Rebellious Boys #1: She's the...

By Imprfctly_Stubborn

24.6K 4K 404

In a city where dreams and nightmares collide, a naive provincial girl's quest for education and work leads h... More

She's the Gangster's Princess
-00-
Chapter-1
Chapter-2
Chapter-3
Chapter-5
Chapter-6
Chapter-7
Chapter-8

Chapter-4

1K 437 32
By Imprfctly_Stubborn

Hindi rin naging matagal ang paghahanda ni Pilak ng pagkain at ilang sandali lang ay sabay sabay na kaming kumakain.

Tahimik lang ako habang kumakain dahil ino-obserbahan ko ang mga kilos ng mga kasabay ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang lihim na mapangiti dahil sa kakulitan ng mga kaibigan ni Pilak. Hindi naman kasi n'ya niyaya ang mga kaibigan n'yang kumain pero nang naamoy nila ang mabangong luto ni Pilak ay nag unahan na silang pumunta rito at halos mag unahan na rin sa pag sandok.

"Taga saan ka nga pala and what's your name?"

Napatingin ako sa lalaking may pulang buhok at ngumiti.

"Maria Konstantina ang aking pangalan pero Mariko na lang at galing pa ako sa probinsya namin sa Alta Gracia."

Panandaliang nagkasalubong ang kaniyang mga kilay bago ngumiti. "My name's Zypher yang may blue na buhok naman ay si Azul at sya..." tinuro n'ya si Pilak na tahimik lang na kumakain at hindi man lang kami tinapunan ng tingin. "...si Reckless."

Tumingin ako kay Pilak at ngumiti nang mag angat siya ng tingin sa akin pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya. Napaka seryoso n'yang tignan.

"Natutuwa akong makilala kayo," nakangiti kong sabi sa kanilang lahat.

"Wow, you really speak straight tagalog. Is that how people from the province typically speak?" tila namamanghang tanong ni Zypher kaya bahagya akong natawa.

"Bukid naman kasi iyong lugar namin kaya walang nagsasalita ng englis at lahat ng naroon ay tagalog ang wika lalo pa't iilan lang din ang mga nakapag aral," malumanay kong sagot.

Sa mga sandaling oras na kasama ko sila ay unti unti ko ng nakikita ang mga pagkakaiba nila. Si Zypher ang nakikita kong pinakamasigla at masayahin sa kanilang tatlo base sa kan'ya ng mga kilos at pananalita, s'ya rin ang palatawa. Si Azul naman ang masasabi kong neutral lang, ngumingiti, tumatawa, at sumasabay sa mga biro ni Zypher pero hindi siya ganoo'n ka likot. At si Pilak naman 'yong masasabi kong pinaka seryoso sa kanila. Kanina ko pa napapansin ang kaseryosohan niya. Simula rin kanina hanggang ngayon ay hindi ko man lang siya nakitang ngumiti o tumawa. Palagi ring walang emosyong mababakas sa kaniyang mukha at para bang palaging may maitim na aura ang nakapalibot sa kanya, 'yong parang kaunting pagkakamali lang ay bubugahan ka na n'ya ng apoy. Iyong pakiramdam na kapag tumitig na sa'yo ang kulay pilak n'yang mga mata ay manghihina na lang 'yong buo mong katawan na para bang hinihigop nito ang lahat ng lakas mo. S'ya 'yong tipo ng tao na parang hindi mo pwedeng biruin kaya nga hanggang ngayon hindi ay medyo hirap akong paniwalaan na magkakaibigan sila.

"Bakit ka nga pala nagpunta dito eh masyadong malayo yung probinsya nyo?"muling tanong ni Zypher. Tumingin din sa'kin si Azul na para bang interesado rin s'ya sa magiging sagot ko.

"Nagtatrabaho kasi rito ang nanay ko at ipinasok n'ya rin ako sa pinagtatrabauhan n'ya"

"You will not go to school? I thought you're going to study? ito ang unang beses na si Azul ang nagtanong kaya napangiti ako.

Totoo naman kasing pag aaral talaga ang ipinunta ko rito pero paano naman ako mag aaral kung wala akong pera 'di ba? Kaya ipinasok ako ni nanay sa pinagtatrabahuan niya at doon ay mag iipon akong pangpaaral sa sarili ko. Hindi naman kasi pwedeng iasa ko sa mga magulang ko ang pagpapaaral sa akin lalo pa't hirap din kami sa buhay at may mga kapatid pa akong nag aaral sa elementarya. Kaya kung makakaipon ako, hindi na nila kailangan pang problemahin ang aking pag aaral at maari pa akong makapag-abot ng maliit na tulong sa kanila.

