Chasing the Sun (College Seri...

By inksteady

45M 1.7M 1.9M

PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Sav... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Note
CTS Book
CTS REPRINT

Chapter 8

794K 39.3K 47.7K
By inksteady

For some unknown reasons, two weeks had passed and we hadn't had the chance to talk. Mas naging madalas ang pagsasama nila ni Mitzie dahil sa papalapit na laban. He never texted me, just like in the old days. Miski sa messenger ay wala siyang chat.

Napakababaw ng pinag-awayan namin pero sa tagal ng hindi namin pag-uusap ay parang malaki ang problema. Hindi kami nagpapansinan sa school. I tried talking to him after two days of ignoring each other, but his voice is so dismissive and cold.

I didn't want this to go on any longer, so I went to the South Supermarket with Nanay to get some ingredients. Igagawa ko si Duke ng cheesecake na matagal niya nang nire-request. Sigurado naman akong kapag dinala ko ito sa kanya mamaya sa bahay nila ay magbabati rin kami.

His words linger, but I guess he was just tired. Maybe he didn't really mean it.

Mahirap kasing tanggapin ang naging pagtatalo namin pero sa totoo lang ay mas masakit para sa akin ang hindi siya maka-usap. Siguro ay wala lang sa kanya dahil hindi naman kami pareho ng nararamdaman, ngunit sa akin ay iba ang epekto ng hindi naming pagpapansinan.

Kahapon ay buong araw kong pinag-aralan kung paano gumawa ng cheesecake. Ilang beses ko naman na siyang pinag-bake no'n pero gusto kong mag-improve pa ako. Dahil kakukuha ko lang din naman ng stipend ko, medyo may pera pa ako para rito. Mabuti na rin at hindi mataas ang standards ng scholarship ko kay Gov. Basta ay walang sinco, qualified pa rin ako. Medyo mataas kasi ang qualifying exam ko noon.

At syempre, birthday ni Nanay ngayon kaya kasama ko siya. We'll have the whole day together. Uunahin lang namin ang groceries tapos ibababa namin sa bahay para makagora na. Alas otso pa lang ay nasa supermarket na kami at namimili.

"Mas mabango ang surf na yellow, Nay."

Kumuha siya ng isang dosena non at inilagay sa cart. "Sabi kasi ni Ivy ay mas mabango ang pink kaya medyo naguluhan ako." Mahina siyang tumawa. "Pero tama ka, mas mabango talaga ang yellow."

Nginitian ko lang siya at itinulak na ang cart. "Ano pa ang gusto mo? Kunin mo na habang mabait pa akong anak."

"Gusto ko sana ng matinong gobyerno, Solene. Afford mo ba?"

"Grabe, Nay. Same."

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang tinutulak ang cart. Naglagay lang ng condiments si Nanay at ibang delata. Nagsimula na rin akong maglagay ng mga kakailanganin ko para sa cheesecake ni Duke. Maliit lang naman ang gagawin ko kaya mura lang ito.

"Wala ka pa bang boyfriend, anak? Magbebente ka na, wala ka pa rin ipinapakilala sa akin kahit manliligaw."

Sinimangutan ko siya. "Ikaw nga fifty-five na pero wala ring boyfriend. Nagreklamo ba ako?"

Pabiro niyang kinurot ang bewang ko. "Kaya siguro hindi ka nililigawan ni Duke. Napakamaldita mo!"

"Kung hindi niya ako kayang tanggapin nang ganito, pasensiyahan, Nay."

"Oh, bakit? Anong gagawin mo?"

I shrugged. "Edi magbabago."

Tawa lang siya nang tawa hanggang sa matapos kaming mamili. Hanggang sa nakauwi kami ay patuloy pa rin ang pang-aasar niya sa akin na pinapatulan ko naman. Habang nakikita ko ang tuwa sa mukha ni Nanay ay napapangiti rin ako. I was really grateful for having a mom like her. Hindi kami mayaman at hindi kumpleto ang pamilya namin but we managed to enjoy and live.

