We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.7K 101 5

When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of on... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty One
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Forty

19 1 0
By sooftiec

“Y-Yuan..” pagmulat pa lang ng mga mata ko ay nakita ko na agad si Yuan na naka-upo sa tabi ng kama ko at nakatungo sa kamay ko.

“Y-Yuan.” tinawag ko siya. Nangunot ang noo ko ng makaramdam ako ng pagtulo ng kung anong basa sa kamay ko.

“X-Xiantel.” dahan dahan niyang inangat ang mukha niya. “Y-You're awake.”

Oh, God.

Napa-upo agad ako sa kama ko ng makita ang itsura niya. “Y-Yuan.” hinawakan ko agad ang pisngi niya, “Why are you crying?” nag aalalang tanong ko kanya. Unti unting tinusok ang puso ko ng makita ang luhang pumapatak sa pisngi niya. “H-Hon.” pinunasan ko ang pisngi niya. Shit. Hindi ko kayang makita siya ng ganito.

“H-How are you?” walang tigil sa pag-iyak na tanong niya.

“Why are you crying?” hindi ko pinansin ang tanong niya at tinitigan ang mga mata niya. “Tell me, bakit ka umiiyak?” nagaalala man ay seryoso ko pa din na tanong sa kanya.

“N-Nothing.” ngumiti siya ng pilit sa akin. “A-Akala ko kasi...” napaiwas siya ng tingin.

“Ano?” nagtataka kong tanong.

“W-Wala.” pinunasan niya ang luha sa mga mata niya pati na din sa pisngi, “Kamusta ang pakiramdam mo?” nakangiti ng tanong niya sa akin.

“Yuan.” tumingin ako sa kanya ng seryoso, “Bakit ka umiyak?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Wala 'yon, hon.” ngumiti siya sa akin. “B-Balak ko kasi sanang mag artista, alam mo na? Nag practice lang ako.” pilit siyang tumawa sa akin.

Hindi naman ako natuwa dahil do'n. He's lying again. Nakikita ko na naman ang lungkot sa mga mata niya.

“Yuan—”

“Mahal mo ako, di'ba?”

Napatigil ako sa tanong niya. “May problema ka ba?” hindi ko sinagot ang tanong niya.

“Mahal mo ako, di'ba?” paguulit niya sa tanong niya.

“Yuan.” sumeryoso ako, “Ano'ng problema—”

“Sabihin mo sa'kin na mahal mo ako, Xiantel. S-Sabihin mo.” pagmamaka-awa niya sa akin.

Fuck.

“Yuan.” hinawakan ko ang mukha niya, “Mahal kita. Mahal na mahal kita, alam mo 'yan.” hinaplos ko ang pisngi niya.

“H-Hindi mo ako iiwan, di'ba?” parang bata na tanong niya sa akin.

Kahit nagtataka ay tumango na lang ako sa kanya, “Bakit kita iiwan?” natatawa kong tanong sa kanya, “Wala naman dahilan para iwan kita.” sumeryoso ako, “Tungkol ba 'to sa sinabi ng Grandpa mo?” nangunot ang noo ko.

Hindi naman siya nakasagot sa akin.

“Hon.” hinila ko siya pa-upo sa kama ko. “Hindi ko alam kung bakit sinabi 'yon ng Lolo mo. Ang sabi niya ay gusto kong makipaghiwalay sa'yo noon pero, wala naman akong matandaan na sinabi ko 'yon sa kanya.” seryoso kong saad sa kanya.

“I'm sure nagkakamali lang ang Lolo mo.” dagdag ko, “Oo nga, hindi pa kita mahal noon kasi mga bata pa tayo. Pero ngayon—” ngumiti ako sa kanya, “—mahal na kita. Mahal na mahal.” lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

Akala ko ay sasagot na siya sa sinabi ko pero—hindi. Hindi pa din siya nagsalita. Tahimik lang siya habang yumayakap sa akin pabalik.

“Yuan?” itinulak ko siya ng kaunti, “What's wrong? Bakit hindi ka nagsasalita?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.

“Ano'ng sasabihin ko?” seryoso niyang sagot sa akin.

Eh? Napanguso ako, “Hindi ba dapat may 'I love you too' din ako?” nakangusong tanong ko sa kanya.

Natawa naman siya ng mahina bago ipulupot ang braso sa bewang ko. “Mas gusto ko kasing sagutin ng halik 'yang sinabi mo, eh.”