"Hindi muna sa taong ito dahil kailangan ko pang pag ipunan ang pangpaaral ko kaya magtatrabaho muna ako. At siguro pag lipas ng isa o dalawang taon, kung may sapat na akong pera saka ako papasok sa paaralan."

Natahimik sila at nagtatakang nakatingin lang sa akin. Sa paraan ng pag tingin nila ay para bang isang kahibangan ang aking sinabi o kaya naman ay isang malaking pagkakamali.

"Why? Isn't it your parents obligation to support you financially and send you to school?" nagtatakang tanong ni Zypher.

Kinagat ko ang aking ibabang labi saka tipid na ngumiti. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako sa kaniya o ano. Paano ko ba sasagutin ang tanong niya at ipapaliwanag sa kanila ang lahat?

"Hindi naman kasi kami mayaman. Kaya kung gusto kong mag aral, kailangan kong mag sikap."

"Stop asking, you idiot." mayamaya'y sabi ni Azul kay Zypher at umamba pa itong papaluin ng kutsara ang huli. "Pasensya ka na, Mariko."

"A-ayos lang naman." nahihiya kong sabi.

Napatingin naman akong bigla kay Pilak nang bigla na lang niyang binitawan ang kutsara't tinidor saka kunot noong tumingin sa'kin na para bang may mali akong nagawa.

"And your parents lets you travel alone knowing the dangers of this world?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko.

Pumasok naman sa isip ko 'yong nangyaring holdapan sa bus, 'yong nasaksihan kong krimen na may kinalaman sa kanila at 'yong mga kalupitang naranasan ko kanina. Ibang iba nga sa payapang buhay sa probinsiya.

"K-kaya ko naman."

Narinig ko ang pag ismid niya kasabay ng pagsandal.

"You really have the guts to say that, huh? What do you know about this world anyway? You seem careless and overly trusting."

Hindi ako nakaimik dahil tama naman siya. Unang araw ko pa lang dito ilang beses na agad akong nasabak sa peligro. Tama siya na wala nga akong alam sa mundong 'to at kung meron man, hindi rin sapat para masabing magiging matagumpay at madali ang buhay ko rito. Tama rin siya na masyado akong mabilis mag alay ng tiwala. Pumasok kasi ulit sa isip ko ang nangyaring pagbaril kanina. Paano nga bang narito ako kasama nila? Paano nga bang sumama ako sa taong hindi ko naman kilala? Hindi ko man tagalaga nasaksihan sa akto ay alam kong may tinapos silang buhay kanina. Ni hindi nga ako sigurado kung isa o lahat bang 'yon ay wala ng mga buhay. At hindi pa nga iyon ang punto kundi ang katotohanang may buhay silang kinuha. Bakit hindi man lang ako nakakaramdam ng takot sa kanila? Ganito ba ako ka mangmang para hindi man lang isipin na maaring gawin nila sa akin 'yong ginawa nila sa mga lalaki kanina? Dahil kung gagawin nila 'yon ay talagang wala akong kawala.

Hindi na ulit s'ya ulit nagsalita pa at tumayo na lang saka umalis matapos uminom ng tubig. Si Zypher naman ay kung anu anong bagay lang ang tinatanong sa akin na sinasagot ko rin naman.

Pagkatapos naming kumain ay nag presenta na akong mag hugas ng mga pinagkainan bilang pasasalamat na rin sa kanila.

"Are you scared of us?" biglang tanong ni Azul havang naghuhugas ako ng mga pinagkainan.

Hindi naman ako kaagad nakasagot kaya tipid siyang ngumiti sa akin.

"Don't worry, we won't harm you. We might not be the best of people and tend to lean more towards evil side, but in this world, there are far more malevolent individuals than us." sabi niya bago ako iniwang mag isa.

Binilisan ko na lang ang pag huhugas ng mga pinggan pagkatapos ay nagpaalam na ako para matulog. Nahihiya man ay sinabi ko na iyon dahil kailangan kong magising ng maaga bukas para simulan na ang pakikipagsapalaran ko. At nagulat pa ako nang ihatid ako ni Pilak sa tapat mismo ng kwartong pansamantala kong tutulugan. Ito rin 'yong kwarto kung saan ako naligo at nag bihid kanina.

