We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.7K 101 5

When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of on... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Fifty Six

17 1 0
By sooftiec

“Waaaaah! Mommy, look! There's a sea!”

“Kiana, don't run.” medyo malakas na paalala ko sa kapatid ko ng makita ko siyang tumakbo papunta sa buhangin, malapit sa dagat.

“Mommy! Let's swim!” malakas na sigaw niya habang nilalaro ang nga buhangin sa paanan. “Later na.” lumapit ako sa kanya at hinila siya palayo sa dagat, “We need to eat first, you're hungry right?” tanong ko sa kanya.

“Yes! I want chocolates, Mommy!” nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi naman ako sumagot pa at hinila na lamang siya papasok sa malaking bahay na nasa harapan ng dagat. Finally. Nandito na kami sa private island ni Lolo sa La Union. Sa wakas, makakalayo na ako sa maraming tao. I'll have the peace of mind that I want.

“Ma'am, nakahanda na po ang lunch.” may lumapit sa akin na isang kabahay. Tumango ako sa kanya bago hinila ang kapatid ko papunta sa kusina ng bahay. Hindi ko maiwasan mamangha ng makita ang loob ng bahay, this is just so modern and somewhat classic. Halatang matagal nang nakatayo ang bahay na 'to dito.

“Waaaah! There's a lot of food!” natuwa ang kapatid ko ng makita ang napakaraming pagkain na nasa mahabang table. “Careful.” paalala ko sa kanya ng bigla siyang tumayo sa upuan niya, “Mommy, I want salad.” itinuro niya ang fruit salad na nasa gitna ng table.

“You need to eat rice, first.” sagot ko sa kanya.

“Okay!” mabait na sagot niya bago umupo ng maayos sa upuan niya. Tinawag ko naman ang Yaya niya na kasama namin dito para subuan siya ng pagkain. “Mommy, let's swim, later!” masigla na saad niya habang kumakain.

“Later.” sagot ko sa kanya bago nagsimulang kumain.

vibrate! vibrate!

Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ng pants na suot ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

Yuan calling...

“Mommy, is that Daddy?”

Shit.

“No.” seryoso kong sagot sa kapatid ko bago patayin ang tawag. Pinatay ko din ang cellphone ko para hindi na ako makatanggap pa ng ibang tawag mula kay Pearl, Alyana pati na din kay Lukas.

Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Ayoko muna silang maka-usap.

“Mommy, where's Daddy?” inosenteng tanong sa akin ni Kiana habang nakain siya. “He's with his family.” maikli kong sagot sa kanya.

“Oh?” tumango tango siya, “I miss him, Mommy. Can't I see him?”

Napabuntong hininga ako, “You can't.” sagot ko sa kanya.

“Why?” napanguso siya.

Aish. “Just eat, Kiana.” seryoso kong sagot sa kanya bago nagpatuloy sa pagkain. Natahimik naman ang kapatid ko dahil doon at hindi na nagsalita.

Matapos naming kumain ng lunch sa dining area ay inutusan ko muna ang Yaya niya na paliguan siya at palitan ng damit sa guestroom samantalang ako ay pumunta muna sa cottage na malapit sa dagat. Nang nakarating ako dito ay umupo agad ako sa wood chair at tinanaw ang kalinisan ng dagat. 

Habang tinatanaw ko 'yon ay nakaramdam ako ng kaginhawaan sa loob ko. Pagkiramdam ko ay niyayakap ako ng hangin dahil sa sarap na nararamdaman ko ngayon. This is just so relaxing. Ang marinig ang mahinang hampas ng alon sa tubig, at ang tahimik na lugar na 'to ay patuloy na nagpapagaan sa loob ko. Pakiramdam ko ay unti unti nitong tinanggal lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat ng lungkot at pangungulila kay Yovanni.

“Mommy! I'm ready! Let's swim!”

