We Must Be Nuptials

By sooftiec

1.7K 101 5

When I started to love my husband, my memories started to reccured in a doubtful way. The blurry vision of on... More

We Must Be Nuptials
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Fifteen
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue
Chimneyaaaa
A Crazy Notes! (LOL)

Chapter Twenty Three

25 1 0
By sooftiec

“Ang pangit mo umiyak, hon.”

Sumama ang tingin ko kay Yuan. “Nahiya naman ako sa'yo.” singhal ko sa kanya.

“Just kidding.” hinalikan niya ang noo ko at mas hinigpitan ang yakap niya sa akin. “Ano? Hindi pa ba tayo matutulog? Inaantok na ako, hon.” humikab siya matapos niyang sabihin 'yon.

“Sige na, matulog ka na.” bumitaw ako ng yakap sa kanya. “Tatapusin ko lang 'tong movie.” tumingin ako sa malaking screen na nasa harap namin.

“Huwag mo ng tapusin 'yan, matulog ka na din.”

“Hindi pa ako inaantok.” sagot ko sa kanya. “Dali na, lumayas ka na dito.” pagtataboy ko sa kanya.

“Aba, ginaganyan mo na 'ko ngayon, ha?” napanguso siya, “Ang sakit.” humawak pa ito sa dibdib niya na para bang nasaktan talaga siya.

“Masakit na 'yon sa'yo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya bago tumawa ng malakas. “Eto naman, joke lang.” yumakap ulit siya sa akin. “Dali na, hon. Sleep na tayo.”

Hays. Napabuntong hininga na lang ako, “Sige na nga, matulog na tayo.” pagsuko ko sa kanya. Medyo nakaramdam na din naman ako ng antok ngayon.

“Tabi tayo?”

“Oo.”

“W-What?” gulat siyang napatingin sa akin. “S-Seryoso ka, hon?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Oo.” sagot ko ulit, “Matutulog lang naman tayo, di'ba?” inosente kong tanong sa kanya.

“O-Oo naman.” napalunok siya, “Matutulog lang tayo.” bulong niya habang napapaiwas ng tingin.

“Tara na.” tumayo na ako sa upuan ko at pinatay ang screen sa harapan ko. Kinuha ko din ang cellphone ko sa gilid bago tumingin sa kanya. “Matulog na tayo.”

“O-Okay!” hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng Movie Room. Paglabas namin ay pumunta agad kami sa kwarto niya. Eh? “Sa kwarto mo tayo matutulog?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Saan pa ba?” binuksan niya ang pinto ng kwarto niya. “Mas malaki ang kama ko sa'yo, hon.” hinila niya ako palapit sa king size bed niya. “Diyan ka lang, I'll just take a half bath.” paalam niya sa akin bago umalis sa harapan ko.

“Paano ako?” tanong ko sa kanya. Gusto ko din kasing maglinis ng sarili ko though, mabango pa din naman ako, hindi pa pinapawisan.

“Gusto mo sumabay?” ngumisi siya sa akin.

Napairap ako, “No thanks.” sumampa na ako sa kama niya at humiga dito. “Matutulog na ako, bahala ka diyan.” kinuha ko ang isang unan sa gilid at niyakap ito. Pagyakap ko dito ay naamoy ko agad ang pabango ni Yuan. Oh, mukhang mahilig din siyang yakapin ang unan na 'to.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong lamunin ng antok. Naramdaman ko na unti-unti na akong hinihila ng antok pero—

Naimulat ko ang mga mata ko ng maaalala ang nangyari kanina. I heard Kuya Tani's voice. Sigurado ako na siya 'yon. Kung noong una ay nagdadalawang beses pa ako kung si Kuya ba talaga ang narinig ko, ngayon, I'm very very sure. It's him. Gano'n talaga ang boses ni Kuya. Gano'n din siya katangkad.

Kung gusto kang makita ng Kuya mo, gagawin niya. Hindi ka niya pahihirapan ng ganito para lang mahanap siya. Nakalimutan mo na ba? Iniwan niya kayo.”

Muling tinusok ang puso ko ng maalala ang sinabi ni Yuan kanina. Tama siya. Iniwan kami ni Kuya. Siya dapat ang nagiisip sa'min ngayon, siya dapat ang gumagawa ng paraan para magkita kami.

Hindi ako.

“Hon, I'm done!”

Napalingon agad ako kay Yuan ng marinig ko ang boses niya. Tch. Matutulog na lahat, ganyan pa din ang energy niya? Yung totoo? Inaantok ba siya?