"A-ahm, salamat—"

"You can sleep here, but don't ever touch anything aside from what's on the bed."

Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa tuno ng boses n'ya. Nagbabanta. Na para bang may hindi s'ya magandang gagawin sa'kin sa oras na labagin ko iyong sinabi mga sinabi niya.

"Hey, are you listening to me?" pinitik n'ya pa 'yong mga daliri n'ya sa tapat mismo ng mukha ko kaya sunod sunod akong tumango.

"Naiintindihan ko," mahina kong sagot.

"Good," 'yon lang ang sinabi n'ya bago ako iniwan.

Para naman akong nakahinga ng maluwag nang makaalis na s'ya. Pumasok na ako sa loob ng napakagandang silid. Sinuklay ko muna ang aking buhok bago nahiga at sa oras na lumapat ang aking likod sa malambot na higaan ay kaagad akong tinangay ng antok.

Nagising na lang ako kinabukasan, maaga akong nagising tulad ng nakasanayan pero parang mas maaga ang gising ko ngayon. Base sa orasan ay alas tres y media pa ng madaling araw pero nang sumilip ako sa salaming bintana ay kitang kita kong gising na gising na ang mundo. Nasa itaas na palapag kami kaya kitang kita ko ang mararaming sasakyan at ang mga taong pumaparoo't parito.

Matapos mag ayos ay lumabas na at dumiretso na sa kusina dahil balak kong ipaghanda sila ng agahan. Siguro naman ay hindi sila magagalit kong pakikialamanan ko itong mga kasangkapan dito. Bilang pasasalamat na rin ito dahil hinayaan nila akong makisilong dito.

Sinigang na hipon ang napili kong lutuin at ilang minuto lang ay natapos ko na iyon. Nakapag luto na rin ako ng kanin. May sinangag na kanin at nag prito rin ako ng hotdog at itlog saka nag timpla ng juice. Base sa mga napapanood ko sa telebisyon ay mahilig ang mga mayayaman sa tinapay bilang agahan kaya inihanda ko na rin iyon kasama na ang ilang palaman na nakita ko.

Saktong pagkatapos ko sa paghahanda ay ang pagdating din ni Zypher at Azul na halatang mga bagong gising pa dahil sa magulo nilang buhok pero hindi naman ito nakabawas sa kagwapuhan nila.

"Wow! You cooked all of this for us?"manghang sabi ni Zypher na para bang tuluyang nagising saka kaagad lumapit sa mesa. Mukhang manghang mangha s'ya kahit pa napaka simple lang naman nang mga niluto ko.

"Sobrang dalang lang namin makatikim ng lutong bahay dahil hindi naman kami marunong mag luto at si Reckless lang ang marunong sa 'min pero hindi naman niya kami pinagluluto." sabi niya habang nagsasandok ng kanin at naglalagay ng ulam.

"Good morning, Mariko," ngumiti si Azul sa akin pagkatapos ay humikab saka naupo sa tabi ni Zypher. "Thanks for preparing foods for us."

"Walang anuman, kain na kayo," nakangiti kong sabi nang maupo sila. "Nasaan nga pala si Pilak?"  tanong ko nang mapansing hindi pa ito lumalabas.

Natigilan naman sila at kuno't noong tumingin sa akin pero mayamaya ay sabay ding tumango ng mahina.

"You mean Reckless?" si Azul. Oo nga't Reckless pala ang pangalan nito.

"Pababa na 'yon," sabi naman ni Zypher habang punong puno ng pagkain ang bibig. Parang gusto ko tuloy pisilin ang mga pisngi n'ya.

Ilang sandali lang din ay dumating na si Pilak. Halatang bagong ligo pa ito dahil tumutulo pa 'yong ilang hibla ng buhok n'ya at umaalingasaw din 'yong napakabango n'yang sabon panligo.

"C'mon dude, let's eat. Mariko made all of these for us," pag iimbita sa kaniya ni Zypher.

Sinulyapan lang ako ni Pilak saka walang imik na naupo at nag sandok ng kanin at ulam. Naupo na rin ako at sinimulan na rin mag sandok ng kanin at ulam.