Dahil magsisimba kami, pinalitan ko ang suot kong shorts at tshirt. Nagsuot ako ng itim na bestida na umabot hanggang sa tuhod ko. Itinaas ko rin ang buhok ko para makita ang aliwalas ng mukha ko. Tama talaga sila, mukha talaga akong masungit.

"Wow, nakapula! Feel na feel ang pagiging birthday girl," pang-aasar ko kay Nanay nang magsalubong kami sa sala.

"Wow, nakaitim! Feel na feel ang pagiging tambay sa friendzone!"

"Nay! Napakabastos ng bibig mo!" nakasimangot kong saad sa kanya. Nagbiro lang naman ako pero mamemersonal siya?!

We peacefully attended the mass. Hindi ko rin in-expect na meenjoy ko ang sermon ni Father ngayon dahil kadalasan ay puro patungkol sa pagsuporta sa gobyerno at hindi pakikiisa sa divorce ang topic niya kaya tinatamad akong umattend. We had different views regarding the issue.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Duke. Jusko, hindi ko ata matitiis kung isang linggo ulit kaming hindi magpapansinan. Pag-uwian, iisa kami ng tricycle na sinasakyan pero sa likod siya umuupo. Sinubukan ko nga one time na hindi ako sumakay kahit hindi pa puno pero nakita kong hindi rin siya sumakay.

Patigasan talaga kami ng mukha?! Well, Duke, malambot ako. Tutal ako lang din naman ang nagmamahal ditto.

Me:

GOSURF50

Ibinaba ko ang aking cellphone at niyaya si Nanay na mag-ice cream sa labas ng simbahan. Sumama naman siya sa akin dahil nakita niya kaninang ube ang flavor at paborito niya iyon.

"Sa Shakey's tayo mag-lunch," saad ko.

"Sigurado ka ba? Bumili ka na lang ng black shoes."

Umiling ako. "Mahigit isang libo iyong gusto ko para matibay na. Sa susunod na scholarship na lang ako bibili."

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya napangiti akong kinuha ito.

Duke Pangit:

The fuck?

Wow, ang yaman ng mura. Nagtipa agad ako ng sagot.

Me:

wrong send

Me:

pero miss kita

Nailing ako sa sariling kalokohan nang muli ko itong isilid sa bulsa ko. Alam kong hindi na magrereply ang lalaki dahil hindi naman siya ma-text na tao.

Habang papunta kami ni Nanay sa Shakey's ay nahagip ng mata ko si Mitzie. Nakasuot lang siya ng tshirt at pantalon pero ang ganda niya pa rin tingnan. Nasa labas siya ng isang department store na parang may hinihintay.

"Nay, lalapitan ko lang si Mitzie."

Tumango si Nanay sa akin pero bago pa ako makahakbang nang tuluyan ay lumabas mula sa department store si Duke. May hawak siyang paperbag at nahihiyang lumapit kay Mitzie. Nag-usap sila saglit at nakita ko kung paanong napangiti nang malaki ang babae at nagpakita ng approve sign kay Duke.

Ano ang ginagawa nila?

"Sol, ano?" tawag sa akin ni Nanay.

Mabilis akong lumapit sa kanya. Dumiretso kami papuntang Shakey's, nagkwentuhan, kumain at nagtawanan pero nanatiling mabigat ang damdamin ko. Maraming pumapasok na isipin sa utak ko na gusto kong iwasan.

Were they seeing each other? Kung oo, kailan pa? Kung hindi, then why...? Today is Sunday. They didn't have any reason to be together.

Hanggang sa makauwi kami ay palaisipan iyon sa akin. Ayokong isipin na may relasyon sila dahil alam ni Mitzie ang nararamdaman ko para sa lalaki. Hindi rin naman para magtago ng sikreto sa akin si Duke. But still, it bothered me. It bothered me to the point na ang gagawin kong cheesecake ay hindi ko na nagawa.

