Chasing the Sun (College Seri...

By inksteady

46.5M 1.7M 1.9M

PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Sav... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Note
CTS Book
CTS REPRINT

Chapter 14

882K 42.9K 67.2K
By inksteady

"Nay..."

"Anak?! Sol?! Alas diez na! Nasaan ka na?!" Punong-puno ng pag-aalala ang tinig niya.

Napabuntong-hininga ako. "Nay, nasa bahay ako ng kaibigan ko. Dito po ako matutulog."

"Sinong kaibigan iyan? Si Mitzie ba? Si Duke? Si Troy?!" sunod-sunod na tanong niya.

I gulped. "Si... M-mitzie, Nay." Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

"Bakit hindi ka nagtext agad?" saway niya sa akin. "Ang lakas pa naman ng ulan! Akala ko ay napaano ka."

"Wala bang tulo ang yero, Nay? Ayos ka lang ba d'yan?"

She sighed. "Ayos lang ako rito, Sol. Ikaw ang inaalala ko."

"Ayos lang ako, Nay..." I trailed off. "Sige na, matutulog na kami. Mag-iingat ka d'yan. I-lock mo ang mga pinto nang maayos."

I could hear her sigh. "Ikaw rin, Sol. Mag-iingat kayo d'yan."

Nang ibaba niya ang tawag ay saka lang ako nakahinga nang ayos. Ayokong umuwi sa bahay nang pugto ang mga mata ko dahil sigurado akong magtatanong lang si Nanay. I lied to her, obviously. I was at Harvin's condo, and he offered me some clothes.

I was back to my senses, but I couldn't bring myself back down. Kahit hindi ko lubos na kilala ang lalaki, I wasn't sure why I thought he was harmless.

Napailing ako. I couldn't believe I cried in front of him. He was almost a stranger! I just showed him my weakness! But again, Harvin seemed okay and... trustworthy.

Mag-isa si Nanay sa bahay at hindi ko maalis ang pag-aalala sa isip ko kahit ligtas naman ang barangay namin. Bakit ko ba kasi hinayaan siyang mag-isa roon? Ni hindi pa ako nakapagtext dahil sa kaiiyak!

"Sol, are you okay?"

Napabaling ang atensyon ko kay Harvin. Gaya ko ay nakapamalit na rin siya ng sweat pants at malaking tshirt. Nakalugay na ang mahaba kong buhok at bahagyang pinatutuyo ito.

My eyes were puffy. Sigurado akong mahahalata ito bukas dahil mahapdi pa rin ito kahit tumahan na ako.

I nodded. "Salamat, Harv."

He just smiled. "Told you, I'm kind!" biro niya bago ako tabihan sa couch niya.

We were standing in front of a large glass window, where the crescent moon shone brilliantly. The stars were not visible, but the moon's radiance was enough to illuminate the sky. It was so quiet and soothing. It was a little fuzzy because of the raindrops on the window... or maybe it was just my tears trying to distort my vision of the perfect moon.

"Nagluto ako," Harvin suddenly uttered. "Just in case you wanted to eat."

I smiled a little and shook my head. I appreciated his efforts to console me. He even let me stay with him to think that we barely knew each other.

"Thank you, Harvin," tanging nasabi ko.

Parang may nakadagan na kung ano sa puso ko habang inaalala ang nakita. Duke didn't go home with me to stay with Mitzie. He didn't mind if I was soaking wet because his mind was focused on her.

I thought the rain would help me wash away the remnants of pain. Ngunit kahit ilubog ko sila sa kailaliman ng utak ko, lumilitaw at lumilitaw pa rin ang mga ito.

Hinayaan ko na lang tuloy. Inisip ko na lang nang inisip habang bitbit ang pangakong bukas ay hindi ko na ulit ito babalikan at iiyakan.

"Kape tayo."

Sumulyap ako kay Harvin at marahang tumango. Siguro dahil sa katahimikan ay nabibingi siya.

Ngumiti siya sa akin bago tumayo. Nagtungo siya sa kusina kaya muli kong binalingan ng tingin ang malaking bintana. Kanina ay hindi na rin naman ako nagulat nang malaman kong may condo ang lalaki. South Eastern University was one of the most prestigious schools in the country, and only rich people could afford it.

His condo was built in a modern style. It had a simple interior and furniture that complemented his masculine features. It was just right for him.

