Meet My Professor ✓

By DamianLane

56.8K 3.4K 107

Series #1 Lana Iya Velasco had a very strange experience during their first-ever bar hopping. She met a DJ wh... More

Meet My Professor
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12.1
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19.1
Chapter 20
[SEASON 2]
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter
Special Chapter (Part II)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

Chapter 52

419 32 0
By DamianLane

Season 2 – Chapter 52


"Ah! Nagugutom na ko!"


"Ako rin!" malakas na pag-sang ayon ko kay Shei. Uhaw na uhaw na nga rin ako.


Hinimas himas ko ang magkabilang tenga ko nang halos hindi ko narinig ang sarili kong boses. Medyo sumasakit na rin ang lalamunan ko. Kapag uminom ako, dapat hindi malamig na tubig kung ayaw kong mapaos.


"Bili muna tayo inumin," mabilis na pagtango ang isinagot ko kay Ian. Mabilis kaming lumapit sa malapit na tindahang bukas pa.


Habang bumibili si Ian nang maiinom namin, napatingin ako sa orasang nakasabit sa may harapan ng tindahan. Pasado ala sais na ng gabi. Umabot din pala kami ng tatlong oras sa loob ng hall. Hindi ko napansin kasi sobrang saya at enjoy no'ng concert.


Matapos 'yong performance nila Sir, marami pang nakakaalis na performance ang sumunod. May ilang estudyante ring nagkaroon ng special performance, katulad na lang ng SMU band na siyang nagsara ng concert. Habang tinutugtog nila ang huli nilang kanta, isa isang naglabasan lahat ng mga prof at nakikanta sa kanila. Ang saya lang, ang sarap nilang panuorin. Lalo na't lahat sila game na game sa naging performance nila.


Pagkaabot sa'kin ni Ian ng bote ng tubig, bigla ko 'tong nahampas sa braso nang may bigla akong maalala.


"Problema mo?" takang tanong nito.


"Ngayon ko lang naalala, may pagkain nga pala tayo sa office nila Sir Czam." Ngayon lang bumalik sa'kin ang sinabi nito kanina.


"Pagkain? Bakit? Ano'ng mayroon?" tanong ni Anne bago ito uminom ng tubig.


"Binilhan daw tayo ni kuya ng lunch kanina kaso late na ko nakita ni Sir Czam. Nakakain na tayo no'ng nasabi niya sa'kin."


"Kaninang lunch pa? Hindi pa kaya sira 'yon?"


"Hindi ko alam pero kuhanin na rin natin. Mapapagalitan ako kapag nalamang hindi natin kinuha. Ayaw pa man din ni kuya Jarvis na nagsasayang ng pagkain."


"Sige, puntahan niyo na, bibili lang ako pagkain ko."


"Ano'ng bibili pa? Share na lang tayo sa pagkain ko," ikinawit ko ang kamay ko sa may braso ni Ian.


"Sure ka? Ni hindi nga natin alam kung pwede pa 'yon o kung kakasya ba sa dalawang tao."


"Si kuya Jarvis 'yong bumili. Tingin mo bibili 'yon ng pagkain mabibitin tayo? Tsaka pantawid gutom lang naman, para lang hindi tayo malipasan nang gutom, kaya pwede na 'yon kahit kaunti lang makain nating dalawa."


"So, halika?" pag-aaya ni Jade na kinatango naman naming lahat.


Habang papunta kami sa may building namin, napahinto kami nang may tumawag sa'kin mula sa likuran namin.


"Lana!"


Paglingon ko, sila Sir Van at Sir Czam na may hawak na tig-isang paper bag. Lumapit ang mga ito sa pwesto namin.


"Sir! Buti nakita naming kayo," bungad ko sa mga ito. Nakatuon ang mga mata ko kay Sir Czam.


"Why?"


"Kukuhanin po sana namin 'yong pagkain naming sa office n'yo. Tingin niyo po ba pwede pa 'yon?"


