Meet My Professor ✓

By DamianLane

56.8K 3.4K 107

Series #1 Lana Iya Velasco had a very strange experience during their first-ever bar hopping. She met a DJ wh... More

Meet My Professor
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12.1
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19.1
Chapter 20
[SEASON 2]
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter
Special Chapter (Part II)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

Chapter 53

438 27 0
By DamianLane


Season 2 – Chapter 53


Bahagya kong naiatras ang ulo ko nang biglang tumilansik 'yong mantika. Naramdaman ko ang paghatak sa'kin papalyo ni Sir Van mula sa may kalan.


"I'll fry it," anunsyo nito.


Tinignan ko ang niluluto nito, "Tapos ka na ba sa niluluto mo?"


"Yes, it's just stir-fried rice."


Nang sinabi nito kaninang magluto kami, talagang tinotoo niya. Tinanong niya ko kung ano'ng putahe ang specialty ko, ang isinagot ko sa kanya ay chicken cordon bleu. Madali lang kasing gawin tsaka masarap. Pagkasabi ko no'n tsaka niya naisipang mag-stir-fried rice. Nakakamangha nga kung gaano kabilis naihanda ni Sir Van ang mga gagamitin niya. Masasabi mong sanay na sanay magluto.


"Do you want some soup?" nabalik sa kasalukuyan ang pag-iisip ko sa tanong nito.


"Hindi ako mahilig sa gano'n," sagot ko rito. Napansin kong napatango lang 'to habang nakaharap pa rin sa'kin ang likuran nito.


"I want some," napatingin ako kay Sir Czam, naiayos na pala nito ang lamesa. Mga pagkain na lang ang kulang.


"Yeah, fine," matapong hanguin ni Sir Van 'yong huling pirasong pinipirito ko, iniabot nito sa'kin 'yong plato na pinaglagyan nito.


"Ako na lang maglalagay no'n sa plato," itinuro ko 'yong fried rice niyang nasa kawali pa rin.


"Sure, I'll just do some quick soup," tinanguan ko ang sinabi nito bago ibinaba sa lamesa ang hawak ko. Matapos 'yon, agad ko ring isinalin sa pinggan ang niluto ni Sir Van at inihain na rin sa lamesa.


Hiniwa ko 'yong cordon bleu sa isang ilang piraso. Sadyang malalaking hiwa ang ginawa ko kasi ilan lang naman kaming kakain. Inihanda ko na rin ang maaring pagsawsawan nito. Nang matapos ako rito ay natigilan na ko kasi hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin.


"Lana, settle down," tinapik tapik ni Sir Czam ang katapat niyang upuan. Napansin kong walang katabi si Sir Czam sa may side niya ng lamesa. Parang sinadya niya yatang pagtabihin kami ni Sir Van.


Nanatili akong nakatayo, hindi ko kasi malaman kung dapat ba kong maupo o ano. Hindi ko naman sinasabing masamang magkatabi kami ni Sir Van sa upuan, kaso hindi pa kasi siya tapos magluto. Nakaramdam ako nang pagsiko sa may braso ko, hinarap ko ang gumawa nito.


"Sit down, I can manage."


"Per—"


"It's fine."


Hindi na ko nakipagtalo pa rito. Tinanggal ko na ang suot kong apron bago ako naghugas ng mga kamay. Pagkatapos no'n tsaka lang ako naupo. Napatitig ako kay Sir Czam na pahuni huni pa sa harapan ko. Kumportableng kuportable 'to habang naghihintay.


Hindi pa nagtagal, natapos na sa soup si Sir Van. Sinubukan ko 'tong tulungan sa paglalagay no'n sa mga mangkok pero pinigilan ako nito. Dahil nga hindi naman ako mahilig sa mga soup, hindi na ko nito binigyan, silang dalawa na lang ang mayroon.


Nang makaupo na sa tabi ko si Sir Van, tsaka lang kami nagsimulang kumain. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit kumain ako bago umuwi, para pa rin akong naglalaway sa mga pagkaing nasa harapan ko. Ang balak ko lang naman tikman 'yong luto ni Sir pero feeling ko mapapa-ilang round ako nang kain.


"Don't force yourself to eat too much," napatingin ako kay Sir Van.


