We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.7K 101 5

When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of on... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Forty One

14 1 0
By sooftiec

Mabilis na lumipas ang oras pati na din ang araw. Kung kahapon ay para bang last day na ng Sports Festival, ngayon, last month na ng taon. It's already December. Mahigit isang buwan na din ang nakakalipas since ng mangyari ang hindi pagkakaintindihan namin, at ng Grandpa ni Yuan. May mga araw na gusto nila kaming maka-usap pero palaging tumatanggi ang asawa ko sa kanila. Hindi ko na din masyadong nakikita ang mga magulang ko dahil naging busy talaga kami sa school ngayon dahil malapit na ang Christmas break.

At isa pa, malimit na din manakit ang ulo ko ngayon, ibig sabihin, wala ng nangyayari sa akin na kakaiba kapag pupunta kami sa ibang lugar o makakarinig ako ng mga salita. Para bang wala ng bumabalik na ala-ala sa akin tungkol sa lalaking nagnga-ngalang Yovanni. Wala na akong maalala tungkol sa kanya, pero minsan, nangyayari pa din 'yon, sa hindi inaasahang pagkakataon.

Pinilit kong huwag na lamang pansinin 'yon at itinuon na lang ang attention kay Yuan pati na din sa pag aaral. Sa tingin ko kasi ay mas maganda kung hindi ko na iisipin 'yon para hindi na lang ako malito.

“Oh my God! Malapit na ang Christmas break! I'm so excited!” masiglang sigaw ni Alyana habang naglalakad kami papunta sa canteen. Natuwa din ako dahil sa sinabi niya. Yes, malapit na ang pasko, nakakatuwa naman isipin 'yon.

“Ang taray talaga nito.” tinuro ni Pearl ang nadaanan naming malaking Santa Claus sa gitna ng hallway. Nandoon si Santa na may hawak na malaking basket na may laman na mararaming letter para sa crush nila. Tch. Napailing na lang ako ng maalala ang natanggap ni Yuan ni letter. Halos mag away kami no'n sa bahay dahil talagang binabasa niya ang letter ng mga fans niya sa kanya at basta na lang itinatapon ang papel sa sahig kapag natapos siya. Tuloy, ako ang naglilinis ng lahat ng 'yon.

“Nako, 'te. May letter na naman kay Yuan, oh.” tinuro ni Pearl ang papel kung saan may nakasulat na 'Dear Yuan'. Psh. Napairap na lang ako sa hangin.

“Ano nga pala ang plano niyo sa Christmas break?” tanong sa amin ni Lukas habang naglalakad kami papasok sa canteen. “Kami ata ng fam ko ay pupunta sa Korea.” sagot sa kanya ni Pearl.

“Kami naman, as usual, sa Japan na naman.” nauubusan ng pasensya na sagot ni Alyana.

“Ah.” medyo napaisip ako, “Hindi ko pa alam 'yung sa'min, eh.” sagot ko sa kanila. Totoo naman kasi, hindi pa namin napaguusapan nila Mom ang bagay na 'yan kaya hindi ko alam kung saan kami magdadaos ng Christmas.

“Ikaw, Lukas?” tanong ko sa kanya.

“We're staying here.” nakangiting sagot niya sa akin. Napatango tango na lang ako bago umupo sa upuan.

“Ako na ang o-order ng foods natin guys, 'yon pa din, di'ba?” tanong sa amin ni Lukas. Nakangiting tumango naman kami sa kanya bago nagpasalamat sa kanya.

“Ang bait talaga ni Kuya Lukas.” napapangiting bulong ni Alyana sa amin. “Lagi niya tayong nililibre, aw!”

“Tanga, 'di 'yon libre.” singhal sa kanya ni Pearl, “Nakalimutan mo na ba? Libre ang pagkain sa canteen. Dahil binabayaran na 'yon sa tuition fee natin.” dagdag niya pa.

“Ay, oo nga!” napakamot sa ulo si Alyana.

“Xiantel.”

chup!

Nanlaki agad ang mga mata ko ng maramdaman kong may humalik sa pisngi ko mula sa likod.

“Aaaaaaaah! Sweet!”

“Yuan!” hinampas ko agad ito ng makita ko siya. “Ano'ng ginagawa mo dito?” nakangiti kong tanong sa kanya. Tumabi naman siya sa tabi ko bago ngumiti sa mga kaibigan ko.

“Kakain?” pilosopong sagot niya sa akin.

Sumama ang tingin ko sa kanya.