"Oh, that. Yes, I think," mukhang hindi rin sigurado si Sir Czam sa sinabi. "Let's check, let's go?"


Tumango ako rito at nagsimula na ulit kaming maglakad papunta sa office nila.


"By the way, Lana, are you okay?" napatingin ko kay Sir Czam habang naglalakad kami.


"Opo, bakit po?"


"Then, why are you clinging at him?" tinuro nito ang nakakawit kong braso sa braso ni Ian.


"Ah," dahan dahan kong inalis ito. "Wala lang po," alanganing napatawa ako rito.


Hindi na 'to nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa may office. Pagpasok namin, agad na iniabot sa'min ni Sir 'yong mga box ng pagkain. Agad ko itong binuksan para amuyin, para malaman kung panis na ba o hindi pa.


"Pwede pa?" mahinang bulong ni Jade sa gilid ko.


Tumango ako sa tanong nito, "Oo."


"Where are you going to eat that?" lahat kami ay natigilan sa tanong ni Sir Van.


Ngayong nabanggit niya 'yan, hind inga namin naisip kung saan kami kakain. Siguro naman pwede kami sa may food court?


"Baka po sa may food court na lang," natingin ako kay Jade sa sinagot nito. Pareho kami nang naisip.


"Bakit doon pa? Dito na lang, we'll give you chairs," tinapik pa ni Sir Czam ang office table niya.


Tinignan namin ni Jade ang mga kasama naming kung okay ba sa kanila. Nagsitango naman sila. Siguro, dahil na rin sa pagod at gutom, ayaw na ring lumayo pa ng mga ito.


Binigyan kami nila Sir ng monoblock isa isa. Dahil hindi kami kakasya lahat sa table ni Sir Czam, pati table ni Sir Van ay ipinagamit na rin sa'min. Sila Jade, Anne, at Shei sa table ni Sir Czam. Kami naman ni Iam sa table ni Sir Van. Hinatak ko pa nga patabi sa'kin si Ian dahil maghahati kami sa pagkain.


"Wait," napatigil ako sa pag-aayos ng pagkain. "Your brother ordered a lot. No need to split that in half," inabot sa'kin ni Sir Czam ang isa pang box ng pagkain.


"Ah! Thank you, Sir!" nakangiting sabi ko rito.


"Save that for your brother."


"Kayo po ba? Hindi kayo kakain?" tanong naman ni Shei rito.


"We ate sandwiches backstage so we're kind of full."


Napatango tango ako sa sinabi nito. Matapos no'n, natahimik na kami dahil nagsimula na kaming kumain. Napatingin ako sa kinaroonan ni Sir Van kanina. Saan nagpunta 'yon? Hindi ko napansing nawala.


Maya maya pa, napatingin ako sa bumukas na pinto. Pumasok si Sir Van na may bitbit na plastic ng mga inumin. Inilapag niya ang isang supot sa table ni Sir Czam bago inilapag ang isa pa sa table na kinaroroonan namin.


"It has less ice but still, don't drink it hastily. We don't want you losing your voice."


Biglang natawa si Shei sa sinabi nito na ikinatingin naming lahat sa kanya. Typical na reaction talaga ni Shei ang pagtawa.


Habang kumakain kami, umiinom naman ng inumin sila Sir. Makalipas ang ilang minutong katahimikan, nagsimula nang magsalita si Sir Czam.


"How's the concert?"


"Ang saya!"


"Enjoy!"


"Nakakatuwa kayo, Sir!"


"Ang galing niyong sumayaw."


Hindi ko alam kung bakit pero bigla silang natinging lahat sa sinabi ko. May nasabi ba kong mali? Totoo naman ang sinabi ko.


"Lana, are you teasing us?"


Mabilis ang naging pag-iling ko rito, "Hindi! Totoo, Sir! Nagulat talaga ako sa pagsayaw niyo kanina, lalo na do'n sa 'Oppa, Oppa' na kanta. Ang galing niyo ring kumanta at mag-rap."


