Twilight's Empress

By lovablefayee

82.4K 2.3K 136

High School Royalty series #1: MC, leaving everything she had in the past, sets out a new chapter in her lif... More

SYNOPSIS
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
Special Chapter
ANNOUNCEMENT

Chapter 32

1K 34 0
By lovablefayee

Chapter 32

MC's POV

"Puwede na, kaso hindi ako sure kung sasagot 'yung babaeng sasabihan mo niyan."

I honestly told Maverick about what I think, totoo naman ang sinabi ko, kung mag aaya siya ng date sa isang babae dapat hindi niya kaagad aangkinin, tsaka if he would date that girl, hindi dapat siya mag lalagay ng limitations kagaya nalang ng one week, duh, that really hurts para sa ibang babae, but not me, I don't even like dating. Such a waste of time.

I saw him burrowed his brows. "What?" he asked. "What are saying na sasagot 'yung babaeng sasabihan ko nu'n?"

"Lah! Slow ka? 'Di ba saakin mo prinapraktis 'yang sasabihin mo sa liligawan mo? So sinasabi ko 'yung opinyon ko." saad ko sakaniya, I slightly pointed him. "Slow mo 'no?"

I saw him bit his lower lip. "Oo slow ako pero mas slow ka, nakakainis ka badtrip." he said and slightly scratched his head kaya napairap naman ako.

"Wala naman akong ginagawa nabadtrip ka na agad sa'kin? Well! Quits lang tayo!" I said stuck my tongue out to him. "Ano nga palang ginagawa mo dito sa kuwarto ko? May kinuha ka 'no?!"

He slightly laughed. "Anong kukuhanin ko? Palda mong maikli? Hindi kasya sa'kin 'yon." he said while smirking kaya nakaramdam ako ng init ng ulo sakaniya.

"Alam mo ikaw... hindi ka na talaga matino kausap, mas nakaka badtrip ka."

"Well! Quits na tayo!" ginaya niya pa ang boses ko kung paano ko iyon sinabi at saka niya rin nilabas ng dila niya para asarin niya ako, kaya lumapit na ako sakaniya at bahagya kong tinampal ang braso niya. "Aray ko naman!" daing niya.

"Ewan ko sa'yo, nakakinis ka!"

I heard him laughed at sandali akong napatingin sakaniya, ngayon ko lang siya makita na ganito kasaya kaya hindi ko maiwasan titigan ang gwapo niya ng mukha kapag tumatawa, palagi nalang kasi siyang nakasimangot akala mo pasan niya lahat ng problema sa mundo.

And after what happened earlier, I'm glad that he can still smile and laugh like this, I'm glad na hindi sila masyadong naapektuhan sa sinabi ng magulang nila because for me.. they don't have to.

I felt someone touched my chin kaya napabalik na ako sa realidad at nakita ko na siyang nasa harapan ko, nanlalakihang mga mata akong napatingin sakaniya.

"Sara mo 'yang bibig mo, baka may pumasok na langaw." he stated and chuckled a little.

I frowned again and slightly punched his chest. "Nye nye, matutulog na ako." saad ko sakaniya but then akmang isasara ko palang ang pinto ay iniharang niya ang braso niya.

Baliw na talaga 'tong lalaking 'to! Paano kung nasara ko nang tuluyan 'yung pinto at naipit ang braso niya? Argh! Baliw na talaga ang isang 'to!

"Ano na naman? Hindi mo ba naisip na baka masara ko 'tong pinto-"

"Shush! Ang dami mong sinasabi." he said while his finger was on my lips, stopping me from talking, iniangat ko naman ang kamay ko at saka inialis ang kaniyang daliri duon. Pwe!

"Ano nga kasing sasabihin mo? Inaantok na ako, matutulog na ako-"

"Pag-isipan mo.." he cut me off again and this time I wasn't able to react immediately. Bahagya pa akong nalito, pag-isipan ang alin? "Sabihan mo ako kapag napag-isipan mo na kung makikipag date ka saakin o kung hindi. I won't rush you."

And he... closed the door.

**

The next day were pretty normal, I woke up early and prepared a breakfast for them, I took a bath and wore my uniform, nang matapos ako ay kaagad ko na silang tinawag upang mag almusal at sinaluhan naman nila ako.

While we are having our breakfast, everyone remained silent, but then Dominic, Shaun and James tried to lighten up the mood by making corny jokes to everyone, I would sometimes laugh at it pero ang iba ay hindi dahil sadyang napaka korni talaga ng joke nila.

