal ko siya pero mas madalas na 'yong sakit at duda kaysa sa saya. I treasure Mitzie so much, but I couldn't stand seeing them together. Para akong madudurog sa selos.

Pumarada ang motor niya sa tapat ko kaya ngumiti ako na parang walang problema.

"Hi!" I greeted him.

Hindi agad niya ako pinaangkas sa likod. Humarap siya sa akin at doon, muli akong nahulog sa kanya. One look, and I was drowning. Ang gwapo niya sa suot niyang white t-shirt at khaki short.

"Puyat ka?" tanong ko sa kanya bago hawakan ang magkabilang pisngi niya. Dahil nakaupo siya sa motor niya ay mabilis kong nagawa iyon.

I kissed his eyes and smiled widely at him. Nakita ko ang pagpapakawala niya ng buntong hininga at pinulupot ang kamay sa bewang ko. He rested his face on my chest.

I caressed his hair. Ramdam ko ang pagod niya pero kahit alam kong hindi ako ang dahilan non, I calmed down. I let him rest in my warmth.

"Nasaktan na naman kita..." I heard him whisper.

"Hindi ah! Mitzie needed you. Kaya ko naman, Duke! Wala ka bang tiwala sa akin?" sagot ko. I lied. I needed you, too, Duke.

Bumitaw siya at tinitigan ako. "Alam kong kaya mo. You can always shine alone, Sol... because you're like a sun... my sun." He kissed my forehead. "But still... I'm sorry... I was just... I'm so sorry."

Hindi niya maituloy ang sasabihin hanggang sa bigyan niya na lang ako ng isang pagod na ngiti. His eyes were swollen, and there were dark circles under them.

For the first time, he seemed to be someone who had given up.

Agad ko ring iwinaksi ang naiisip nang maalala ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Tahimik na pumunta na ako sa likod niya at isinuot ang helmet.

Nang maitago ang mukha ay mabilis na tumulo ang luha ko. Natatakot ako dahil sinabi rin ni Nanay na ako ang araw niya pero umalis siya at iniwan ako.

Would you do the same, Duke?

Nakauwi ako nang tahimik lang. Ni hindi ko na pinansin si Duke nang makababa ako. Pumunta ulit ako sa kwarto ni Nanay, hindi para umiyak kung hindi para maalala kung anong mga plano ko.

I sighed. Binuksan ko ang cabinet ni Nanay para basahin ulit ang sulat niya dahil iyon na lang ang nagbibigay ng lakas sa akin. Akmang kukunin ko na ito nang makakita ako ng maliit na brown envelope na nakasingit sa paborito niyang daster.

Inilapag ko ang letter sa kama at kinuha ang sobre.

'Pangarap ni Sol'

Ayun ang nakalagay sa likod ng sobre. Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko! Pera!

Mabilis akong pumunta sa kama at nangangatal na inilabas ang lahat ng pera. Kaya ba hindi kami makaahon sa hirap ay dahil sa pag-iipon ni Nanay?

Nanlalambot ako nang matapos bilangin ang pera. Hindi ko alam kung kailan siya nagsimulang mag-ipon pero napakalaki ng dalawang daang libo para maipon niya ngayong taon lang.

Ni hindi niya dinala ang pera sa Maynila. She didn't use the money to hire an attorney.

I gulped as I stood. Sasabihin ko kay Duke ito! He has the right to know what's going on with my life. He's my boyfriend! I knew he would not judge me. Isa pa, he could help me. Kumpara sa akin, mas maraming koneksyon ang pamilya niya. We could easily locate Nanay!

Kinuha ko ang cellphone ko at tumakbo papunta sa bahay nila. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Tita Gemma. She saw how agitated I was kaya medyo nagtaka siya.

"Sol? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

"Nasaan po si Duke, Tita?"

"Umalis, eh. Hindi ko alam kung saan pupunta. Give him a call."

Matapos sabihin iyon ay tinapik niya ang likod ko at nilampasan ako. Ako naman ay nanlulumong bumalik sa bahay. Aalis ako bukas at ngayong alas sais na nang gabi ay wala si Duke. Nasaan naman kaya iyon? Itatanong ko pa naman sana kung pwede niya akong samahan.