“Let's sleep!” tumalon siya sa kama at tumabi sa akin. “Hug, hon. Hug!” yumakap agad siya sa akin at siniksik ang ulo sa leeg ko. “Yuan, nakikiliti ako.” reklamo ko sa kanya bago siya itulak ng mahina.

“Hug lang naman, eh.” ngumuso siya sa akin. “Dali na.” niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Pero hindi na 'yung katulad kanina. Nakapulupot na ang isa niyang braso sa bewang ko samantalang magkadikit naman ang pareho naming noo.

“Sing a song for me, Xiantel.” mahina niyang bulong habang nakatitig sa mga mata ko. Naamoy ko pa ang mabango niyang hininga dahil magkalapit ng sobra ang mukha naming dalawa. “What song?” inaantok na tanong ko sa kanya.

“Kahit ano, basta 'yung makakatulog ako.” ngumiti siya ng kaunti.

“Hmm.” pumikit na lang ako bago nagisip ng kanta. Nang maka-isip na ako ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at nagsimula na agad kumanta.

I want to be independent

Not so much of an investment

No one to tell me what to do..”

Binagalan ko ang pagkanta ko habang nakapikit, pilit na dinadamdam ang bawat liriko na lumalabas sa bibig ko.

“I like being by myself

Don't gotta entertain anybody else

No one to answer to..”

Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan si Yuan. Napangiti ako ng makitang nakapikit na siya.

“But sometimes, I just want somebody to hold

Someone to give me the jacket when it's cold

Got that young love even when we're old..”

Nakangiti akong kumanta habang nakatingin kay Yuan. Pakiramdam ko ay napaka-swerte ko ngayon dahil katabi ko matulog ang lalaking pinapangarap ng maraming babae sa school namin.

“Yeah, sometimes, I want someone to grab my hand

Pick me up, pull me close, be my man

I will love you till the end..”

Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko at hinawakan ang kaliwa niyang pisngi, nang mahawakan ko 'yon ay marahan ko itong hinaplos.

So if you're out there, I swear to be good to you

But I'm done lookin' for my future someone..”

Napangiti ako lalo ng maisip ang lyrics na nasa utak ko. Ah. Mas maganda siguro kung papalitan ko ang isang word at gagawin 'tong Yuan.

“'Cause when the time is right

You'll be here, but for now

Dear Yuan, this is your love song

Ooh oh oh..”

Napamulat agad siya ng marinig na pinaltan ko ang lyrics ng kanta.

“Kahit ‘Dear No One’ 'yon?” natatawa niyang tanong sa akin. Natawa din ako, “Akala ko tulog ka na.” bulong ko sa kanya.

“Malapit na sana, eh. Kaso pinaltan mo 'yung lyrics.”

“Tch.” sumimangot ako sa kanya, “Good night na nga.” inis na singhal ko sa kanya bago tumaliko—

“Good night kiss ko muna.”

“H-Ha—”

Hindi na ako nakapagsalita pa ng maramdaman ko na agad ang labi niya sa labi ko.

“Good night, I love you.” hinalikan niya ang noo ko dahilan para mapangiti ako, “I love you, too.” I whispered before closing my eyes and let myself drown by a peaceful sleep.

“Hindi ka namin tatantanan, Xiantel. Sabihin mo sa'min, ano ba talagang relasyon niyo ni Yuan? Bakit magka-holding hands kayo kahapon? Bakit sumakay ka sa sasakyan niya?”

Aish. As expected. Tatanongin na talaga ako ng mga 'to once na pumasok ako.

Hindi naman ako kinakabahan, hindi din natatakot. Simula kasi ng makausap ko ng maayos si Yuan kahapon, may na-realize lang akong isang bagay.

Mahal niya ako.

At kung siya ang tatanongin, kaya niyang ipagsigawan sa lahat ang tungkol sa relasyon namin.

Kaya...

Napatingin ako sa mga kaibigan ko bago ko sinalubong ang mga nagtatanong nilang tingin. “Alyana, Pearl.” tawag ko sa kanila. “Okay.” napangiti ako, “Si Yuan,” tumigil ako ng saglit, “Boyfriend ko siya.” nakangiti kong sabi sa kanila.

“....”

“....”

“Hey?” tanong ko. Bakit hindi sila nagsasalita? “Nagulat ko ba ka—”

“AAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!”

“OH MY GOD! OH MY GOD!”