Napalingon ako sa likod ng marinig ko ang boses ng kapatid ko. “No, Kiana. We're not going to swim.” sagot ko sa kanya. Tumayo ako sa upuan ko at hinila siya palapit sa kabilang co—

Eh?

“Mommy? Who are they?” nagtatakang tanong sa akin ng kapatid ko ng makita ang dalawang bata at isang dalaga na naglalaro di kalayuan sa amin.

What? Sino sila? Hindi ba't private island 'to ni Lolo?

“Ben! Ban! Aya! Tumigil na kayo sa paglalaro diyan! Nandiyan na ang apo ni Don Yana!”

Nakarinig ako ng malakas na sigaw mula sa gilid kaya napatingin ako do'n.

What the—

Bakit may bahay dito?

“Nay! Ayon po ba ang mga apo ni Don Yana?”

“Ano'ng sinasabi m—” nakita kong napatigil ang nanay sa pagsasalita ng makita kami. Napatingin din ang dalawang bata at isang dalaga sa amin ng kapatid ko.

“N-Nako! Nandito na pala kayo!” lumapit agad sa siya amin ng makita niya kami. “Kararating niyo lang ba?” nakangiting tanong niya sa akin.

“Hala, ate Aya, ang ganda naman po nila.”

“Oo nga! Tapos ang puputi pa, mukha talagang mayaman.”

“Sssh! Tumahimik kayong dalawa, baka marinig nila tayo.”

“Kararating lang po namin dito.” mahinahon na sagot ko sa babaeng nasa harapan namin. “Mommy, who is she?” rinig kong tanong sa akin ng kapatid ko.

“Gano'n ba? Nakakain na ba kayo?” nakangiti niyang tanong sa amin.

“Ah, yes.” tumango ako sa kanya bago tumingin sa mga batang nasa likod niya na ngayon.

“A-Ah, ako nga pala si Melinda ang taga-bantay ng isla ng Lolo mo.” pagpapakilala niya sa'kin, “Ito naman ang mga anak ko, si Ben at Ban.” turo niya sa dalawang batang lalaki, “At si Aya, ang panganay ko.”

“H-Hi po.” nakangiting bati sa akin ng babae, “A-Ang ganda niyo po.” nahihiya pang dagdag nito.

“Salamat.” pormal na sagot ko bago tumingin sa nanay niya, “Diyan po ba kayo nakatira?” tinuro ko ang bahay na nakita ko kanina.

“Oo, diyan kami pinatira ng Don Yana.” nakangiti niyang sagot sa akin. “Mahigit walong taon na rin kami dito.”

“Hmm.” tumango tango ako, “Kayo lang po ang magkakasama dito?” nagtataka kong tanong sa kanila.

“Ah, oo. Kami lang apat.” tumingin siya sa mga anak niya.

“Nasaan ang ama nila?” nakakunot ang noo na tanong ko. Sinabi niya kasi sa'kin na apat lang daw sila dito.

“A-Ah.” napatungo ang nanay, “M-Matagal ng wala ang ama nila. Matagal ng patay ang asawa ko.”

Shit.

Natigilan ako.

“O-Oh, sorry.” nahihiyang napa-iwas ako ng tingin. Damn it.

“O-Okay lang. Matagal na naman 'yon.” ngumiti siya sa'kin. “Bakit nga pala napa-aga ang pagpunta niyo dito?” tanong niya sa'kin.

“Ah.” napatingin ako sa kapatid ko, “Nothing.” wala sa sariling sagot ko.

“Mommy, I want to play with them.” tinuro ni Kiana ang dalawang batang lalaki na nasa harapan namin. “I saw both of them playing awhile ago.” ngumiti sa akin ang kapatid ko.

“Ban, ano daw? Bakit nakaturo sa'tin 'yung batang babae?” rinig kong nagtatakang tanong ng isang batang lalaki.

“You want to play with them?” paninigurado ko sa kapatid ko. “Yes!” ngumiti siya akin ng matamis.