Hindi man 'to sa'kin nakatingin, alam ko namang ako ang tinutukoy nito. Kumuha ako ng isang malaking hiwa nang niluto ko at tsaka ito inilagay sa may plato niya. Sa totoo lang, ginawa ko 'to para patahimikan siya. Kumain na lang siya at h'wag na niya kong alalahanin.


"Gusto kong tikman ang niluto niyo," sabi ko rito para tuluyan na itong matahimik. At tama nga ako, kasi hindi na talaga 'to umimik.


Naging tahimik ang pagkain namin, halatang gutom na nga sila lalo na si Sir Czam. Si Sir Czam kasi, karaniwang hindi nauubusan nang kwento kahit habang kumakain pero ngayon talagang hindi nagsasalita.


"Take it easy Czam," mahinahong paalala ni Sir Van dito.


Kinuha ko ang baso ni Sir Czam at nilagyan nang maiinom. "Sir, take your time," itinulak ko papalapit dito ang baso niya.


Hindi naman siya sobrang bilis kumain pero seryosong seryoso kasi itsura niya. Bumaling ako kay Sir Van at kinuha na rin ang baso nito. Katulad kanina, nilagyan ko rin ito nang laman. Hindi pa man din ako nakakakalahati ay nahinto na ko dahil sa sinabi ni Sir Van.


"Can I have warm water instead?"


"Warm water?" nagtatakang tanong ko rito. Bigla namang pumasok sa isip ko 'yong naging performance nila kanina. Baka nga sumakit ang lalamunan nito kapag malamig ang ininom.


"Kayo rin, Sir Czam? Warm water?" bigla kong baling dito.

"Nah. I'm fine," pagtanggi nito. Tumango ako sa sinabi nito bago ko ipinalit ang wala pang laman kong baso sa baso ni Sir Van.


"Wait lang, Sir," sabi ko rito at tsaka mabilis na tumayo para kumuha ng tubig nito.


Pagkakuha ko ay agad ako lumapit dito para lagyan ang baso nito. Pagkalapag ko nito sa may lamesa ay hindi ko agad naialis ang kamay ko, kaya naman bahagyang nahawakan ni Sir Van ang kamay ko nang kuhanin niya ang baso.


Nagkatinginan kaming dalawa, "Sorry," mabilis na sabi nito na ikinatango ko lang. Muli na kong bumalik sa upuan ko.


Hindi ko masabi kung gaano naging katagal ang pagkain namin. Ang masasabi ko lang, pakiramdam ko sasabog ang tiyan ko sa sobrang kabusugan! Hindi naman ako nagsisisi kasi ang sarap naman ng mga kinain namin.


"That was good! I'm full! Great cooking, guys!" binigyan pa kami ni Sir Czam nang tig-isang thumbs up.


Bahagya akong natawa rito habang nailing naman si Sir Van. Tumayo ako at akmang liligpitin na ang kinainan namin nang hawakan ni Sir Czam ang kamay kong umaabot sa plato niya. Napahinto ako dahil dito at napatitig sa kanya.


"Czammnel," bigla akong kinilabutan sa klase nang pagtawag ni Sir Van dito. Ni hindi ko magawang lumingin dito dahil sa tono nang pagtawag nito kay Sir Czam.


"What?" nagtatakang napatingin si Sir Czam dito, mabilis akong binitawan nito matapos 'yon. Muling nagbalik ang tingin ni Sir Czam sa'kin. "Sorry, Lana. I was just about to stop you from cleaning this up."


Nagtaka ako sa sinabi nit, "Bakit naman po?"


"Well, you did the cooking—the two of you. That's why I want to do the cleaning. I'll wash the dishes."


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Hindi niyo kaila—"


"Nope. Not listening. Van, take him with you and stay on the living room."


Bago pa ko makapag-react ay nahatak na ko papalayo ni Sir Van sa may dining table. Talagang dumiretso kami agad sa may living room. Pagdating doon, agad din akong binitawan ni Sir Van. Mabilis nitong binagsak ang katawan niya sa may sofa. Isinandal pa nito ang likuran at uluhan nito sa may sandalan bago ipinikit ang mga mata.