"True! Sir, nagulat talaga kami. Kaya halos maubos boses naming kakatili kanina," pag-sang ayon ni Shei sa sinabi.


"Oh, yes! The way you cheer? It was energizing. Nakalimutan kong nakakahiya nga pala 'yong ginagawa namin."


"Nahihiya kayo sa lagay na 'yon?" hindi ko napigilang itanong.


Tinignan ako ni Sir Czam nang masama. Nagulat pa ko sa reaksyon nito, ngayon lang ako tinignan nito ng ganito.


"Yes, Lana. Halos mamatay kami sa hiya ni Van! 'Di ba, Van?" siniko pa nito si Sir Van na nakatayo malapit sa kanya.


Nag-iwas tingin ito. Hindi ko masabi kung dahil nahihiya siya kanina o sadyang ayaw niya lang sagutin si Sir Czam.


"By the way, are you going home after eating?"


Napatingin ako sa mga kasama ko sa tanong ni Sir Czam. Tingin ko naman iisa kami nang isasagot dito.


"Yes, Sir."


"Mag-co-commute ba kayo?" dagdag na tanong pa nito.


"Opo, Sir," sagot ni Jade.


"We'll give you a ride."


"Po?" gulat na reaksyon ko sa sinabi nito.


"Yes," tinignan pa ko sa mga mata ni Sir Czam. "Especially, you."


Nagtaka ako sa sinabi nito, "Your brother asked us to take you home and stay with you until he gets home."


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Po?! Si kuya Jarvis?" tumango sa'kin si Sir Czam.


Magsasalita pa lang sana ako nang matigilan ako sa sinabi ni Sir Van, "You can't refuse us. We'll be the one in trouble if you insist of saying 'no'."


Noon ko pa 'to napapansin pero may pakiramdam akong takot ang mga 'to kay kuya Jarvis. At sa sinabi niya, mukhang tama ako.


"Sir, siya na lang po. Hindi niyo na kami kailangang ihatid," pagtanggi ni Jade.


"Why? Gabi na, we'll take you home."


"Sir Czam, magkakalayo po sila ng bahay, sayang gas. Tapos ako naman po, sobrang layo nang uuwian ko, aabutin tayo ng isa o dalawang oras. Depende pa po sa traffic dahil Friday ngayon, uwian ng mga tao."


"How about you, Ian?"


Nabaling ang atensyon ko kay Ian na natapos na pala ang pagkain. Gutom na gutom 'to, sigurado ako.


"I'll be going back to Manila."


"Ngayon?" tumango ito sa'kin. "Nang ganitong oras? Bakit hindi na lang bukas?"


"I have a 7:00 am class tomorrow."


Hindi ko napigilang mahampas 'to sa braso, "Ang aga pala nang pasok mo tapos nagpagabi ka pa rito."


"Hindi pa naman gano'n ka-late. Makakauwi pa rin ako before 12 midnight."


Nailing na lang ako sa sinagot nito sa'kin. Iba na talaga kapag sanay na sanay nang bumiyahe. Kung ako 'yan, hindi kakayanin ng katawan ko.


Matapos naming kumain, nagpahingal ang kami ng ilang minuto bago umalis sa office. Hindi na talaga nagpahatid pa ang mga kaibigan ko. Inihatid na lang tuloy namin sila sa mga sakayan. Matapos 'yon, dumiretso na kami pauwi sa may bahay namin. Ang sasakyan ni Sir Van ang gamit namin ngayon, iniwan na lang ni Sir Czam sa uni ang sasakyan niya, babalikan nalang daw niya sa Monday.


Magkatabi sa may harapan sila Sir, habang mag-isa akong nakaupo sa likod. Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang mapapikit pikit. Sobrang bigat na ng mga talukap ng mga mata ko. Hindi ko na talaga kaya pang pigilan ang sarili kaya tuluyan ko na lang ipinikit ang mga mata ko. Makaidlip man lang habang nasa biyahe.