Ipinatong niya ang kape sa center table at agad kong naamoy ang aroma nito.

Habang umiinom kami ay parehas kaming nakatanaw sa buwan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya dahil hindi rin naman siya nagtatanong.

"Do you hate Mitzie?"

Napaso ang dila ko dahil sa pagkabigla. Dali-dali kong ipinatong ang kape sa center table at malakas na hinampas siya sa balikat.

"How can I hate her?!" tanong ko sa kanya.

He shrugged, ni hindi pinansin ang hampas ko.

"Because of Duke? Because you love... him?"

I sighed and felt the lump in my throat. "Hindi magbabago 'yong pagmamahal ko sa kanya dahil lang may gusto siyang iba, Harv."

Nakatitig siya sa akin, parang binabasa ako. "He's an ass for wasting a woman like you."

Muli akong napahinga nang malalim sa sinabi niya. Kilala ko si Duke. We were together for years.

Harv, just because he likes Mitzie doesn't mean he's wasting me. My love for him isn't shallow, gusto ko sanang sabihin.

"Ayos lang, hindi niya naman kasalanan," tanging nasabi ko.

"Ha?"

Tumawa ako nang mahina. "Hindi niya kasalanan na kamahal-mahal ang lahat sa kanya."

I sighed as I remembered Duke sniffing my hair, holding my hand in place, caressing my cheeks as tears flowed down my face, and making me feel at ease in his embrace.

I showed Duke my darkness but he didn't hide. Instead, he danced with my loud demons and hugged my shadows as if they were his.

Hindi mababaw ang pagmamahal ko sa kanya. His priorities might change but I knew him.

"Hindi niya kasalanan na 'yong bawat piraso ng puso ko, siya iyong pinili," patuloy ko.

"Sol..." I managed to shake my head despite his voice being filled with worry.

"Hindi niya kasalanan na kaya niyang yakapin ang lahat sa akin."

Tumulo ang luha ko. The pain was clenching my heart, making it hard for me to breathe.

Tumawa ako bago pinalis ang mga ito. Mukha na siguro akong tanga sa harap niya.

"Hush," he uttered. "It's okay, Sol... it's okay."

Umiling ako bago bigyan siya ng tipid na ngiti. "Kaya ayos lang." I paused. "Hindi niya lalo kasalanang hindi... ako."

Hindi ko alam kung anong oras kami natulog ni Harvin. I told him I was going to sleep on the sofa, but he pulled me into his room and ordered me to sleep there. Kumportable ako sa kama niya kaya kahit mahapdi ang mga mata, nagawa kong makapagpahinga.

Kinabukasan ay nauna akong magising sa kanya. Kinuha ko ang cake sa ref at hinati ito para mag-iwan ng para sa umagahan niya.

'Thank you, Harv. I appreciate you.'

Iniwan ko ang note na iyon sa ref niya bago nagbihis ng nilabhan at pinatuyo kong uniform kagabi. Inilagay ko sa isang paper bag ang damit niya para madala ko ito pauwi at malabhan.

Hanggang makalabas ako ng condo niya ay hindi siya nagising. Hindi ko alam kung wala siyang klase o ano pero dahil siguro sa puyat at pagod ay bumabawi siya sa tulog. Nakaabala pa ako sa ginawa kong iyon.

"Nay?"

"Nasa likod ako, Sol!"

Napangiti ako sa pamilyar na sagot. Mamaya pa ang klase namin at may oras pa para tulungan ko si Nanay na maglaba. Ibinaba ko ang gamit at nagbihis ng pambahay bago umupo sa harap niya.

"Good morning sa maganda kong nanay," masayang bati ko.

Matapos ang pag-iyak magdamag, parang gumaan ang pakiramdam ko. Masakit pa rin pero siguro, kaya na.

Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kanya. She had a worried expression on her face as she looked at me.

"Ayos ka lang ba, anak?"

My lips quivered. Her voice was soothing, making me want to cry and hide. She was causing me to know that I had more tears to shed.

She walked up beside me and hugged me tightly without saying anything.

That's when I knew no one would ever love me as much as she did.

Hindi ako pumasok no'ng araw na iyon kahit may dalawa akong major subject. Pinagpahinga lang ako ni Nanay sa kwarto ko dahil may sinat daw ako. Hindi naman big deal iyon sa akin dahil gusto ko ring umiwas muna sa lahat. Kahit isang araw lang.