“Just kidding.” humalik ulit ito sa pisngi ko, “Of course, namiss kita. Bawal ba kitang makita, ha?” nakangiti niyang tanong sa akin.

Psh. “Kamusta ang meeting?” tanong ko sa kanya. Heto na naman ang pakiramdam na para bang siya lamang ang nakikita ko ngayon. Tuwing kasama ko kasi siya pati ang mga kaibigan ko, palagi kong 'di napapansin sila Alyana, Pearl pati na din si Lukas. Nagtampo pa nga sa akin si Pearl noon dahil palagi na daw si Yuan ang kasama ko at hindi na sila, pft.

“Okay lang. May pinag-usapan kami tungkol sa magaganap na Christmas Party sa last day ng pasukan.”

“OMG! May party na naman?!” excited na tanong ni Alyana. Tumango naman sa kanya si Yuan. “Edi sasayaw na naman ang Majesty?” kinikilig na tanong pa nito.

“Sad to say, pero hindi.” sagot sa kanya ni Yuan, “Mga banda daw kasi ang magpe-perform sa Christmas Party ngayon at hindi ang Majesty.”

“Hala, sayang naman.” nalungkot si Alyana sa sinabi ni Yuan. Hmm, oo nga. Sayang naman kung hindi sila sasayaw sa Christmas Party.

“Okay lang 'yon.” ngumiti sa kanya si Yuan.

“Here's the food.”

Napalingon agad kami kay Lukas ng marinig namin ang boses niya. Nakita namin na may hawak siyang dalwang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain na palagi naming ino-order.

“Hoy, um-order ka do'n.” utos ko kay Yuan dahil wala naman siya kanina dito kaya wala din siyang pagkain sa mga in-order ni Lukas.

“Bakit pa? Eh, pwede naman tayong maghati sa pagkain mo.” ngumiti siya sa akin ng matamis.

Psh. Ayan. Nasasanay na siyang parati na nakikihati sa pagkain ko. Eh, paano? Ganyan kami sa bahay minsan.

“Kulang 'to sa'yo kung maghahati tayo.” pang-aasar ko sa kanya.

Napanguso siya, “Sinasabi mo ba na matakaw ako?” nakanguso niyang tanong sa akinmn

Natawa naman ako, “Oo!” pare-parehong sagot namin nila Alyana, Pearl at Lukas sa kanya. Pft. Alam na alam na nila, ah?

“Tch. Hindi 'no!” sigaw niya, “Dali na, share na lang tayo.” kumapit ba siya sa braso ko habang nagpapa-cute.

Tch. “Oo na.” sagot ko sa kanya. Napangiti naman siya sa akin. “Yehey! I love you!”

“Haaaaaaaaaays, 'wag naman dito, oh.”

“Respeto naman diyan.”

“Get a room, guys.”

Natawa na lang kami ni Yuan dahil sa reklamo ng mga kaibigan ko.

“Alam niyo? Para kayong mag asawa.” bigla na lamang sabi ni Pearl sa amin.

“Oo nga! Yung mga kilos niyo, pang asawa na.” segunda naman ni Alyana.

“Pft.” hindi na lang kami sumagot ni Yuan sa kanila dahil tama naman sila. Mag asawa naman talaga kami, hindi nga lang nila alam. Natapos ang pagkain namin ng puno ng tawanan dahil sa kabaliwan ni Alyana isama mo na din si Lukas. Matapos namin kumain ay bumalik na din agad kami sa classroom namin dahil baka ma-late pa kami klase. Patapos na ang last subject na itinuturo sa amin ng mag announce ang isang SSG officer tungkol sa Christmas Party na magaganap sa last day ng pasukan. Marami ang na excite dahil doon, 'yung iba pa nga ay inaasahan ang pagsayaw ulit ng Majesty pero nawala din agad 'yon dahil nalaman nila na mga banda ang magpe-perform sa party at hindi ang Majesty.

Matapos mag announce ng isang SSG officer ay natapos na din ang klase namin kaya uwian time na ngayon. Mabilis na nagpaalam sa akin ang mga kaibigan ko dahil may mga gagawin pa daw sila kaya nakangiting nagpaalam ako sa kanila samantalang ako naman ay nagpunta agad sa parking area kung saan naka-park ang sasakyan ni Yuan.

“Bar? What the hell, Ate? Ano naman gagawin namin sa Bar?”

Pagpasok ko pa lang ng sasakyan ni Yuan ay nakita ko na agad siya na may kausap sa cellphone. “No way, hindi kami sasama sa'yo.”

