We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.6K 101 5

When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of on... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Sixty Two

15 1 0
By sooftiec

Ito na ata ang pinaka-nakakakabang bagay na gagawin ko sa buong buhay ko. Hindi ko naisip na gagawin ko 'to para lang isang lalaki.

Para lang kay Yuan.

Puntahan mo na siya, Xiantel. Huwag mong hayaan na sumuko siya sa'yo.”

Narinig ko pa ang boses ni Kuya Tani sa tenga ko habang nakatayo ako sa labas ng bahay namin ni Yuan. Nakaramdam ako ng kaba ng makitang nakapatay ang ilaw sa buong bahay. Shit. Nandito kaya siya?

Sana. Sana.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Nagsimula na agad akong maglakad palapit sa gate at sinubukang buksan ito. Halos mapapikit pa ako sa kaba ng malaman ko na hindi ito nakasara. Oh, God. Sana nandito si Yuan, please. Sana nandito ang asawa ko.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng gate namin ay nadagdagan na agad ang kabang nararamdaman ko. Halos mapalunok pa ako habang dahan dahan na naglalakad papunta sa main door ng bahay namin. Napahinga ako ng malalim ng sa wakas ay mahawakan ko na ang door knob ng pinto, halos manghina ako ng mabuksan ko na ito at makapasok na ako sa loob ng bahay.

Shit.

Nakaramdam agad ako ng kakaibang pakiramdam ng makita ko muli ang itsura ng bahay namin. God. Halos isang buwan ko rin hindi nakita ang lugar na 'to.

“Yuan?” mahina kong bulong habang iniikot ang paningin sa buong bahay. Nakapatay talaga ang ilaw dito kaya halos wala na akong makita, ang tanging nakikita ko lang ay ang white dress na suot ko. “Yuan?” dahil kabisado ko na ang bahay namin, nagawa kong maglakad papunta sa hagdanan ng walang kahirap hirap.

Ilang minuto ang itinagal noon ng sa wakas ay makarating na ako sa second floor. “Yuan?” muli kong tinawag ang pangalan niya habang nagsisimula akong maglakad palapit sa kwarto niya. Oh, God. Sana nandito siya. Sana nandito ang asawa ko, please.

“Yuan?” nilakasan ko pa lalo ang boses ko habang naglalakad papunta sa kwarto niya. Shit. Mas nadagdagan ang kabang nararamdaman ko ng makalapit na ako ng tuluyan sa pinto ng kwarto niya.

Relax, Xiantel. Relax.

Napahinga muna ako ng malalim bago pumikit at nagsimulang kumatok sa pintuan niya. “Yuan?” malakas na tawag ko habang kumakatok ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto niya.

“Yuan?” hindi na ako nakatiis pa at hinawakan ko na agad ang doorknob niya. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko ng malaman na hindi naka-lock ang kwarto niya. Fuck.

“Yuan?” hindi na agad ako nagdalawang isip pa at pumasok na agad sa kwarto niya. “Yua—”

Shit.

Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Yuan na naka-upo sa kama niya at nakatungo habang nakatingin sa baso ng alak na hawak niya.

Damn.

Napalunok ako, “Y-Yuan.” mahina kong tawag sa kanya.

Nakita kong dahan dahan na iniangat niya ang ulo niya paharap sa direksyon ko at—

Fuck.

Parang sinaksak ng ilang beses ang puso ko ng makita ang itsura ng mukha niya.

H-He's crying.

Kitang kita ko kung paano tumulo ang luha niya galing sa mga mata niya. Nakita ko din ang maliit na sugat sa pisngi niya at ang malaking mantsa ng alak sa puting damit na suot niya.

Shit.

“Y-Yuan.” hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na agad palapit sa kanya. Fuck. Fuck. Fuck. Gusto kong sampalin ang sarili ko ng makita ko ng malapitan ang mukha niya.

He's broke.

He's really broke.

Kitang kita ko kung paano siya nasasaktan ngayon. Damn!

“X-Xiantel?”