Hawak ko ang aking cellphone kaya naramdaman ko agad nang may mag-text sa akin.

Harvin:

Ang sarap ng cake mo grabe ipaggawa mo ulit ako nito!!!!

Ngumiti ako sa nabasa. Hindi na ako nakasagot dahil may nagtext ulit sa akin.

Troy Asungot:

bebe bakit ka absent 👉👈

Napairap ako sa text niya pero napangiti rin. Kumirot ang ulo ko at bahagyang sinapo ito.

Me:

ayaw kitang makita

Troy Asungot:

osiya shift ka na

Me:

sana magkapantal ka sa bayag

Troy Asungot:

okay lang, ipapakamot ko kay crush

Napanguso ako at gusto na siyang tirisin mula sa cellphone. Basta talaga asaran ay hindi ako nananalo sa lalaking to!

Me:

asan si duke

Natagalan bago siya nagreply kaya medyo nagtaka ako. Kanina lang ay diretso naman ang text namin ah? Lunch time naman kaya sigurado akong walang klase.

Troy Asungot:

legit nga? may lagnat ka?

Napakunot ang noo ko. Paano naman niya nalaman? Wala naman akong pinagsabihan sa school.

Me:

mejo lang, naulanan kahapon e

Troy Asungot:

ah gano'n

Troy Asungot:

deserve mo

Me:

bwisit ka!!!

Kahit sa text lang ay naririnig ko ang pagtawa niya. Ibinaba ko ang cellphone at humiga sa kama ko. Mukhang tama nga si Nanay na may sinat ako dahil bumigat ang pakiramdam ko.

I closed my eyes and tried to rest. Ni hindi man lang ako nagawang itext ni Duke. Maybe he was busy with Mitzie. Baka inaalo niya pa rin ang babae.

With those bothersome thoughts, I managed to sleep.

Nagising na lang ako nang maramdamang may nagpupunas sa mukha ko ng malamig na twalya. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at inasahan nang makita si Nanay ngunit para akong niloloko ng sarili ko dahil si Duke ang nakita ko.

Masakit ang ulo ko at medyo nagdidilim pa ang paningin kaya muling ipinikit ang mata. He couldn't really be here! May klase pa kami panigurado.

Nang medyo nakabawi ay muli akong nagmulat ng mata at talagang si Duke ang nakikita ko!

"D-Duke?" mahinang tanong ko dahil wala akong lakas.

Inilagay niya ang bimpo sa noo ko. "Rest, Solene. I will stay here."

"Duke!"

Napaupo ako dahil napagtanto ko talagang si Duke ang nasa harapan ko. Agad ang pagkirot ng ulo ko at pagdidilim ng paningin sa ginawa kong iyon.

"Sol!" saway niya sa akin bago ako alalayan pahiga. Muli niyang inilagay ang bimpo sa noo ko.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa mahinang boses. "M-may klase pa, ah..."

"I ditched the class," he said. "Just rest, please?"

"Para ka namang gago, eh. Lagnat lang naman 'to! Hindi mo kailangang umabsent. Parang tanga."

"Sinong mag-aalaga sa 'yo rito, kung gano'n, ha?" He sighed. "Hindi makaalis si Tita para bumili ng gamot kasi hindi ka kayang iwan."

Napahinga ako nang malalim. Nakaupo lang siya sa kama ko habang nakahiga ako. Nakatingin siya sa akin at gano'n din ako sa kanya.

"Inutusan ka ba ni Nanay?"

I saw him shaking his head. "I came here voluntarily, Sol."

It's funny how his simple words brought a smile to my face. It was strangely comforting and nostalgic.

I sighed. Duke, bakit kasi hindi ako?

"Hindi ka raw umuwi kahapon."

I swallowed my tears and stayed quiet. I just laid there and listened to him. Ipinikit ko ang mga mata habang dinadama ang kamay niyang hinahaplos ang kamay ko. It was soothing me even better than the medicine.

"Saan ka natulog kagabi?" tanong niya gamit ang seryosong tinig.

Kung normal na araw ay kakabahan na ako roon pero hindi ko alam kung bakit napangiti pa ako. He's still the same Duke. He still cares for me.

"Alam kong hindi ka kina Mitzie nag-stay."

Syempre alam mo talaga yon. Kasama mo siya kagabi, hindi ba? Ni hindi mo nga ako naitext kung nakauwi ba ako nang maayos.