I decided to just wait for him. Naupo ako sa bahay namin habang nagre-research ng mga police station sa Maynila. Kung hindi ay baka pumunta na lang ako sa police station dito sa Isabela at itanong kung saan dinala si Nanay.

Habang nagre-research ay nagulat ako nang nagtext si Troy.

Troy Asungot:

MITZIE IS PLANNING TO TAKE HER LIFE! PUMUNTA KA NGAYON SA ENGINEERING BUILDING!

Isinarado ko ang bahay. Hindi ko na pinansin ang magkaibang pares ng tsinelas ko dahil sa pag-aalala! Habang papunta ay nangangatal ako sa takot.

Mitzie... please, hold on.

Mabilis kong narating ang department namin. Maraming estudyante ang nakapalibot doon habang nakatingala. Anim na palapag ang building namin pero tanaw ko si Mitzie na nasa dulo at handang tumalon.

"Mitz, no!" sigaw ko kahit hindi niya ako rinig. I found that people were looking at me. I was a fucking mess.

Hinawi ko sila at nagmamadaling umakyat sa taas. Sa pagmamadali at takot ay mabilis kong naakyat ito.

There I saw Mitzie, Duke, and Troy. Hindi makalapit ang dalawang lalaki kay Mitz dahil umiiyak siya. Kaunting galaw na lang ay mahuhulog talaga siya.

Maraming estudyante ang naroon pero pinapanood lang nila kung paano pigilan nina Duke at Troy si Mitz.

"Nasaan ang mga teachers?!" sigaw ko dahil sa galit. They should be here!

Ni hindi ko napansin na si Roswell ang napagtanungan ko.

"I-I don't know..." tanging sagot niya.

Hindi pa ako kita nina Mitzie, Duke at Troy dahil hindi ko magawang lumapit. I couldn't stand this!

"Mitz, please, mag-uusap tayo... halika na," puno ng lambing na saad ni Duke. He was extending his hand, trying to reach her.

"Shut up, Duke!" galit na galit na sigaw niya. "I don't need you! I don't need any of you!"

Troy didn't know what to do. He's approaching her, but she's just so dismissive. Nakakatakot na baka kapag nagalit ito ay tuluyan siyang tumalon.

"Kayong lahat... 'wag niyo akong pigilan..." she uttered. A tear fell from her eyes.

"Hindi na ako magiging maayos! Pagod na pagod na akong maging disappointment ni Daddy!" She cried harder. "I failed the battery exam!"

Nakarinig ako ng singhap mula sa paligid.

"And you know what he did?! He fucking disowned me! He said I'm a disgrace to our family! Ipapatanggal niya sa family register ang pangalan ko!"

Tumulo ang luha ko sa sinasabi niya. She had a cruel father, and I didn't know that.

"He... kept on telling me na hindi niya ako anak... hindi niya ako tunay na anak dahil produkto ako ng rape! He isn't my biological father because I'm the daughter of a rapist!"

"Mitzie, please..." pagod na saad ni Duke. "Come on, Mitz..."

"Stop acting like you care for me, Duke! Kay Solene ka lang may pakealam!"

Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pangalan ko.

"I care for you, Mitzie. Alam mo iyan," pang-aalo ni Duke.

"But you love her more!" sigaw niya. "Hindi naman kita gusto pero dahil kang nand'yan para sa 'kin, hindi ko maiwasang mahalin ka! Dahil lagi mo akong pinipili kumpara sa kanya, nahuhulog ako sa 'yo!"

Habang naririnig ko ang singhap ng mga tao ay tumulo ang luha ko. No, Mitz, please, don't do this...

"Alam mo ba?! Noong binully ako, nakita niya ako pero hindi niya ako tinulungan!" galit na sigaw niya.

Tumubo ang hiya at guilt sa puso ko. She saw me.

"Tapos aarte siya na parang magkaibigan kami?! Now, tell me, Duke, do you love her?! Do you love Sol?!" tuloy tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.

"Mitz, 'wag kang ganiyan! 'Wag mong pagsasalitaan nang ganiyan si Sol!" sigaw ni Troy pero hinawakan lang siya ni Duke.