Natigilan ako, “A-Ano—”

Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang labi niya na lumapat sa labi ko. Hindi pa man bumibilang limang segundo ay sinagot ko na agad ang halik niya. Dahan dahan kong itinaas ang mga braso ko at ipinulupot ito sa leeg niya habang sinasagot ang malalim niya ng halik.

“I love you too, Xiantel.” mahina niyang bulong ng maghiwalay ang labi namin. Napangiti na lang ako bago ilapat muli ang labi ko sa kanya. Naramdaman kong niyakap niya agad ako ng mahigpit ng idiin ko ang labi ko sa kanya.

Shit.

Napapikit ako ng todo ng maramdaman kong inihihiga niya na ako ng dahan dahan sa kama ko. Naramdaman ko agad ang bigat niya ng tuluyan na akong makahiga sa malambot na bed cover ng kama ko. Hindi ko na din napansin ang kamay ko na nasa buhok niya na ngayon, pilit na inilalapit pa lalo ang mukha niya sa akin.

“Fuck.” rinig kong mahinang mura niya ng humiwalay siya sa akin. Pareho kaming naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang labi namin. “I love you.” hinalikan niya ng hinalikan ang labi ko. Napangiti ako.

“I love you more.” nakangiti kong bulong habang nakatingin sa mga mata niya. “H-Hon, ang bigat mo.” medyo nahihiya kong bulong sa kanya.

Natawa naman siya, “Gusto ko dito, Xiantel.” dinampian niya ng halik ang labi ko.

“M-Mabigat ka.” naiilang na talaga na sagot ko sa kanya. Shit. Nasa ibabaw ko lang naman siya, sinong hindi maiilang?

“I know.” napangisi siya, “Dapat masanay ka na, hon. Para hindi na mahirap kapa—”

“Yuan!” mabilis na tinulak ko siya palayo sa akin. “N-Nakakainis ka!” singhal ko sa kanya bago umupo sa kama ko. Argh! Napakamanyak niya!

“What?” natawa siya ng todo. “Mag asawa tayo, Xiantel. Normal lang 'yon, okay?” mas lalo siyang natawa.

“Ang manyak mo!” hinampas ko siya ng unan na nakuha ko, “Umalis nga dito!” tinulak tulak ko siya palayo sa akin.

“A-Anong—hoy! Hindi ako manyak!” sigaw niya sa akin, “Asawa mo ako, Xiantel! Pwede natin gawin 'yon!”

Napataas ang kilay ko, “At talagang ipagpipilitan mo 'yang kamanyakan mo, ha?” inis na tanong ko sa kanya. “Mga bata pa tayo!” inis na hinampas ko ulit siya.

“Ah?” napangiti siya, “So kapag hindi na tayo bata, pwede na natin gawin 'yon?” napangisi siya, “Papayag ka naman pala, e—aray!”

“Labas!” hinampas ko siya ng hinampas ng unan. “Lumabas ka dito! Ngayon na!” galit na sigaw ko sa kanya habang hinahampas siya ng unan. Aaaaaaaargh!

“J-Joke lang naman, hon!” sigaw niya sa akin habang iniiwasan ang hampas ko.

“Lumabas ka na!”

“Ayoko—”

“Isa!”

“Kahit magbilang ka pa hanggang isang daan, hindi ako lalabas di—”

“Dalawa!”

“Hon naman? I'm just jok—”

“Tatlo!”

“Eto na! Eto na!” mabilis na tumayo siya sa kama ko, “Joke lang naman, eh!” nakanguso niyang singhal sa akin.

“Lumabas ka na! Ayokong makita ang mukha mo!” inis na binato ko siya ng unan. “Labas!” sigaw ko sa kanya.

“Oo na!” inis na sinuot nito ang slippers niya at nagsimula ng maglakad papunta sa pinto ng kwarto ko.

Aaaaargh! Salamat naman at paalis na siy—

“Pero hindi nga, hon? Gusto mo din na gawin natin 'yon? Excited ka na ba? Kasi ako o—”

“YUAN RICO!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

“E-Eto na nga, hon! I love you!” mabilis na iniwasan niya ang unan na binato ko sa kanya bago lumabas ng kwarto ko. Paglabas niya ay inis na napadapa na na lang ako sa kama ko at napasigaw ng wala sa sarili.

“Aaaaaaah! Nakakainis siya!”

“Waaah! Last day na ng Sports Fest! Balik pasukan na naman tayo! Huhuhu!”

“Mas maganda nga 'yon. Malapit na din tayo gumraduate.” napangiti si Pearl. Oh, she's right. Malapit na matapos ang taon na 'to, ibig sabihin, malapit na din kami magtapos ng Senior High.