Napabuntong hininga ako, “Okay.” sagot ko, “Ask them to play with you.” iniharap ko siya sa mga batang lalaki.

“Hi! Let's play?” nakangiting bati ng kapatid ko sa dalawang bata. Nakita ko naman na parang nagulat sila. “Ano daw? Let's play?” nagtatakang tanong ng isa, “Let's play? Hindi ba't ang play ay laro?”

“A-Ano ba kayo, Ben, Ban. Gusto niya daw makipaglaro sa inyo.” rinig kong bulong sa kanila ng Ate nila. “Laro? Gusto niyang makipaglaro sa'min?”

“Oo.”

“Sige!” napangiti ang dalawang bata, “Tara, ganda! Laro tayo!” nakangiting sagot ng isang bata sa kapatid ko. What? Ganda?

“Yehey!” napatalon sa tuwa ang kapatid ko, “Mommy, we're going to play!” nagtatalon ang kapatid ko dahil sa tuwa.

Napabuntong hininga ako, “Okay, play with them na.”

“Yehey! Let's go!” hinila na agad ng kapatid ko ang dalawang bata palayo sa'min. Aish. “Englishera pala ang kapatid mo.” natatawang saad ni Nanay Melida sa akin.

“Yes.” tumango ako.

“Hmm, sige. Maiwan ko na muna kayo diyan dahil maglilinis pa ako sa Mansion ngayon. Aya, bantayan mo ang mga kapatid mo.”

“Opo, nay.” sagot sa kanya ng anak. “Sige po, Ma'am. Maiwan ko na po kayo dito.” ngumiti sa akin si Nanay Melida bago nagsimulang maglakad papunta sa mansion.

“A-Ah, ano po'ng pangalan niyo?” nahihiyang tanong sa akin ng babaeng kasama ko ngayon. “Xiantel.” maikli kong sagot sa kanya.

“X-Xiantel? Oh.” napatango tango siya, “Ang ganda din po ng pangalan niyo.” napangiti siya, “Ako nga po pala si Aya.” pagpapakilala niya sa akin.

“Aya.” tumango tango ako. “How old are you?” tanong ko sa kanya.

“A-Ah, 17 po.” magalang na sagot niya, “Kayo po?”

“19.” sagot ko bago lumingon sa cottage na nasa likod namin, “Tara do'n?” pag-aaya ko sa kanya. Nahihiyang tumango naman siya sa akin kaya nagsimula na kaming lumapit do'n.

“U-Uhm, Miss Xiantel? Pwede po ba akong magtanong?” pag-upo namin sa wood chair ay nagtanong siya sa'kin. “Sure, ano 'yon?” mahinahon na sagot ko sa kanya.

“A-Ah.” napatungo siya, “Nag aaral po ba kayo?” nahihiya niyang tanong sa akin.

“Yes.” tumango ako.

“W-Wow.” parang namangha siya, “Saan po kayo nag aaral?”

“Paleon State University.”

“P-Paleon State University?” nanlaki ang mga mata niya, “Y-Yan po ba 'yung privte school sa Manila?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Oo.” sagot ko sa kanya. “Bakit?” nagtataka kong tanong. Bakit parang gulat na gulat siya.

“A-Ah, wala po.” napatungo siya, “P-Pangarap ko po kasing makapasok diyan.” mahina niyang bulong, “Kaso parang hindi po matutupad. Mayayaman lang po kasi ang nakakapasok do'n, katulad niyo.”

Eh?

“May scholarship naman.” sagot ko sa kanya.

“Oo nga po.” napangiti si Aya, “Kaso, baka hindi din po ako makapasa.” nalungkot siya.

“Bakit hindi?”

“H-Hindi po ako matalino.” nahihiya niyang sagot. “Hindi po ako matalino, hindi katulad ni Tatay.”