Naupo ako sa tabi nito. May malaking espasyo naman sa pagitan namin kaya hindi kami talagang magkalapit. Mula sa kinaroroonan namin, kita ko ang mabilis na paglilinis ni Sir Czam sa lamesang kinainan namin. Nagpupunas na nga ito agad ng lamesa. Ang bilis niyang nasinop 'yong mga plato.


Noong una, kay Sir Czam talaga nakatuon 'yong atensyon ko pero unti unti itong nabaling kay Sir Van na nasa tabi. Nakapikit pa rin ang mga mata nito. Halata sa itsura nito pagod na ito.

Medyo nakonsensya tuloy ako. Imbes kasing nakauwi na silang dalawa at nagpapahinga, nandito pa sila s bahay at sinasamahan ako. Hay, si kuya Jarvis naman kasi. Kaya ko namang mag-isa rito bakit inabala pa sila Sir.


Dahil medyo nangangalay na ang leeg ko, isinandal ko na rin ang sarili ko sa may sandalan ng sofa. Nanatili ang tingin ko kay Sir Van. Umiidlip naman ito kaya tingin ko hindi naman ako nito mapapansin.


Tinignan ko ang kabuuan ng mukha nito. Mula sa buhok nitong bahagya nang tinatamaan ang mga mata niya, sa mga kilay nito, sa mga nakasarang talukap ng mata nito, papunta sa may ilong, sa mga pisngi, pababa sa may labi nito.


'Napakurap kurap ako nang makaramdam ako nang kaunting hapdi.' (excerpt from Ch. 02)


Bigla kong nahigit ang hininga ko at mabilis napaayos nang pagkakaupo. Bakit ko biglang naalala ang eksenang 'yon? Ang tagal na no'ng mangyari 'yon!


Biglang uminit ang pakiramdam nang magkabilang pisngi ko. Ang bilis din nang tibok ng puso ko. Rinig na rinig ko na ang pagtibok nito. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, dahan dahan at paulit ulit akong humugot nang hininga.


Nang akala ko ay maayos na ko, bigla na naman akong kinalampag nang malakas na tibok ng puso ko dahil sa biglang pagsasalita ni Sir Van.


"Are you okay, Iya?"


"Yes," napapikit ako nang mariing nang may bahid nang panginginig ang boses ko.


"Hey, Iya..."


"Okay lang ako, Sir. Magpapalit lang po muna ko ng damit," hindi ko na inantay pa ang sagot nito at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko.


Pagpasok sa kwarto, muntik ko pang maisara nang pabalagbag ang pintuan ko. Buti na lang at napigilan ko 'to gamit ang isang paa ko, at tsaka ko naisara nang maayos.


Jusmiyo! Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?! Natingin lang ako sa labi ni Si—mabilis akong napailing para maalis sa isipan ko ang bagay na 'yon.


Huwag mong isipin! Huwag mong isipin!


Sa lahat nang pagkakataong pwede kong maalala ang pangyayari na 'yon, bakit kanina pa? Sa harap pa talaga ni Sir Van? At saktong pagkatingin ko pa talaga sa labi niya?!


Ang manyak mo, Lhia! Kilabutan ka nga sa sarili mo!


Mabilis kong iniling iling ang ulo ko. dahil nandito na rin lang ako, mabuti pang totohanin ko na ang pagpaapalit nang suot kong damit.





Gumaan ang pakiramdam ko matapos kong maglinis nang buong katawan. Amoy pawis na kasi ko ako, ayoko namang magpalit na lang basta nang hindi man lang naglilinis. Mabilis ko lang sinuklay ang buhok kong medyo nabasa dahil sa paglilinis ko. Nang maayos na ko ay tsaka ako lumabas. Hindi ko napansin kanina kung ano'ng oras ako pumasok sa kwarto, kaya naman hind ako sigurado kung gaano ako katagal nawala. Medyo nahiya naman tuloy ako kila Sir, iniwan ko na lang sila basta sa may sala.


Pagkarating ko sa may sala, nagtaka ako nang hindi ko nadatnan do'n si Sir Van. Sumilip ako sa may kusina, maayos na rito at hindi ko na rin makita si Sir Czam. Saan nagpunta ang dalawang 'yon?