He shook his head. "N-no, Mitz, I-I don't love her..."

Nakatingin na sa akin ang mga estudyante. Umiiyak lang ako habang pinapanood sila. He was just telling that to pursue her, right? Sinasabi niya lang iyan para pakalmahin siya, hindi ba?

"Sinungaling! You two are together!"

Kita ko uli ang pag-iling niya. Bawat galaw ng ulo niya ay nadudurog ako. He was denying us... for her... again.

"Is she better than me?!" tanong niya ulit. Nakatitig sa mukha ni Duke.

"Mitzie!" galit na sigaw ni Troy. "What's wrong with you?!"

Muli siyang pinatigil ni Duke sa pagsasalita. I was just there, watching all of them. Iyong mga kasama ko kagabi... iyong mga nakatawanan ko sa room at sa canteen...

"You're the best, Mitzie... walang papantay sa 'yo," Duke answered. His voice was shaking.

I cried harder. Walang makalapit sa akin kahit na alam kong gusto nila akong aluin.

Nanatili ang determinadong mukha ni Mitzie. She was looking intently at Duke.

"Am I better?" mahinang tanong niya.

Nahihirapang tumango ang lalaki. "Oo, Mitz. Kahit kanino. You're always better."

"Kahit kay Sol?"

I cried even more. I knew I didn't want to hear this.

"Oo naman... kahit kay S-Sol."

"Tangina mo, Duke!" galit na sigaw ni Troy. "Pre, anong ginagawa mo?!"

Umiyak lang ako nang umiyak. Of course, she was better. She was smarter. She was prettier.

"Halika na, Mitzie," Duke uttered, but Mitzie shook her head.

"Sinong mas mahal mo sa amin ni Sol? Sinong mas importante para sa 'yo? Sinong mas gusto mong makasama?" sunod-sunod na tanong niya.

Hindi ko makita ang mukha ni Duke kaya hindi ko alam kung anong reaksyon niya.

"Ikaw..." He sighed. "Ikaw lahat..."

My knees gave up. Natulala lang ako sa kawalan, hindi alintana ang mga nakatingin sa akin. I could feel my heart slowly tearing apart.

"Sinasabi mo lang iyan para pigilan ako!"

"No! Kung totoong mas gusto ko si Solene, sana noon pa lang, bago ka dumating ay niligawan ko na siya..." he answered softly. "She isn't as good as you. She's nothing compared to you, Mitz..."

Duke, tama na, durog na durog na ako.

Dahan-dahan akong tumayo at mabagal na lumapit sa kanila. Ramdam ko ang tingin ng mga tao.

"Okay ka na ba, Mitz?" My voice cracked. "Did you get the validation you needed?"

Nagulat si Duke sa paglapit ko. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil alam niyang dinig ko lahat ng sinabi niya. Bigla niyang tinalikuran si Mitzie at nilapitan ako.

He tried reaching for my hand, but I shoved him away.

Nanatili ang mga mata ko kay Mitzie. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig, parang natauhan.

"Putangina, umpisa pa lang... umpisa pa lang alam mo na ang nararamdaman ko para kay Duke!" nangangatal na saad ko.

Troy held my wrist, but I didn't care.

"Oo! Hindi kita ipinagtanggol dahil putangina, nasaktan ako! May picture kayo ni Duke na naghahalikan pero hindi ka manlang nagpaliwanag!"

"S-sol..." naiiyak na tawag ni Duke sa akin ngunit itinulak ko lang siya. Nabasa ko ang labis na takot sa mga mata niya.

"Mitzie, may narinig ka ba sa akin?! Wala!"

She couldn't look at me. Nakayuko lang siya. Bahagyang bumaba sa railings... ngunit wala na akong pakealam. My heart was breaking...

Humarap ako kay Duke. May luha sa mga mata niya habang umiiling sa akin.

"B-baby, no..." hirap na hirap na saad niya. "S-sinabi ko lang yon..."

I laughed while tears were streaming down my face.

"Oo, naiintindihan ko!" sigaw ko. "In order to save her, you have to fucking disrespect me!"

