Chasing the Sun (College Seri...

By inksteady

45.3M 1.7M 1.9M

PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Sav... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Note
CTS Book
CTS REPRINT

Prologue

2M 58K 79.3K
By inksteady

I didn't know when I started noticing him.

I stood there watching him bite his lower lip and stare blankly at his notebook. That simple act revealed his small and deep dimples. Beads of sweat began to form on his forehead, and I envied them as they had the chance to wander across his face.

"Alam kong gwapo ako, Sol."

Napaayos ako ng upo at mahinang kinurot ang sarili dahil nahuli niya na naman akong nakatitig sa kaniya.

Yes, Duke, you're handsome, but there's no way I'll admit that. At least, not in front of you.

"Buti ka pa, alam mo," sagot ko.

Isinara niya ang notebook at humarap sa akin. His soft hair trailed behind him as he moved swiftly.

"May assignment ka na?" tanong niya sa akin. "Tinatamad ako sa Literature. Pakopya na lang."

I smirked in response to his remark. "Sigurado ka bang gusto mong mangopya sa akin?"

Inalis niya ang tingin sa akin at napabuntong-hininga. He knew that he couldn't copy my answers. Hindi naman kasi ako matalino gaya niya, at isa pa, wala pa rin naman akong assignment.

"Bakit ko nga ba naisip mangopya sa 'yo?" bulong niya sa sarili na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko.

"Ako na lang pakopyahin mo. Wala pa rin akong sagot."

He grinned. "Doon ka na sa upuan mo. Huwag mo akong abalahin para makapag-focus ako."

"Hmm..." I acted as if I was thinking deeply. "Nakakawala ba ng concentration ang kagandahan ko, Duke?"

He gave me a puzzled look. Sa paraan ng pagtingin niya ay parang nakarinig siya ng isang lenggwahe na hindi niya maintindihan.

"Whatever, pakopya na lang mamaya," mabilis kong saad bago pa siya makapanglait. I stood and went out of our classroom. Kapag kasi nasa loob ako ay hindi ko maiiwasan ang sarili na obserbahan siya.

"Ibili mo akong cheesecake!" rinig kong pahabol na sigaw niya.

Sumilip ako at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

"Wala akong pera!" nakasimagot na sagot ko.

He grimaced. "Sagot ko ang pamasahe mo mamaya."

Inirapan ko siya at naglakad na papunta sa canteen. Two hours ang vacant namin kaya marami kaming oras para magliwaliw. Hindi rin naman tambak ang requirements namin dahil halos kasisimula lang ng klase.

Kakaunti ang tao sa canteen nang makarating ako roon. Pipila na sana ako para bumili ngunit nadaanan ng mata ko sina Roswell at Bela, mga ka-department ko na malaki ang galit sa akin.

Napairap ako at hindi na lang sila pinansin. I bought cheesecake for Duke and a burger for me. Bumili na rin ako ng tubig dahil paniguradong magrereklamo ang lalaki kapag wala akong biniling panulak.

"Sol!"

Napapikit ako nang marinig ang nakakairitang boses ni Roswell. Nilingon ko siya at nakitang malaki ang ngiti na parang wala siyang malaking atraso sa akin.

"Para kay Duke?" tanong niya nang makita ang cheesecake na hawak ko. Hindi rin kasi lingid sa kaalaman nila ang pagkahumaling ng lalaki sa cheesecake bilang mga babaeng patay na patay sa kaniya.

I rolled my eyes before answering. "Why do you care?"

"Girlfriend na girlfriend ang dating mo, 'no?" sinabayan pa niya iyon ng tawa bago tumingin sa kasamang si Bela na natatawa rin.

"Oh, bakit? Inggit ka kasi hindi ka pinapansin?" pambabara ko.

She grinned. "You're still so arrogant, Sol. Ni hindi ka naman kayamanan. You literally have nothing to be proud of."

"Maganda naman," I said proudly. Totoo naman! Hindi kami mayaman pero maganda ang naipamanang genes sa akin ni Nanay.

"Sino ang may sabi? Nanay mong labandera?" she said, her voice dripping with disgust.

Nanggigil ako sa sinabi niya pero hindi ko hahayaan na makita niya iyon. She was such a kid! Maturity really wasn't something that came with age.

"Nope, si Duke ang may sabi," tanging naisagot ko para lalong inisin siya.