"A-ano, gusto ko lang magpasalamat s-sa pagpapatuloy mo mo sa akin dito. Salamat sa pag tanggap sa akin dito. Napakababait n'yo."

"Tsss"

Napatingin ako kay Pilak nang marinig ko 'yon mula sa kan'ya.'Yong tono n'ya ay parang natatawa na para bang mali na naman 'yong nasabi ko. Kahit sila Zypher at Azul din ay biglang naging tahimik habang naiiling. Hindi ko sila maintindihan pero ayos lang naman.

Ako ulit ang nag hugas ng mga pinagkainan habang nasa sala na silang lahat.

Balak ko ng umalis ngayon dahil kailangan ko ng pumunta kay nanay kasi 'yon naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito at malamang ay sobrang nag aalala na 'yon sa akin. Siguradong sobrang pag aalala na ang nararamdaman ngayon ni nanay dahil hindi ko man lang s'ya natawagan. May telepono naman dito at pwede naman siguro akong makitawag, 'yon nga lang ay hindi ko memoryado ang numero ng cellphone ni nanay.

Naglinis ako ng kusina pati na rin ng sala na hindi naman talaga marumi. Habang nanonood naman  sila ng palabas do'n sa malaking telebisyon.

"You don't need to do that, Mariko." Si Azul.

"Ah, ayos lang naman."

"Huh? pero—" sabi ni Zypher na hindi rin niya natapos ng putulin siya ni Pilak.

"Let her do what she wants."

Napalingon kaming lahat kay Pilak. May hawak s'yang inuming naka lata habang seryosong nakatuon sa telebisyon. Magkasalubong na naman ang mga kilay n'ya.

Napakurap kurap ako nang tumingin s'ya sa akin habang nakataas ang isang kilay kaya agad akong nag iwas ng tingin.

"A-ah, ayos lang naman. Balak ko kasing umalis na mamaya pagkatapos kong maglinis. B-bilang pasasalamat na lang," nakangiti kong sabi.

"Ilang beses ka bang nagpapasalamat, Mariko?" naaaliw'ng tanong ni Zypher.

Malaki ang bahay ni Pilak, kung bahay nga ba ito at kasya nga yata rito ang buong bahay namin sa Probinsiya eh, pero hindi naman ako nahirapan sa paglilinis kasi malinis na naman ng bahay n'ya. Nahihiya lang talaga ako sa pagpapatuloy n'ya sa akin rito kaya nag presinta akong mag linis.

Nang natapos ko na ang kusina at sala ay 'yong kwartong tinuluyan ko naman ang isinunod ko. Hindi rin ito madumi. Ibinalik ko lang sa ayos 'yong kumot at mga unan. Nilabhan ko rin ang tuwalyang ginamit ko nang naligo ako.

Nagpupunas ako ng mga kagamitan nang nakita ko ang isang picture frame na nakapatong sa mesang nasa gilid ng kama. Kagabi ko pa ito nakita pero ngayon ko lang talaga napagtuunan ng pansin. Nilapitan ko iyon at kinuha at napanganga na lang ako sa sobrang paghanga.

Isang babae at lalaki. Si Pilak ang lalaki at nakasuot s'ya ng uniporme at ginawa nyang headband yung kurbata ng uniporme n'ya. Magulo ang abuhin n'yang buhok pero napakagwapo n'ya parin lalo na't nakangiti s'ya rito. Mukhang masaya siya dahil kitang kita iyon sa kislap ng kaniyang mga mata. Napatingin naman ako babaeng nasa tabi nya. Sa tingin ko'y kasing tangkad ko lang ang babae. Nakapulupot 'yong dalawa n'yang braso sa leeg ni Pilak habang nakanguso at nakatingin sa kan'ya.

Dahan dahan ko iyong ibinaba saka muling tumingin sa isa pang litrato, 'yon naman ang kinuha ko.

Silang dalawa pa rin. Sa litrato ay nakangiti si Pilak sa camera habang naka akbay sa babae. Nakangiti rin ang babae habang naka peace sign sa camera. Nakaharap na s'ya kaya ngayon ay natititigan ko na ang mukha n'ya at hindi ko mapigilan ang humanga sa ganda niya. Maamo ang kan'yang mukha at kulay tsokolate ang mga mata. Hanggang balikat din ang kanyang tuwid na tuwid na  buhok. Mapula ang kan'yang mga  labi at hindi ko alam kung natural ba 'yon o dahil lang sa kolorete.