Tatlong araw na lang ay tutulak na pa-La Union silang dalawa. They will be able to spend more time together. And La Union was a wonderful place to celebrate youth... and love.

Tama nga akong walang reply si Duke sa text ko. Malamang, busy siya sa kung ano. Mabuti pa ay si Mitzie na lang ang itext ko.

Me:

mitz, saan u ngayon

Lumipas ang tatlumpong minuto na hindi nagrereply ang babae. Marahil ay magkasama pa rin sila ni Duke at ang palaisipang iyon ay sinasaktan ako. Kapag nagSinungaling siya sa akin, sigurado akong may relasyon ang dalawa. I wasn't sure if I was doing it right, but I couldn't stop myself from thinking about it.

I knew I should not doubt them. Kung may gano'n nga silang relasyon, alam kong wala akong karapatan na mangealam. I didn't have the authority to mess with their relationship. After all, I was just a friend. And we were all aware that friends should support one another.

Habang tumatagal ang oras na hindi pagrereply ni Mitzie ay lumulubog ang puso ko. It felt as if hope was being ripped away from me.

Umiling ako at bumangon. Alas sinco na ng hapon at nagpaalam sa akin kanina si Nanay na pupunta siya kina Ate Ivy para makipagkwentuhan kaya wala akong kasama sa bahay.

Napakamot na lang ako sa aking ulo nang makita ang sarili na ginagawa ang cheesecake. Kahit may tampuhan, saulo ko na ang ugali ni Duke. Hindi kami aabot ng ganitong katagal bilang magkaibigan kung hinahayaan naming masira kami dahil lang sa isang pagtatalo.

Maayos ko naman itong nagawa. Baking temporarily distracted me from my emotional distress. Nag-enjoy lang ako habang nagtatakal ng harina sa mga measuring cup at maging sa pagtikim ng mixtures. It was all good and perfect. Sigurado na akong matutuwa ang lalaki rito. He could resist me, but he couldn't resist a cheesecake.

Nang matapos kong gawin ito, inilagay ko iyon sa binili kong kahon. Maliit lang ito at alam kong mabibitin si Duke pero yun ang gusto kong mangyari.

Nag-ayos ako ng sarili saglit bago lumabas bitbit ang box. Suot ko pa rin ang itim na dress pero nakalugay na ang buhok ko. Dahil sa pagkakaipit, medyo nakulot ang dulo nito.

My phone beeped. Nagulat ako pero kinuha ko ito para tingnan.

Mitz:

Nasa bahay ako nina Duke.

Napakunot ang noo ko bago nagtipa ng reply.

Me:

ginagawa mo jan?????

Mabilis din ang naging pagsagot niya.

Mitz:

Nag-aaral kami. Nandito rin si Troy.

Mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Ano ang ginagawa nila nang hindi ako kasama? Hindi na ako nagreply. Muli akong pumasok sa bahay at inilagay na lang sa ref ang cheesecake. Pagkatapos no'n, naglakad na ako papunta sa katapat na bahay.

Pinindot ko ang door bell at wala pang ilang minuto ay bumungad sa akin si Kuya Sean. He seemed to be clean and fresh, but my thoughts were elsewhere.

"Pasok ka, Sol. Ako na ang nagbukas at nasa loob ang dalawa niyong kaklase."

"Bakit daw, Kuya?" tanong ko habang papasok kaming dalawa.

"Nagrereview sina Duke at Mitz. Si Troy, makiki-group study raw." Tumawa siya. "Aaral daw pero may dalang gin si Troy."

Nang nasa sala na kami ay agad ko silang nakita. Nagpaalam sa akin si Kuya Sean bago umakyat sa kwarto niya.