I'm sorry, Duke. Alam ko namang hindi ka nagagandahan sa akin pero hayaan mo na, gusto ko lang iritahin ang admirer mo.

Nilampasan ko silang dalawa ni Bela lalo at narinig ko ang naiinis na tili ni Roswell. Hindi niya ako pwedeng saktan dahil kahit dalawa pa sila ni Bela, hindi ko sila aatrasan. Iyong nanay kong labandera, tinuruan akong huwag magpapaapi!

Masama ang imahe ko sa campus at alam ko iyon. Hindi lang naman kasi iisang beses akong napaaway. Kalimitan ay dahil iyon sa mga babaeng may gusto kay Duke. I knew it was childish, but they were the ones who started it! Hindi alam ng lalaki iyon dahil akala niya ay away babae lang. Madalas pa akong pagalitan no'n na parang bunsong kapatid niya.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako ang inaatake ng mga babaeng iyon. Hindi kami magkasintahan ni Duke, kahit pa ilang ulit ko nang pasikretong hiniling iyon. We were close friends, and the girls saw our friendship as a challenge.

"Sol, nakakalinaw ka talaga ng mata!" narinig kong sigaw ng isang senior mula sa Business Department, nang dumaan ako sa tapat ng building nila.

Napapikit na lang ako sa inis nang marinig ko pa ang ilang kantyawan. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil wala naman akong planong patulan pa sila.

"Patikim, baby!" hiyaw pa ng isa. "Ang sarap mo!"

Marami pa akong narinig na nakakapikong salita pero hindi ko na lang sila pinansin. I walked like their words didn't bother me.

"Kaya siguro hindi ka mabitawan ni Duke kasi ang galing mo sa kama!"

Napatigil ako at napatingin sa huling sumigaw. I was cool with the threats aimed at me because I was used to them. However, if Duke was involved, I wasn't sure if I could handle it.

Simula noong nanalo akong Ms. Engineering last year, inilabas ni Roswell ang nude photos 'kuno' ko. Ikinalat niya iyon at sinabing sa akin ang mga litrato kahit na wala akong ideya kung kaninong katawan iyon.

Syempre dahil maraming tanga, maraming naniwala. Ipinagkikibit-balikat ko na lang iyon no'ng una dahil alam ko sa sarili kong hindi ako yon. Kaso lang ay araw-araw naman akong binabastos ng schoolmates ko.

"What did you just say?" tanong ko nang lumapit sa lalaki. I didn't know him, but his physique didn't intimidate me.

Narinig ko ang mga hiyaw nila. Ang iba pa ay malagkit ang tingin sa akin. These maniacs had to get a hold of themselves. Para silang uhaw na uhaw sa babae.

The guy in front of me had the nerve to smirk. "Ang sabi ko, kaya ka siguro hindi mabitawan ni Duke kasi ang sarap mo," mabagal na pagsasabi niya bago basain ang pang-ibabang labi.

I smiled and went closer to him. Lalong lumakas ang hiyawan nila. Mukhang gaya kasi namin ay vacant ang mga ito.

Kumapit ako sa balikat niya habang nakatingin siya nang malagkit sa akin. Nakataas din ang isang sulok ng labi niya na para bang handa siya sa gagawin ko.

I mirrored his grin, and before he could say anything, I hit his cock with my right knee. Malakas ang pagkakatuhod ko sa kaniya kaya namilipit siya sa sakit.

"Tangina mo, Sol!" galit na galit na sigaw niya sa akin. Ang kaninang maingay na hiyawan ay napalitan ng gulat na mga singhap.

"Tangina mo rin, jutay!" nanggagalaiting sagot ko.

Umalis ako sa harapan nilang lahat lalo at narinig ko ang mga tawanan nila. Hindi ko alam kung para sa akin o para sa lalaking tinuhod ko.

Kaya ayokong maglalakad nang mag-isa e! Ang daming nangyayari sa akin!

Nakasimangot ako nang ilapag ang cheesecake ni Duke sa upuan niya. Nagsasagot pa rin siya kaya dumiretso na lang ako sa upuan ko.

I ate my burger, and I felt at ease. At least, medyo kumalma na. Nang lumabas ang nude photos na iyon, kahit isang beses ay hindi ako itinanong ni Duke tungkol doon. He didn't ask me if that girl was me. Basta kapag magkasama kami at nakarinig siya ng nambabastos sa akin ay nauuwi iyon sa pakikipag-away niya. Ayaw na ayaw niyang may bumabastos sa akin dahil doon.