“Hey.” tawag ko sa kanya, “Is that Ate Yna?” nagtataka kong tanong sa kanya. Tumango naman siya sa akin. “Oh, gusto ka daw makausap.” ibinigay niya sa akin ang hawak na cellphone.

“Sis!” narinig ko agad ang sigaw ni Ate Yna, “A-Ate Yna?” sagot ko. “Bakit po?”

“You know what? Nakakainis 'yang asawa mo! I'm just inviting the both of you na sumama sa akin sa Bar na sinasabi ko sa'yo noon. Naaalala mo pa ba?”

Napatigil ako dahil sa sinabi ni Ate Yna. Shit. Yung Bar. Ang lugar kung saan nakita ni Ate Yna ang Kuya ko.

“Y-Yes, naaalala ko pa po.” tumingin ako kay Yuan.

“Yup! Ayon nga. I just want to invite you guys para naman may kasama akong pumunta ngayon do'n, you know, ang hirap naman mag isa, right?”

“Ah, opo.” sagot ko na lamang.

“So ano? Sasama ba kayo sa'kin? Don't let this slip, Xiantel! Malay mo, makita mo na ang Kuya mo do'n!”

Damn. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ni Ate Yna. She's right. Maaaring makita ko na talaga si Kuya do'n.

“O-Opo.” wala sa sariling sagot ko habang nakatingin kay Yuan, “Sasama po kami sa'yo.”

“Ano ba naman 'yan, hon?! Magpalit ka nga ng damit!” inis na talagang sigaw sa akin ni Yuan habang nakatingin sa suot ko.

“Hey! You're so kill joy talaga! Can't you see? Bagay na bagay kaya kay Xiantel ang suot niya, duh!” maarteng singhal sa kanya ni Ate Yna.

“Anong bagay?” sumama ang tingin ni Yuan sa kanya, “Kita mo ba 'to, Ate? Kita mo ba 'to, ha!” itinuro ni Yuan ang damit ko kung saan kita ang cleavage ko. Shit. Mabilis na tinakpan ko naman ito. What the hell? Kailangan ba talaga ituro niya ang dibdib ko?

“Oo! Kita ko! Oh? What's the problem about her cleavage?” nakataas ang kilay na tanong sa kanya ng kapatid.

“Ate naman! Bakit kita ang cleavage niya diyan, ha?! Pwede naman pumunta sa Bar na hindi ganyan ang suot, di'ba?!”

Okay, he's really mad right now. Tch. Sino ba'ng hindi? Kahit ako naman, ayaw ko din sa suot ko ngayon. Masyado kasi siyang maikli tapos kita pa ang cleavage ko.

“Huwag ka ngang OA, Yuan! 19 years old na naman 'yan si Xiantel! Nasa tamang edad na siya para magsuot ng ganyan!”

“Kahit na! Hindi pa din pwede na ganyan ang suot niya! Bar 'yon, Ate! Maraming lalaki do'n!”

“That's why kasama ka nga, di'ba?! Edi huwag mong hayaan na lumayo 'yang si Xiantel sa'yo, duh!” napairap si Ate Yna.

Geez. Ako na lang ata ang nahihiya sa kanilang dalawa ngayon. Nandito pa din kami sa Boutique Shop, baka nakakalimutan nila.

“Ah, basta! Magpapalit siya ng damit!” wala na akong nagawa ng hilahin ako ni Yuan papunta sa may changing room. “Stay here, ako ang pilili ng damit mo.” seryosong saad niya sa akin bago umalis sa harapan ko.

Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Grabe, napaka-possessive naman no'n, hindi na nagbago.

“Aish! Dapat talaga hindi na lang natin siya sinama!” reklamo ni Ate Yna habang lumalapit sa akin. “Bagay na bagay naman 'yan sa'yo, eh! He's so KJ talaga!” napapaypay na lamang ito sa sarili niya.

“Ah, Ate Yna.” tawag ko sa kanya, “Hindi po ba sa Laguna tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Yes.” tumango siya sa'kin, “Medyo malayo siya dito but don't worry, makakarating tayo do'n mga around seven o'clock.” ngumiti siya sa akin.

“Hon!”

Napalingon agad ako kay Yuan. “Here, ito ang isuot mo.” ipinakita niya sa akin ang hawak niyang longsleeve dress na may haba hanggang tuhod. Napakunot ang noo ko, what the heck?