Hindi ko na rin in-open 'yung topic about duon sa nangyaring pag uusap nila with their parents dahil baka hindi rin sila komportable, because if they were, they would probably talk about it pagkaupong pagkaupo palang nila dito sa hapag kainan, but since they didn't... then that means na they aren't.

But I understand them, maybe naninibago pa sila because that's the first time they said out loud what they feel.. or if not, then maybe that's the first time na may kumampi sakanila and made their parents shut..

Bigla ko tuloy naalala si Tito-Sir. Ang tatay ni Dominic, he told me that I could call him Tito-Sir since he prefer being called Tito, but then I like calling him sir than tito so he thought that we should combined nalang daw ito.

Hindi na rin ako umangal kasi medyo may pagkakulit rin naman si tito na parang si Dominic lang. Medyo cute nga rin si Tito-Sir e.

I was about to have another bite of the longganisa I cooked when suddenly the doorbell rang, lahat kami ay natigilan at napatingin rito. The last time that doorbell rang was yesterday and it didn't turn out well.

Napalingon ako sa Twilight and I smiled widely. "Ako na mag bubukas." paalam ko sakanila at napatango naman sila saakin, I walked toward the door and opened it.

Akala ko makakakita na ako ng nakasimangot na mukha pero nag kamali ito, a guy wearing a green shirt with a sling bag on his body and he's carrying a box, hindi naman ito kalakihan at mukhang magaan lang din ito.

"Good morning Ma'am! Kayo po ba si Maria Celistina Xavier?" tanong ng lalaki at alam kong narinig ito ng Twilight dahil ang lakas ng boses niya.

Napatango naman ako sakaniya kahit na nag tataka ako kung bakit ako nito kilala, baka naman kasi sa Twilight ito, but since they told everyone that if ever they wanted to say something ay saakin nalang ipadaan since I am their assistant.

"Ito nga po pala, package pinapadala po ni Sir Dwayne." he stated at mas nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Tito-Sir.

Nag padala ng package saakin si Tito-Sir, o para sa Twilight ito?

"Para saakin ba talaga 'to kuya?"

Tumango naman ito nang masigla. "Opo ma'am! Bilin po niya saakin na ingatan ko raw po ito." he said again at napatango nalang ako. Sinabi naman niya na hindi na kailangan mag bayad ng shipping fee dahil sagot na raw ito ni Tito-Sir lahat.

Pumasok na ako sa loob dala dala ang box, napatingin saakin ang Twilight and I slightly scratched my head, don't know how to say na galing ito sa Tatay ni Dominic.

"Kanino daw galing 'yan?" biglang tanong ni Joshua saakin, napangiti naman ako nang bahagya.

"Sa tatay ni Dominic.. Kay Tito-Sir." honest na sagot ko dahil alam ko naman na malalaman rin naman nila, saka wala naman din sigurong masama kung malaman nila, ang sabi lang naman ni Tito-Sir na 'wag ko lang banggitin kung ano ang pinag-usapan namin e.

"Kay Dad?" takang tanong ni Dominic at napatango naman ako, tumayo siya at saka unti-unting lumapit saakin. "Ano namang ipapadala sa'yo nu'n?" he asked me and I shrugged. Hindi ko rin talaga alam.

Nilapag ko ang box sa may coffee table, they also stopped from eating to see kung ano ang laman niyon at saka ako kumuha ng cutter pambukas at dahan dahan ko na itong binuksan, I aslo asked for Dominic's help since he's the one na pinakamalapit saakin.

I slowly opened the box and my eyes literally widened when I saw what's inside. There's a bunch of clothes! For women of course.. and an iPad pro at isang apple pencil, hindi ako kaagad nakagalaw mula sa pwesto ko.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. This is too much.

May papel na nakaipit duon at dahan dahan ko iyong kinuha, at saka binuksan, the letter was printed but then.. I can see that it was scanned, sulat kasi talaga ni Tito 'yung nasa papel o baka naman nag pagawa siya ng sarili niyang font?

Hi Miss Xavier! MC nalang sabi mo, sana tanggapin mo ang kaunting regalo ko sa'yo, yes! It's a gift! Sana 'wag mong masamain itong munting regalo ko and I know this can help you to your studies also. Mag-aral ka lang ng mabuti at alagaan mo ang mga batang iyan na kasama mo ha! Salamat ulit! Let's have some coffee again.

- Tito-Sir.