Tiningnan ko ang ayos nila. Prenteng nakaupo si Duke sa sofa habang si Mitzie naman ay nasa sahig at nagsusulat sa notebook na nakapatong sa center table. Gano'n pa rin ang suot nilang dalawa.

Saktong lumabas si Troy mula sa kusina na may dalang pitsel at tatlong baso. Napatingin ito sa akin at bahagyang natigilan.

"Sol?" gulat na tanong niya. "Ano ang ginagawa mo rito?"

Pinanliitan ko siya ng mata. Mula sa peripheral vision ko, naramdaman ko ang pagbaling nina Duke at Mitzie sa pwesto ko.

"Ano ang ginagawa niyo nang hindi ako kasama, ha?"

Napakamot siya sa batok at medyo lumikot ang mata. "Gusto ko rin sanang mag-aral." Naglakad siya patungo sa direksyon ng dalawa kaya lumapit din ako roon. Hindi ako pinapansin ni Duke pero nakita kong nakatingin sa akin si Mitzie.

"Mag-aaral ka, Troy? Bakit may alak d'yan?"

Duke groaned in frustration. "Sa labas na lang kayo magkwentuhan. I can't focus!" naiinis na saad niya.

I looked at him in disbelief. What a fucking ass!

Were they having a party without me? Seriously? Dapat na ba akong magalit?

"What's wrong with you all?" Tumingin ako kay Mitzie. "Mitz, what's happening?"

Umiling ito. "I'm seriously here to study. Nothing more, nothing less."

"Bebe Sol, 'wag ka nang magtampo d'yan. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Akala ko ba ay birthday ni Tita Yella?"

"Kaya ba hindi niyo ako sinabihan?"

Humarap si Duke sa akin matapos ibaba ang librong hawak niya. His penetrating eyes were now fixed on me, darkly. Was he still mad? Hindi ba dapat ako ang magalit?

"We're not here to throw a party, Solene. We're here to review," he uttered in pure annoyance.

Para akong tinubuan ng hiya. Duke changed. Hindi ito ang kilala at minahal kong lalaki. He wouldn't hurt me intentionally.

Ang kanyang tinig ay parang nagpapaliwanag sa isang musmos. But I couldn't understand why! Bakit sila magkasama kanina ni Mitzie sa department store at bakit hindi nila ako sinabihan na kumpleto sila ngayong araw dito?

"At hindi kayo makakapag-focus kapag nandito ako?" I laughed sarcastically. "Duke, I had no idea you had this side of you. I'm so disappointed."

I felt unwanted and unwelcome. It was as if they were all hurling me out the door. I was a hell of a fighter, but I wasn't immune to pain. Mababaw ba 'to? Masyado lang ba akong nag-iisip?

Nagkatinginan sina Troy at Mitzie sa sinabi ko.

Duke sighed. "Sol... it's not what you think." Umiling siya. "Biglaan lang ang lahat ng ito. Troy just arrived here when he found out we're studying."

Mitzie groaned in frustration kaya napabaling ako sa pwesto niya. Masama ang tingin nito kay Duke kahit hindi nakatingin sa kanya ang lalaki.

"Fix your issues now, Duke. Para kang tanga." She snorted. "Why can't you just tell her that you purposely didn't invite her because you can't focus when she's around?"

Tumalon ang puso ko sa narinig sa kanya. As I looked into Duke's eyes, my breathing became strained. For whatever reason, he seemed befuddled and shattered. Hindi nawala ang sakit ng sinabi niya ngunit sa sinabi ni Mitzie ay parang may sumibol na maliit na pag-asa sa puso ko.

"Just tell her you miss her and you're jealous of Troy!"

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 93.6K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
498K 18.9K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
8.6M 138K 60
THIS STORY WILL BE FREE STARTING ON OCT 5 2022 after 10pm Bubbly and simple, flight attendant Geneva Alarcon wakes up one day and becomes the wife of...
22.5M 1M 54
THE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you sha...