Bumilis agad ang tibok ng puso ko ng sa wakas ay magsalita na siya. “W-What are you doing here?” mahina niyang bulong habang nakatingin sa kabuuan ko.

“Yuan.” humakbang ako para mas mapalapit sa kamang inuupuan niya.

“Yuan I—”

“A-Ah.”

Bigla na lamang siyang tumayo mula sa kama niya. “I-Ito na ba 'yon?” kinakabahan na tanong niya sa'kin, “M-Makikipag-divorce ka na sa akin?” tumingin siya sa mga mata ko.

W-What?

Nangunot ang noo ko. “Yuan—”

“H-Huwag naman muna ngayon, X-Xiantel.” ngumiti siya ng malungkot, “H-Huwag naman sunod sunod, oh. I-Isa isa lang.”

Fuck!

“Yuan, ano ba'ng sinasabi mo?” nagtataka kong tanong sa kanya. Kahit kinakabahan ay lumapit na talaga ako sa kanha. “Anong divorce?” tinitigan ko ang mga mata niya.

“H-Hindi ba't nandito ka para makipag-hiwalay sa'kin?” nasasaktan na tanong niya.

What the fuck?

“Hindi.” seryoso kong sagot sa kanya. “Bakit ako makikipag-hiwalay sa'yo?” hinawakan ko ang pisngi niyang may maliit na sugat, “Hindi ko gagawin 'yon, hindi kita iiwan.” mariin na saad ko habang nakatitig sa kanya.

“H-Ha?” nagulat siya. “A-Ano'ng sinasabi mo d-diyan?” hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin.

Argh.

“Yuan.”

Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya para mas ilapit ang mukha ko sa kanya. “Mahal kita.” nakangiti at sinsero kong bulong habang nakatitig sa mga mata niya. “Mahal na mahal kita.” dagdag ko pa bago ilapit ang labi ko sa pisngi niyang may sugat. Naramdaman kong natigilan siya ng halikan ko ng marahan ang sugat niya.

“I'm sorry.” mahina kong saad habang nakatingin sa sugat niya. “I'm sorry.” dahan dahan kong inilipat ang tingin sa mga mata niya. “I'm sorry, Yuan.”

“X-Xiantel?” ngayon lang siya nakapagsalita. Ramdam kong napalunok siya ng makita kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa.

“Hmm?” ngumiti ako sa kanya. “Alam ko na ang lahat, Yuan. Alam ko na ang lahat ng sakrispisyo mo para sa'kin.”

“W-What?” nangunot ang noo niya.

“Pft.” natawa ako ng mahina, “Tinatamad akong mag explain ngayon, eh. Pwedeng bukas na lang?” nakangiti kong tanong habang nakatitig sa labi niya. Damn. I want to kiss his lips.

“X-Xiante—”

“Birthday ko ngayon, hindi mo man lang ba ako babatiin?” nakangiti kong tanong sa kanya. “Wala ka bang regalo sa'kin?” nagpa-cute ako habang sinasabi 'yan.

Natigilan naman siya at napatitig na lang sa'kin.

“Gusto ko sana ay may regalo ka sa'kin.” muli akong tumitig sa nakaka-akit niyang labi, “Pwede bang ito na lang?” nakangiti kong tanong sa kanya habang nakatitig pa din sa labi niya.

“Xiante—”

“I love you.” inilipat ko ang paningin sa mga mata niya, “Ikaw na ang mahal ko ngayon, Yuan.” nakangiti kong bulong sa kanya.

“Fuck.” narinig ko ang mahina niyang mura. “I-Is this true?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Hindi ba mukhang totoo?” natawa ako, “Totoo ang sinasabi ko, Yuan.” ngumiti ako sa kanya, “Sinabi ko na din sa kapatid mo ang tungkol sa nararamdaman ko sa'yo.”

Yes. Noong araw na nagpunta kami sa puntod ni Yovanni ay sinabi ko sa kanya na mahal ko si Yuan. Kahit alam kong hindi niya maririnig ay sinabi ko pa din 'yon.