Nagulat na lang ako ng bigla silang lumapit sa akin at pinaghahampas ang braso ko. “Oh my God, Xiantel! T-Totoo ba ang sinasabi mo, ha?!” hindi makapaniwalang tanong ni Alyana sa akin habang hinahampas ang braso ko.

“Bakit ngayon mo lang sinabi sa'min 'yan, ha?! Matagal na ba kayo?!” tanong naman sa akin ni Peach habang hinahampas ang isa ko pang braso.

“Hey, hey, t-teka lang!” lumayo ako sa kanila dahil nakaramdam na ako ng pananakit sa braso ko, “Isa isang tanong lang, okay?” natatawa kong tanong singhal sa kanila.

“T-Totoo ba, Xiantel? B-Boyfriend mo talaga si Yuan?” hindi pa din makapaniwalang tanong sa akin ni Alyana. Tumango naman ako sa kanya, “Totoo, Alyana. Boyfriend ko si Yuan.” sagot ko sa kanya.

“E-Eh,” napailing siya, “Bakit sinasabi niya lagi na single siya? Pati do'n sa survey natin! Single ang sagot niya!”

“Kasi gusto namin itago ang relasyon namin sa lahat.” seryoso kong sagot sa kanya. Natahimik naman siya at napatitig na lang sa akin.

“Matagal na ba kayo? O bago lang?” napatingin ako kay Pearl. Masyado siyang seryoso habang nagtatanong sa akin. Shit. Ano'ng isasagot ko? Oo, matagal na kaming mag asawa. Pero hindi pa namin mahal ang isa't isa noong bata pa kami. Sa tingin ko, ngayon ko lang siya minahal. Nang tumungtong na ako ng 19 years old.

“B-Bago pa lang.” sagot ko sa kanya. Right. Kung hindi naman kami mag asawa, panigurado bago pa lang kaming magka-relasyon.

“Nako, nako.” napailing si Pearl, “Sigurado ka ba diyan sa Yuan na 'yan, Peach? Baka nakakalimutan mo, gwapo 'yan, lapitin ng babae.” tumingin pa siya kay Alyana habang sinasabi 'yan.

“Mahal niya ako.” 'yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko, “May tiwala din ako sa kanya.” dagdag ko pa bago ngumiti.

“Waaaaaaaah!” naiiyak na tumabi sa akin si Alyana. “Sabi na, eh! Sabi na talaga! Hindi naman talaga mahilig 'yang si Yuan sa babae! Sa'yo lang siya lumalapit ng ganyan!” napanguso siya ng todo, “Nakakainggit ka! Huhuhu!”

“Sorry, Alyana.” seryoso kong bulong sa kanya, “S-Sorry kung ngayon ko lang sinabi sa'yo, sa inyo, ang tungkol dito.” tumingin din ako kay Pearl.

“Aish.” lumapit din sa akin si Pearl at tumabi. “Gets naman namin 'yung point mo.” tumingin siya sa akin, “Kung ako ikaw, for sure, ganyan din ang ginawa ko. Imagine, isang Yuan Rico lang naman ang jowa mo.”

“Oo nga! Ang swerte mo, 'te!” singit ni Alyana. “Nag kiss na ba kayo?”

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. Shit. All of a sudden, bigla na lang siyang nagtanong ng ganyan!

“Hoy, baliw! Ano naman tanong 'yan?” singhal sa kanya ni Pearl.

“E-Eh! Dali na! Ano nga?” lumapit sa akin si Alyana at bumulong sa tenga ko, “Nag kiss na ba kayo?” kinikilig na tanong niya sa akin.

Damn. Ano'ng isasagot ko?

“A-Ah.” napaiwas ako ng tingin, “O—”

“Girls! Nandito lang pala kayo.”

OMG! Thank you, Lukas!

“L-Lukas!” lumapit agad ako sa kanya. “Hinahanap mo kami?” nakangiting tanong ko sa kanya. Grabe. Para na talaga siyang si Superman, palagi niya na lang akong inililigtas sa mga kaibigan ko.

“Yes, may announcement kasi sa field ngayon. Kailangan daw lahat ng estudyante pumunta do'n.” pagbibigay alam niya sa amin.

“Oh.” napatango tango ako, “Tara daw girls, may announcement daw sa field ngayon.” tumingin ako sa mga kaibigan ko.

“Tara na.” hinila ko na agad si Lukas palayo sa mga kaibigan ko. Ah, mabuti na lang talaga at dumating siya!

“Naligtas na naman kita, ah?” natatawang singhal sa akin ni Lukas. “Paano mo nalaman?” gulat na tanong ko sa kanya.