Naalimpungatan ako nang makarinig ako nang pag-uusap.


"Maybe naka-silent phone niya or vibrate. She's taking a nap. Don't worry. We're with her and we're on our way to your house."


"Yes, I'll tell her to call you once we arrive."


"Just hurry up and go home. We're tired as well."


"Yeah, yeah. Bye."


"Jarvis is so possessive of his siblings."


"Right?! That guy is exhausting."


Ako ba pinag-uusapan nila? Hindi ko na nagawa pang isipin ang sagot sa tanong ko nang muli akong hatakin nang antok.


Nagising ako sa pagtapik sa may braso ko, tinignan ko ang taong tumatapik sa'kin. "Lana, we're here."


Napaayos ako nang pagkakaupo sa sinabi ni Sir Czam. Tinignan ko 'yong bahay na nasa likuran nito. Nakarating na nga kami. Umusad ito sa tabi para makababa ako sa nakabukas nang pinto ng kotse. Pasimple kong pinunasan ang gilid ng mga pisngi ko pati na rin ang baba ko. Mahirap na, baka may tumulo.


"Do you have a key?" napatingin ako kay Sir Van na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa tabi ko.


"Mayroon," mahinang sagot ko rito. Halatang bagong gising pa 'yong boses ko.


Lumapit ako sa may gate at binuksan 'yong lock nito. Ibinukas ko ang gate para makapasok sila Sir.


"Go ahead, open the door."


Tumango ako sa sinabi ni Sir Van, iniwan ko na sa kanila 'yong gate kasi alam ko namang isasara nila. Mabilis ko lang nabuksan ang pintuan ng bahay. Humarap ako kila Sir na naglalakad papalapit sa'kin. Sa bagal ng mga lakad nila, halatang pagod na sila.


"Pasok po, Sir."


Pagkapasok namin, agad ko silang pinaupo sa may sala. Inilapag ko lang ang bag ko malapit sa kanila bago ko sila tinanong kung nagugutom na ba sila.


"Gutom na ba kayo, Sir? May gusto kayong inumin?"


"Ngayong natanong mo 'yan, medyo nagugutom na ko. Argh! Dapat pala nag-take out tayo ng pagkain," tumingin si Sir Czam kay Sir Van pagkasabi niya no'ng huli.


"Shall we have food delivery?" sagot ni Sir Van dito.


"Uhm..." napatingin silang dalawa sa'kin. "Kung gusto niyo po, pwede ko kayong ipagluto?" alanganing sabi ko sa mga 'to.


"You can cook?" gulat na tanong ni Sir Van. Hindi ko alam kung dapat ba kong ma-offend sa pagkakasabi nito o hindi.


"Opo, pero 'yong mga simpleng pagkain lang."


"Fried food?" si Sir Czam naman ang nagtanong.


Napahugot ako nang hininga sa sinabi nito. Okay. Nakaka-offend 'tong mga 'to!


"Magpa-deliver na lang po pala kayo," mabilis na sabi ko rito.


Tinawanan naman ako bigla ni Sir Czam. Ano nakakatawa? Biglang nabaling ang tingin ko kay Sir Van nang tumayo ito.


"Let's go to your kitchen."


"Ha?"


"Let's cook together."


Muli, hindi ko alam kung saan ako dapat magulat. Sa fact na marunong siyang magluto o sa fact na magluluto kaming dalawa. 



===x===

Chapter 53, 54, 55 to be posted on Sunday (October 25).

Continue Reading

You'll Also Like

69.6K 2.1K 21
Kiesha Smith a heiress of a multi-million company. She was born with a silver spoon in her mouth and lived the extravagant and luxurious life. She ha...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
105K 3.4K 41
That ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.
17.4K 334 125
Recommended Stories in Wattpad Part 1: Discover a captivating collection of stories in "Recommended Stories in Wattpad," a curated selection of the m...