“Y-You—what?” mas lalo siyang nagulat.

Aish. “Pwede na ba kitang halikan ngayon?” hindi na talaga ako nakapagtiis pa. Gustong gusto ko na talagang maramdaman ang labi niya sa labi ko.

“A-Ano?”

Argh! “Yuan?” sumimangot na ako, “Huwag ka ng magtanong, okay? Hahalikan na kita, tumahimik ka na.” mahina kong singhal sa kanya bago ilapit ang labi ko sa la—

“W-Wait.”

Damn!

“Ano?!” inis na talagang tanong ko. Ah!

“M-Mahal mo ako?” seryoso niyang tanong sa akin.

“Oo.” napanguso ako, “Ano? Pwede na?”

“T-Teka lang.”

Argh. Psh.

“Bahala ka nga diyan.” inis na singhal ko sa kanya bago bumitaw sa leeg niya at tumalikod na bago nagsimulang maglakad papunta sa pinto ng kwarto niya. Nakakainis. Ang tagal tagal. Hindi ko pa pwedeng halikan na lang ang labi niya? Gosh. Masyado na ata akong naaadik sa halik niya. Kasalanan niya 't—

Shit.

Napapikit na lang ako ng sa wakas ay naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko. Muli kong ipinulupot ang braso ko sa leeg niya at mas hinapit ang mukha niya palapit sa'kin.

Damn it. Sa wakas. Nahalikan ko na din ang labi niya.

Shit. Napapikit na lang ako ng mariin ng maramdaman ko ang isa niyang braso sa bewang ko at ang isa pang kamay ay sa batok ko, sa paraan na 'yon, mas nagawa niyang idiin ang labi sa labi ko. Ah. Nakaramdam agad ako ng ginhawa sa dibdib ko ng marahan niyang haplusin ang leeg ko habang hinahalikan ng malalim ang labi ko.

Wala na akong ibang ginawa kung hindi ang sagutin na lang ang malalim niyang halik habang idinidiin ng todo ang kamay ko sa leeg niya. My God. Ang tagal ko ata siyang hindi nahalikan. Halos isang buwan hindi naglapat ang mga labi namin sa isa't isa.

“Xiantel...”

Napangiti na lang ako ng dahan dahan niyang ihiwalay ang labi sa akin. Halos pareho kaming naghahabol ng hininga dahil sa ilang minuto na halikan na nangyari sa'min.

“I love it.” napangiti ako ng matamis. “I love your gift.” napangisi ako.

“I love you.” dinampian niya ng halik ang labi ko, “I love you, I love you, I love you.” hinalikan niya ng hinalikan ang labi ko.

Damn.

“W-Why are you crying?” nanghina ako ng makita ang luha na patuloy na pumapatak sa pisngi niya. “Yuan?”

“I-I'm just happy.” ngumiti siya sa'kin. “Grabe ang epekto mo sa'kin, Xiantel. Mababaliw ako.”

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. “I love you too.” nakangiti kong saad bago ilapit ang labi ko sa labi niya. “I'm sorry kung nasaktan ka ng sobra dahil sa'kin, I'm sorry.” hinaplos ko ang pisngi niya. “I promise, hinding hinding hindi ko na ulit gagawin 'yon. Hindi na kita iiwan.”

“P-Promise?” idinikit niya ang noo sa noo ko. “Promise.” nakangiti kong sagot sa kanya.

“Happy birthday.” hinalikan niya ang pisngi ko.

Napangiti ako ng todo, “I love you.” sagot ko sa kanya bago muling halikan ang labi niya. Naramdaman ko pang tumulo ang luha niya sa pisngi ko ng ipikit niya ang kanyang mga mata at sinagot ang mainit kong halik.

Shit. Napangiti na lang ako dahil sa sarap sa pakiramdam na dulot no'n.

Ah.

This is my best birthday ever.

Thank you, Yuan.

“Hmm.”

Nagising na lang ako ng may maramdaman akong kung anong malambot na dumampi sa pisngi.