Nangunot ang noo ko, “Hindi katulad ng Tatay mo?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Opo.” tumango siya, “Si Tatay po kasi, matalino. Siya nga po ang nagtuturo sa akin parati.” napangiti siya. “Kung buhay lang po sana siya ngayon, sigurado ako, gagawin niya po ang lahat ng kaya niya para pag-aralin ako sa Manila.”

“Hm.” napaayos ako ng upo, “Can I ask you a question?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Sige po, ano 'yon?” ngumiti siya sa'kin.

“About your Dad.” panimula ko, “Matagal na siyang wala, hindi ba?” tanong ko sa kanya.

“O-Opo.” sagot niya. “Buntis pa lang po si Nanay no'n, nang mawala si Tatay.” malungkot na saad niya.

“What happened, after that? Ano na ang nangyari sa buhay niyo?” seryoso pa din na tanong ko sa kanya.

“A-Ano po,” napatungo siya, “N-Naging mahirap na po 'yung buhay namin. Si Tatay lang po kasi ang may malaking kita sa amin.” pagku-kwento niya, “Sobrang nalungkot po kami no'n, lalo na po ako.” napalunok siya, “Si Tatay lang po kasi ang palaging sumusuporta sa akin pagdating sa pag-aaral ko, siya lang po ang nandiyan parati para sa'kin.”

Shit. Medyo natigilan ako dahil sa sinabi niya.

“Pero ma-swerte po ako, nandiyan si Nanay.” napangiti siya, “Kahit nawala na po si Tatay sa'min, nandiyan naman po si Nanay, hindi niya po ako pinabayaan, hindi niya po kami pinabayaan.” nakangiti niyang saad bago tumingin sa akin. “Napaka-swerte ko po dahil mayro'n taong nandiyan lang parati para sa'kin. Yung hindi po ako iiwan, sa hirap at ginhawa.”

Damn.

Tuluyan na akong natigilan dahil sa sinabi niya.

For some unknown reason, bigla na lang pumasok sa isip ko si Yuan.

“Bakit niyo nga po pala tinatanong, Ma'am?”

Napatingin ako kay Aya. “A-Ah, wala.” napaiwas ako ng tingin. Shit.

“May kasintahan po ba kayo?”

What?

“Ha?” napatingin ako sa kanya.

“Yung ano po, boyfriend. May boyfriend po ba kayo?” nakangiti niyang tanong sa akin. “Ang ganda niyo po kasi, eh. Sa tingin ko po may boyfriend na kayo.”

“Ah.” hindi ako sumagot sa kanya. Mas maganda sigurong 'wag nang sagutin ang tanong niya.

“Aya.” tumayo ako mula sa upuan ko, “Tawagin mo na ang mga kapatid mo, tatawagin mo na rin ang kapatid ko. Kailangan na kasi naming magpahinga.”

“S-Sige po.” tumayo agad siya mula sa upuan niya at tumakbo palapit sa mga kapatid niya at kapatid ko na naglalaro.

“Kiana!” tawag ko sa kapatid ko. “That's enough!” patakbo akong lumapit sa kanya. “Mommy!” yumakap agad siya sa akin ng habulin siya ng dalawang batang lalakk. “I'm scared! They're so fast!” sigaw ng kapatid ko.

“That's enough, let's go now.” hinawakan ko ang kamay nito. “Okay!” tumingin siya sa mga kalaro niya kanina, “I'll go now. Let's play tomorrow, again!” nakangiti nitong saad.

“Ha? Ano daw, ate?” tumingin ang dalawang bata sa Ate nila. “Pft. Maglaro daw ulit kayo bukas.” natatawa nitong ani.

“Let's go.” tumingin ako sa kapatid ko. “Okay! Bye, bye!” paalam niya pa sa mga bata bago kami nagsimulang maglakad papunta sa Mansion. “Mommy, they're so kind.” ani ni Kiana habang naglalakad kami papasok sa main door.