Bigla akong napatingin sa may labas nang makarinig ako nang pag-ugong ng sasakyan. Mabilis akong lumabas at naabutan ko sa may gate si kuya Jarvis. Pabalik na ito kaya naman imbes na lapitan pa ito ay inantay ko na ito sa kinatatayuan ko.


"Kuya, kanina ka pa nakauwi?" salubong ko rito nang malapit na ito sa kanina.


"Mga ilang minuto pa lang," sagot nito sa'kin.


Napatingin ako sa may direksyon ng gate namin, kita ko sa gilid ng mga mata ko na sinundan nito ang tingin ko.


"Umalis na sila Van at Czam. Hindi ka na hinintay kasi nagbibihis ka raw."


"Ah," iyon lang ang naisagot ko rito bago ako dahan dahang pumasok sa loob.


"Kumain ka na?" tumango ako rito bago binalik sa kanya ang tanong.


"Ikaw ba? Ang alam ko may natira pa sa niluto namin kanina."


"Nagluto kayo? Nino? Ni Czam?"


Umiling ako rito, "Ni Sir Van."


"Ni Van?" bakas sa boses at reaksyon nito ang pagkagulat. Hindi ko naman naiwasang hindi magtaka sa naging reaksyon nito.


"Oo, bakit?"


"Ah..." parang nag-iisip pa ito kung ano ang isasagot sa'kin. "Wala lang. Bihira lang kasi magluto 'yon kahit sa bahay niya."


"Talaga?" parang hindi naman gano'n base sa nakita ko kanina.


"Magpahinga ka na," ipinatong nito ang isa niyang kamay sa ulo ko.


"Hindi ka ba nagugutom?"


"Kaya ko na ipaghanda ang sarili ko. Sige na."


Tumango na lang ako rito bago bumalik sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa loob, hindi ko maiwasang manghinayang kasi hindi man lang ako nakapag-paalam kila Sir nang maayos.


Naisipan ko na lang na itext ang mga ito para makapagpasalamat man lang kahit papaano. Hinanap ko kung saan ko nailagay ang bag ko pero hindi ko ito makita.


Saan ko ba nalapag 'yon?


Habang pilit na inaalala kung saan ko ito naibaba ay may biglang may kumatok sa may pintuan ko. Mabilis ko itong binuksan, bumungad sa'kin si kuya Jarvis na bitbit ang bag na hinahanap ko.


"Naiwan sa sala."


"Thank you, kuya," sabi ko rito pagkaabot nito. Tinanguan lang ako nito bago umalis sa harapan ko.


Yakap yakap ng isang braso ko ang bag ko habang isinasara naman ng isa pa ang pintuan. Saktong pagkasara ko ng pinto, napatingin ako sa may bag ko nang pakiramdam ko ay nag-vibrate ito. Agad kong kinuha ang phone ko sa loob.


3 new messages


Agad ko itong binuksan, bumungad sa'kin ang dalawang text na galing kay Sir Van.



From: Sir Van

We'll go ahead.


Good night.



Bigla naman akong napangiti sa sarili ko. Mabilis akong nag-type nang sagot dito.



To: Sir Van

Thank you sa isang 'fun filled' na araw, Sir. Ingat po sa biyahe. Good night 😊



Kahit sa text lang ako nakapagpaalam dito, mas magaan na ang pakiramdam ko kasi nasabi ko ang gusto ko sanang sabihin sa harap niya.


Nang maalala kong may isang text pa nga pala sa'kin, agad kong tinignan kung sino 'to. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang unknown number. Mas napakunot ako sa nabasa kong laman nito.



From: +639xxxxxxxxx

Hope u had fun today, Lhia. G'night.



Sino naman ba 'to?



=x=x=x=x=

Ch. 54 and 55 to be posted a bit later.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 108 22
ALL IN | In which, stray kids debuts with 9 members. Mi-sun, Bang Chan, Lee know, Changbin, Hyunjin, Han, Felix, Sungmin, I.N " You make stray kid...
4.8K 135 24
On Aurora Emmenson 12th birthday she is engaged to Elliott knight... Aurora is the only child and Spoiled by her grandparents.... Elliott is a elder...
496K 12.6K 102
"I don't love her" "I fell in love with him"
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...