“Pft. Halata naman sa itsura mo.” tinuro niya pa ang mukha ko.

“Tch.” umiwas na lang ako ng mukha. “Ano daw mayro'n sa field?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Ewan ko, may announcement daw, eh. But I doubt it, parang may palaro sila sa field ngayon.” tinuro niya ang field na nasa harapan namin. “Look.”

Oh? Bakit parang may palaro nga sila ngayon?

“Students, let's now gathered up here!” rinig kong malakas na saad ng Dean habang may hawak na mic. Sumunod naman kami sa sinabi niya at mabilis na pumunta sa field.

“Wow? Maglalaro ba tayo ngayon?” rinig kong tanong ni Alyana.

“Good afternoon, my dear students!”

“Good afternoon, Dean!” sabay sabay na bati namin sa Head ng school.

“Alam niyo ba kung ano'ng date ngayon?” malakas na tanong niya sa amin.

“29!” sagot naming lahat sa kanya.

“Accurate! Accurate!” napapapalakpak ito, “At alam niyo ba kung ano ang ipinagdiriwang sa araw na 'to?”

“National Sports Day!”

Oh? Ngayon pala 'yon? Hindi ko alam.

“Tama!” sigaw ng Dean. “At dahil mahal na mahal ko kayo mga students! Ang araw na 'to ay ibibigay ko sa inyo!”

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!”

“AAAAAAAAAAAAH! YES! YES!”

“Nakikita niyo ba ang mga palaro na inihanda namin para sa inyo?!”

“YES! YES! YES! YES!”

“Alright! Students! I am giving you my permission to play all of yout favorite games here in our field! Are y'all students, excited?!”

“YES! AAAAAAAAAAAAHHHHH!”

“Okay! Hindi ko na patatagalin 'to! Let the games, begin!”

“AAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!”

“OMG.” nagulat na lang ako ng may maramdaman akong tubig sa katawan ko. “Pearl!” singhal ko may Pearl ng makita ko siyang may hawak na water gun. “Saan mo nakuha 'yan?” nagtataka kong tanong sa kanya. Tinuro niya naman ang gilid kung saan nandoon ang maraming water gun, mayro'n din doong mga plastic na may laman na makukulay na tubig na sa tingin ko ay hinaluan lang ng water color.

“Aaaah!” napasigaw ulit ako ng mabasa na naman ako. “Lukas!” sigaw ko sa kanya.

“Come on! Let's enjoy the day, Xiantel!” nakangiti niyang sigaw sa akin habang binabasa ang mga kaibigan ko.

Okay.

Mabilis na tumakbo ako sa gilid at kumuha din ng water gun doon. Habang kumukuha ako ay hindi ko maiwasan makaramdam ng saya dahil sa dami ng mga estudyante na panay ang takbo at basaan sa gitna ng field. Grabe. Hindi ko na napansin ang paligid ko. Ngayon ko lang na-realize na lahat pala kami ay mga basa na.

“Ano, Xiantel? Tatayo ka na lang ba diyan?”

“Alyana!” mabilis na sumugod ako sa kanya at binaril din siya ng water gun. Habang ginagawa namin 'yon ay tawa kami ng tawa dahil nakakatawa ang mga reaksyon ng mukha namin.

“AAAAAAAAAAAH! SI YUAN!”

“OHMYGOD! ANG GWAPO NIYA TALAGA!”

“KYAAAAAAAAAAA!”

“OMG! Si Yuan!”

FLAAAAAAAAAAAASH!

Napatigil ako sa pagbaril kay Alyana ng makaramdam ako ng malakas na pagtama ng tubig sa katawan ko.

Aaaargh!

Dahan dahan na humarap ako sa taong bumato sa akin ng plastic na may laman na tubig. Aaaah! May water color 'yon! Panigurado may kulay na ang damit ko ngayon!

“Ano, Miss Yana! Tatayo ka na lang diyan?” nakangising tanong sa akin ni Yuan. Napatigil ako ng makita kung gaano siya ka-gwapo ngayon. Nakasuot siya ng puting t-shirt na may bahid na ng iba't ibang kulay dahil siguro ay marami ng bumato sa kanya. Pero—

What the heck? Bakit napaka-gwapo niya sa paningin ko? Feeling ko ay mas lalo siyang gumwapo dahil sa basa niyang buhok!

FLAAAAAAAAAAAASSH!

“Aaaaah! Yuan!”

