Passionate Obssession [R-18 S...

By rosequeen21_

852K 19.4K 1.1K

WARNING! Rated SPG! This book contains mature themes, strong languages, and scenes which are not suitable for... More

⚠️Author's Note⚠️
💞PROLOGUE💞
☢️CHAPTER 1☢️
☢️CHAPTER 2☢️
☢️CHAPTER 3☢️
☢️CHAPTER 4☢️
☢️CHAPTER 5☢️
☢️CHAPTER 6☢️
☢️CHAPTER 7☢️
☢️ CHAPTER 8☢️
☢️ CHAPTER 9☢️
☢️ CHAPTER 10☢️
☢️ CHAPTER 11☢️
☢️ CHAPTER 12☢️
☢️ CHAPTER 13☢️
☢️ CHAPTER 14☢️
☢️ CHAPTER 16☢️
☢️ CHAPTER 17☢️
☢️ CHAPTER 18☢️
☢️ CHAPTER 19☢️
☢️ CHAPTER 20☢️
☢️ CHAPTER 21☢️
☢️ CHAPTER 22☢️
☢️ CHAPTER 23☢️
☢️ CHAPTER 24☢️
☢️ CHAPTER 25☢️
☢️ CHAPTER 26☢️
☢️ CHAPTER 27☢️
☢️ CHAPTER 28☢️
☢️ CHAPTER 29☢️
☢️ CHAPTER 30☢️
☢️ CHAPTER 31☢️
☢️ CHAPTER 32☢️
☢️CHAPTER 33☢️
☢️ CHAPTER 34☢️
☢️ CHAPTER 35☢️
☢️ CHAPTER 36☢️
☢️ CHAPTER 37☢️
☢️ CHAPTER 38☢️
☢️ CHAPTER 39☢️
☢️ CHAPTER 40☢️
☢️ CHAPTER 41☢️
☢️ CHAPTER 42☢️
☢️ CHAPTER 43☢️
☢️ CHAPTER 44☢️
☢️ CHAPTER 45☢️
☢️ CHAPTER 46☢️
☢️ CHAPTER 47☢️
☢️ CHAPTER 48☢️
☢️ CHAPTER 49☢️
☢️ CHAPTER 50☢️
☢️ CHAPTER 51☢️
☢️ CHAPTER 52☢️
☢️ CHAPTER 53☢️
💞Epilogue💞
Author's Note

☢️ CHAPTER 15☢️

13.1K 308 25
By rosequeen21_

For the second time, hindi ako makagalaw sa gulat. Mas bumilis ang takbo ng puso ko at natatakot akong baka naririnig na niya sa sobrang lapit niya.

Nang magsimulang gumalaw ang labi niya, natauhan ako at pilit siyang itulak palayo pero inisang kamay niyang hinawakan ang dalawang pulsuhan ko habang ang isang kamay niya ang naramdaman kong hinawakan ako sa likod ng ulo.

Nagsimulang maging mapusok ang paghalik niya at pakiramdam ko nawalan ako ng lakas na itulak siya.

My will to push him away is suddenly fading and I just found myself responding to his kisses. Pumikit ako at hinayaan ang sariling tumugon sa mga halik ni Krypton. I feel his persistent tongue trying to enter my mouth but I didn't let him.

I gasp when his hand suddenly snakes to my back and forcefully pulls me towards him kaya tumama ang dibdib ko sa matipunong dibdib niya. Kinuha niya ang pagkakataon na yun para ipasok ang dila niya sa napaawang kong bibig.

Wala akong magawa nang malaya niyang sinunggaban ang bibig ko gamit ang mainit na dila niya. I could feel my knees go weak at what he's doing.

He tilts his head to the side para mas diinan ang paghalik sa akin. At the back of my mind, a part of me is telling me to stop pero parang may sariling isip ang katawan ko. Parang gusto kong tapatan ang mapusok at mainit niyang paghalik.

Parehas kaming hinihingal at nanghahabol ng hininga nang pakawalan niya ang labi ko.

“Maliligo ka Twilight o itutuloy ko ‘to?” hinihingal niyang tanong na parang nagpipigil at naramdaman ko ang pamumula ng magkabilaang pisngi ko. “Go on, Twilight, bago pa ako mawalan ng control sa sarili."

Dali-dali akong napaatras at napatingin sa sahig. "Uhm, e-eto na maliligo na."

Without looking back at him, tumalikod na ako at naglakad palayo.

"The bathroom's to your right, inside that bedroom." Dinig kong sabi ni Krypton nang huminto ako saglit.

Sinunod ko siya at naglakad sa kanan hanggang sa makarating ako sa isang malawak na kwarto. Pumasok ako dito at nakita ko ang bathroom na tinutukoy niya.

Pumasok agad ako at nilock ang pinto.

Aishh.

Darn it!

Pinukpok ko ang ulo ko sa sobrang kahihiyan. Paano ko nagawang halikan siya pabalik? So stupid, Twilight.

Sinampal-sampal ko ang pisngi ko  sa kagustuhang burahin sa isipan ko ang mapusok na halikan namin kanina. Ano bang pumasok sa utak ko at hinayaan ko siyang halikan niya ako? Dapat nanlaban ako. Dapat umatras ako. Dapat sinampal ko siya. Dapat--

Aissh. Ang daming dapat pero wala na. Nangyari na ang nangyari. So ano na ngayon? Nahihiya na akong harapin siya.

Hindi ako makapaniwalang magagawa kong halikan siya pabalik at mas lalong hindi ako makapaniwala sa inasal ng puso ko. My heartbeat is erratic and I hate that feeling.

Napahilamos ako sa mukha at tinignan ang wristwatch ko.  Oh! 9 PM pa lang pala. May dalawang oras pa bago mag-11 PM. Maaga akong pinuntahan ni Krypton e sinabi ko naman sa kanya na mga 10 PM niya ako susunduin.

So ano ng gagawin ko sa 2 dalawang oras bago mag-11 para sa duty ko? Ayokong manatili dito at magpalipas ng oras. Aissh naman kasi.

Isang katok ang napahinto sa aking pag-iisip at dinig kong nagsalita si Krypton sa likod ng pintuan.

"Twilight, open up. Andito yung bathrobe mo."

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at ang kamay ko lang ang inilahad ko palabas. Kinuha ko ang bathrobe na binigay niya at ni-lock ulit ang pintuan. Isa itong puting bathrobe at ang bango ng amoy halatang bagong-bago.

Napahinga ako ng malalim. Wala naman sigurong masama kung maliligo ako dito. Kahit mag-shower na lang ako.

Sinigurado kong naka-lock ang pinto bago ako naghubad at sinimulang mag-shower. Sinadya ko talagang tagalan sa pag-shower pero nang magsimula nang mangulubot ang mga kamay at paa ko, napagpasyahan ko nang huminto. Binalot ko ang sarili ko sa puting bathrobe bago lumabas ng bathroom.

Paglabas ko ay wala si Krypton sa kwarto pero may napansin akong nakapatong sa malawak na kama. Isang white sweatshirt, black cotton pants at underwear.

Hinawakan ko ang underwear at chineck ang sizes. Shems, bakit tugma ito sa size ko? Paano niya nalaman? Hindi ba siya naiilang nang binilhan niya ako ng mga ganito?

Kinuha ko ang mga damit at pumasok ulit sa bathroom para doon na magpalit. I don’t trust this bedroom. Baka mamaya, may CCTV pala.

Pagkatapos kong magpalit, lumabas na ako dala-dala ang dating damit ko. Pagkalabas ko ng kwarto, naabutan kong nakaupo sa sofa si Krypton at nakatutok sa laptop niya.

Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya. “What took you so long?”

Hindi ko pa kayang salubungin ang tingin niya kaya umiwas ako at nagkibit-balikat na lang. “Wala lang.”

Lumapit ako sa kanya since katabi niya ang bag ko pero hindi ko pa rin siya tinitignan sa mukha.

“Pwede namang iwan mo na lang dito yan.” Sabi ni Krypton nang mapansin niyang nilalagay ko sa bag ko ang ginamit kong damit kanina.

“Ayokong may balikan pa ako dito.” Direstong sabi ko sa kanya.

“Bakit? Ayaw mo nang bumalik dito?”

Nang hindi ako sumagot, naramdaman ko siyang lumapit sa tabi ko. Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya. I directed my eyes anywhere basta hindi lang sa mata niya at mas lalong hindi sa mapulang labi niya.

“Are you feeling shy, Twilight? Dahil ba ito sa halikan natin kanina?” mahinahon niyang tanong at namula na naman ako.

Hinawi ko ang kamay niya at matapang siyang tinignan. “Oo nahihiya ako sa totoo lang. Bakit ikaw ba? Hindi ka ba naiilang?”

“Hindi.”

Kumunot ang noo ko. “Do you go around kissing women without feeling awkward?”

Napangisi si Krypton. “I don’t go around kissing women, Twilight. Trust me, ikaw pa lang ang nahalikan ko and I don’t intend to kiss anybody but you. My lips are exclusively for you only.”

Gusto kong tumawa. Hindi ako naniniwalang ako lang ang nahalikan niya. The way he moved his lips a while back, parang expert na siya nito eh.

“So first kiss mo ako ganon ba ibig mong sabihin?” natatawang tanong ko sa kanya. “Imposibble.”

“Yes, you are Twilight. Hindi yun imposible kasi ikaw lang talaga hinintay ko.”

The sarcastic laugh got caught in my throat. Napalunok ako. Eto na naman siya. Kung ano na naman pinagsasabi niya.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin. “May pagkain ka ba dito? Nagugutom ako eh.” Bigla kong tanong sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Kagagaling mo lang ng birthday pero gutom ka ulit? Hindi ka ba pinakain ng gagong yun?”

“Kumain ako pero nagutom ulit.” Hindi ko na lang pinansin ang pagtawag niya kay Kent na gago. Masasayang lang laway ko sa kanya kung pagsasabihan ko ulit siya.

Isinara niya ang laptop niya at tumayo. “Ipagluluto kita. Halika na.”

Kinuha niya ang kamay ko at nagsimulang maglakad patungo sa kusina.

“Anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin.

“May carbonara ka ba?"

“You want carbonara?”

Tumango ako at binuksan niya ang malaking ref. May inilabas siyang container at nakita kong may laman itong pasta.

“Buti na lang may leftover na pasta ako kahapon. Iluluto ko na lang yung sauce niya.”

“Marunong ka?” hindi-makapaniwalang tanong ko sa kanya. Wala pa yata akong kilalang lalaki na marunong magluto ng carbonara sauce. Ako nga, hindi ko alam.

Napangiti si Krypton. “There are lots of dishes I can cook, love.”

“Okay.” I ignored the last word. Akmang tatayo ako nang nagsalita ulit siya.

“Where are you going?”

“Sa sala, bakit? Manonood ako sa phone ko.”

“Get your phone and come back here. Dito ka manood. I want you here.”

Aissh.

Sinunod ko na lang siya at kinuha ang phone ko sa sala. Baka lagyan niya ng lason ang carbonara ko kung susuwayin ko siya.

Bumalik ako sa kusina at sinamahan siya habang nanonood ng Kdrama.

Hindi ko namalayan ang oras ay natapos na ni Krypton ang pagluluto sa sauce. Proud niyang inihain sa akin ang carbonara at inaamin kong masarap. Ang creamy ng pagkaluto niya at naubos ko lahat.

10:30 PM na nang matapos akong kumain kaya sinabihan ko na si Krypton na ihatid na niya ako sa hospital.

“Uh, thank you.” Sabi ko kay Krypton pagkababa ko ng sasakyan niya nang makarating na kami sa hospital.