Dahil nasa likod ko ang Twilight at malamang nabasa rin nila ang nakasulat dahil narinig ko pa ang mahinang tawa ni Dominic na nasa may bandang kanan ko naman.

"So what's that act now? Kunyari mabuti siyang ama? May pa regalo pang nalalaman." he stated and scoffed a little.

I bit my lower lip, nahihiya na tuloy akong tanggapin 'yung regalo ni Tito-Sir because they are finding it as an act of being "nice"

"Ano bang napag-usapan niyo ni Dad? Bakit bigla nalang siyang naging mabait sa'yo?" he asked me, with a serious voice.

"Dom.. 'wag mo naman ibunton kay MC 'yung galit natin sa Tatay natin." I heard Jacob said, at narinig ko rin ang buntong hininga ni Dom sa tabi ko lang.

He put his palm on his face, "Sorry.. I didn't mean to scare you." he stated and I just nodded. I don't know if I should say it to them but I also respect Tito-Sir and I made a promise to him also.

I just nodded and said that it was fine before I picked up the box at saka ako nag tungo muna sa kuwarto ko at saka ko ito nilagay iyon. Nang makababa ako they are now eating pero wala na akong gana kaya niligpit ko nalang ang pinagkainan ko.

When they finished eating ay kaagad ko namang hinubad muna ang blazer ng uniform ko at bahagyang itinaas ang aking sleeves para hindi mabasa at kaagad na nag hugas ng pinggan.

My morning continued like that at wala naman masyadong nangyari, habang nasa klase ako everything went smoothly at nang tumunog na ang bell ay kaagad akong nag tungo ng canteen, I prepared everything they need at nang wala pa sila ay nakiupo muna ako kina Nice.

They just asked me kung nasaan ako kahapon at kung bakit hindi na ako pumasok ng afternoon classes namin, gumawa nalang ako ng kuwento na sumama ang pakiramdam ko at tanong naman sila ng tanong kung okay lang ako.

"Okay lang ako girls, promise." I assured them again at saka lang sila nanahimik, napangiti nalang ako at saka ako bumalik na sa table ng Twilight, they started to eat na at nakisalo na rin ako since I have my food here rin naman pero kaunti lang ang kinuha ko.

I finished eating first than them kaya tumayo na ako at nilagay ang pinagkainan ko sa loob ng kitchen at nilagay na ito sa lababo, napangiti naman saakin si Ate Lory at binati ko lang siya.

Nang makarating na ako sa table ng Twilight ay akmang uupo na ulit ako nang tumunog ang cellphone ko. Pinapatawag ako ng school admin kaya nag paalam naman ako sakanila na aalis lang ako sandali, pumayag naman sila saakin at sinabi nila saakin na ipapaligpit nalang nila ang pinagkainan nila.

Nang makarating ako sa tapat ng school admin ay akmang bubuksan ko na ang pinto nang biglang may humigit ng kamay ko. "Aray ko! Ano ba-"

Natigil ako sa pag angal nang makita ko kung sino ang humigit saakin, nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko siya, "Ano na naman ba 'yun Maverick? Pinapatawag ako e!"

He tsked before combing his hair with his fingers. "Ako lang naman 'yung nag text sa'yo."

"Ano?! Nahihibang ka na ba?! Eh kitang kita naman na admin na 'yung nag text saakin!" I told him.

"Hindi ba uso sa'yo 'yung hacking?" he asked while raising his brow on me.

Kahit na gulat ako ay mas nanaig saakin ang inis kaya hinampas ko siya sakaniyang dibdib. "Nahihibang ka na ba? Mismong school admin natin hina-"

Naputol ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko at hatakin niya ako sa hindi ko alam na lugar hanggang sa makapasok kami sa elevator, nang masara na ang elevator ay saka niya ako binitawan kaya masama ko siyang tinignan.

"Ano bang problema mo ha?" inis na sambit ko.

He didn't say anything at saka lang siya may kinuha sa loob ng bag niya, I growled at him but then he still didn't mutter something hanggang sa tumunog ang elevator at saka ko napagtanto na nasa rooftop na pala kami.

Pangatlong beses ko na ito kaya ako na ang nauna at saka binuksan ang pinto ng rooftop, nagulat pa ako dahil may mga lamesa at upuan na dito ngayon e last time naman ay wala.

"Maupo ka nga dito." I heard him say kaya masama ko na naman siyang tinignan. "Baka tumanda ka kapag patuloy mo akong sisimangutan." he added kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Maupo ka nalang kasi." pamimilit niya saakin kaya napabuntong hininga nalang ako at saka ako naupo sa tapat niya at may lamesa sa pagitan naming dalawa.