"Napaka ganda mo naman. Ano kaya ang pangalan mo—"

"What the fuck do you think you're doing?!"

Dahil sa gulat ay napatalon ako at nabitawan ko iyong litratong hawak ko! Namilog ang aking mga mata nang makita kong nabasag ang picture frame!

Takot akong tumingin kay Pilak at mas domoble 'yong takot ko mang makita kong sobrang dilim na ng mukha n'ya! Namumula at umiigting ang kaniyang panga sa galit! Kita ko rin ang bahagyang panginginig ng nakakuyom niyang mga kamao habang mabilis ang pag hinga!

Dahil sa takot ay kaagad akong lumuhod at sinimulang pulutin ang mga basag na salamin ng litrato.

"I fucking told you not to touch anything! Damn it!" umalingawngaw ang malakas n'yang sigaw kaya napapitlag ako sa gulat. Dahil sa bigla kong pagkilos ay nahiwa 'yong kamay ko ng basag na salamin, dumugo iyon pero hindi ko ininda at pinagpatuloy pa rin ang oag pulot sa mga basag na salamin.

"Sorry! Sorry h-hindi ko sinasadya! P-patawad—"

"Shut the fuck up!" muli n'yang sigaw at malalaki ang hakbang na lumapit sa akin!

"A-aw!" daing ko nang marahas n'yang hinablot ang aking braso, ramdam ko ang muling pagkahiwa ng daliri ko sa bubog. Marahas n'ya rin akong hinila patayo at muntik na akong sumubsob nang natapakan ko ang dulo ng aking bistida.

"I allowed you to stay here under the condition that you wouldn't touch anything, but just look at what you've done!" pasigaw pa ring n'yang sabi sa mismong mukha ko pero mas mahina na 'yong boses n'ya kumpara kanina, mahina pero puno ng diin at hindi rin nabawasan ang galit sa kaniyang mukha!

"S-sorry—"

"Shut up! Will repeatedly saying sorry repair the damage you've caused?!" mariin niyang sabi sabay hawak sa aking magkabilang balikat.

Puno ng galit ang kaniyang mga mata at namumula na rin 'yong mukha n'ya na parang anumang oras ay sasabog na s'ya sa sobrang galit.

Marahas n'ya akong binitawan kaya muntik na akong maupo sa sahig. Nagpalakad lakad s'ya sa harap ko at marahas na sinuklay ang kan'yang buhok. Pinipilit n'yang kumalma pero hindi nangyari 'yon nang muli siyang napatingin sa basag na litrato. Tumingin ulit s'ya sa'kin kaya napa atras ako sa takot.

"Get out! Get out!" sigaw n'ya habang pinagtuturo ako. "Get the fuck out of here!"

Naramdaman ko ang sunod sunod na pakpatak ng aking mga luha. At kahit na nanginginig ang buo kong katawan ay nagawa ko pa ring kunin ang bag ko.

"S-sorry—"

"Leave."

Napahikbi ako saka mabilis na binuksan ang pinto. Nagulat pa ako nang nakita ko ro'n sina Zypher at Azul. Nagtataka 'yong tingin nila pero agad din 'yong napalitan ng awa nang nakita nila ang mga luha ko. Yumuko na lang ako saka mabilis na naglakad paalis.

Masyado akong nasaktan sa nangyari dahil kahit kailan ay hindi pa ako nasigawan ng kahit sino, kahit mga magulang ko. Pakiramdam ko rin ay mas masakit 'yong sigaw niya kaysa sa mga sigaw at pagtataboy sa akin ng mga tao kahapon. Pero wala akong dapat sisihin kung hindi ang sarili ko lamang. Masyado akong nawili sa ginagawa kaya nawala sa isip ko ang natatangi niyang bilin. Hindi ako galit sa kaniya, sa halip ay matinding hiya at lungkot ang nararamdaman ko.

Kasalanan mo, Mariko. Wala kang ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili mo lang...


She's the Gangster's Princess
Copyright © Imprfctly_Stubborn
All rights reserved . 2023

Continue Reading

You'll Also Like

60.8K 3.7K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
97.3K 1.8K 32
* (rough draft, Filipino, and discreet version of My Drop-Dead, Gorgeous Rebound) In love na si Fae Santiago sa kinakapatid niyang si Carl Easton ba...
6M 180K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...
1.9M 57.5K 13
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...