“Good morning, beautiful.”

“Yuan.” napangiti na lang ako ng makita ko ang asawa kong nakatingin sa akin habang nakayakap ang braso ko sa kanya. “Good morning. How's your sleep?” nakangiti kong tanong sa kanya.

“I didn't sleep.” nakangiti niyang sagot sa akin.

“Ha?” nagulat ako. “Hindi ka natulog?” nangunot ang noo ko.

“Yes.” hinalikan niya ang noo ko, “I'm just staring at your face the whole night.” nakangiti niyang bulong sa akin.

“What?” nanlaki ang mga mata ko, “Bakit hindi ka natulog?” nagtataka kong tanong sa kanya, “Are you okay?” hinawakan ko ang pisngi niya.

“I'm fine, hon.” ngumiti siya, “Hindi ako natulog kasi natakot ako na baka pagising ko, wala ka na naman sa tabi ko.”

Shit.

“Y-Yuan.” hinaplos ko ang pisngi niya, “I'm sorry.” emosyonal na bulong ko. “I'm really really sorry.” tinignan ko ang mga mata niya.

“It's okay.” niyakap niya ako, “Hindi ko lang talaga maiwasan maramdaman 'to. Halos isang buwan ka din kasing nawala.”

“I'm sorry.” muli kong sagot. “Ano ba'ng gusto mong gawin ko para hindi mo na maramdaman 'yan?” tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang pisngi niya. Hindi ko pa din maiwasan mainis ng makita ang maliit na sugat dito.

“Wala.” ngumiti siya sa'kin, “Basta huwag ka lang aalis sa tabi ko.” muli niya akong niyakap ng mahigpit.

“Okay. I promise.” sagot ko sa kanya bago sumiksik sa dibdib niya.

“Panatag na ang loob ko kapag ganitong malapit ka sa'kin.” hinalikan niya muli ang noo ko, “Huwag mo na akong iiwan please. Hindi ko na talaga kaya.” mahina at emosyonal niyang saad.

“Promise.” niyakap ko siya, “Hindi ko na po gagawin 'yon, mister ko.” seryoso at sinsero kong sagot.

Hindi naman siya sumagot at niyakap na lang ako ng mahigpit.

“Yuan?” tumingala ako para makita ang mukha niya.

“Hmm?” ibinaba niya naman ang mukha sa'kin

“I love you.” nakangiti at seryoso kong bulong habang nakatitig sa mga mata niya.

Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko, “I love you more, Xiantel.” nakangiti din na saad niya bago marahan na hinalikan ang labi ko. “Hmm, sweet.” napangiti ako.

“Pft. Ikaw na ang mahilig sa halik ngayon, ha?” naging makulit ang boses niya. Damn. I missed that voice!

“Gawa mo, hinawaan mo ako.” natatawa kong sagot sa kanya. “Ano nga pala ang nangyari diyan?” itinuro ko ang sugat sa pisngi niya.

“Ah, wala. Nahulog lang ako sa hagdan no'ng isang araw.”

“Ano?” nangunot ang noo ko, “Bakit ka naman nahulog?” sumeryoso ako, “Pinababayaan mo ba ang sarili mo, ha?” inis na tanong ko sa kanya. “I heard, may sakit ka daw noong New Year. Totoo ba 'yon?”

Napanguso na agad siya, “Sorry na misis ko.” hinalikan niya ang pisngi ko, “Wala ka kasi, eh. Kaya gano'n, hehe.”

“Ah.” tumaas ang kilay ko, “So kapag wala ako, hindi mo aalagaan ang sarili mo, gano'n ba?” mataray na tanong ko sa kanya.

“Hindi naman sa gano'n.” sagot niya, “Nasanay na kasi ako na parati kang nandiyan para sa'kin, para alagaan ako. Kaya no'ng nagkasakit ako, hindi ko na alam ang gagawin ko, hehe.”