“Ma'am? Cellphone niyo po ba 'to?”

Napatingin ako sa gilid ko ng may biglang magsalita dito. “Kanina pa po kasi may tumatawag.”

Ha?

Nagtatakang kinuha ko ang cellphone ko mula sa kanya. Pinatay ko 'to kanina, di'ba? Bakit may tumatawa pa di—

“Kiana.” sumama ang tingin ko sa kapatid ko. “You're the one who did this?” seryoso kong tanong sa kanya. “I'm sorry, Mommy.” napatungo siya, “I just want to call Dadd—”

vibrate! vibrate!

Shit.

“D-Daddy!”

Nagulat na lang ako ng kuhanin niya ang cellphone ko mula sa kamay ko bago tumakbo ng mabilis papunta sa living area. “K-Kiana!” napasigaw agad ako at napatakbo pasunod sa kanya.

“Daddy! Hello!”

Damn!

“Kiana!”

Bakit ang bilis niyang tumakbo?!

“I missed you, Daddy!”

“Kiana, stop!” sinubukan kong hawakan ang braso niya pero naka-iwas agad siya sa'kin.

“What? Where's Mommy?”

Fuck.

“Kiana! Give me back my cellphone, now!” sigaw ko na talaga sa kapatid ko. Argh. Naiinis na talaga ako.

“Mommy! Daddy wants to talk to you!” sigaw niya sa akin habang patuloy na tumatakbo.

“Give me back my cellphone, Kiana!”

“Only if you will talk to Daddy! I won't give this to you if you're just going to end this call!”

W-What the hell?

“Kiana?” my God! Bakit parang hindi na siya bata kung makapagsalita?

“Wait, Daddy! I'm talking to Mommy.”

The heck. Pati bata dinadamay niya na.

“Give me back my phone, now.” tumigil na ako sa paghabol sa kanya. “Kiana.” sumeryoso na talaga ako.

“What? Are you going to talk to him, now?” inosenteng tanong sa'kin ng kapatid ko.

Napabuntong hininga ako. “Yes.” I lied.

“Yehey!” nakangiting lumapit siya sa akin. “Promise, Mommy?” paninigurado niya pa talaga.

“Yes.” pagsisinuwaling ko ulit.

“Okay!” walang pagdadalwang isip na ibinigay niya sa akin ang cellphone.  Paghawak ko naman dito ay pinatay ko na agad ang tawag.

“Mommy!”

Hindi ko pinansin ang sigaw ng kapatid ko at tinawag na lamang ang Yaya niya na nakatayo lang sa gilid. “Iakyat mo na siya sa kwarto niya.” utos ko dito bago nagsimulang maglakad pa-akyat sa hagdanan.

“Mommy! Why did you do that?!” rinig kong sigaw ng kapatid ko pero hindi ko na siya pinansin pa. Seryosong umakyat na lang ako sa hagdanan hanggang sa makarating na ako sa second floor. Pagdating ko dito ay pumunta na agad ako sa guest room at walang pagdadalawang isip na pumasok dito.

I'm sorry, Kiana.

I don't want to talk to your Daddy, now.

Napabuntong hininga ako.

Not now.

Continue Reading

You'll Also Like

14.8K 176 9
Sa bayan ng laguna ay may isang pinakasikat at pinakamayaman na unibersidad, ang Saint. Velligasly University. Kilala itong paaralan na ito dahil sa...
4.2M 58.6K 73
Si Adrian Jung ang number 1 Campus Heartthrob sa Silva West High. Gwapo? Check! Gentleman? Check! Mabait? Check! Athletic? Check! Bassist ng Banda...
1K 171 15
Λ’Κ°α΅’Κ³α΅— Λ’α΅—α΅’Κ³ΚΈ Paano kung i-crush back ka ng crush mo? Kilig to the bone ba? Pero paano kung malaman ng crush mo na hindi ka pa rin nakakamove on sa ex...