“Hey!” narinig ko agad ang reklamo ni Ate Yna, “What the hell is that?! Baka nakakalimutan mo na sa Bar tayo pupunta at hindi sa Korea!”

“Wala akong pake sa'yo, Ate.” humarap sa akin si Yuan, “Dali na, isuot mo na 'to.” sumama ang tingin niya sa suot ko ngayon.

“No way! Hindi pwede 'yan!” kinuha ng kapatid niya ang dress na hawak niya. “Ayan na nga lang kasi! You're with us naman, eh! For sure, hindi na makakalapit sa kanya ang mga lalaki do'n!”

Oh sige Ate Yna, ipagpilitan mo pa.

“Ate—”

“No! End of conversation. This one will be her dress for tonight!” tumingin sa akin si Ate Yna, “Let's go!” hinawakan niya ang braso ko at hinila ng mabilis palabas ng Boutique Shop.

“Ate!” narinig ko pang sigaw ni Yuan bago humabol sa amin. Mas binilisan naman ni Ate Yna ang paglalakad hanggang sa makaabot na kami sa parking lot ng Mall.

“He's so OA, you know?” maarteng bulong sa akin ni Ate Yna habang naglalakad kami palapit sa sasakyan ni Yuan. “Nasa tamang edad ka na naman, eh.” bulong niya pa ulit habang sumasakay na kami sa sasakyan. Hindi na lang ako sumagot sa kanya dahil hindi talaga ako komportable sa suot ko ngayon.

“Hon!” pumasok agad sa loob ng sasakyan si Yuan. “Ayoko ng suot mo.” nakangusong saad niya habang nakatingin sa suot ko.

“You don't have any choice, Yuan. Paandarin mo na lang ang sasakyan mo para makarating na agad tayo doon.” sagot sa kanya ni Ate Yna na nakasandal na ngayon sa upuan mo.

“Psh.” tumingin sa akin si Yuan, “Isuot mo mamaya ang jacket ko, oka—”

“Oops. Parang may iniwan ata akong jacket sa bahay niyo kanina? Oh my God! Sa'yo ba 'yon, Yuan? Oh, I'm sorry! My bad!”

Aish. Lagot.

“Ate!” sumama na talaga ang tingin ni Yuan sa kapatid niya, “Why the hell did you do that?!” galit na tanong niya sa kapatid niya.

“What?” tumaas ang kilay ni Ate Yna, “Huwag ka ng magreklamo diyan at paandarin mo na ang sasakyan, dali!” utos niya sa kapatid niya.

“Hindi na ako natutuw—”

“Hon.” hinawakan ko na ang braso ni Yuan, “It's okay. Nandiyan ka naman, di'ba? Hindi mo hahayaan na makalapit sila sa'kin.” ngumiti ako sa kanya.

Doon ko lang naramdaman na kumalma siya. “Tch.” naglabas siya ng isang malakas na buntong hininga. “Huwag ka lalayo sa'kin, ha?” utos niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya habang nakangiti.

“Okay, okay. Enough with that sweet scene of you guys, pwede na ba tayong umalis? I'm so thirsty na, gosh!”

“Psh! Manahimik ka diyan!” singhal ni Yuan sa kapatid niya. Natawa na lang ako dahil sa ginawa niya kay Ate Yna. Pft, para talaga siyang mas matanda sa Ate niya.

“Woah, finally! Umandar na din ang sasakyan!” rinig kong sigaw ni Ate Yna ng sa wakas ay pinaandar na ni Yuan ang sasakyan.

Nakaramdam agad ako ng kakaibang kaba ng magsimula na kaming tahakin ang daan patungo sa Laguna. Shit. This is it. Maaari ko ng makita si Kuya do'n. I hope, tama ang timing namin. Sana, nando'n siya.

Sana...

makita na kita Kuya Tani.

Continue Reading

You'll Also Like

379K 561 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
91.3K 997 25
Paano kung ang matagal na niyang ipinagkakanulo na tao sa buong buhay niya ay na-fall sa kaniya? She's falling and she hates that. He's deeply inlo...
84.3K 1.1K 28
Saina Ariz Palmos, isang babaeng minsang hiniling sana siya nalang ang mahalin ng lalaking mahal niya. Puro sana, sana at walang katapusang sana ang...
16.9K 308 13
Kung 'di namatay ang Mommy ni Juliet Catherina ay hindi siguro siya mahahatak ng half-brother niya papunta sa Sta. Agatha, isang liblib na bayan sa M...