Psh. Nagawa niya pa talagang tumawa, ha? “Matuto kang alagaan ang sarili mo.” kinurot ko ang pisngi niya, “Paano na lang kung—”

“A-Ano? Hindi ba't sinabi mo sa'kin na hindi mo na ako iiwan?” bigla siyang kinabahan.

Shit. “Hindi 'yon, hon.” hinawakan ko ang pisngi niya, “Ang sinasabi ko ay paano na lang kapag nagka-anak na tayo? Hindi na kita maaalagaan niyan.”

“Anak?” napangiti siya, “Iniisip mo na ang anak ngayon, ha?” pang aasar niya sa'kin.

Eh? “Hindi ba't magkaka-anak naman talaga ta—aaaaah!” napatili ako ng bigla na lamang siyang umibabaw sa akin habang nakahiga ako sa kama.

“Yuan!” nanlaki ang mga mata ko, “Ano'ng ginagawa mo diyan?!” inis na tanong ko sa kanya.

“Birthday mo kahapon, di'ba?” nakangisi niyang tanong sa'kin. Shit. I miss his smirks.

“Oo, tapos?” tumaas ang kilay ko. Ano ba'ng trip niya?

“Nag birthday na din ako.” mas lalo siyang napangisi. “We're both 20 years old now, my wife.” mahina niyang bulong habang nakangisi.

“T-Tapos?” shit, bakit ako nautal?

“Naaalala mo pa ba ang sinabi ni Ate Yna sa'tin noon? Pwede na daw tayong mag anak kapag 20 years old ka n—”

“Yuan!” tinulak ko agad siya palayo sa'kin. “N-No way! H-Hindi pa pwede!” malakas na singhal ko sa kanya. Damn! Umaandar na naman ang kapilyuhan niya!

“Bakit hindi, hon?” natawa siya, “Malaki na tayo. Pwede na natin gawin 'yon.” napangisi siya.

“H-Hindi pa!” sigaw ko, “Hindi pa nga tayo tapos mag-aral!” inis talaga na singhal ko sa kanya.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

Nangunot na lang ang noo ko ng makita ko siyang tumawa. “Ano'ng nakakatawa?” nakataas ang dalawang kilay na tanong ko.

“You're so funny, hon!” natatawang niyang sagot sa akin habang nakahawak sa tiyan niya, “Did you see your reaction? You're so funny! Hahaha!”

Shit.

Hindi ko maiwasan mapangiti dahil sa itsura niya ngayon. He's laughing. My husband is laughing. God. I love to see him like this. Gusto ko ay parati na lang siyang masaya.

“Hon?” napatigil siya sa pagtawa ng makita na nakangiti ako. “You're smiling.” napangiti din siya.

“I am.” nakangiti kong sagot sa kanya. “I love seeing your laugh, hon.” hinawakan ko ang pisngi niya, “I wish, palagi kang masaya because of me.” seryoso kong saad.

“Xiantel.” hinawakan niya din ang pisngi ko, “You're the cause of my euphoria.” nakangiti at sinsero niyang saad habang hinahaplos ang pisngi ko.

Damn.

Napayakap na lang ako sa kanya, “I'm so in love with you, Yuan Rico.” mahina at emosyonal kong bulong habang nakayakap sa kanya.

“That's good to know.” narinig ko ang mahina niyang tawa, para 'yong musika sa tenga ko,

“Because I'm utterly in love with you too, Xiantel Peach Yana-Rico.”

**

A/N: Votes and Comments are both highly appreciated hehe 🥺🤍

Continue Reading

You'll Also Like

311K 6.5K 36
Him Series #1: Sabihin mo nga, paano ka makakamove-on kung binabalandra na mismo ng Tadhana ang Ex mo sa harapan mo?
1.7M 71.7K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
2.3K 181 24
Ynigo couldn’t understand how someone so intelligent could be so damn clueless about love!! At iyon nga si Mariz Natividad. She had beaten him in eve...
193K 3.1K 85
Formerly ( shes my slave, shes my love, shes the one) Haba kasi ng title kaya pinalitan ko nalang ...... Pano ko ba uumpisahan basta basahin niyo...