“Hala! Oo nga!” natuwa si Alyana, “Ibig sabihin, malapit na ang Christmas break! Aaaaaah!”

Prt. Doon pa talaga siya natuwa.

“Malapit na din ang birthday ni Xiantel.” napatingin sa akin si Pearl, “January 4, di'ba?” nakangiti niyang tanong sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

“Omg! Exciting!” tili ulit ni Alyana. “By the way, nasaan nga pala ang boyfriend mo?” tanong niya sa akin. Hindi ko kasi kasama ngayon si Yuan.

“Kasama ang ibang SSG officers, may pag uusapan ata sila.” sagot ko sa kanya. “Ah.” tumango tango siya.

“Hi, Miss.”

Napatigil kaming tatlo sa paglalakad ng may bigla na lang humarang sa amin. Ah, yes. Tatlo lang kami ngayon, wala si Lukas, 'di daw siya papasok ngayon dahil susunduin niya ang parents niya sa airport, ngayon na daw kasi ang uwi nila galing business trip.

“Hay nako, ano na naman 'to.” rinig kong reklamo ni Pearl. “Ano? Tatanongin niyo din ba ang pangalan nitong kaibigan namin?” tinuro ako ni Alyana, “Sorry, pero may boyfriend na 'yan.” napairap siya sa hangin.

“Ah.” natawa ang dalawang lalaki sa harap namin, “Gano'n ba?” tumingin sa akin 'yung lalaki, “Kahit pangalan na lang. Pwede ba namin malaman, Miss?” nakangiti niyang tanong sa akin. Hindi naman ako sumagot sa kanya.

“Hindi siya interesado sa inyo, okay? Umalis na nga kayo diyan. Shoo, shoo!” pagtataboy pa ni Alyana sa kanila.

“Nagtatanong lang naman.” natawa ito, “Ikaw na lang, ano'ng pangalan mo?”

Eh? Pare-parehas kaming natigilan ng dahil sa tanong niya kay Alyana. OMG.

“Ano? Tinatanong mo ang pangalan ko?” nakataas pa ang kilay na tanong sa kanya ng kaibigan ko. Pft.

“Oo, hindi mo ba narinig?” mas lalo itong natawa. Oh, may itsura naman pala siya. Gwapo din tapos moreno.

“Wala akong pangalan, sorry.” tumingin sa amin si Alyana. “Tara na girls, baka nagsisimula na ang laban.” hinila niya kami ni Pearl palayo sa dalawang lalaki na kausap namin kanina.

“Oy! Oy! Oy! May nagtanong ng pangalan ni Alyana!” napapasigaw na saad ni Pearl. “Oo nga.” ngumiti din ako.

“Ano ba kayo? Nagtanong lang naman 'yon.” umirap siya sa amin.

“Ay? Choosy ka pa, 'te? Ang gwapo na no'n, ha!” singhal sa kanya ni Pearl.

“Duh! Saang banda? Gusto ko ay 'yung mga mukhaan ng jowa nitong si Xiantel.” tinuro niya ako, “Kung may kapatid lang sana si Yuan, liligawan ko na agad 'yon!”

“Baliw.” pareho naming singhal sa kanya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami ni gym. Pagdating namin dito ay nagsisimula na nga ang laban ng badminton sports.

“Ay, nakakatamad naman.” rinig kong bulong ni Alyana. Ah, yeah. We're not into sports kasi kaya medyo tinatamad kami sa palabas na ito. Pero natutuwa kami minsan manood ng mga basketball, pati na din ng billiards.

“Aaaah! Girls! Nandiyan na daw sila Mario!”

Napatigil ako dahil sa narinig kong 'yon. Shit. Mario. Not again.

“Ah, girls. Lipat tayo ng pwesto?” humarap ako sa mga kaibigan ko. Ayoko kasing maabutan ako ng lalaking 'yon. For sure, may sasabihin na naman siya sa'kin na ikalilito ng isip ko.

“Ha? Bakit? Maayos na dito, Peach.” sagot sa akin ni Pearl.

“Dali na, gusto ko kasi lumipat ng pwesto.” halos nagmamadali na saad ko sa kanya. Shit. Baka maabutan pa kami ng Mario na 'yon.

“Huwag na Xiantel, ang ganda na ng pwesto nati—”

“Xiantel!”

Damn.

Nandito na siya.

“Xiantel!” naramdaman ko agad ang paglapit niya sa amin. “Nakita na naman kita.”