Mabuti na lang at nakapikit ako dahil ayokong mabasa niya sa mata ko ang sakit.

"D-Duke..." My voice slightly cracked. "Sa condo ni Harvin ako natulog," I confessed.

Tumigil ang paghaplos niya sa kamay ko at naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na nagtama ang paningin namin.

I feigned a smile while squeezing his hand. "Naligo ako sa ulan kahapon," kwento ko habang bahagyang nanginginig ang boses. "Pangarap ko lang yon no'ng bata ako, 'di ba?" mahina akong tumawa bago napailing. "Naligo ako sa ulan kasama si Harvin."

Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagdaan ng sakit sa mata niya.

I looked away. "Hindi niya ibinigay iyong hoodie niya sa akin dahil bukod sa wala naman siyang suot na gano'n, hindi niya alam na lamigin ako."

Nanatili siyang tahimik. He seemed to be contemplating my words.

Kinagat ko ang labi ko. "S-sabi ni Harvin..." I paused and took a deep breath. "Masarap daw iyong cake ko..."

"Sol..." His voice trembled. He leaned in close to me, his head resting on my shoulder. "Solene..."

Nagtubig ang mata ko habang inaalala iyong cake na nasa sahig katapat ng upuan niya. Na habang lahat pinuri iyong gawa ko, para sa kanya, naging kalat lang.

"Ayos lang 'yon!"

Umiling siya. "Sorry." Dinig na dinig ko ang pagsisisi sa boses niya pero hinawakan ko lang ang dalawa niyang braso at itinulak palayo sa akin.

I wanted to strangle myself because I saw a glimmer of tears in his eyes. No, Duke, don't cry for me.

"Ayos lang ako, Duke," I assured him. "Harvin sings songs for me," pagkukwento ko. "Ipinagtimpla niya pa akong kape kahit hot chocolate lang ang iniinom ko," dagdag ko pa.

Umiling nang umiling si Duke. His eyes were filled with regret and pain. He wanted me to stop telling stories but I had more to say.

"Hindi kasi ako nakasakay kahapon sa tricycle dahil walang gustong magsakay sa akin." Tumawa ako nang mahina. "Ayaw magsakay ng isa, eh, ang ganda ko naman."

He held my hand and brought it closer to his lips. Hinalikan niya iyon nang paulit-ulit habang nakapikit.

"Sol..." he pleaded. "I'm sorry, Sol." Hinalikan niya ulit ito. "Sorry..." Paulit-ulit ang paghingi niya ng tawad sa akin. Hindi ko alam kung para saan dahil totoong ayos lang naman.

Hindi niya ako gusto, at hindi niya responsibilidad na gustuhin ako. It was my decision to love him.

"Bakit ka ba nag-so-sorry?" tanong ko. "Naiintindihan kita, Duke."

He didn't answer.

"Wala akong pakealam kahit magkasakit ako basta maramdaman ko lang uli iyong saya ko kahapon..." This time, I smiled genuinely. Totoong masaya ako sa ilalim ng ulan, buradong make-up, magulong buhok, basa... lahat.

He looked at me, and I mirrored his gaze. His pleading and regretful eyes remained, but I reassured him with a smile.

"Be happy for me," I said.

He shook his head. "Bakit? Anong ibig mong sabihin, Sol?"

"Na-realize ko lang... baka sobrang nakadepende na ako sa 'yo." I smiled. "Tapos kagabi, napagtanto kong kaya ko naman pala kahit hindi kita kasama."

Tumulo ang luha sa mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin. It was something I didn't want to see. I didn't want it to become my hope once more. Kailangan ko nang patayin ang kandila ng pag-asa na nagsasabing pwede kami.

"Hindi naman kita iiwan, Duke," I managed to say. "Pero ayaw na kitang ikulong sa akin."

Napatawa ako kahit na sobrang sakit ng dibdib ko. Baka tama 'yong mga babae sa library. Baka ako ang dahilan kung bakit hindi siya makapanligaw.

This is my indirect confession, Duke.

"Hindi mo ako kargo kaya 'wag kang mag-alala. Do what you want, Duke. Hindi na kita haharangan."

Hindi na kita guguluhin. Hindi ko nga lang maipapangakong hindi na ako masasaktan.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 157K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
118M 2.7M 34
University Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was to study in the best flying school in F...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
24.7M 1.1M 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon...