We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.7K 101 5

When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of on... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Sixty Four

17 1 0
By sooftiec

“Saan tayo pupunta, hon?” nagtatakang tanong sa'kin ni Yuan habang nagmamaneho ako ng sasakyan na iniregalo sa'kin ni Kuya.

“You'll know later.” sumilip ako sa kanya bago muling tumingin sa kalsada.

“Hmm? May pa-secret secret ka pa, ha?” natawa siya, “Saan nga kasi, hon? I'm curious.”

“Secret.” ngumiti ako, “Matulog ka na lang, hon. Medyo mahaba-habang byahe kasi 'to.” sumilip ako sa kanya.

“Eh?” narinig kong saad niya, sa tingin ko naguguluhan na siya ngayon. “Okay.” pagsuko niya bago sumandal sa backrest ng passenger seat. “Just wake me up kapag nando'n na tayo, okay?” malambing na paalala niya sa'kin.

“Okay.” ngumiti ako sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas, nakatulog na din ng mahimbing si Yuan. Pinlano ko talaga na patulugin siya dahil kailangan kong tawagan si Kuya ngayon. Kailangan ko kasi magtanong sa kanya kung ano na ang update sa pinapa-ayos kong birthday party sa La Union ngayon, sa private island ni Lolo. Nagpaalam na ako kay Lolo na gagamitin ko ang island and pumayag naman siya kaya nagpatulong agad ako kay Kuya pati na din sa mga kaibigan ko na sila Alyana, Pearl at Lukas. Nahingi ko din ang tulong ni Ate Yna kaya tuwang tuwa ako ngayon dahil panigurado, inis na inis na sa'kin si Kuya ngayon, hahaha!

“Hello!” hindi pa man ako nakakabati ay pasigaw na agad ang bati sa'kin ni Kuya, pft.

“Oh? Bakit galit ka?” natatawa kong tanong sa kanya.

“What the hell is she doing here, Xiantel?!” inis talagang tanong niya sa'kin. Pft. Nakakatawa talaga siya. “Huwag ka sumigaw.” mahinang singhal ko sa kanya bago tumingin kay Yuan na natutulog.

“Bakit hindi ako sisigaw?!”

Aish.

“Tumahimik ka nga, Kuya.” singhal ko pa din sa kanya. “Kamusta? Maayos na ba ang lahat diyan?” parang señorita na tanong ko sa kanya.

“Psh, oo. Maayos na ang lahat.” medyo mahinahon na sagot niya sa'kin. “Kayo na lang ang hinihintay dito. Nasaan na ba kayo?” inis na ulit na tanong niya.

“Malapit na kami, maghintay na lang kayo diyan.” natatawa na sagot ko sa kanya.

“Bilisan niyo! Naiinis na ako sa babaeng 't—Phynix! Where are you?—shit! Nakasunod na naman siya!”

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Parang gusto kong tumawa ng malakas ng marinig ang boses ni Ate Yna sa kabilang linya, pft! Go Ate Yna! Seduce my brother! Go! Go! Go!

“Pft. Bakit hindi mo na lang kasi asikasuhin si Ate Yna?” natatawa na talagang tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, ang arte arte niya. Kung tutuusin kasi na kay Ate Yna na ang lahat ng katangian na magugustuhan mo. Medyo maarte lang siya ng konti pero 'yon na talaga siya, hindi siya si Ate Yna kung hindi siya maarte.

“Ako? Asikasuhin ang baliw na babaeng 'yo—Phynix! At last! Nandito ka lang pala!—Damn! Lumayo ka nga sa'kin!—Let's go swimming!—No!—Dali na! Ang init init, eh!—Ayok—!”

toot toot toot

Oh my God. HAHAHA!

Natawa na lang ako ng mahina dahil sa narinig kong usapan nila sa kabilang linya. Gosh. Sa tingin ko ay mahihirapan si Ate Yna na makuha ang loob ni Kuya, masyado 'yong maarte, eh. Parang babae, hahaha!

“Hmm.”

Napasilip ako kay Yuan ng marinig ko siyang umungol ng manghina. Akala ko ay gising na siya pero umayos lang pala siya ng upo at sumandal ng maayos sa upuan.

Argh.

Hindi ko maiwasan mapatitig sa kanya habang nagmamaneho ako. Pakiramdam ko nga ay kabisado na ng kamay ko ang manibela kaya nagagawa kong tumitig sa kanya ng medyo matagal.

Why does he need to be this handsome? Sobrang gwapo niya. Napasobra ata ang pagiging perfect ng visual niya. Kung susukatin mo ang bawat features niya ay baka mapatitig ka na lang sa kanya, gano'n siya ka-gwapo. Nakakapang-akit. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang daming nagkaka-gusto sa kanya. Gwapo siya, maputi, matangkad, magaling sumayaw, matalino, makulit, madaldal, God fearing, pilyo kung minsan pero isip bata kadalasan. Ah. He's surely a hot and handsome guy that everyone's dream of.

Argh. Ang swerte mo, Xiantel. Ang swerte mo.

“Stop staring, hon. Baka mabangga tayo.”

Shit. Napatingin agad ako sa kalsada ng bigla siyang magsalita. “G-Gising ka na?” medyo kinakabahan na tanong ko sa kanya. Damn. Sana ay hindi niya narinig ang usapan namin ni Kuya kanina.

“Yes.” umayos siya ng upo, “Nagising ako sa titig mo, hon.” napangiti siya.

“Doon lang?” paninigurado ko sa kanya.

“Oo.” sagot niya sa'kin. “Malapit na ba tayo?” sumilip siya sa bintana na nasa tabi niya.

“Yes.” napabuntong hininga ako. “Nagugutom ka na ba?” sumilip ako sa kanya.

“Konti.” napanguso siya, “Nagugutom na ako, hon.” nakangusong saad niya bago kuhanin ang isa kong kamay na nakahawak sa manibela, “Saan ba kasi tayo pupunta?” nagtatakang tanong niya matapos halikan ang kamay ko.

“Secret.” ngumiti ako, “Malapit na tayo, hon. Konting tiis na lang.” nakangiti kong sagot sa kanya.

“Okay.” ngumiti din siya bago muling halikan ang kamay ko. “Excited na ako, Xiantel.” diniinan niya ang pagkakahawak sa kamay ko na parang gigil na gigil siya.

Pft. Natawa ako, “Dapat ka talagang ma-excite, hon.” ngumiti ako ng matamis, “Dahil for sure, matutuwa ka sa pupuntahan natin.”

“La Union? What are we doing here, hon?” nagtatakang tanong sa akin ni Yuan pagbaba pa lang namin sa sasakyan. Nakita niya kasi ang signage sa gilid kaya nalaman niya na nasa La Union kami.

“Oh? This is your Lolo's island.” napangiti siya ng makita ang malaking wooden gate na nasa harapan namin na may naka-lagay na 'Yanaisland'.

“Ano'ng ginagawa natin dito?” nagtataka pa din na tanong niya sa'kin. Hindi naman ako sumagot sa kanya at hinawakan na lang ang kamay niya. “Let's go.” nakangiti kong saad sa kanya bago siya sinimulang hilahin papasok ng gate. Pagpasok namin dito ay nagulat agad ako ng makita ang mahabang table na naka-pwesto sa malaking cottage hindi kalayuan sa amin.

Shit!

“Yuan.” hinila ko na agad si Yuan paharap sa'kin bago pa niya makita ang mahabang table na may laman na iba't ibang pagkain.

“Yes?” parang nagulat siya dahil sa paghila na ginawa ko sa kanya. “A-Ah.” napaiwas ako ng tingin bago tumingin sa paligid namin, “Doon tayo.” hinila ko na agad siya palapit sa Mansion na nasa harapan namin, ang alam ko kasi at nandito sila Kuya, dito nila kakantahan ng happy birthday si Yuan.

OMG. I'm so excited.

“Ano ba talagang ginagawa natin dito, hon?” nagtataka na talagang tanong sa akin ni Yuan. Hindi ulit ako sumagot sa kanya at hinila na lang siya palapit sa main door ng bahay. “Yuan.” pagtapak namin sa door mat na nasa harapan ng main door ay hinila ko siya paharap sa akin.

“I want you to be happy today.” nakangiti at seryoso kong saad habang nakatingin sa mga mata niya, “Ngayong araw, gusto kong kalimutan mo muna ang lahat ng problema natin. Gusto kong maging masaya ka ngayon.” lumapit ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya, “Pwede mo ba gawin 'yon ngayon?” nakangiti kong tanong sa kanya.

“O-Okay.” kahit naguguluhan ay nagawa niya pa din ngumiti sa'kin. “Gagawin ko ang gusto mo, Xiantel. Kakalimutan ko muna ang lahat ng problema natin.” nakangiti niyang sagot sa'kin.

Napangiti naman ako ng todo bago yumakap sa kanya, pagyakap ko ay ibinaba ko ang isa kong kamay para hawakan ang door knob ng bahay, “I love you, Yuan.” mahina kong bulong bago pihitin ang door knob pabukas, “And—”

“HAPPY BIRTHDAY, YUAN!!!!!!!”

Napangiti agad ako ng makita sila Kuya, Alyana, Pearl at Lukas na may hawak na mga lobo habang nakangiti sa'min. Si Ate Yna naman ang may hawak ng cake habang napapatalon sa pagtili kanina.

“W-What is this?” gulat at hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Yuan. Nanlalaki pa ang mga mata nito habang nagpapabalik balik sa'kin at kila Ate Yna ang tingin.

Napangiti ako, “Happy birthday, Yuan.” yumakap ako sa kanya, “Nalaman ko kasi na hindi ka nag celebrate ng birthday mo noong January 3 so,” bumitaw ako ng yakap sa kanya at tumingin kila Ate Yna, “I decided na i-surprise ka ngayon. I want you to celebrate your birthday today, hon.” ngumiti ako sa kanya.

Hindi naman siya nakasagot sa akin dahil halatang gulat na gulat pa din siya hanggang ngayon.

“Ay, speechless ang asawa mo, 'te.” narinig kong saad ni Pearl. Napatingin naman ako sa kanya dahil doon, damn. I miss my friends.

“Ano, Yuan? Nagulat ka ba?” nakangiting tanong sa kanya ni Ate Yna bago lumapit sa amin. “Blow this candle now.” nakangiti pa din na utos nito sa kapatid.

Napatingin naman sa akin si Yuan, “Go.” ngumiti ako sa kanya.

Napangiti din naman siya at saglit na pumikit bago hinipan ang kandila sa cake.

“Aaaaaaayon! Happy birthday!”

“Aaaaaaaah! Happy birthday, Yuan!”

“Happy birthday, Yuan.”

Napangiti na lang si Yuan habang nakatingin sa mga kaibigan ko, kay Kuya pati na rin kay Ate Yna, “Hon.” inilipat niya ang tingin sa'kin, “You did this?” hindi pa din makapaniwalang tanong nito.

“Oo.” ngumiti ako, “Gaya nga ng sinabi ko, I want you to celebrate your birthday today.” ipinulupot ko ang isa kong braso sa bewang niya, “Let's just imagine na birthday mo talaga ngayon. Right, guys?” tumingin ako kila Pearl.

“Yeeeees!” sabay sabay na sagot sila. “Okay, Lukas! Play that song, now!” masiglang sigaw ni Alyana habang nakatingin kay Lukas na may hawak na cellphone. Natawa naman ito bago may pinindot sa cellphone niya. Pag-pindot niya nito ay nagulat ako, pati na din si Lukas ng bigla na lang dumilim sa buong bahay at tanging ang disco light na nasa gitna ang nagbibigay liwanag sa buong lugar.

“Woooaaaaah! Let's dance!” narinig kong malakas na sigaw ni Ate Yna ng tumugtog na ang malakas na party song. Nakita ko pang inilapag niya ang hawak niyang cake sa table at walang pagdadalawang isip na lumapit sa Kuya ko, pft.

“So, Mr Rico?” nakangiting tumingin ako kay Yuan, “Can we dance?” nakangiti kong tanong bago lumapit sa pwesto niya. 

Natawa naman siya ng mahina bago tumango sa akin, “Let's dance!”

“Woah! Sa wakas! Kakain na!” masayang sigaw ni Alyana habang naglalakad kami papunta sa cottage kung saan naka-pwesto ang mahabang lamesa na pagkakainan namin. Parang boodle fight ang gagawin namin kasi halo halo ang mga pagkain na nasa lamesa, mayro'ng iba't ibang klase ng seafoods at iba pang ulam na talaga namang nakakatakam.

“Ah, Kuya.” lumingon ako sa likod ko kung saan nakatayo si Kuya, “Masyado naman atang marami 'to, bakit hindi kaya natin tawagin sila Nanay Melinda?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa bahay nila Nanay Melinda.

“Sure, call them.” sagot niya sa'kin.

“Call who?” bigla na lamang sumingit sa harap namin si Ate Yna. “Hindi mo pa nga ako nililigawan tapos may kabit ka na agad? Grabe ka naman!”

Pft.

“What the hell are you talking about?” inis na tanong sa kanya ni Kuya, “Stay away from me.” singhal pa nito sa kanya bago umalis sa harapan namin. Psh. Napaka-arte talaga.

“My God! Xiantel! Hindi mo naman sinabi sa'kin na maarte pala 'yang Kuya mo!” napapairap na singhal sa akin ni Ate Yna. “He's so rude!” reklamo pa nito.

“Sorry, Ate Yna.” natatawa kong sagot sa kanya, “Don't worry, kulitin mo lang 'yan ng kulitin, bibigay din 'yan.” kumindat ako sa kanya.

“Are you sure?” nakataas ang dalawang kilay na tanong niya sa'kin.

“Yes.” ngumiti ako sa kanya.

“Okay!” napangiti siya, “Gano'n lang pala, eh!” sigaw niya, “Phnyix! Phynix my baby! Where are you?” malakas na tanong niya pag-alis niya sa harapan ko. Pft. Good luck, Ate Yna.

“Hon! I'm done washing my hands!”

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ang boses ng asawa ko. “Good boy.” kinurot ko ang pisngi niya, “Tara, samahan mo muna ako. May pupuntahan tayo.” ngumiti ako sa kanya bago hinawakan ang kamay niya at hinila palapit sa bahay nila Nanay Melinda.

“Hala, hon. Kakahugas ko lang ng kamay, eh.” ngumuso siya sa'kin.

Eh?

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. “Sinasabi mo ba na madumi ang kamay ko?” mataray na tanong ko sa kanya. What the hell?

“H-Ha?” nagulat siya, “Hindi 'yon ang ibig ko sabih—”

“Psh.” umirap ako sa kanya bago bumitaw sa kamay niya at nagsimula ng maglakad papunta sa bahay nila Nanay Melinda. Okay, fine. Ayaw niya pala ng holding hands, e—

“Hon!”

Hindi na ako nagulat ng humabol siya sa'kin at hawakan ang kamay ko, “That's not what I mean, okay?” hinalikan niya ang kamay ko, “Kung pwede nga lang na sa kamay mo na ako kumain, gagawin ko.” ngumisi siya, “Subuan mo 'ko mamaya, ha?”

Tch. “May sarili kang kamay.” singhal ko sa kanya, “Nanay Melinda!” sigaw ko ng makita ko siya habang naglalakad palabas ng bahay.

“Oh? Xiantel.” napangiti siya ng makita ako. “Ano'ng ginagawa mo dito? May ipapalinis ka ba?” lumapit siya sa amin.

“Ah, wala po.” sagot ko sa kanya. Napansin kong napatigil siya ng makita si Yuan, “Sino siya, iha?” nagtataka niyang tanong habang nakangiti sa'kin.

“Uhm.” tumingin ako kay Yuan, “Would you like to introduce yourself, Yuan?” nakangiti kong tanong sa kanya.

“Sure.” ngumiti siya bago tumingin kay Nanay Melinda, “Hi po, my name is Yuan.” inilahad nito ang kamay sa harap ni Nanay Melinda, “I'm Xiantel's husband.” nakangiti nitong saad.

“O-Oh.” nagulat si Nanay Melinda, “Ikaw pala ang asawa ni Xiantel.” tumango tango ito.

Eh? “Alam niyo po na may asawa ako?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Oo, iha. Sinabi 'yon sa'kin no'ng Lolo mo dati pa.” ngumiti siya sa'kin bago tumingin kay Yuan, “Ang gwapo mo naman, iho.” nakangiti nitong papuri kay Yuan.

“Nako Nay, matagal na po.” mayabang na sagot sa kanya ni Yuan. Pft.

“Ah, Nanay Melinda.” tinawag ko siya, “Gusto ko lang po sanang imbitahan kayong kumain.” ngumiti ako, “Isama niyo na po ang mga anak niyo.”

“H-Ha? Kakain?” nahiya ito, “N-Nako, 'wag na Xiantel. Nakakahiya naman sa inyo, ayos lang kami dito.” nahihiyang ngumiti siya sa'kin.

“Huwag na po kayong mahiya.” natatawa kong saad, “Medyo marami din po kasing pagkain do'n sa cottage. Baka hindi po namin maubos.”

“Oo nga po.” pag sang-ayon sa'kin ni Yuan.

“S-Sigurado ba kayo?” nahihiya pa din nitong tanong. “Opo.” sagot ko sa kanya bago tumingin sa likuran niya, nakita ko kasi Aya na dumaan dito, “Aya!” tawag ko dito. Dahan dahan naman siyang lumingon sa akin. “M-Ma'am Xiantel?” nanlaki ang mga nito bago lumapit sa'min.

“Ano po'ng ginagawa niyo dit—”

Napatigil siya sa pagsasalita ng makita si Yuan na katabi ko. Eh? Don't tell me, crush niya din si Yuan?

“M-Ma'am Xiantel, si Yuan Rico po ba ang kasama niyo?” nagtataka niyang tanong habang nakatitig sa asawa ko.

What? Kilala niya si Yuan?

“You know him?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.

“O-Opo.” nahiya ito, “S-Siya po 'yung heartthrob sa PSU, di'ba? M-Marami po siyang followers sa Instagram at Facebook.” muli itong napatingin kay Yuan.

Wow. Pati ba naman siya kilala si Yuan? Grabe.

“Kilala mo ang asawa ni Xiantel, anak?” nagtatakang tanong ni Nanay Melinda sa kanya.

“A-Asawa?!” nanlaki ang mga mata ni Aya bago tumingin sa'kin. “A-Asawa mo siya, Ma'am Xiantel?” hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin.

Natawa naman ako, “Oo.” sagot ko sa kanya, “Yuan is my husband.” kumapit ako sa braso ng asawa ko, “Right, hon?” tumingin ako kay Yuan.

“Pft.” nakita kong natawa siya, “Masyado ka ng seloso, ha?” mahina niyang bulong sa'kin bagp tumingin kay Aya, “Yes, I'm her husband.” ngumiti ito.

Hindi naman nakapagsalita si Aya at napatitig na lang sa kanya. Ayon, nag-gwapuhan na.

“Nanay! Nanay! Si Ate Xiantel po ba 'yan?”

Oh? “Ben! Ban!” natuwa ako ng makita ang dalawang batang lalaki sa harapan ko, “How are you guys?” nakangiti kong tanong sa kanila.

“Ayan ka na naman, Ate Xiantel. In-english mo na naman kami.” napapakamot sa ulo na sagot sa'kin ni Ben. Pft.

“Okay, sorry—pasensya.” natawa ako.

“Sino sila, hon?” nagtatakang tanong sa'kin ni Yuan. “Anak din sila ni Nanay Melinda.” sagot ko sa kanya.

“Hala! Sino po ang lalaking 'to, Ate Xiantel?” tanong sa'kin ni Ban, “Ang gwapo niya po!” sigaw pa nito.

“Alam ko, alam ko.” pagyayabang ni Yuan, “Ako si Yuan, ang gwapong asawa ni Xiantel.” nakangiting pagpapakilala niya sa mga bata.

Pft.

“Oh, tara na po, tara na po, kakain na po tayo.” nakangiti kong saad bago ituro ang cottage, “Sasama naman po kayo sa'min, di'ba?” nakangiti kong tanong sa kanila.

“May choice pa ba kami, iha?” natatawang tanong sa'kin ni Nanay Melinda, “Oh, sige na. Maraming salamat.” ngumiti siya sa'kin.

Yes! “Tara na po.” ngumiti ako sa kanila bago tumingin sa asawa ko, “Tara na.” mahina kong saad sa kanya bago siya sinimulang hilahin pabalik sa cottage kung saan nando'n sila Kuya.

“Sino nga pala ang may birthday, Xiantel?” tanong sa'kin ni Nanay Melinda habang naglalakad kami pabalik sa cottage. “Si Yuan po.” nakangiti kong sagot sa kanya.

“Oh? Si Yuan?” tumingin ito sa asawa ko, “Maligayang kaarawan, iho.” nakangiti nitong bati kay Yuan. “H-Happy birthday po.” nahihiyang bati sa kanya ni Aya. “Maligayang kaarawan, Kuya Pogi!” sabay na bati naman ni Ben at Ban sa kanya.

“Salamat.” ngumiti si Yuan sa kanila.

“Happy birthday, hon.” mahina kong bulong kay Yuan habang naglalakad kami.

“Thank you.” hinalikan niya ang kamay ko, “I love you, Mrs Rico.” mahina niya ding bulong habang nakangiti.

Napangiti ako bago tumingin sa kanya, “I love you more, Mr Rico.”

Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 308 13
Kung 'di namatay ang Mommy ni Juliet Catherina ay hindi siguro siya mahahatak ng half-brother niya papunta sa Sta. Agatha, isang liblib na bayan sa M...
117K 7K 61
He's a heartbreaker and she's the only one who can break his heart.
84.3K 1.1K 28
Saina Ariz Palmos, isang babaeng minsang hiniling sana siya nalang ang mahalin ng lalaking mahal niya. Puro sana, sana at walang katapusang sana ang...