Hindi na ako naghintay pa ng oras at tumakbo na agad palapit sa kanya. Tumakbo naman siya palayo sa'kin kaya ang nangyari, hinahabol ko siya ngayon habang panay ang patama ko sa kanya ng water gun. “Lagot ka sa'kin ngayon!” malakas na sigaw ko sa kanya habang hinahabol siya.

“Ang bagal mo naman!” sigaw niya din sa akin pabalik habang binabasa ako ng hawak niyang water gun. “Bilisan mo naman!”

“Aaaaaaah!” sigaw ko ng malakas bago binilisan ang takbo ko para mahabol siya.

“OHMYGOD! LOOK, GUYS! THEY'RE SO SWEET!”

“ANO'NG SWEET DIYAN?! NAKAKAINGGIT KAYA!”

“HALA! BAKIT NIYA HINAHABOL SI YUAN?!”

“WAAAAAAAAH! ANG CUTE NILA!”

“Got you!” malakas na sigaw ko ng maabutan ko siya. Nang mahawakan ko ang braso niya ay binasa ko na agad siya ng hawak kong water gun.

“H-Hey! Xiantel!” malakas na sigaw niya habang pilit na sinasangga ang tubig na tumatama sa mukha niya.

“Sino'ng mabagal ngayon, Mr Ric—aaaaaaaah!” napasigaw ako ng maramdaman ko ang malamig na tubig sa mukha ko. “Yuan! Huwag sa mukha!” sigaw ko sa kanya. Aaah! Nakakainis naman siya, eh!

“What? I can't hear you, Xiantel!” natawa siya. “Yuan!” mabilis na inagaw ko ang water gun sa kamay niya at itinapon 'yon sa gilid.

“Xiantel!” sigaw niya sa akin ng gawin ko 'yon. “Ble!” inilabas ko ang dila ko at nagsimulang tumakbo palayo sa kany—

“Aaaaaah!” napasigaw ako ng mahabol niya ako. Mabilis na yumakap siya sa likuran ko para mapigil ang pagtakbo ko. “Yuan!” natatawa kong sigaw. Waah! Kinikiliti niya ako! “Yuan!”

“Hindi ka makakatakas sa'kin!” sigaw niya sa akin bago agawin ang hawak kong water gun.

Aaaah! No! “Noooooo! Give it back to me!” pinilit kong maka-alis sa yakap niya pero mas lalo niyang hinigpitan ito. “Yuan!”

“No, no, no, no! I'm not going to give it back to y—”

“OHMYGOD! WHAT THE HELL IS THE MEANING OF THIS?!”

.

..

...

....

.....

Pareho kaming napatigil ni Yuan ng marinig namin ang malakas na sigaw na 'yon. Napabitaw pa siya sa pagkakayakap sa akin dahil sa gulat.

“Yuan? Xiantel? Ano'ng ibig sabihin no'n?!” hindi makapaniwalang tanong sa amin ni Marga, isa sa SSG officers.

Shit.

Dahan dahan akong napatingin sa mga estudyanteng nakatingin sa amin ngayon. What the heck? Bakit sila nakatingin sa amin ngayon? Bakit parang biglang tumigil ang lahat sa pagtakbo at pagbabasaan dahil sa'min ni Yuan?

“Yuan? May relasyon ba kayo ni Xiantel?” nanlalaki ang mga mata na tanong sa amin ni Marga.

Nagkatinginan naman kami ni Yuan dahil do'n.

Fuck.

This is it.

Napalunok ako.

“I guess, this is the right time to tell the truth.”

Nagulat ako ng hawakan ni Yuan ang kamay ko.

“Everyone.” tumingin siya sa lahat mga estudyante, “This girl in front of you...” tumingin siya sa akin. Dahan dahan niyang itinaas ang kamay ko na hawak niya at—

—hinalikan niya ito sa harap ng maraming tao.

“... is my girlfriend.”

Continue Reading

You'll Also Like

627K 14.6K 113
I slept. I woke up. I'm married. I'm not happy.
91.3K 968 24
Paano kung ang matagal na niyang ipinagkakanulo na tao sa buong buhay niya ay na-fall sa kaniya? She's falling and she hates that. He's deeply inlo...
4.2M 58.6K 73
Si Adrian Jung ang number 1 Campus Heartthrob sa Silva West High. Gwapo? Check! Gentleman? Check! Mabait? Check! Athletic? Check! Bassist ng Banda...
16.9K 308 13
Kung 'di namatay ang Mommy ni Juliet Catherina ay hindi siguro siya mahahatak ng half-brother niya papunta sa Sta. Agatha, isang liblib na bayan sa M...