I didn't have any girl friends in school. Hindi ko alam pero bago pa man ang issue na iyon ay marami nang natatakot sa akin. Bukod pa roon, marami ang may gusto kay Duke at nagagalit sila sa akin dahil akala nila ay may relasyon kami.

"Oh, ayan, isinulat na kita."

Napaangat naman ako ng tingin nang marinig ang boses ni Duke. Inilapag niya ang notebook ko sa arm rest at hinigit ang isang bakanteng upuan para tumabi sa akin.

Ngumiti ako nang nakakaloko sa kaniya. "Gusto mo ng kiss?"

Napatigil ito sa pagkagat sa cheesecake at tumitig sa mukha ko. Sa kaniyang itsura, naiintindihan ko naman kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniya. He had that silky and thick hair, narrow nose, deep eyes, and graceful brows.

"Pwede?"

Natawa ako bago ibinato sa kaniya ang isang gusot na papel. "Gago!"

Nakita ko rin ang pagngiti niya at pag-iling. "Mahina ka pala, eh."

"Pag ikaw nahalikan ko, baka maadik ka."

The smirk didn't leave his face. "Hindi ka siguardo. Baka hanap-hanapin mo dahil sobrang nakakahumaling."

I snorted. Itinabi ko ang notebook na sinulatan niya sa loob ng bag ko. Napansin ko ang mga kaklase namin na nakatingin sa gawi ko dahil siguro sa naririnig nilang usapan namin ni Duke.

Ang ilan naman sa mga lalaki kong kaklase ay nakangiti lang sa akin.

Lumapit sa pwesto namin si Troy, kaklase rin namin.

"May transferee raw bukas," balita niya sa amin bago humigit din ng silya at umupo sa tapat ko.

"Babae?"

Masama ang tingin na iginawad ko kay Duke dahil sa naging tanong niya.

"What?" he mouthed when he saw my glare.

"Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa babae?" mataray na tanong ko.

"Ngayon lang. Nagsasawa na ako sa mukha mo, eh."

Tumawa si Troy bago sumagot. "Babae raw. Buti nga at tatanggapin pa kahit late na. Isang buwan na rin tayong nagkaklase."

"Sana matalino," bulong ni Duke. "Para naman may kokopyahan na kami nitong si Sol," aniya bago ako pabirong akbayan.

Tinanggal ko agad iyon lalo at naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi. Goodness, he had no idea how affected I was every time our skin came into contact!

"Wala akong ibang kokopyahan kung hindi ikaw! Mas may tiwala ako sa sagot mo!" mabilis kong saad para makabawi sa nararamdamang hiya.

"Oo nga naman, Duke. Ikaw ang pag-asa ng section natin," dagdag ni Troy. "Hindi mo na kailangang mangopya dahil tiwala kaming lahat sa 'yo."

Duke shrugged. "Wala lang. Maganda rin kasi sa babae ang palaaral. 'Yong medyo matalino ba."

Natahimik ako. Nakita ko naman ang pagtango ni Troy sa lalaki na parang sumasang-ayon.

"Ako rin. Parang malakas makaganda 'yon."

Nakagat ko ang labi ko. Alam ko namang hindi nila ako pinariringgan pero pakiramdam ko lang ay napakalayo ko sa pagiging ideal. I wasn't academically smart. Kadalasan nga ay pinakamababa ang score ko sa klase kapag may exam o quiz.

"Pero iba iba naman kasi ang personality at identity ng mga tao, kaya ayos lang din kahit ano. Bonus points lang ang pagiging matalino," ani Duke matapos ang ilang minutong pananahimik.

Nakinig lang ako sa kanila hanggang sa dumating ang professor namin sa Literature. Ipinapasa niya sa amin ang assignment at pinagbasa ng tula. Buti nga at hindi nagkaroon ng quiz dahil wala ako sa wisyong magsagot noon.

Mahilig pala si Duke sa matalino? Mukhang kailangan ko na talagang mag-aral nang maayos, ah? Maybe I should start reading and reviewing our previous lessons?

I sighed. Paano ko naman magagawa iyon samantalang hindi ko naman talaga kaya ang engineering? Kung wala ang tulong niya, hindi naman ako makakapasa.