Ngumiti siya. “I’ll pick you up tomorrow morning.”

“Hindi mo kailangang gaw-” napatigil ako nang matunton kong hindi ko pala dala sasakyan ko.

Napangisi siya at kumaway. “See you tomorrow, Twilight. Whether you like it or not.”

Aissh.

Pagpasok ko sa Radiology Department, andun na sina Alee at Neil sa X-ray Area habang si Mika naman ay naatasan sa CT Scan Area.

Pupunta na sana ako sa staff room para magpalit at magsuot ng scrub suit pero sinalubong nila agad ako ng mga katanungan lalo na at nagtataka sila kung bakit ibang damit na ang suot ko nang dumating ako pero tipid akong nagkwento, omitting some details especially the kissing part.

Kinabukasan, abala si Alee sa paghahanda kasi malapit na kaming mag-out habang ako naman ay busy  sa pagsulat sa endorsement logbook nang may tumawag ng pangalan ko.

I looked up to see Kent’s smiling face.
“Uy, Kent!” gulat kong sabi sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?”

“Just checking up on you. Gusto ko lang siguraduhin na okay ka. Mukha kasing galit yung boyfriend mo kagabi at baka nag-away kayo.  .  .”

Kung alam mo lang ang nangyari, Kuya K.

Nginitian ko siya. “Okay naman kami, Kent. Huwag mo nang alalahanin yun. Nakakahiya nga sayo kasi bigalng sumulpot si Krypton dun.”

“Kent!” biglang sigaw ni Neil na kararating lang at tulak-tulak ang port. *

Masiglang bumati si Neil at napansin kong mukhang close na sila.

“Happy 27th birthday ulit, Kent.” Pilyong sabi ni Neil kaya napatawa kami ni Kent.

“Tapos na kahapon pero thank you.”

“Wala lang, trip ko lang batiin ka ulit. Bakit ka pala andito? Binibisita mo ba si Twilight?”

Nakangiting tumango si Kent at pati ako ay napangiti na din nang biglang tumunog ang phone ni Kent kaya kinuha niya ito mula sa bulsa niya at nag-excuse. Lumayo siya saglit para sagutin ang tawag niya.

Pagtalikod niya sa amin, dahan-dahang napawi ang ngiti sa labi ko nang may bigla akong naalala. At the back of my mind, I know something is bothering me. Parang may isang bagay na hindi ko matukoy ang biglang nanggulo sa isipan ko. Napakunot ang noo ko at sinubukan kong i-pinpoint kung ano yun.

My head replayed our conversation a while back and then it hit me like a sudden bucket of ice poured over my head.

---

Pabitin  effect muna tayo.hihi😅😂 Congrats sa mga maka-gets agad kung anong naalala ni Twilight 😂

*Port -short for portable x-ray machine, tawag namin sa makina na tinutulak para makapag-x-ray sa ward kung masyadong hassle papuntahin ang pasyente sa mismong x-ray room. Medyo mabigat ito pero keri lang itulak ng isang payat na tulad ko😅😂

Vote and comment always❤️
Thank you and God bless❣️
Stay safe, everyone 😘🥰

Continue Reading

You'll Also Like

72.6K 743 18
Abbi a singer from London gets thrown into a lifestyle she couldn't care about any less. How will she survive and get along with new people and adapt...
1.9K 58 5
LeRoy Jethro Gibbs has a type. RedHeaded, Skinny, Small-waisted, Batshit Crazy. But, what happens when he gives his heart to a plus-sized woman who...
12.8K 190 37
Saint Vancaveour was an ex-military man. Sa buong buhay nya ay nilaan nya ito sa pagseserbisyo sa bayan. Tumatanda na sya at halos mawala na sa kalen...
95.1K 1.4K 50
Iibigin mo parin ba ang isang taong makasalanan? lalayo ka ba s aisang taong mahal mo kung alam mo s sarili mong masama kang tao?