He shook his head. Basang basa ko ang halu-halong emosyon sa kanya. Takot, kaba, pagsisisi.

"Putangina, Duke, girlfriend mo ako eh..." Itinuro ko ang sarili ko. "Girlfriend mo ako pero ilang beses mo nang ipinaramdam sa akin na mas mahal mo si Mitzie..."

"Sol... hindi..." Umiling siya nang paulit-ulit. "Sol..." nagmakakaawang tawag niya sa akin.

My hands were shaking in pain. Para akong mamamatay sa sakit na nararamdaman ko. Rinig ko ang gulat sa paligid pero walang nagtanong.

Tuluyang lumapit sa pwesto namin si Mitzie.

"S-sol," she called me in a terrified manner.

I laughed. "Ayan!" saad ko. "Napababa mo na! Okay na ba?"

Bumaba ang tingin ko sa magkaiba kong tsinelas... na sa pagmamadali ay hindi ko na nabago. I was worrying about her tapos eto ang bubungad sa akin? I was worrying about her, and there they are, making me feel useless.

"Oo, Mitzie. You're better than me. Mas matalino ka, mas maganda ka, mas mayaman ka... lahat ng hindi ako. Maganda ang reputasyon mo sa school hindi kagaya ko na may mga issue."

I sobbed while looking at them. "P-pero tangina naman... kaibigan ko kayo eh," iyak ko. "B-bakit niyo ako ginaganito?"

I stared at Mitzie. "Bagsak din ako sa exam pero ikaw ang pinuntahan ni Duke." Sumbat ko. "N-nagmakaawa akong 'wag siyang umalis sa tabi ko... pero sinundan ka n-niya."

Niyakap ako ni Duke pero dahil sa gigil ko ay malakas ko siyang itinulak. Galit ako! Galit na galit ako! I didn't need your hugs! I didn't need your comforting words!

"Ang galing mo!" sigaw ko sa kanya. "Para iligtas siya, kailangan mong lunurin ako!"

Iyak nang iyak si Duke, hindi na pinapansin ang mga tao sa paligid. Si Troy ay lumapit sa akin at hinihigit ako pero hindi ako gumagalaw.

Walang nagsasalita sa kanila. Tanging ang iyak lang naming tatlo ang maririnig sa buong rooftop. Ang mga tao sa paligid ay nanonood lang.

I composed myself and looked into his eyes. Siya iyong taong mahal na mahal ko simula no'ng nagkaisip ako. I aligned my dreams for him. I took that program because of him. I was still holding on because I knew I had him. Siya ang lahat sa akin pero hindi ako magiging sapat sa kanya.

"Sa lahat ng tao, Duke, ikaw ang hindi ko inaasahang sasaktan ako nang ganito..."

"Sol... please..."

I gulped. "Maghiwalay na tayo."

Kita ko kung paano nagdaan ang sakit sa mga mata niya. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero tumalikod na ako. I was drained. Gusto ko nang magpahinga. Sa buong relasyon namin ni Duke, lagi na lang nariyan si Mitzie. Ngayong harap-harapan kong narinig na hindi niya ako mahal at mas higit ang babae kaysa akin ay naging sampal iyon sa akin.

Wala akong pakealam kung sinabi niya lang iyon para iligtas si Mitzie dahil alam ko sa sarili ko na sa nagdaang mga buwan, iyon ang ipinaramdam niya sa akin.

Walang pumigil sa akin hanggang sa makalabas ako ng school. Everyone was looking at me. Sinabihan ko si Troy na 'wag akong sundan dahil gusto kong mapag-isa.

Duke and Mitzie were calling, but my heart couldn't take another blow. Pagod na pagod na akong makipagkumpitensiya sa oras at atensyon ni Duke, kaya sige na, I would raise my white flag.

I had no idea how I got back home. I packed all of my belongings and boarded a bus to Manila right away.

This would be the last time I'd cry because of him.

I hoped that in our next lives, the world would be a lot kinder to us and that our ending would be more gentle.

Farewell, my young love.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
97.9K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
31K 1.6K 45
Meet Dei. Ang makulit na anghel. Ang ating Pilyang Kerubin.