"Ano na naman ba kasing pakana ito-"

I was cut off from talking when he placed a lunch box on the table, nag labas rin siya ng utensil case at isang bottle ng tubig, hindi ako nakapag salita at nakakilos kaagad kaya nakita kong siya na rin ang nag bukas ng lunch box at siya na rin ang nag labas ng kutsara't tinidor at inilagay ito sa tapat ko.

"Anong gagawin ko dito?" I asked when I pulled myself back together.

"Malamang kumain, baka maubos 'yan kapag tinitigan mo." he said sarcastically kaya napairap naman ako.

"Alam ko, ibig sabihin kung bakit meron ka nito? Gutom ka pa ba at nahihiya ka lang humingi ng extra?"

"It's for you tsk." he said at bahagyang nag iwas ng tingin saakin. "You haven't eaten anything since breakfast, parehas kaunti lang at hindi ka puwedeng magutom." he said fast.

I laughed a little. "Concerned ka?"

He looked at me straight. "So? What if I am?" he asked.

I rolled my eyes, "As if naman talaga.."

"It's a normal thing for a man to be concern at the girl he likes."

Mabilis na sabi niya kaya habang iniinom ko ang tubig na dala dala niya ay muntikan ko na itong maibuga sakaniya and he let out different curse and say how disgusting I am, so I bursted out laughing.

**

Natapos na ang "mini lunch with Maverick" ko sa rooftop at wala naman siyang ibang ginawa kundi ang asarin ako nang asarin, kaya halos wala akong nakain din at hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang laman ng lalagyan na 'to.

Nasa classroom na ulit ako nang tumunog ang cellphone ko, I secretly looked at it dahil may teacher pa sa loob ay palihim lang ito. I looked at it and saw the school's deans office naman ang nag text saakin.

Now I am starting to think that it's Maverick again! Baka scam na naman 'to!

I turn off my phone at bahagya akong tumingin sa likod ko dahil nandoon si Maverick, I saw him looking at me too kaya sinamaan ko siya ng tingin before rolling my eyes on him and focused on listening to our teacher na.

The class ended at kaagad kong hinarap si Maverick. "Ikaw na naman ba 'yung nag text?" I asked him, confused at mahina lang.

"Saan?"

I rolled my eyes. "'Wag ka na nga mag maang maangan, 'yung sa dean, nag text saakin, pinapapunta na naman ako."

"Wala akong tinetext, bakit ka pinapapunta sa admin?" he asked me and I started to believe him. Tumayo ako sa upuan ko.

"Kapag scam na naman 'to susuntukin na talaga kita." I warned him at nakita ko naman ang pangiti niya saakin

"Kapag hindi?" he asked and I think of possible thing he can do, I was about to say something nang unahan niya ako. "You will say yes to what I said." he said and I just stomped my feet.

"Nakakainis ka!" huli kong sabi at saka na nag tungo sa deans office.

When I got there, nakita ko na agad ang dean at napaharap siya saakin ngayon. "Thank God Miss Xavier nandito ka na," she stated and started typing something on her laptop.

"Bakit po? Ano po bang nangyari?" tanong ko dahil napagtanto ko naman na hindi talaga scam and I don't know if I have to say yes to him too! Argh! Niasahan na naman ako ni Maverick!

The dean's panicking at nang matapos siya ay kaagad niya akong pinalapit sakaniya and what I saw next stunned me.

**

Nakabalik na ako ng dorm and I immediately saw Maverick's face, inirapan ko nalang siya at saka na ako naupo sa space ng sofa nila.

I sighed. "Anong problema MC?" Daniel asked me.

Napangiti naman ako ng tipid. "I don't think I can be your assistant now." I said and they all look at me with wide eyes.

"Ano bang ibig mong sabihin MC? Someone bullied you again? Sabihin mo lang saamin."

I smiled at them. "Wala, wala namang nang bully saakin, It's my own decision.. you're parents..."

Natigilan silang lahat nang marinig nila ang huli kong sinabi na ang mga magulang nila..

"What about our parents? Did they do something again? Did they say something bad against you again? Tell us MC." pilit saakin ni John and I just shook my head.

"Wala.. wala silang ginawa saakin." I sighed. "Pero sainyo meron."

Sabay sabay sila napakunot ng noo. "Ano?"

"They cut your credit cards.." I slowly said. "You only have your one month allowance left in it."



lovablefayee

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.3K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
447K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
995K 41.2K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