“Eh? Who's that?” rinig kong tanong sa akin ni Alyana. Hindi ko naman siya nasagot dahil napatingin na lang ako kay Mario.

“Ano ba'ng kailangan mo sa'kin?” pinigilan kong magtunog na naiinis sa kanya.

“Aw, harsh mo naman masyado.” natawa siya, “Gusto ko lang kasi sanang magtanong sa'yo.”

“Hindi tayo magkakilala, bakit ka magtatanong sa'kin?” seryoso kong tanong sa kanya.

“Ano ka ba? Kilala nga kita, kilala mo din ako.”

“Hindi kita kilala.” sagot ko sa kanya. “Kaya pwede ba? Huwag mo na akong kausapin.” tumingin ako sa mga kaibigan ko. “Tara n—”

“Galit ka ba talaga sa'kin dahil sa ginawa ko kay Yovanni?”

Mabilis na napatigil ako dahil sa sinabi niya. Damn. Eto na naman siya. Binabanggit niya na naman ang pangalan ng lalaking parati kong naaalala.

“Hindi ko kilala ang sinasabi mo.” seryoso kong sagot sa kanya.

“Bakit hindi?” nangunot ang noo niya, “Ah.” natawa ito ng mahina, “Break na ha kayo?”

“What?” ako naman ang nangunot ang noo, “Ano'ng sinasabi mo diyan?” nagtataka kong tanong.

“Oo nga, Kuya? Ano'ng sinasabi mo kay Xiantel?” tanong naman ni Alyana sa kanya, “Sino si Yovanni? Hindi naman siya ang boyfriend ni Xiantel, ah? Si Yuan ang jowa niya.”

“Yuan? You mean, Yuan Rico?” nagtatakang tanong ni Mario. “Paano nangyari 'yon?”

Damn it. Humarap na ako sa kanya ng seryoso, “Hindi ko alam kung bakit kilala mo ako. Hindi ko din alam kung bakit parang ang kapal ng mukha mong magtanong at kausapin ako ngayon. Yung totoo? Sino ka ba talaga?” hindi na ako nakapagpigil pa ng inis.

“Nasabi ko na sa'yo di'ba? Ako si Mario, ang kaibigan ni Yovanni.”

“Hindi ko kilala ang Yovanni na sinasabi mo at hindi din kita kilala.”

“Nagpapatawa ka ba talaga?” natatawang saad niya, “Paanong hindi mo siya makikilala? Boyfriend mo siya di'ba?”

“Ano?” nagulat ako dahil sa sinabi niya. “Boyfriend ko?” tinuro ko pa ang sarili ko.

“Oo. Boyfriend mo si—”

“Kuya, hindi mo ba narinig ang sinabi ng kaibigan namin? Hindi ka niya kilala. So pwede ba? Tantanan mo na siya. Saka isa pa, si Yuan ang boyfriend niya, hindi ang Yovanni na sinasabi mo.” seryosong ani ni Pearl sa kanya.

“Hays, tara na nga!” hindi na nagsayang pa ng oras si Alyana at hinila niya na kami ni Pearl palayo kay Mario.

“Sino ba 'yon, 'te? Parang ang kapal ng mukha.” tanong ni Alyana sa akin.

“Hindi ko siya kilala.” seryoso kong sagot sa kanya.

“Pero kilala ka niya? Tapos kilala niya din si Yuan? Grabe, nakapagtataka.” bulong naman ni Pearl. Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nagsimula na naman malito ang isipan ko.

Sinabi niya sa akin na boyfriend ko daw si Yovanni.

Boyfriend?

Paano ko naman magiging boyfriend 'yon? Eh, hindi ko naman siya kilala. Saka isa pa, si Yuan na talaga ang kasama ko simula 12 years old pa lang ako, kaya imposible ang sinasabi niya.

Tch. Napailing na lang ako.

Nababaliw na siguro ang Mario na 'yon. Psh.

**

A/N: Votes and Comments are both highly appreciated hehe 🥺🤍

Continue Reading

You'll Also Like

105K 4.7K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
20.2K 1.8K 66
[Completed] Rein just wants a simple life. Being able to work well, able to study in a good school, and most of all It was a happy life with her boyf...
16.9K 308 13
Kung 'di namatay ang Mommy ni Juliet Catherina ay hindi siguro siya mahahatak ng half-brother niya papunta sa Sta. Agatha, isang liblib na bayan sa M...
211K 1.1K 7
Siya si Alexandria Reyes. Ang babaeng walang pahinga. Dakilang raketera ng century. Kung saan pwedeng kumita nandun din ang lola niyo. Sale...