"Bakit tahimik ka?" tanong sa akin ni Duke nang makasakay kami sa tricycle matapos ang klase.

Wala pang kinse minutos mula sa paaralan namin ang barangay na tinitirahan namin ni Duke. Magkapit-bahay rin kami kaya literal na sabay kaming lumaki.

"Pagod lang," sagot ko sa kaniya.

Tumango siya sa akin bago kunin ang tatlong librong nakapatong sa hita ko. Napatingin ako sa kaniya pero abala siya sa paglalagay ng mga libro sa hita niya.

He straightened his back. Lumingon siya sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at ipinatong iyon sa balikat niya.

"You should rest."

Natatakot man akong marinig niya ang mabilis na tibok ng puso ko, ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang yakap ng braso niya sa akin.

My nose was welcomed by his manly scent. Kaya rin siguro napagkalamalan kaming magkasintahan ay dahil sweet ang lalaki sa akin at hindi ako mataray sa kaniya. Pero syempre?! Magkababata kami at saulo na namin ang likaw ng bituka ng isa't isa kaya ganito kami magtratuhan! Isa pa, hindi ko talaga kayang magsungit sa kaniya!

"I know what you did earlier, Solene."

"Hmm?" sagot ko nang hindi gumagalaw mula sa pwesto. Nakakatakot na baka pag umayos ako ng upo ay bitawan niya ako.

"Binastos ka ba no'ng mga nasa Business department?" mahina ngunit parang pagalit na tanong niya.

"Duke, don't worry about them. They are not deserving of your time."

Hindi siya sumagot kahit nang makababa kami sa tricycle. Bigla ay gusto kong hilingin na sana ay mahaba ang byahe namin para matagal akong makahilig sa kaniya.

Magkatapat lang ang bahay namin kaya nang pumasok siya sa loob ay pumasok na rin ako sa amin.

Engineer sa Australia si Tito Franco, ang tatay ni Duke, at guro naman ng elementarya si Tita Gemma, ang nanay niya. Malaki kumita si Tito Franco pero hindi mo makikitaan ng yabang ang pamilya nila. Madalas pa ngang mag-donate sa orphanage si Tita Gemma.

Dalawa silang magkapatid pero parehas silang sa public school nag-aaral. Kumpara sa aming mga nakatira rin sa iisang barangay, masasabi kong, nakakaangat na sa buhay ang pamilya nina Duke.

"Nay!" sigaw ko nang makitang bukas ang ilaw pero wala sa sala si Nanay.

"Nasa likod ako, Sol!"

Pinuntahan ko siya at nakitang isang tambak ang labada niya. Alas sais na nang gabi ngunit hindi pa siya tapos mag-sabon.

Walang imik akong nagpalit ng pambahay at umupo sa tapat niya para tulungan siyang maglaba.

"Wag ka nang tumulong! Gawin mo ang dapat mong gawin at patapos na rin ako rito. Kagagaling mo lang pati sa sapatos, baka ma-pasma ka!"

Nginusuan ko siya. "Anong patapos? Ayan nga at hindi ka pa nangangalahati sa pagsasabon."

"Wala ka bang assignment?"

Itinali ko ang nakalaylay na buhok. "Meron, Nay, pero wag mo nang abalahin yon dahil mangongopya na lang ako kay Duke bukas."

Narinig ko ang pagtawa niya. Wala na siyang nagawa nang umpisahan ko ang pagtulong sa kaniya.

Halos tatlong oras bago kami natapos sa paglalaba. Hindi naman ako makapag-reklamong masakit ang likod ko dahil alam kong mas masakit ang likod ni Nanay. Malapit na itong mag-senior pero hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin siya para sa akin.

"Naku, hindi pa pala ako nakakapagluto."

I laughed. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung online si Duke. Nakita ko namang online siya kaya nag-chat ako.

Me:
pahinging ulam at kanin hehe thanks mwa

Wala pang ilang minuto ay narinig ko na itong kumakatok sa pintuan ng bahay namin.

"May ulam na tayo, Nay."

Sa 'yo iyong dala. Akin iyong nagdala.

Continue Reading

You'll Also Like

310K 4K 21
This is not the official sequel.
8.6M 138K 60
THIS STORY WILL BE FREE STARTING ON OCT 5 2022 after 10pm Bubbly and simple, flight attendant Geneva Alarcon wakes up one day and becomes the wife of...
1.9M 127K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...